Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Where's that Candle?


Karl POV

Time check: 8:45 pm.

Periodical exam bukas at may dalawang subject pa akong kailangang i-review. Chem at Gen Math. Bakit kaya pinagsabay pa ang dalawang yun? Yung mahirap pa talaga tapos sa sched pa ng first day.

Iba pa yung mga activities at projects na hinihingi sa amin sa Physics at ICT. Minsan naiisip ko tuloy kong tama bang desisyon na STEM ang kinuha ko sa sernior high.

5AM ako nagigising araw-araw. Natutulog ng 10PM. Dapat ngayon nag-re-review na ako. Pero wala ako sa kwarto ko ngayon. 

Nandito ako naglalakad sa loob ng public cemetery. Flashlight lang ng phone ang gamit ko at bakit kaya walang lightpost sa sa sementeryong ito? 

Sino nga naman kasing dadalaw sa sementeryo ng gabi? Pero wala eh. No choice ako. Naputulan kami ng kuryente kanina.

Hindi pala nakapagbayad ng kuryente si Mama. Ilang buwan na rin pala. Teacher si Mama sa pinapasukan kong private school dito sa Tanza. 

Kaso ilang araw din siyang absent. Sumama sa rally ng mga teachers. Humihingi na taasan ng sweldo. Among other things kasi hindi lang yun yung dahilan kung bakit sila nag-ra-rally.

Nalaman ng school. Tinanggal si mama. Wala daw aktibista sa catholic school. Kahit na matagal na naman siya doon, wala naman silang sinasabi. 

Kaya nga lang, nagkataong si mama ang na-interview ng reporter sa TV. Kitang-kita ang school uniform niya at ID Lace namin. 

Nilagay pa sa balita kung saang school siya nagtuturo. Baka nakita ng mga magulang. Tumawag sa school at baka sinabi nilang ayaw nila ng teacher na rekalamador sa kalsada. Bad influence daw.

Kaya ayun. Natanggal si Mam Sheri Dakila. 

Pwede naman kasi siyang hindi tanggalin kung mangangako lang siyang hindi na ulit sasama sa mga ganun kaso talagang pinangatawanan niya ang apelyido niya. Ang tsismis pa nga daw, kasama ako sa maaalis sa school. 

Kasi nga naman, scholar ako at nasa school dahil kay Mam Dakila. Hindi pumayag si mama, sinabi niyang, siya na lang ang aalis at wag na akong idamay.

Time check: 8:50pm

Hindi ko pa rin mahanap ang puntod ni lola. Tagal ko na rin kasing hindi nakakadalaw sa kanya. Simple lang naman ang objective ko ngayong gabi, maghanap ng kandila. Palaging sinasabi ni mama, "Better to light a candle than to curse the darkness."

Hindi ko pwedeng asahan ang flashlight ng phone ko dahil madali na itong malobat. Naisip ko na ring pumunta kanila Abigail sa totoo lang.

 Ang bestfriend ko. Pero anong oras na rin kasi. Nakakatakot pa naman ang tatay niya.

Madalas dumalaw si mama sa puntod ni lola. 

Parati din siyang nagsisindi ng kandila. Lagi rin naman akong niyayaya ni mama pero ang sinasabi ko. Next time na.

Brownout sa bahay. Hindi ko alam hanggang kailan kami ganito. Si mama, wala sa bahay, malamang nasa meeting siya ng org nila. Wala akong mahagilap na barya sa bahay.

"Better to light a candle than to curse the darkness."

Hihiram muna ako ng kandila kay lola. Maiintindihan niya naman siguro kasi para sa pag-aaral ko ito. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro