12
"Here’s the ticket for us." Napanganga sa gulat ang lahat nang ilapag ni Krizia ang higit sa sampung Gen Ad tickets sa oval table nila sa conference room.
"For real ito, boss?" tanong ni Rayven, isa sa team leaders.
Maganang tumango-tango si Krizia. Mula nang mag-announce ng concert ang BTS e nagladlad na rin ito bilang ARMY.
They've always known her as someone na puro work lang ang alam. BTS lang pala ang magpapalabas ng soft side nito.
Ironically, her bias in BTS is Taehyung, who of course, was directly link to Jasmine in the past.
"I bought SVIP, guys. Kitakits na lang tayo before and after concert. I'll let you guys know kung gaano kapogi si Taehyung in person!" Krizia exclaimed.
Napakaguwapo niya. nais sanang isagot ni Jasmine.
•••
Lalong naging matunog ang pagbabalik ng BTS sa Pilipinas. Mas lalong umingay nang ma-interview si Taehyung. What shocked everyone is that he answered the questions in Filipino... fluently!
"Isang Pilipina na na-meet ko limang taon ang nakaraan ang naging inspirasyon ko sa pagtututo sa inyong salita..." Tumingin si V sa camera. "Jah, matagal na kitang hinahanap. Sana magkita tayo pagdating namin sa Pilipinas."
Umalingawngaw ang huling bahagi ng sinabi ni Taehyung sa mga tainga ni Jasmine. Napaiyak siya. Akala niya, tuluyan na siyang nalimutan ng lalaki. Sino ba naman kasi siya? Wala siyang pangalan. Hindi siya celebrity. Pero nakagugulat na ang ordinaryong tulad niya ay naaalala pa rin ng isa sa pinakasikat na tao sa buong mundo.
Marami ang teorya. Marami ring Pilipina ang lumabas na tinutukoy ni Taehyung bilang Jah. Pero walang matibay na ebidensiya ang lumabas. Puro haka-haka lang.
•••
Dumating ang araw ng concert. Excitement ang nararamdaman ng lahat–liban kay Jasmine na hindi maampat ang kaba sa dibdib. Hindi niya alam kung bakit.
The concert was held in Philippine Arena. Sobrang layo na ng Gen Ad kung tutuusin. Galanggam na ang layo ng stage kung naked eye lang ang gagamitin sa panonood.
Mabuti na lang ay mayroong malaking screen.
"I can't believe that we're breathing the same air again, Taetae."
Gustong maiyak ni Jasmine pero pinipigilan niya ang sarili.
Sa gitna ng concert ay kinausap ng BTS ang crowd.
"So we're going to call ten people upstage..." Hindi na halos maituloy ni RM ang sasabihin. Napuno ng tili at hiyawan ang buong arena.
"Malabo namang mapili tayo. Huwag na tayong makisigaw," ani Bea na katabi ni Jasmine.
"We will base it on your corresponding seat numbers so that everybody inside will have a chance to go here," saad ni Suga.
Halos yumanig ang buong venue dahil sa reaksiyon ng mga tao.
Nagsimula nang magtawag ng seat number ang bawat member ng BTS.
Hindi na umaasa si Jasmine. 1 out of 50,000 chances lang ang mayroon siya. Pero may isang bahagi ng puso niya ang naghuhumiyaw.
Gusto niyang makita nang malapitan si Taehyung.
The seat number that was last announced was unclearly transmitted in Jasmine's ears.
Hindi ako iyon, malabong ako iyon. aniya.
But she was wrong.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro