10
Matapos na makuha ni Jasmine ang urine test na positibo siya sa pagbubuntis ay ini-refer agad siya ng company doctor sa ultrasound.
Pregnancy Uterine, 6 weeks and 3 days by Fetal biometry
Iyan ang lumabas sa resulta ng ultrasound ni Jasmine. Sakto sa bilang ng gabing may nangyari sa kanila ni Taehyung.
She heaved a deep sigh. Reality starts to hit her.
She's bearing the superstar's child!
Hinimas niya ang tiyang hindi pa umuumbok.
Gulong-gulo siya.
Kung ipaaalam niya iyon sa mundo ay masisira ang career ni Taehyung na sinisimulan palang nitong buuhin.
Muli niyang tiningnan ang humpis na tiyan.
Anuman ang mangyari, ipinangangako kong masisilip mo ang kagandahan ng mundo, anak.
•••
She filed an early maternity leave at work. Pinayagan na rin siya tutal hindi rin naman siya maaaring ma-expose sa trabaho. Matapang ang amoy ng kemikal sa warehouse. Maaaring makaapekto iyon sa pagbubuntis niya.
She packed her things. Buo ang desisyon niyang umuwi ng Pilipinas. Doon na niya ipagpapatuloy ang pagbubuntis.
Ilang oras bago ang flight niya ay dumaan muna siya sa old apartment. Sa huling pagkakataon ay pinukulan niya iyon ng tingin.
•••
"Kim Elijah, Kim Maynard, Kim Savannah, Kim Regina, and Kim Beatriz, parito na kayo, kakain na mga apo."
"Yey!" Napapalakpak ang limang magkakapatid nang marinig ang pagtawag ni Nanay Emma. Nag-uunahan ang mga ito papunta sa lamesa. May pagkukusa silang umupo habang hinihintay ang paghahain sa kanila ng kanilang lola.
Pinupukpok na ng mga ito ang lamesa sa kasabikan sa pagkain. Di rin nagtagal ay nahainan na sila ng mashed potato na magana nilang nilantakan.
Sa kalagitnaan ng pagkain ng mga ito ay siyang paglabas naman ni Jasmine sa kuwarto. Nakasuot ito ng formal attire.
"Mama, papasok na po ako. Kayo na po ang bahala sa mga bata." Binesohan niya ang ina. Pagkatapos ay dumukot siya ng ilang lilibuhin sa shoulder bag at inabot iyon kay Aling Emma. "Ma, pang-grocery po. Pakibilhan na rin po ng tig-iisang Kinder Joy ang mga bata. Inyo na ang sukli."
"May natitira ka pa ba riyan, anak? Baka maubusan ka naman, ha. Kabibigay mo lang noong isang araw, eh."
"Huwag n'yo akong intindihin, 'Ma. Ang mahalaga e naaabutan ko naman kayo kahit papaano. E kayo ang nag-aalaga sa mga anak ko, eh." Nginitian niya ang ina. "Uuna na ako, Mama."
Wala nang nagawa si Aling Emma kung hindi ang ihatid ng tanaw ang anak. Sinulyapan muna niya ang perang inabot ni Jasmine sabay isinuksok iyon sa bulsa ng shorts na suot.
•••
Maglilimang taon na rin ang nakaraan nang tuluyan na ngang umuwi sa Pilipinas si Jasmine. Ang inaasahang isang anak na iluluwal ay lumabas na lima pala—quintuplets. Isang pambihirang pagkakataon na maaaring mangyari sa 47,458,321 na pagbubuntis.
Maraming tao ang umusisa kung sino ang ama ng mga anak niya pero ni isa sa kanila'y walang sinagot na tama si Jasmine, maging ang kaniyang ina.
Ang pagtatrabaho sa South Korea ay tuluyan nang tinalikuran niya. Ayaw niyang mapawalay nang matagal sa mga anak kaya mas pinili na lang niyang mag-apply sa Korean Bilingual Call Center sa BGC. Ngayon nga'y team leader na siya rito na kumikita ng anim na digits. Higit na mas malaki kaysa sa kinikita niya bilang factory worker sa SoKor.
Si Kim Taehyung naman ay nakalabas na sa kampo noong November 2018, kasabay ng iba pang miyembro ng BTS. Simula noon ay iba't ibang oportunidad ang inaalok sa kanilang grupo.
Sa kasalukuyan ay pumapalo ang kasikatan ng BTS habang umaani ng kabi-kabilang achievements at awards. Ilang world records na rin ang kanilang nalalampasan.
Si Kim Taehyung naman ay mas naging kilala sa buong mundo lalo pa nang makailang beses siyang tanghaling most handsome face in the world ng independent critics sa iba't ibang parte ng mundo.
Lahat ng iyon ay hindi lingid kay Jasmine. Masaya siya sa lahat ng natatamo ni Taehyung. Sa loob-loob niya'y nagpapasalamat siya sa naging desisyon niyang paglayo alangalang sa career ng ama ng mga anak niya.
Naputol ang paglalakbay ng diwa niya nang tumigil na ang sasakyan sa harap ng kanilang office building.
Kailangan na niyang pumasok.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro