6
"Y-You are..."
"Kim Tae-hyung of BTS. You can call me, V."
Tae Hyung... Han-sung... Tae-hyung... V
Paulit-ulit iyan sa utak ni Jasmine.
Dali-dali niyang kinuha ang cellphone. Nanginginig niyang s-in-earch ang BTS Tae-hyung sa Google.
Tila ba hindi pa kumbinsido ay itinapat pa ni Jasmine ang cellphone sa mukha ng kaharap. "Shocks. I'm not dreaming."
Muling tiningnan ng dalaga ang cellphone. Nagbasa pa siya ng ibang articles. "Sikat na sikat pala sila sa buong mundo..." bulong ng dalaga sa sarili.
"Joesonghabnida?" tanong ni Taehyung kay Jasmine.
"Oh, what I mean is, I am not aware that you're a part of a successful boyband. I even barely know what BTS is. I'm really sorry, Taetae..."
"Taetae? You called me Taetae?"
"Ye." Napalabi si Jasmine. Gumuhit ang pag-aalangan sa mukha niya. "Naega neol bulpyeonhage haessna?"
Did I offend you?
Humakbang palapit si Tae Hyung. Ginulo-gulo niya ang buhok ni Jasmine. "That's actually cute. Joh-ayo." I like it.
Biglang nanliit si Jasmine sa sarili. Oo, aware siya noong una palang na Kpop artist ang kasama niya pero hindi niya akalaing hindi lang ito basta-basta. Tinitingala ang lalaki ng mga tao sa buong mundo, hindi lang sa South Korea.
"You have not told me your name yet," saad ni Taehyung.
"Jasmine, Jas, whichever you prefer."
Ngumiti nang malaki si Taehyung. "I prefer to call you Jah."
Jah. Wala pang tumatawag sa akin niyan.
Napangiti nang pailalim si Jasmine sa naisip. "Nice nickname."
•••
"You were supposed to be surrounded by the security right now."
"But I'm here..." Taehyung smiled at her. "I feel free whenever I'm here at the rooftop with you." Itinaas ng lalaki ang dalawang kamay at umikot-ikot. "I'm free!" sigaw niya na nagpaalingawngaw sa paligid.
Napangiti ang dalaga habang tinitingnan niya si Taehyung. Masaya siyang nakikitang masaya ang binata.
•••
Pag-uwi ni Jasmine sa apartment ay hindi siya agad natulog. Pinaglaanan niya ng oras ang pagri-research tungkol sa BTS.
"Sikat pala talaga sila. At nakapag-concert pa sila noong July sa Pilipinas." Ang tinutukoy ni Jasmine ay ang BTS Live on Stage Epilogue in Manila.
Nagbasa-basa ang dalaga ng articles sa internet. Nag-check din siya ng posts sa Facebook. Doon niya napatunayang maraming fans ang nahuhumaling kina Taehyung at Jungkook. Sila kasi ang itinuturing na visuals ng group.
Nagpatuloy siya sa pagri-research. Napatigil siya nang mapadako siya sa picture ng plushie doll na pamilyar na pamilyar sa kaniya.
Si Tata.
Pinindot agad ni Jasmine ang larawan. She was routed to a site that says BT21 Plushie series. Hindi pa ito available for sale. Next year pa ang expected release nito, preferably September 2017.
Pakiramdam tuloy ng dalaga ay napakaespesyal niya. Biruin mong nagkaroon ka ng plushie na hindi pa available sa market?
"So binibigyan na pala ako ni Taehyung ng clue noong ibigay niya sa akin si Tata."
Iniwan niyang nakabukas ang laptop. Gustong-gusto na kasi niyang yakapin nang mahigpit ang plushie toy na bigay ni Taehyung.
Ngayon niya ito mas na-appreciate. Itatabi niya ito nang maayos para hindi maluma agad.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro