Chapter 11
Chapter 11
"Kung wala kang makuhang lead, umuwi ka na, Dulce. I'll find someone else to look for them."
Isang bahagi ng isip ni Dulce ang sumasang-ayon sa suhestiyon ni Joaquin, ngunit isang bahagi ang nais manatili sa Santa Fe, tapusin ang trabaho. "Joaquin, ito lang ang magagawa ko para sa pamilya mo, sa Papa mo. Malaki ang utang-na-loob ko sa kanya. I'm this close to finding them. But I really do need a little help. Mas maganda siguro kung makakakuha ka ng image nila. Kahit ni Dominga lang. Tisha can draw well. I can send her over. She'd be better than any cartographer. And maybe she can digitally enhance the image."
"Maybe that can work."
"O kaya baka mayroong hindi nasabi sa 'yo ang Papa mo. Baka may nabanggit si Dominga na pangalan ng kamag-anak niya rito. Kung matagal nang nakatira ang kamag-anak niyang pinuntahan dito, malamang na may record 'yon."
"I will ask him further. Thank you for doing this, Dulce. Thank you very much. You are a gem."
Napangiti siya. "Anything for you and your family."
Muli itong nagpasalamat at nagpaalam na rin. Nagbilin siya kay Tisha tungkol doon, maging sa mga trabaho niyang nakabinbin. Ipinaalala ng babae ang bagong mga disenyong kailangan niyang ipadala rito para i-forward sa factory nila. Sa ngayon, kailangan muna niyang itigil ang paghahanap kay Dominga dahil sadyang naubos na ang clue niya. Wala nang katandaang nakakaalala rito dahil lilima na lang ang mga iyon at dalawa pa ay ulyanin na.
Kinuha niya ang sketchbook niya at pumuwesto sa sala. Naroon si Baba, nakaupo sa grandfather's chair nito, nakataas ang paa sa katerno niyong ottoman, nakalagay ang mga kamay sa likod ng ulo. Nanonood ito ng telebisyon kahit napakahina ng volume na hindi niya alam kung naririnig pa nito iyon. He looked so cute watching a cooking show. Mukhang tutok na tutok ito doon at pamanaka-naka ay tumatango.
Napapangiti siya. Nagsimula siyang lagyan ng detalye ang mga sketch niya—mula sa sukat hanggang sa fabric selection, kulay, at finish ng mga iyon. Gayunman, maya't maya ay napapatingin siya kay Baba na sa huli ay nagbukas siya ng bagong pahina sa sketchbook at nagsimulang iguhit ang lalaki. Mabibili sna sketch ang ginawa niya at bago matapos ang pinapanood nito ay nakabuo na siya ng lima.
Nilingon siya nito at agad siyang nagpatay-malisya. Tumayo ito. "Mamaya may darating na kukuha ng baka. Baka magalit ka na naman kapag hindi mo ako abot-kamay. Ipapastol ko na muna ang mga 'yon."
"Iba naman siyempre kung nandito ka lang sa farm. Pero sasama ako."
"Akala ko ba may trabaho ka?"
"Naiinip din ako dito."
Hindi iyon totoo. Kapag hawak niya ang sketchpad niya at ganoong may deadline siya, kaya niyang magtrabaho nang tuluy-tuloy at madalas pa niyang malimutan ang kumain man lang. Ngunit nais niyang makita ang kabuuan ng farm. Hindi pa siya naipapasyal ng lalaki doon. Basta't ang sabi nito, sa ngayon ay hindi muna ito nagpatanim. Katatapos lang ng anihan. Mayroon itong alagang mga baka. Free range ang mga iyon, hindi kailangang alagaang maigi, bagaman araw-araw ay saglit na pinupuntahan nito.
Niyaya na siya ng lalaki. Sa halip na magmotor ay kumuha ito ng kabayo mula sa stable. Dalawa lang ang lamang kabayo roon.
"Hindi ako marunong mangabayo," aniya.
Nilagyan nito ng siya ang isang kabayo, saka siya inalalayang sumakay doon. Akala niya ay sasakay din ito ngunit sa halip ay hinila nito ang renda. Lumabas na sila sa stable. Itinuro niya rito ang kamalig. "Walang laman 'yan ngayon?" tanong niya.
"Mayroon, panggamit lang dito."
"Kailan ka magpapatanim ulit?"
"Kailan ka ba aalis?"
Biglang nag-init ang kanyang mukha. Ano bang malay niyang siya ang dahilan kung bakit hindi pa ito nagpapatanim? Tinandaan niya iyon. Isasama niya iyon sa kuwenta ng bayad niya rito. Gayunman ay hindi siya pumayag na masisi para doon. "Puwede ka namang magpatanim kahit nandito ako, ah?"
"Saglit lang akong nawala kahapon, galit na galit ka na. Kapag nagpatanim ako, maghapon akong wala. Isa pa, uunahin na muna kita. Mahirap na nahahati ang trabaho."
"Wala kang tauhang regular?"
"Wala. Hindi ko kailangan. Maliit lang ang lupang ito."
Bakit ka nagbalik dito sa Santa Fe? Ano ang natapos mong kurso? Ano ang pangarap mo sa buhay? Hanggang kailan ka magtatagal dito? Iyon nga ba ang plano mo? Nais niya itong tuklasin ngunit batid niyang hindi nito nais na magpatuklas.
"Alam mo, puwedeng maging malaking negosyo ito," aniya. Nagkibit ito ng balikat. Hindi siya makuntento sa ganoong tugon nito. Patuloy nitong hinila ang renda ng kabayo, bagaman halatang wala itong pagmamadali. "Wala ka bang balak gawin itong malaking farm? Like the farms in Bukidnon or Davao?"
"Hindi ko alam kung ito ang tamang lugar para sa ganyang mga bagay."
"Ano'ng ibig mong sabihin? Kung ganoon, bakit ka dito bumili ng lupa?"
Nilingon siya nito, nakakunot ang noo. Hinawi nito ang hanggang balikat na buhok. He took her breath away. Ang puso niya ay biglang sumasal, sa sikmura niya ay parang mayroong mga paruparong nagliparan. Sinaway niya ang sarili niya. Sumusobra na yata siya.
"Sigurado ka bang gumagawa ka ng muwebles at hindi ka reporter?" tanong nito, may ngiti sa labi. Oh, God, his smile was warming up her heart. Ang laki ng naging pagbabago ng mukha nito sa natural na ngiting iyon. Bahagyang numipis ang mga mata nito, nagkaroon ng ilang guhit sa gilid. He looked... kind. And he probably was.
Right. A kind hired gun. Right.
Inignora niya ang sarkasmo ng isip niya. "Masama bang magtanong? I am and will always be a student of human nature."
"Ganoon ba? Ano ang tingin mo sa akin, kung ganoon?" Hindi nawawala ang pagkakangiti nito. At patuloy sa pag-iinit ang dibdib niya. Para bang nais niyang huwag nang matapos ang magandang andar ng usapan nila, sa gayon ay hindi na lubayan ng ngiti ang guwapo nitong mukha.
Para bang lalo na itong nagiging guwapo sa pagtakbo ng mga sandali. He possessed one of those faces with gorgeous features that refused to stop being gorgeous. If anything, his features only become more pronounced overtime, more breathtaking. May mga taong sa unang tingin ay napakaguwapo ngunit sa paglaon ay nakakasawa nang tingnan. Habang ang lalaking ito na hindi nagkulang sa biyaya ng kagandahang lalaki ay tila mas masarap pagmasdan, animo isang palaisipan na sa pag-andar ng sandali ay mayroon at mayroong natutuklasang bago.
"Let's see... Tahimik kang tao, ibig-sabihin marami kang sikreto. Madalang kang ngumiti na ang ibig-sabihin... corny ka."
Hindi niya inaasahan ang bigla nitong paghalakhak. Her mind captured the beauty of his laughter. The sound of it will linger in her head and it would be beautiful all the time. Noon lamang niya nadama ang ganoon katinding pagnanais na marinig ang tinig ng isang tao. Ayaw niyang tumigil ito sa pagsasalita, kahit napakatipid niyon. Para iyong paghamon sa kanya, na ang mismong gantipala ay ang tinig nito. Was that weird?
"Ano pa?" tanong nito.
"Hmmm... ano pa nga ba? Mag-isa ka lang sa bahay na ang ibig-sabihin ay... may posibilidad na malapit ka nang mabaliw."
Malawak ang pagkakangiti nito. "Puwede."
"Will you please speak some more? Alam mo ba kung gaano kahirap mag-imbento ng sasabihin ko sa 'yo? Nauubusan na ako ng topic dahil in the first place, hindi ko alam kung anong topic ang type mo."
"Bakit gusto mo akong kausapin?"
"Dahil ayokong mapanis ang laway ko."
"Eh, di hahalikan na lang kita."
Natameme siya, nag-init ang mukha. But she was enjoying this! And she can't allow herself to enjoy this. Babalikan niya tiyak ang panahon na iyon kapag wala na siya sa Santa Fe, at kapag nangyari iyon, malaki ang posibilidad na maisip niyang masyado siyang naging malandi. What if she let the floozy in her take over? She would regret it for the rest of her life.
Because her inner floozy was the queen of slutdom—enjoying the sensual kiss of a stranger, asking for more, urging her to touch him in places she would never normally even think about. Noon lang niya naisip ang mga ganoong bahagi—noong kailangan niyang iguhit ng nude ang modelo sa klase niya. Ni hindi niya kilala ang bahaging iyon ng pagkatao niya bago siya magtungo sa Santa Fe. At nang lumantad iyon ay tila ba iwinagayway niyon ang isang pulang bandera at sinabi, "Hello, bago ko malimutan, gusto kong ipaalala sa 'yo na malandi ka rin."
But a part of her was telling her she should give in. Tukso. Marami ang nasisirang tao o relasyon dahil doon. How the hell was she supposed to know it would also come to her and make itself impossible to ignore?
"A-ayoko ng ganyang usapan, Baba."
"Ano ang gusto mong pag-usapan, kung ganoon?"
"Itong farm mo nga. Sabi mo hindi ito ang tamang lugar para sa isang malaking farm so ang tanong ko, bakit ka dito bumili ng lupa."
"May mga bagay akong kailangang gawin sa Santa Fe."
"Tulad ng?"
"Tulad ng mga bagay na hindi mo na kailangang malaman." Inabot nito ang kamay sa kanya, inalalayan siyang makababa sa kabayo. Natatanawan na niya ang mga baka. May dalawampu ang mga iyon, malayang kumakain ang iba sa damuhan, habang ang iba naman ay nakababad sa isang mababaw na sapa sa 'di kalayuan. Mayroong mababang fence na marahil ay sadyang para sa mga baka. Mayroong pathway sa tabi niyon. Marahil doon dadaan ang truck na kukuha sa mga baka.
Napakasimple ng lugar na iyon na lalo na iyong gumanda sa paningin niya. Naaalala niya ang mga tag-araw noong bata siya na nasa piling siya ng lola niya sa probinsiya. Sariwa at malamig ang simoy ng hangin kahit mataas ang sikat ng araw. Pinastol ni Baba ang mga baka papasok sa mababang bakod, habang siya ay pumuwesto sa sanga ng isang punong mangga.
Hitik sa bunga ang puno. Pumitas siya ng isa at nang makitang nakatingin sa kanya si Baba ay itinaas niya iyon dito, nakangiti. "Gusto mo, 'Ba?"
Sinuklian nito ng ngiti ang ngiti niya. Hayun na naman ang mga paruparo sa tiyan niya. Lintik na mga paruparo. "Sige. Hintayin mo ako."
"Bilis, bilis!"
Muli, tumawa ang lalaki. Buong-buo na ang araw niya. She wondered if he found her cute. Ano kaya ang impresyon nito sa kanya? Maybe at first he thought she was nothing but a bitch, how about now?
Nang maitali nito ang huling baka ay agad itong nagtungo sa kanya, malalaki ang hakbang, nakangiti. They could be sweethearts with the way they were acting. And that made her feel... wonderful. Nais niyang haplusin ang pisngi nito ngunit pinigilan niya ang sarili niya. Baka OA na iyon. Baka para lang iyon sa mga magsing-irog.
But dammit, right at that moment, she wanted to be his sweetheart. Para siyang nagbalik sa pagiging teenager na kinikilig sa isang cute na kaklase at nais maging apple of the eye nito. Ngunit ibang-iba ito sa paraang higit na matindi ang atraksiyon. At isa itong bagay na bawal. To hell with it, they were not kissing this time, or feeling each other up. Kakain lang sila ng mangga. Makakasama lang iyon sa kanya kung iipitin niya ang mangga sa pagitan ng dibdib niya para abutin nito! OA na siya masyado.
"Here," aniya, inabot dito ang mangga sa pamamagitan ng kanyang kamay.
Kinuha ng lalaki ang isang balisong mula sa bulsa nito. "Matamis ito. Amuyin mo." Itinapat nito ang ibabaw ng mangga sa kanyang ilong. Parang matamis naman ang amoy niyon kahit manibalang, ngunit mas matamis pa rin ang mga labi nito. Naitanong niya sa sarili kung nagkaroon na kaya ng seryosong nobya ang lalaki. Iyong tipong tipikal na nobya ng isang lalaki na kaunti na lang ay dadalhin na nito sa altar. Anong klaseng nobyo kaya ang lalaki. Malambing? Isa lang ang tiyak niya. Kung ito ang nobyo niya, siguro, pakiramdam niya ay parati siyang ligtas at maalagaan.
Na sakali mang pagod na siya sa maghapong trabaho, may lakas pa rin ito para ihatid siya pauwi, tiyaking nasa maayos siyang kalagayan bago ito magretiro. Kapag dumating ang oras ng peligro, makakaasa siyang anu't anuman ang mangyari ay alam nito kung ano ang gagawin at mapapanatag siyang ipagkatiwala rito ang lahat. She guessed with him, she can let go of control. Isa iyong bagay na hindi niya inakalang mailalarawang-diwa niyang isusuko niya sa ibang tao. Control freak na kung control freak pero umandar ang buhay niya at nakarating siya sa itaas nang dahil doon. Dahil gusto niyang kontrolado niya ang lahat at nagagawa niyang maayos ang mundo niya dahil doon.
"Nakatitig ka na naman sa akin," tila aliw na aliw na sambit ng binata. "Baka mamaya hindi ko na naman maawat ang sarili ko."
"Nahihirapan ka bang awatin ang sarili mo?" awtomatikong balik niya na nakapagdulot ng pag-iinit sa kanyang mukha.
"Pagdating sa 'yo, oo."
"Tsk. Bolero."
"Hindi mo ba alam kung gaano ka kaganda?"
Hindi. Sabihin mo nga sa akin, nais niyang sabihin ngunit napigilan niya ang sarili niya. Ngayon, alam na niya kung ano ang tingin nito sa kanya. Anumang pigil niya ay hindi niya maalis ang kanyang ngiti. Naupo ito sa tabi niya, inabot sa kanya ang mangga na agad niyang kinagat—pa-cute, siyempre.
At naduling siya at nanglaki ang butas ng ilong sa tindi ng asim!
Ang lakas ng tawa ng loko!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro