Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16


Chapter 16

"Naninikip na naman ang dibdib ni Papa," wika ni Joaquin sa ina, si Alba.

Bumuntong-hininga ito, halata ang pagkabagabag sa mukha. "Ang sabi ng mga doktor, maayos naman daw ang kalagayan niya. Sinabi ko na sa kanyang 'wag siyang umalis noong huli pero sumige pa rin!"

"Marami siyang iniisip, 'Ma." Saglit siyang nag-alangan kung ipagpapatuloy ang iba pa niyang sasabihin ngunit sa huli ay naisip niyang tanggap na nito ang sitwasyon. Matagal na panahon na marahil. "Siguro iniisip niya kami, Mama, kaming mga anak niya at iyong mga... nakasama niya sa buhay. Alam mong umalis siya dahil gusto niyang personal na bisitahin si Tita Paula," tukoy niya sa isa sa mga ina ng mga kapatid niya sa ama. Mayroong malubhang karamdaman ang babae at nasa probinsiya ito. Dinalaw ito ng kanyang ama doon.

Muli ay tumango ang kanyang ina. "Dinig ko, malubha raw si Paula. Alam mo naman ang ama mo, ayaw magkuwento sa akin kung tungkol sa mga babae niya. Ano ba talaga ang lagay ni Paula?"

"She's dying, Mama."

Natutop nito ang bibig. Marahil hindi iyon ang aasahang maging reaksiyon ng isang babae patungkol sa "karibal" nito ngunit marahil sanay na ang kanyang ina sa lahat, bagaman nakikita niya rito na minsan ay hindi pa nito tanggap iyon nang buong-buo. "Diyos ko. Eh, paano na ang anak niya? Kunsabagay, may dibidente naman ang lahat ng anak ng ama mo. Ang mga kuya at ate mo ay walang reklamo sa sistemang iyon."

Hindi niya alam kung ano ang iisipin kung minsan dahil may pagkakataong para bang nakaaangat sa lahat ng mga anak ng kanyang ama ang turing ng kanyang ina sa kanya, maging sa lahat ng mga anak na nauna sa kanya. Para ba silang mga espesyal na grupo. At marahil sa isang banda ay totoo iyon. Bago ang kanyang ina ay wala ni isang babaeng sinamahan ang kanyang ama nang matagal, bagaman hindi siya ang naging panganay nitong anak.

Ang kompanyang hawak niya ngayon bilang presidente ay mina-manage niya kasama ang mga nakatatanda niyang kapatid. Ang ilang mga kapatid niyang mas bata sa kanya ay doon din namamasukan, bagaman marami ang piniling magkaroon ng ibang karera, bagaman kabilang ang mga ito sa nabibigyan ng dibidente ng kompanya. Tumatakbo ang kompanya para sa malaki nilang pamilya—lahat ay pantay-pantay pagdating sa dibidente.

He admired his mother. Hindi biro ang tanggapin ang lahat ng anak ng kanyang ama, lalo na iyong mga naging anak nito matapos siyang isilang. Muli, naitanong niya sa kanyang sarili kung dapat bang malaman nito ang tungkol sa isa pang anak ng kanyang ama. Isang anak at isang babaeng naging bahagi ng buhay ng kanyang ama bago pa nito nakilala ang kanyang ina. Habilin ng kanyang ama na huwag na raw sanang makarating sa kanyang ina ang lahat ng iyon hangga't hindi nakikita ang mag-ina nito.

"Papa is looking for his lost son. And the mother of that son," aniya, nakiramdam, hindi nilubayan ang tingin ang mukha ng babae.

Halatang nabigla ito. "At sino ang anak na 'yan? Hindi pa kasama sa listahan?" May bakas ng sarkasmo ang tinig nito at marahil hindi iyon maiaalis dito. Taon-taon nitong nakaraang dekada ay mayroong pagtitipon sa tuwing kaarawan ng kanyang ama. At sa tuwing pagtitipon ay inililista ng mga bisita ang pangalan ng mga ito. Ang mga anak na tulad niya ay inililista rin doon kung sino ang kanilang ina. It was necessary. Hindi man iyon tradisyunal ay kailangang-kailangan. His father insisted on sending birthday and Christmas gifts to every bastard, every bastard's son or daughter, and every bastard's mother. Mahal ng kanyang ama ang lahat ng mga anak at apo nito, sabihin pang napakarami nila. And in his little way, he was grateful to all the women who carried his children.

"No, Mama. He's older than me."

Namutla ang babae. Labis siyang nagtaka. Nagtanong ito. "Ano d-daw ang pangalan ng mag-ina?"

"Dominga at Dante Esperanza."

Hindi ito nakapagsalita, yumuko. Naghintay lang siya. Makalipas ang ilang sandali ay itinaas nito ang mukha. "At sila ang dahilan kung bakit hindi makatulog at makakain ang ama mo? Sa dinami-dami ng anak niya at kabit, ito ang pinakaespesya? Bakit?"

Bumuga siya. "I don't know. Maybe he just wants to know where they are."

"Sinabi ko na noon pa sa kanya, hindi ako mag-aalaga ng bastardo niya. Noon pa. Simula pa lang, nilinaw ko na. Wala na akong magagawa kung may anak siya sa iba pero ang alagaan ang anak niya sa iba? Hindi ko magagawa. Hindi ko makukupkop ang kahit isa sa mga 'yon dahil sobra na. Hindi ko na kaya kapag dumating pa sa ganoong sitwasyon, Joaquin. Of course you understand me, don't you?"

"Of course. But what does that have to do with anything?"

Nanglalaki na sa puntong iyon ang mga mata ng babae, namasa. "C-come." Pumihit ito at tumuloy sa home office nito. Kinuha nito ang isang lumang miscellaneous box sa loob ng nakakandado nitong antigong armoire. Isang sobre ang kinuha nito mula roon at inabot sa kanya.

Nakasulat sa likod ng sobre ang pangalan ng kanyang ama, ang sender ay si Dominga Esperanza. Napatingin siya sa kanyang ina. Wala sa karakter nito ang magtatago ng sulat, lalo nang wala sa karakter nito ang babasahin ang sulat na hindi para rito. Bukas ang sobreng naninilaw, halatang nabasa na ang nakasulat sa loob.

"Read it. Please," udyok nito.

Napilitan siyang tumango dahil parang papaiyak na ang babae.

Dante,

Alam kong hindi nagtapos sa maganda ang huli nating pag-uusap. Hindi naging madali para sa aking tanggapin na nagsinungaling ka nang hindi mo ipaalam na marami ka na palang anak at may babae ka nang kinakasama. Nasaktan ako. Hindi ito ang buhay na pinangarap ko para sa ating dalawa.

Wala na akong balak na magpakita pa sa iyo, kung hindi lang sa talagang hirap na hirap na ako. Gusto ko sanang iwan sa iyo si Dante, kahit na isang taon lang. Mayroon akong mapapasukang trabaho sa Saudi. Wala akong ibang mapag-iiwanan sa bata at delikado ang sitwasyon dito sa Santa Fe. Parating may nagsasagupaang mga rebelde.

Heto ang larawan ni Dante, ang anak mo. Ito lang ang tanging larawan niya.

Umaasa,

Dominga

"Oh, Mama..." sambit niya, halos hindi makapaniwala sa nagawa ng ina.

Umiiyak na ito sa puntong iyon. "Hindi ko alam! Noong panahong 'yon, ipinagbubuntis pa lang kita, Joaquin, at bago sa akin ang sitwasyong pinasok ko. Hindi ko pa tanggap. At ang maisip na aalagaan ko ang batang 'yon? Hindi ko kaya!"

Niyakap niya ito nang mahigpit. "I will tell Papa. He will understand. Dulce will find them."

"Dulce?"

"Siya ang napagkatiwalaan ko, Mama." Ikinuwento niya rito ang unang mga pagtatangka ng kanyang ama na ipahanap ang mag-ina na nauwi sa hindi maganda.

"Well, at least with Dulce you're sure that the job will be done. I trust that girl."

"I do too, 'Ma."

"She likes you."

Nabigla siya sa kaalamang iyon. "You think so?"

"Are you blind, Joaquin? Mula pagkabata ay napansin ko na 'yon. Why don't you ask her out?"

Ask Dulce out? Well, why not? Sa pag-uusap nilang mag-ama ay ilang ulit nitong naitanong sa kanya kung kailan niya ito bibigyan ng apo. Dulce as his wife? Why not indeed?

BAHAGYANG nagulat si Dulce nang marinig ang tunog ng door bell. Napatingin siya kay Baba na sa mga sandaling iyon ay nagluluto ng hapunan. Tumayo siya at nagtungo sa pintuan, habang naglalakad ay nagsisimulang kabahan.

Isa iyong malaking rebelasyon sa kanya. Bakit siya kakabahan?

Ah, oo nga pala. Mayroong isang lalaking hindi pa kilala ng kanyang pamilya sa bahay niya. Sa katunayan, isang linggo nang naroon ang lalaki. At isang linggo na rin siyang hindi umaalis ng bahay kahit nakailang tawag at tanong na sa kanya si Leticia. Ipinaubaya niya pansamantala sa kaibigan at sekretarya ang trabahong batid niyang kaya niyang gawin.

Sumilip siya sa peephole ng gate. Si Leticia ang naroon. Kung bakit parang ayaw niyang buksan ang pinto. Bakit kailangan pa nitong magtungo sa bahay niya? Maaari naman itong tumawag na lang. Ngunit naisip din niyang baka emergency iyon. Ang cellphone niya ay kanina pa naka-silent mode. Nalilimutan niya ang mga ganoong bagay dahil ano nga ba ang mangingibabaw sa isip niya ganoong nasa bahay niya si Baba? She wanted to spend every waking moment with him.

Bumuntong-hininga siya saka binuksan ang pedestrian door. Nakataas ang kilay ni Leticia, nakapamaywang. Pumasok na ito ngunit ihinarang niya ang katawan sa pintuan ng bahay. Hindi pa siya handa, naunawaan niya. Ayaw pa niyang ipakilala si Baba, ayaw pang ibahagi ang lalaki sa iba. Kailanman ay hindi niya naisip na magiging ganoon siya kamasikreto ngunit nais niyang ilihim ang ilang bagay sa buhay niya. It was less complicated that way.

"What is going on?" tanong ng babae. "At least painumin mo ako ng tubig at uhaw na uhaw na ako. I spent two hours in EDSA, for crying out loud!" anito.

"Tisha, I'm actually very busy."

"Doing what exactly? Papasok ako sa bahay mo, sorry, Dulce. I have to know what you've been up to. I'm worried sick! Hindi ka ganyan. Kulang na lang ilipat mo ang opisina dito sa bahay mo para makapag-overtime ka hanggang madaling araw. Ikaw ang tipong walang weekend dahil puro trabaho ang iniisip. At bigla, hindi ka mahagilap. You don't answer your phone, your emails, and now you're refusing to let me in! Are you making bombs now, huh?"

"Calm down, okay?" Natutop niya ang noo. "Hindi ko ba puwedeng hilingin ang privacy ko? Pupunta ako sa opisina bukas. Promise."

"Well, at least tunr on you damn phone, Dulce! Kaya ako nagpunta dito dahil kanina pa ako tumatawag sa phone mo. Guess what? Naputulan ka na ng linya dito sa bahay mo. Are you even aware of that? Did you pay your bills?"

Napangiwi siya. Nalimutan niya iyon. "I will pay tomorrow."

"Kaya ako nandito, kukunin ko ang bill mo para ako na ang mag-asikaso. At ang cellphone mo, hindi mo sinasagot. Kanina pa ako tawag nang tawag! Nagtataka ka pa kung bakit nag-aalala ako sa 'yo?"

"I'm so sorry, Tish." Nakonsensiya siya. Nauunawaan niya ngayon kung bakit sinugod nito ang bahay niya. "Naka-silent ang phone ko, nalimutan ko na—"

"What the hell is that?" agaw nito, nakaturo sa kanyang leeg.

Agad niya iyong nahawakan. Ano ba iyon? Hindi niya alam. "What?"

"Is that a... Oh, God, it is, isn't it?! It's a hickey!"

Parang sinilaban ang buong mukha niya. Hindi niya alam! Hindi pa siya tumitingin sa salamin. "Ano k-ka ba, Tish? Kagat 'yan ng lamok."

"Gaano kalaking lamok? Ganito?" Nagmuwestra ito, animo mayroong hawak na kahon ng sapatos. "Who the hell are you sleeping with?" Bigla itong ngumisi na nauwi sa pagtawa. "My God! You're right! Hindi ako dapat nagpunta dito dahil nakakaistorbo ako. Why didn't you just tell me over the phone? I would've understood. Obviously it's not Joaquin since he called me earlier because he can't contact you. So who is it? Oh, I know, I know! It's that French guy you had a meeting with before you left for Santa Fe! Oh, he's so cute, I have to say. And it looks like you're having so much fun." Tumaas-baba ang kilay nito.

Wala siyang balak kontrahin ang kaibigan nang hindi na ito magtagal. "Kailangan mo ba talagang uminom?" aniya.

"No. No need. I'm going now. But I need all the juicy datails, all right? And call Joaquin!" Humakbang na ito nang bumukas ang pinto at sumilip si Baba.

"Kakain na," nakangiting wika ng lalaki.

Napahinto si Leticia sa paglalakad at tila hindi nito napigilan ang panglalaki ng mga mata nito sa puntong nais niya itong sikuhin. Natural na nakita na nito si Baba, kahit pa nga sa larawan lang. Naipadala na niya iyon dito noong unang dating siya sa Santa Fe. At naaalala niyang kalakip ng larawan ng lalaki ay isang paalala kay Leticia na sakaling may masamang mangyari sa kanya, ang larawang iyon ang hanapin.

Hindi na nakapagtatakang nanglalaki ngayon ang mga mata ng babae.

"Uhm, Baba, this is my friend and secretary, Tisha. Tisha, this is Baba."

"Your...?" ani Leticia at parang nais niya itong sawayin. Why did she have to ask that?

"My very special friend," tugon niya.

Tumango ang babae, nakatingin pa rin kay Baba. "I see."

Nais niyang umalis na ang babae kaya sinabi niya, "It's late and—"

Ngunit sumingit si Baba. "Bakit hindi siya dito maghapunan? Maraming pagkain."

Pasimple niyang pinandilatan ang kaibigan ngunit inignora siya nito. "Eksakto, nagugutom na rin talaga ako. Ano ba ang ulam?"

Tipid na ngumiti si Baba. Marahil hindi rin ito komportable sa pagmamasid dito ng kaibigan niya. "Kare-kare at daing na bangus. Sana kumakain ka noon."

"My favorite," anang babae at nagpatiuna na papasok ng pinto.

Lihim siyang napabuntong-hininga at napilitang ngumiti nang mapansing nakatingin sa kanya si Baba. Nagkibit siya ng balikat. "Medyo madaldal siya."

"May dapat ba akong ipag-alala?"

"Ipag-alala? No. B-bakit naman?" Bakit guilty ang pakiramdam niya? Bakit parang may nagawa siyang kasalanan sa lalaki?

"Mukhang nag-aalala ka."

"Ako? No. Don't be silly." Nagpatiuna na rin siya papasok ng bahay, kabado, tensiyunado. Nakapuwesto na si Leticia sa hapag. Nagsimula na silang kumain.

Mukhang maraming nakahandang tanong para kay Baba si Leticia at inisa-isa na nito iyon: kung taga-saan ang lalaki, kung ano ang trabaho nito, kung saan mula ang pamilya nito. Sumagot si Baba sa maayos na paraan. Ang huli ay sinagot nito ng, "Wala na akong pamilya, maliban kay Macario na inalagaan mula pagkabata."

"Inalagaan mo mula pagkabata? How come?"

She hated her friend at that moment. Alam niyang natural ang kuryosidad nito sa lalaki at marahil sa isang banda ay may responsilidad itong alamin ang mga ganoong bagay dahil sa pag-aalala nito sa kanya. Ngunit lumabis na ito. Nadarama niya iyon at nakikita sa pagpapalit ng ekspresyon ni Baba. Nagbalik ang reaksiyon nito kung saan wala ni isang tao ang maaaring makapag-analisa.

Nagpasya siyang sawayin na ang kaibigan. "Tisha, that's very private—"

Ngunit tumugon kasabay niya si Baba. "Lumaki kami sa bundok, mga miyembro ng rebeldeng grupong lumalaban sa sundalo ng gobyerno."

She wished to heavens he did not just say that. Oh, God, he didn't just say that!

Kaswal na sumubo si Baba, habang si Leticia ay nabitiwan ang kubyertos nito. Natameme ito ng ilang sandali hanggang sa sabihin nito, "Well, I'm glad you entered the government's amnesty program."

Tumugon si Baba. "Hindi. Pero walang problema dahil wala akong record."

Sa puntong iyon, kahit walang reaksiyon ang mukha ni Baba, tiyak niyang pinapainan nito ang kaibigan niya. Nainsulto ito sa gawi ng pagtatanong ni Leticia, tiyak niya. Hindi niya masisi ang lalaki sa isang banda. Leticia was really being very intrusive.

Patuloy ang tanong ni Leticia. "Walang record?"

Tumango si Baba. "Walang record. Sa katunayan, kahit mismong ako ay walang record sa NSO. Walang mga papeles na hindi peke."

"I see." Tila nahihirinan ang ekspresyon ng kaibigan niya. "You must be the perfect rebel. A real rebel. Literally a rebel. A communist?"

Umalsa na ang tinig niya. "Leticia! I think you better leave. Pagod ka na, pagod din kami. It was nice having you though. We'll talk some other time."

Tumayo na si Leticia at ihinatid niya ito hanggang sa pintuan. Lumabas sila at isinara ang pinto. "What is the matter with you?"

"With me?" Nanglalaki ang mga mata nito. "Dulce, noong huli kang magpadala ng picture niya sa akin, sinasabi mong kapag may nangyaring masama sa 'yo, siya ang hanapin ko! Are you out of your mind? He's a rebel! Ilang tao na ba ang napatay niyan?! A rebel with no past and no future! And you're sleeping with him?! Dulce, wake up!"

"Shut up! Just shut up!"

Natigilan ito at natigilan din siya. Bigla siyang napaluha sapagkat pakiramdam niya ay sumaplok sa kanya ang katotohanan na animo isang truck. Ang kasiyahang nadama niya sa nakalipas na ilang araw ay parang lobong tinusok ng aspile. And she hated Leticia for that. Why did she have to be so cruel? Bakit kailangan nitong maging prangka at totoo? Masaya siya. Hindi ba nito nauunawaan iyon?

"I'm so sorry," anang babae na niyakap siya. "Dulce, I'm so sorry. But you're my friend. Ikaw ang best friend ko. Hindi ako papayag na mapahamak ka."

"Alam ko kung ano ang ginagawa ko."

"Fine." Pinakawalan siya nito. "Fine. If you say so, okay. This is a phase. You'll get over it. Remember when I slept with that guy I met in my dentist's clinic? I went crazy over him. It was perfect... until I had to face the fact that he's married."

Bigla siyang napasinghap. Noon lang nito sinabi iyon sa kanya. "No, you didn't!"

"Oh, yes I did. I'm not proud of it. So you see, I understand you. At kung maaari lang, gisingin na kita ngayon din pero imposible 'yon. You're still happy. When that subsides—and let me tell that it will—you will understand. Oh, Dulce..." Tinapik nito ang kanyang pisngi at tumalikod na.

She suddenly felt like a lost puppy. Tama ba ang kaibigan niya? Na magigising din siya sa lahat ng iyon? Bakit parang napakasama naman ng nagawa niya? Baba was a good man. Marahil hindi sa tradisyunal na paraan, pero mabuti itong tao. Mabait ito, maalaga, malambing. Ah, hindi na niya alam. Hiling lang niya ay yakapin siya ng lalaki at sabihin sa kanyang magiging maayos din ang lahat. Ngunit nang lumabas ito sa pinto, ang unang naibulalas niya ay isang tanong:

"Bakit kailangan mong sabihin sa kanya ang lahat ng 'yon, Baba? Bakit?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro