What Date is Today?
POV Fairy
"No. You can't leave me here."
Ayaw niya akong isama sa school. Pero ano namang gagawin ko dito di ba? I have this once in a lifetime chance to see the world again. Tapos magkukulong ako dito sa kwarto?
"Pero, paano ka makakapag-sight seeing kung nasa bag lang naman kita? Isa pa, hindi naman ata pwedeng naglalakad ako nang may dala-dalang kandila. Ano, prusisyon lang?" Tapos na nga pala siyang mag-review kaya nakikipag-usap na siya. Samantalang kanina, hindi man lang maistorbo.
"Hey. You don't really have to hold me out in the open. You just put me inside your bag and it will be fine."
"Ngek. Susunugin mo ba mga gamit ko? Puro papel pa naman laman ng bag ko."
Onga no. Minsan shunga din ako eh no? Pero I just can't! Kaya I mustered all the thinking powers na kaya ng mga natitirang brain cells ko thinking that my new state had given me super intelligence.
Actually, pumipikit-pikit na rin siya pero hindi ko siya hahayaang matulog nang hindi ko siya nakukumbinsing isama ako kahit saan siya magpunta! And then I saw his bag na parang may tumbler sa gilid.
"Check mo nga kung kasya yung kandila diyan sa tumbler mo."
He stood up right away, took the tumbler out of the side of the bag then went straight to me in all one fluid motion. Para na lang siyang robot following a series of command. Then, he lifted me. And I took a closer look at him, my light illuminating the dark corners of his face.
He seems like a, uhm, very sturdy boy. A man boy. Pogi si kuya without him realizing it. May boy charm siya ha. He reminded me of someone. Kamusta na kaya siya?
Walang sabi-sabi niya akong pinasok sa loob ng tumbler. At, tadah! Kasya!
"Ayan. Pwede ka na matulog. Tomorrow will be our first day together and ever. Yay!" Nakakaawa na rin ito. Mukha nang zombie eh!
"And ever ka diyan. Ibabalik na rin kita sa sementeryo pagkatapos ng klase." Sagot niya.
"Ay. Kj mo naman. Syempre joke lang yun. As if naman gusto kitang makasama. Sa totoo lang, pwede kitang kasuhan kasi you abducted me. O-M-G! Oo nga! Anyone! Please! Help! Help! Spare me a piece of bread. Spare me your mercy. I am a child so young, so thin, and so ragged. Why are you staring at me?"
Ay talagang nagsisisisigaw ako sa kwarto ni bakla. Taranta siya eh. Hindi niya alam kung paano ako papatihimikin! Alangan naman takpan niya bibig ko eh di nasunog siya. Nang biglang inilapit niya ang mukha niya sa akin, sheeeet! Kidnapper na, manyak pa! Hahalikan ata ako! Tapos ayun. POOF!
Bumalik ako sa drowning-drowning effect ng darkness and into nothingness.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro