THE FINAL PART
TRINITY
"Saka na ako manlilibre kapag kaya mo na mag-peace sign sa kaliwa mo."
It's been a year since the so called Candidate of Death happened. Ngayon ay magkakasama kami ni Lilith, Huzein at Kace.
I remembered it all too well. Parang kahapon lang ang nangyari ang delubyo.
After that night, my sight turned into peach black. Nang idilat ko ang mata ko ay nasa hospital na ako. Nasa paligid ko sina daddy at mommy. Maging ang tatlo kong kaibigan. They are all crying while looking at me.
Hinang-hina ang katawan ko at pumikit na lamang. Ilang araw din akong nagtagal sa hospital dahil sa natamo kong sugat. Ang sabi sa akin ni Huzein, nang magising ako ay 'yun na daw ang panahon na aalisin na ang lahat na nakakabit sa akin para tuluyan na akong maputulan ng hininga.
Walong buwan din akong nakaratay sa hospital. As the days, weeks and months passed, nawawalan na ng pag-asa ang parents ko dahil walang nagbabago. Minsan ay tumutunog ang matinis sa machine at babalik muli sa normal. That's when my mother decided to remove everything that's connected to me.
When I got home, palaging nandoon ang tatlo at sinasamahan ako. I told them to take a rest dahil pare-pareho kaming exhausted. Ikaw ba naman na makakita ng patay, hindi ba?
Lilith and Kace undergo a mental health consultation. Ang kwento nila ay after that happened, wala sila sa sarili. Ilang buwan din nagtagal at bumalik sila sa normal ngunit hindi nila maiwasang ma-paranoid.
Also Huzein, minsan ay nag-o-overthink ito na baka hindi na ako magising at sinisisi ang sarili niya. Kaya nang magising ako, palagi siyang natutulog sa tabi ko. He said, it's a relief na nagising ako that day.
Nang makalabas din ako sa hospital, my parents made time to me. It's weird at the start lalo na kay mommy pero she showed me na hindi na siya magkukulang pa sa akin. Now, we're all fine. Minsan pa nga ay tabi-tabi kaming matulog ni mommy and daddy.
This is the happy ending for me.
Si Valerie ay nasa mental hospital at may kasong murder dahil sa ginawa niya sa amin. May sakit kasi ito sa utak kaya niya nagawa 'yon bukod sa paghihiganti sa kaibigan niya. I didn't know that I'm living with a psychopath all along.
Ipinasara din ang Heilianthus University dahil sa nangyari. Ngayong isang taon na ang nakakalipas, paniguradong maraming pupunta doon para magbigay-galang sa mga namatay.
But we decided to go to cemetery.
"Gago ka ba?" Asik ko at binatukan si Kace. He laughed and do a peace sign.
"Joke lang! Ito naman!"
"Kahit kailan, Kace!"
Napatingin ako sa kaliwang kamay ko na apat nalang ang daliri. Sa tuwing mapapansin ko ito, bumabalik ang lahat. But still, it's worth it.
I saved them.
Napatingin din ako sa paa ko. Ilang buwan din ito bago maghilom dahil sa dami ng natapakang bubok ko noong panahon na 'yon just to save Huzein. He felt guilty about it and I comforted him.
I can't let one of us die. If ever, I will risk everything just to keep them safe. They taught me how to cherise every moment in my life. Love is not about having an in a relationship with someone, but also in friendship. I can't afford to lose them because I love them.
Nasa kotse kami ni Huzein at panay ang kanta ni Kace kahit na napapangiwi na kami. He can't reach the high notes pero sinusubukan pa din niya!
"Laro tayo guys!" Yaya ni Kace.
"Ng ano? And it's for kids, eighteen na tayo at pwede na makulong so bakit kailangan pa nating maglaro?" Angal ko.
"Ang KJ naman!"
"How about this," singit ni Lilith. "Itaas niyo mga kamay niyo pati ang daliri."
Ginawa ko naman ito maging ang dalawa. Si Huzein ay hindi sumali dahil siya ang nagmamaneho.
"Put your finger down if nagkagusto ka na sa isang taong kahit kailan hindi mo makukuha," kace said. I put my right thumb down at nakita niya ito. "'Wag mo na ibaba 'yung isang daliri mo, Trinity! Yung putol nalang—"
Hindi na natapos ang sasabihin niya nang sapukin ko ang kaniyang ulo, "ikaw kanina ka pa!"
We all laughed. Inawat kami ni Huzein dahil nagkakasakitan na. Maya-maya ay nasa cemetery na kami. Unang lumabas sina Kace at Lilith dala-dala ang mga pagkain habang nahuli naman kami ni Huzein.
"It's been a year..." Panimula niya.
"Yea, it's been a year since I saved you," I said and chuckled. He smiled.
He sighed. "Honestly, that time. She texted me that I will be the next victim at kapag sinabi ko sa'yo, ikaw ang papatayin niya. Same to the three, kami-kami lang ang nakakaalam na kami ang next vic—"
Hindi na natapos ang sasabihin niya when I hushed him. "It's done, we're all safe. Walang namatay, okay? Don't overthink again." I said and playfully open my arms. Agad naman itong lumapit at niyakap ako.
"I owe you my life..." Bulong niya. I chuckled.
"Be safe, always..."
"I will," he answered. "For you, I will live for us."
"And I will die for you."
"No," angal nito, "you will also live for us."
I giggled, "okay, if you say so."
Bumitaw na kami sa pagkakayakap nang tawagin kami ni Lilith. It's weird, having a picnic in cemetery. Ang sabi ni Lilith ay para kasama namin si Alliana and Lucien.
Uh, him...
It's also a year since he risked his life for my safety. This is why I'm living my best life now, it's all because of him. This is how powerful love is, giving everything you have just for that someone.
I sighed and hold my necklace. Hindi ko pa din ito tinatanggal and I won't. Even if it reminds me of my past, hindi ko pa din ito tatanggalin. Madaming masamang nangyari sa nakaraan ko ngunit siya ang pinakapaborito ko. If life is a movie, he's the best part.
Nagsimula na kaming kumain habang nag-k-kwentuhan. Hindi lang kami ang nandito, pati din ang iba pang mga kamag-anak ng mga namatayan like ma'am Sylvia's family.
Napapikit ako nang mariin nang dumapo ang hangin sa mukha ko at sumabay ang buhok ko. Ngayon ay hanggang dibdib na ang haba nito. I want to have a haircut pero ayoko pa.
Napadilat ako nang may magsalita sa harapan ko, it's ma'am Akeria Fuente.
"Mind if I joined you guys?" Yaya nito. She's still not look okay. Umusog kami at pinaupo si ma'am Akeria.
"The survivors..." Panimula niya, "how are you?"
"We're still trying to be okay ma'am," sagot ko. Napatingin naman ito sa akin and she patted my head.
"Aw, I miss you. Namiss ko 'yung sagutan natin," sabi niya and she pulled me a tight hug. Pati din sina Kace, Lilith at Huzein ay yumakap din.
Suddenly, Leaves by Ben&Ben played nearby. Mas lalong lumakas ang hangin at nagkanda-laglag ang mga dahon mula sa puno. Maya-maya ay humiwalay na ito sa pagkakayakap.
"I know will be alright in time," sabi niya sa amin. "I hope all of you will be okay, I will miss you."
"Why ma'am? Are you planning to kill yourself?" Tanong ni Lilith. Umiling ito.
"Silly, mag-t-trabaho ako sa abroad," sabi niya at tumingin sa ulap. "This place will be a memory, marami na tayong pinagdaanan at kailangan na natin gumawa ng paraan para kalimutan ito. I don't want to live in the past."
Maya-maya ay umalis na din ito. Iniligpit din namin ang mga pinagkainan at hinintay ang paglubog ng araw. Nakaupo kami sa tabi ng lapida ni Alliana at Lucifer habang nakatanaw sa ginintuang tanawin.
I remembered this scene. Ganito ang kalangitan nang yakapin ako ni Lucifer. Ganito din nang umamin siya ng nararamdaman niya and we shared our first kiss. But now, ganito ang kalangitan ngunit wala na siya.
"Their names will live forever," sabi ni Huzein. "In our mind and hearts."
"Pati din sa mga taga Helianthus, everything is fine because of them. Hindi natin ito magagawa kung hindi dahil sa kanila," sagot ni Lilith.
Maya-maya ay napag-isipan na naming umuwi. Nauna na si Kace at Lilith at muli ay nagpahuli ako at Huzein. Akmang maglalakad na ako nang hawakan ni Huzein ang braso ko.
"I know it's been a long time and looks like hindi pa naghihilom ang sugat mo, mentally..." Panimula niya. Takha ko siyang tinignan.
Suddenly, a song entitled Mirrors by Justine Timberlake played nearby.
"And?"
"Uhm..."
"And?"
"Can I..."
"Can you what?"
"Can I..." He stuttered and look deeply to my eyes. "Can I court you?"
I frost at gulat na tumingin sa kaniya. Maya-maya ay napatingin ako sa lapida ni Lucifer.
Why not try to open my heart for someone?
Napadako ang tingin ko sa likod ni Huzein. I saw Lucifer standing there while smiling. Tumango ito at kumaway, he mouthed 'I love you, adiós' and he slowly disappeared. I opened my mouth but no words came out.
He's gone. It's like he's saying me that I should free myself in the cage of the past.
Napatingin naman ako kay Huzein na naghihintay sa sasabihin ko. I sighed and slowly smiled. I should give him a try, alam ko naman na kapag si Huzein, worth it ang lahat.
That's why I forgive him many times and save his life because he is worth the pain.
I gulped before uttering...
"Yes."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro