Chapter 20
Chapter 20
Binabakas ni Baba ang palad ni Dulce, habang ang isa niyang kamay ay hawak din nito. Nakasandal siya sa dibdib ng binata, prente sa posisyong iyon. Nasasanay na siya sa init nitong nakalapat sa katawan niya. Sa paglalayo nila ay para bang may kulang na sa kanya at babalik at babalik siay sa dibdib nito.
Gustong-gusto niya ang paghalik nito sa ulo niya, sa pisngi niya. Making love with him came naturally now. Being with him was the most natural thing in the world. And here they were, enjoying this nearness.
"Kuwentuhan mo pa ako, please?" paglalambing niya rito. Parati niya itong nami-miss, sa totoo lang. Nitong nakaraang isang buwan ay parating hindi sila magkasama, maliban sa gabi kung kailan umuuwi ito sa bahay niya. Sinabi nito sa ama nitong tumutuloy ito sa isang hotel.
"Ano ang gusto mong ikuwento ko?" sambit nito, hinagkan siya sa pisngi.
"Kumusta na ang Papa mo?"
"Maayos naman. Ang sabi ng doktor, basta't ma-maintain ang lagay niya, magtutuluy-tuloy na 'yon. Masaya siya. Masaya rin akong masaya siya."
"I told you he's nice." Itinaas niya ang kamay nito sa labi niya upang hagkan. "Are you officially a part of the Cardinal's clan now?"
"Inaayos na namin ang mga papeles pero matatagalan pa 'yon. Kung hindi lang iginigiit ni Papa, ayoko na sanang mag-aksaya sila ng panahon para ayusin ang papeles ko dahil ubra naman ang meron ako. Legal naman 'yon."
"Gusto lang niyang i-acknowledge ka."
"Alam ko." Bumuntong-hininga ito. "Malapit na yatang dumating 'yong DNA test result." Bahagya itong tumawa. "Marami pala talaga ang magrereklamo kung hindi mapapatunayan na anak ako ni Papa, ano? Ang dami kong kapatid. Iyong iba, nakilala ko na. Iyong iba naman daw, sa reunion ko pa makikilala. Hindi ako makapaniwala, Dulce. Bigla, ang dami kong kamag-anak. Ikinukuwento ko nga kay Macario. Nagulat din siya."
"Bakit hindi mo papuntahin dito si Macario?"
"Ayaw iwan ang parlor niya."
"So magsisimula ka na bang magtrabaho sa kompanya?"
Tumawa ito. "Mukha ba akong pupuwede sa opisina?"
Bigla siyang napapihit dito. "At bakit naman hindi? I bet you'd look cute."
Hinaplos nito ang pisngi niya. "Sa tingin mo?"
"Oo naman. Wala ka bang balak?"
Muli itong bumuntong-hininga. "Sa totoo lang, wala. Meron na rin naman akong pinagkukunan. Sa totoo lang, nalulula ako sa ibinibigay nila sa akin. Sa susunod na buwan, ibibigay na raw sa akin ang naipong dibidente. Hindi ko alam kung tatanggapin ko. Parang hindi tama, Dulce. Parang... parang hindi totoo."
"Shut up. Lahat kayo ay hindi mawawalan. Itinayo ang kompanya para sa inyong magkakapatid."
"Kung gusto mo, puwede tayong magpatayo pa ng pabrika ng furniture."
Muli ay napapihit siya rito. "Anong akala mo sa akin, poor?" Umingos siya kahit nag-init ang dibdib niya. "Oh, Baba, you're very sweet. Pero kailan mo ba talaga ako dadalhin sa Cavite? Gusto ko nang makita ang farm mo doon."
"Maliit lang 'yon."
"So what? Sabi mo may silong ang bahay."
"Puwede mong magamit."
Nagsimula silang pag-usapan kung ano ang magiging bagong hitsura ng bahay nito. Sa isip niya ay malinaw niyang nailalarawang-diwa ang bawat bahagi ng bahay. At oo, wala siyang problema kung doon siya tutuloy. Tama ito, maaari niyang magamit ang basement niyon para sa trabaho niya. Ang bahay niya naman sa Tandang Sora ay hindi niya ibebenta. Kailangan din nila ng matutuluyan kapag nasa Maynila sila. Hindi maiiwasang lumuwas dahil naroon ang negosyo niya.
"Can I paint it with any color I want?" paglalambing niya rito.
"Kahit ano." Hinagkan nito ang ulo niya.
"Will you let me reupholster that ugly chair in Santa Fe?"
Bigla itong tumawa. "Hindi mo malimutan ang silya ko. Siya sige. Kahit anong gawin mo doon, walang problema sa akin."
"Will you let me hang photos in the living room?" patuloy niyang paglalambing na parang isang bata. Gusto lang niyang lambingin ang lalaki. She liked to feel so cherished because she cherished Baba. So much.
"Walang problema. Basta't hindi 'yong iginuhit mong nakahubad ako."
Bigla siyang napatawa. "But that's my favorite!"
"Gusto mong makita ng lahat 'yon?"
"Of course not! For my eyes only, Baba! And take that as a warning as well," ingos niya. "Ayoko nang pupuntahan mo si Ramona. She's not your girlfriend, is she?"
"Hindi. Selosa."
Lumabi siya. Nauunawaan niya naman kung sakaling mayroong naging ugnayan ang dalawa. Alam niya kung anong klaseng babae si Ramona. Wala na iyong kaso sa kanya, basta't huwag na lang ulit magkikita ang dalawa. Ang maisip na ibang kamay ang humahaplos kay Baba ay sapat na upang mag-init ang ulo niya.
Mayamaya ay nakatulog na siya sa puwestong iyon. Naalimpungatan siya nang marinig ang pag-vibrate ng cellphone niya na nakapatong sa mesa. Nilingon niya si Baba. Himbing itong natutulog. Puyat ito. Inabot ito ng anong oras sa bahay ng ama bago umuwi sa kanya. Alas-tres na nang maalimpungatan siya sa pagtabi nito sa kanya. Ibinigay na niya rito ang susi ng bahay.
I'm outside your house, iyon ang text message ni Joaquin. Bigla siyang na-tense. Nagbihis siya at lumabas na.
"What a surprise, Joaquin," bulalas niya nang pagbuksan ang lalaki. Minsan pa lang ito nakarating sa bahay niya, nang mag-birthday siya. Kabado siya dahil naroon si Baba. Sana ay huwag itong lumabas. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag kay Joaquin ang lahat. Mas malala dahil baka mabanggit pa nito sa kanyang ina.
God, her parents. Hindi pa niya nababanggit ang lahat ng ito sa dalawa. Sa katunayan, bukod kay Leticia ay wala pa ni isang nakakaalam. She was delaying it. Hangga't kaya niya ay nais niyang patagalin ang lahat ng ito. Maraming maaaring mangyari at ayaw niyang harapin iyon. It was too damned early for that.
"Can I come in?"
Nahiya siya sa lalaki at agad itong pinatuloy. Maingat ang galaw niya. Ipinagtimpla niya ng kape ang lalaki, iyon ang hiningi nito. Sa totoo lang, kung maaari lang ay nais na niya itong paalisin, nahihiya lang siya rito bukod sa wala siyang maisip na alibi.
"I came to personally thank you. Thank you for finding my brother, Sese."
"Wala 'yon. Alam mong wala 'yon. Maliit na bagay kumpara sa ginawa mong tulong sa akin. Kayo ng pamilya mo."
"He's a very mysterious man, my brother."
Tumango siya. Sa kabila ng lahat, may bahagi ni Baba ang hula niya ay mananatiling misteryo sa kanya. Isa iyong bagay na may dulot na pananabik sa kanya. Wala siyang magiging reklamo kung buong buhay niyang tutuklasin ang binata. That would be very exciting.
"I also came because I wanted to ask you out."
Ilang saglit siyang hindi nakapagsalita. Nais niyang sabihin dito na hindi siya interesado ngunit batid niyang hindi sapat ang kakaunting sandali para doon. Nais niyang ipaliwanag nang maayos dito ang lahat. At tensiyunado na siya dahil baka lumabas na sa silid si Baba. Hindi ito ang tipong maghihintay lang sa silid.
"I would really like to, Joaquin, but maybe we can talk about it some other time? May lakad din kasi ako ngayon. In fact, dapat nakaalis na ako."
"Oh. I'm sorry, Sese. Hindi ko alam, naiistorbo pala kita."
"No, it's okay," aniyang tumayo na. "I will call you, okay?"
"Okay. See you."
Hinagkan nito sa pisngi niya sa kauna-unahang pagkakataon at bahagya siyang napapitlag. Kung noon marahil ay magtatalon na siya sa tuwa. Sa katunayan, kung noon marahil ay naghahanda na siya ngayon para sumama rito. Iba na ngayon. Tumalikod na ang lalaki at ihinatid niya ito sa gate, saka nagmamadaling bumalik sa silid. Natutulog pa rin si Baba. Nakahinga siya ng maluwag.
"'BA, BABALIK din ako agad." Ngumiti si Dulce sa lalaki. "May meeting lang kami ni Joaquin. Saglit lang 'yon."
Natural, na-guilty siya sa lalaki. Hindi meeting ang dadaluhan niya, kundi dinner. Ayaw lang niyang mailang ang lalaki sa mismong kapatid nito. Sa hapunang iyon niya sasabihin kay Joaquin na hindi siya maaaring makipag-date dito. Joaquin deserved to know and she guessed she wanted to do this as well. Nais niyang magpaliwanag sa maayos na paraan. Kahit paano ay iniisip din niya ang kanilang relasyon bilang mag-business partner ang ang i-dismiss ang pagtatangka nito nang walang maayos na paliwanag ay hindi rin naman tama.
"Sigurado kang hindi mo gustong ihatid kita?"
"No need. Maiinip ka lang."
Tumango ito. "Sige, hihintayin kita."
Nginitian niya ito, hinagkan ito sa pisngi, at umalis na rin. Habang nagmamaneho ay iniisip niya kung sasabihin din ba niya kay Baba iyon? Marahil. Sa kaswal na paraan.
Nang makarating siya sa restaurant ay wala pa roon si Joaquin. Maaga siya ng kalahating oras dahil parating maaga si Joaquin. Hindi sa pagkakataong iyon. Dumating ito nang eksakto sa oras. Um-order na sila. Hindi siya makatiyempo-tiyempo, lalo na at sinasabi nitong noon pa siya dapat niyaya nitong mag-dinner.
"Can we have dinner agan this weekend, Dulce?" anito habang nagde-desert sila.
"Actually, Joaquin, we can't." Napabuga siya. "I'm seeing someone else."
Halatang nabigla ito, natigilan, saka tumawa. "At ngayon mo lang naisipang sabihin sa akin? Kanina pa ako parang sira-ulong sinasabi sa 'yong dapat noon pa tayo lumabas. You naughty girl." Halatang hindi ito na-offend.
"Sorry. Nahihiya kasi ako sa 'yo, eh. At ang totoo, kung noon mo pa ako niyaya, magtutuloy-tuloy ito. But I met someone."
"I see. Do I know him?"
"No," awtomatikong tugon niya. How she hated herself that moment. Ayaw lang niyang mauna pa itong makaalam kaysa sa mga magulang niya. "Puwede bang 'wag mo munang sabihin kay Nanay? Alam mo naman 'yon, makakaisip agad ng kung ano-ano."
"Of course. I'm happy for you. Cheers."
Para siyang nakahinga nang maluwag. Saglit pa silang nagkuwentuhan at tiniyak nitong wala siyang dapat ipag-alala rito. Naghiwalay na rin sila at umuwi na siya sa bahay niya. Wala roon si Baba. Agad niya itong tinawagan. Hindi nito sinasagot iyon. Kung ano-anong masasamang pangitain ang naisip niya. Nais na niyang tawagan si Joaquin ngunit naisip niyang magtataka ito kung bakit hinahanap niya ang lalaki. Mahigit isang oras siyang palakad-lakad, at muli niyang tinawagan si Baba, desidido nang tawagan si Joaquin sakaling hindi pa rin sumagot ang lalaki. Sa pagkakataong iyon ay sumagot na ito ng simpleng, "Hello."
"Where the hell are you? Alalang-alala na ako sa 'yo! You just left! No note, no text message! Tapos hindi mo sinasagot ang phone mo! Alam mo naman na may nagtatangka sa 'yo. My God, Baba!" Noon lang niya naunawaan na malapit na pala siyang mag-hysteria sa pag-aalala. Ni hindi niya magawang sabihin ang lahat ng takot na nasa puso niya.
"Pasensiya ka na. 'Wag kang, mag-alala, namasyal lang ako kasi naiinip ako kanina sa bahay mo. Nandito ako ngayon sa Roxas Boulevard."
"Ano naman ang ginagawa mo diyan?" Mainit pa rin ang ulo niya. Kung nais nitong mamasyal ay hindi naman siguro magiging malaking pabigat dito kung magsasabi ito.
"Naglalakad-lakad lang. Walang ibang mapuntahan, eh, gabi na. Kumusta ang meeting mo?"
Napabuntong-hininga siya. Natutunaw na ang galit niya. "Ayos lang. Uwi ka na, ha? O nag-e-enjoy ka bang mamasyal diyan mag-isa? O baka naman may kasama ka?"
"Nagseselos ka?"
Hindi niya mabasa ang tono nito at muli niyang naalala na mayroong kakayahang ganoon ang lalaki, isang bagay na nais na niyang kainisan. Why was he very hard to read? "Eh, di meron nga?" aniya.
"Siyempre wala. Ano'ng ginagawa mo ngayon?" Bumuntong-hininga ito, naging banayad na ang tono.
"Hinihintay ka, ano pa?"
"Sige, pauwi na ako."
Napangiti siyang bigla. At mayroon ding mga pagkakataong lalong nabibigyang-diin sa kanya kung bakit sila nakarating sa puntong ito. "Take care, okay?"
Napangiti siya at naghintay sa lalaki. Makalipas ang mahigit isang oras ay dumating na ito, may bitbit na mga pagkain at isang bungkos ng bulaklak. Agad siyang lumapit dito. "For me?"
"Mainit ang ulo mo kanina."
Halos hindi siya makapaniwala na ganoon katindi na agad ang naging pangungulila niya sa lalaki. Siya ang naghain ng dala nito sa coffee table sa sala. Siopao, siomai, buchi, halo-halo. Kumalam bigla ang sikmura niya. "So anong ginawa mo sa Roxas Boulevard?"
"Nagpahangin lang."
Panay ang subo niya ng buchi. Hindi siya mahilig doon pero kakatwang nakatatlo na siya agad at gusto niyang kainin ang para kay Baba.
"Gusto mo pa? Mukhang gutom ka. Hindi ka ba pinakain ni Joaquin?"
"Hindi ako nakakain. Frankly, the smell of the salmon nauseated me saka parang may kabag ako. Kung minsan, may hyper-acidity talaga ako. Kaya ngayon, parang gutom na gutom naman ako. Ikaw? Hindi ka pa rin ba kumakain?"
Umiling ito, may bahagyang ngiti sa labi na hindi umaabot sa mga mata nito. Agad siyang nagtanong, "Is there anything wrong?"
"Wala."
"You look... different."
"Pagod lang siguro. Kain pa ng kain."
Sumige nga siya. Tumigil lang siya nang mapansing halos hindi nito nagalaw ang pagkain nito. Nakiramdam siya. Mayamaya ay umakbay ito sa kanya, saka ibinulong sa tainga niya, "Kailan mo ako ipapakilala sa magulang mo?"
"N-nakilala mo na si Nanay, 'di ba?" aniya, gumapang ang kaba sa dibdib. Can she not delay this any longer? "Nabanggit mo sa akin na nakilala mo na si Nanay since doon siya namamasukan sa inyo."
"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin."
Tumango siya. Of course, she understood. Ang problema lang ay hindi niya alam kung paano sisimulan ang pagsasabi sa kanyang mga magulang. Huli niyang nakausap nang personal ang kanyang ina noong nagtungo siya sa bahay ng mga Cardinal kasama si Baba, ang sumunod ay ang pagtawag sa kanya nito upang ibalitang kasundo raw ng mga Cardinal si Baba:
"Na sa totoo lang, hindi ko maintindihan. Hindi ko alam, anak. Hindi ko kayang ipaliwanag. Merong kung anong katangian itong si Baba na hindi ko mahuli. Para bang... hindi ko kayang ipaliwanag, anak. Sabihin na lang nating ako ay hindi pa kampante sa kanya. Para bang may inililihim. At ano ba ang alam natin kung saan nanggaling 'yan at matagal na hindi naasikaso ng ama. Pero sa pakiwari ko ay malalaman ko rin ang mga detalye isa sa mga araw na darating. Parati namang sinasabi sa amin kung ano. Ikukuwento ko sa 'yo."
Diyos ko. Parang nakikinita na niya kung ano ang magiging reaksiyon ng kanyang ina kapag nalaman nito. At parang nahuhulaan na rin niya kung ano ang sasabihin nito sa kanyang ama sakali man. May takot na nanaig sa puso niya.
"Dulce?" pukaw sa kanya ni Baba.
"Of c-course I will introduce you. Soon. Very soon."
"Kailan?"
"Give me a week, maybe two."
Tumango ito. "Siyanga pala, pupunta akong Cavite bukas. Baka ilang araw ako doon. Alam kong marami kang trabaho kaya hindi na kita yayayain."
Tumango siya. Baka yayain na lang niya ang mga magulang niya na bisitahin siya bahay niya. O marahil siya ang tutungo sa bahay nila sa Linggo. Tuwing araw ng Linggo ay umuuwi ang kanyang ina. Marahil sabay na lang silang uuwing mag-ina. Doon siya magpapahaging sa dalawa. Pahaging o kaya ay sasabihin na niya. Mas masama pa yata kung pahaging lang dahil lalo lang aasa ang mga ito.
"Kapag wala ako, ayokong bubuksan mo ang pinto agad-agad. Dadagdagan ko rin ng kandado ang pinto mo bago ako umalis. Lalagyan ko rin ng CCTV camera sa labas. Maganda ring makikita mo kung sino ang nandoon."
"Babalik ka agad, ha?"
Inilapit siya nito rito saka kinintalan ng halik ang kanyang noo. "Mami-miss mo ba talaga ako, Dulce?"
"Oo naman. Ano bang klaseng tanong 'yan? Kung puwede lang, sasama ako sa 'yo pero gaya ng nasabi mo, marami akong trabaho. Ayoko rin namang istorbohin ka dahil wala ka rin namang ginagawa sa office. Ayokong mainip ka."
"Siya sige. Uuwi ako agad."
She stayed in his arms, happy yet terrified. Sasabihin na niya sa mga magulang niya na may relasyon sila si Baba at paano na kung ayaw ng mga ito sa lalaki? Oo at kailanman ay hindi nakialam ang mga ito pagdating sa ganoong bagay at nais pa nga ng mga itong mag-asawa na siya... ngunit iba si Baba. Iba ang sitwasyon ngayon. Marahil, kung hindi man sang-ayon ang mga magulang niya ay hindi naman tututol ang mga ito. May tiwala ang dalawa sa kanya. Napatunayan na rin siguro niyang kaya niyang dalhin ang sarili niya.
Ayaw lang niyang may agam-agam ang mga ito. Nilingon niya ang binata at kahit paano ay nakahinga nang maluwag. How could her parents not fall in love with him eventually? She did. Kapag nakilala ng mga ito sa Baba ay mauunawaan ng mga ito kung bakit ang binata ang pinili niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro