Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PART TWENTY-TWO: SACRIFICIAL LAMB

TRINITY

Naramdaman kong mainit ang paligid kaya agad kong iminulat ang mata ko. Ang unang sumalubong sa akin ay ang kalangitan. Uh, nasa langit na pala ako? Wait, tinanggap na pala ako?

Unti-unti akong tumayo ngunit napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi ng kaliwang braso ko. Nakabalot ito ng benda pero masakit pa din.

I rolled my eyes when everything flashed on my mind. Kung paano nila pinlanong patayin ako sa pamamagitan ng lason. My eyes widen when I also remembered how I rejected Huzein. Yea, he confessed last night and I just... Rejected him.

I mean, it's the best way right? Dapat hindi mo na paaasahin ang mga taong nagkakagusto sa'yo kung alam mo sa sarili mo na wala talaga siyang pag-asa. But why do I felt this way? Parang nagsisisi ako sa mga pinagsasabi ko last night?

Ngayon ko lang din napansing may unan at kumot ako dito and guess what? If I'm not mistaken, I'm in Building Three rooftop. Napatingin ako sa gilid ko nang may lumipad na papel. Agad akong bumangon at pinulot ang papel na nahulog.

It says,

Hey, it's me Huzein. Let's forget what happened last night, okay? I love you.

I sighed. I crumpled it and throw in the trash bin near me. Muli akong umupo at kunuha ang phone. It's now passed nine o'clock in the morning but I don't want to eat.

Why is everything I do bounce back to me? Gaya ng pagdududa ko sa kanila, pero ngayon ako naman din ang pinagdududahan nila. The difference is, may matibay silang rason at ako ay false accusations lang mayroon.

I played All I Ask by Adele and seat down while looking at the birds flying up in the sky. I wish I can be like them one day, malaya. I mean, malaya naman ako these last few years pero ngayon hindi ko na alam. Parang may nakataling kadena sa leeg ko.

My tears starts to flow. This feeling, I can't understand it. I know Huzein said those comforting words to lessen the pain o dahil 'yon naman ang dapat niyang gawin dahil sa parents ko at binabayaran siya?

And the thing here is, kung sino pa ang pinagkakatiwalaan mo, kung sino pa ang inaakala mong kaibigan. Sila pa ang walang tiwala sa'yo.

I mean, if it's me. Maghanap pa sila ng ibang dahilan na hindi ako 'yon. As I heard, nakita nila ang mukha ni Scorpion at ako 'yon. But why? Bakit sa dami-dami ng pwedeng gawing magkamukha, ako pa? No one can copy my image except Tiffany. Pero matagal na siyang patay, hows that possible?

Napapikit ako nang dumampi ang hangin sa mukha ko. Pati din ang buhok ko ay nasama. Ngayon ko lang napansin na hanggang kili-kili ko na ang haba nito. Ang bangs ko naman ay nakaharang sa mga mata ko.

Wait. If I'm not wrong, nakita nila ang footage last last night at ang buhok nu Scorpion ay hanggang balikat at may bangs na hanggang sa ibabaw ng mata. So it means...

"Scorpion is wearing a wig, and it's not me. Fuck them for thinking that I'm the murderer..." I whispered.

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito. I wipe my tears at face it. It's Alliana while holding a paper bag and two cans of juice.  

"What the hell are you doing here?" Inis kong sabi ngunit hindi niya ako pinansin. Pinanood ko siyang lumapit at kumuha ng isang upuan.

"Alam kong wala ka pang almusal, so I brought it for you," she said.

"I don't need it, you may now go and never comeback," sagot ko but she just chuckled.

"I'm expecting this..." Bulong niya. "Wala 'yang lason. Actually, Lilith, Kace and Huzein wants to say sorry about last night."

"But apologizing is not the solution here. The damage is done, may magagawa pa ba kayo?" I fired.

"Yes, but apologizing can lessen the pain 'diba? I know it takes time to accept it and we'll wait for the right time until you can now face us without hatred," she answered and smiled weakly. Napalingon naman ako dito at nakitang nakatingin din siya sa mga ulap.

We remained silent for a while until she break the ice.

"You're lucky to have him," panimula niya.

"Who's him?" I asked. Still no clue.

"Sino pa nga ba? Huzein Reiss Adriatico, beh." Sabi nito. "By the way, ang ganda pala ng name niya pero Huzein Adriatico lang naririnig ko na sinasabi mo, why?"

"He hates it if someone addressed him by his second name," I answered. Napatingin ako nang iabot niya sa akin ang paper bag ngunit inilagay ko lang ito sa gilid ko. "I'm not in the mood to eat."

"It's okay," she answered. "Nandito ako para sabihing sorry sa lahat ng nagawa ko. I know I caused a lot of trouble, lalo na sa pagitan natin. I just want to clear everything between us—"

"What's your plan?" I interrupted. She sounded so different na para bang may binabalak siya.

"N-nothing," she stuttered.

"Uh, you can lie to yourself but not me. Not a Morgan, bitch."

She laughed. "Okay, okay. If you say so."

Tumayo ito at sumandal sa railings ng rooftop habang nakayuko, pinapanood ang mga tao sa ground floor. "Let's just say... One day, everyone will know about it and will thank me for being heroic."

"Okay, and wala kang balak sabihin kung ano 'yon?" Asik ko. She laughed.

"Of course, I don't. Edi nahalata niyo na 'diba? Surprise ito, mare." Sagot nito.

Narinig kong huminga siya ng malalim bago magsalita, "I like him, I really like him..." Bulong niya.

"Who's him?"

"The one who confessed to you last night," she answered. My eyes widen when she said it. Is it Huzein?

Humarap ito sa akin at nakangiti ngunit her eyes speaks the opposite, "anyway, you both look so in love with eachother. Siguro kung hindi dumating si Lucifer, baka maging kayo. I thought at first, you guys are in a relationship. Like girl, how he hugs you, comforts you and so on. He defended you tho."

I rolled my eyes, "dapat sinabi mo sa kan'ya at hindi sa'kin. May magagawa ba ako kung sa akin mo sinabi 'yan? Besides, wala naman s'yang chance sa akin and I already rejected him. I think that's enough to make his feelings stop."

She laughed. "Halatang hindi ka pa tinamaan sa tao maliban kay Lucifer, 'no?"

"What're you talking about?"

"Hay, Trinity. We have this person na kahit anong gawin mo. Kahit saktan mo pa siya ng paulit-ulit, babalik pa din siya sa'yo na parang wala lang sa kan'ya. Don't be too blind, Trinity. I saw how he tried to move on for you pero anytime na wala ka sa paningin niya, palagi ka niyang hinahanap."

I just kept quiet, "for short, martyr. Kahit itulak mo siya palayo, kahit gaguhin mo pa siya, sugatan. Still, there he is, so in love with you."

"And here I am, ruining the love story between you and Huzein. And tanggap ko naman, I'm the villain here. Kahit na anong gawin ko, ikaw pa din ang hanap niya. Tragic, isn't? No jokes, but I envy you. You got him but you choose to reject him. Alam mo 'yon? He still thinks about your safety, I mean look. Siya pa ang nagdala ng unan at kumot mo. Siya din ang gumamot sa sugat mo."

"He even defended you a while ago. Nag-away sila ni Lilith dahil hindi ikaw 'yon and there's someone copying you. Sinabi niya na halatang cosmetics lang 'yon para gayahin ka at wig lang ang suot ng murderer. Just then, napatahimik si Lilith because she agreed. That's why I'm here, kaya sinasabi nila na sorry dahil about doon."

Napatikom ang bibig ko at seryosong tumingin sa kaniya. Halatang nagsasabi siya ng totoo dahil sa tono ng pananalita niya.

"By the way, pwede pa-hug? We never hug eachother, sapakan lang nagagawa natin kasi," she said and laughed. I laughed too.

Unti-unti itong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Maya-maya ay narinig ko ang mahinang iyak niya. Marahan kong hinagod ang likod nito habang patuloy siyang umiiyak.

"You're a good friend, Trinity. Remember that ikaw lang ang victim dito. It's so magical to meet a friend like you..." Sabi niya at humiwalay. "Take care of him, okay?"

"It sounds like you will leave us, but yes, I swear." Sabi ko. "Uh, I won't swear, I will do it for you."

"Thank you..." Bulong niya at humiwalay sa pagkakayakap namin. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at muling humarap sa akin. "Ugh, too much drama. I hate it."

"It's okay to be dramatic sometimes," sagot ko. "It express our inner feelings, and it feels good if you release everything you're carrying inside. Mapa-self problem o hatred man."

"Trinity, I didn't know you have a side like this. Nakakapanibago pero... Thank you. Pwede ka na maging speaker at magsabi ng inspirational quotes sa mga kabataan," she said. We both laughed.

"By the way, he's waiting for you."

"Where?"

"At the cafeteria."

______

THIRD PERSON

Agad na nagmadali si Trinity na bumaba papuntang cafeteria nang sabihin ito ni Alliana. Wala sa sariling napangiti ang dalaga.

"I just did the right thing... Even if it cause my live..." She whispered. Napatingin siya sa paper bag na ibinigay niya kay Trinity.

"Sayang effort kong dalhin 'yon tapos hindi naman niya kakainin, nevermind na nga." Sabi nito at lumapit sa pwesto niya at inayos ang kumot at unan na pinaghigaan ni Trinity.

She knows that anytime, she will be a cold body. She will see herself bathing with her own blood. At least, she did the right thing.

Agad nitong kinuha ang cellphone at may itinype dito. As far as she can remember, sinabi ni Lilith na pwede kang tumawag sa mga magulang mo ngunit hindi mo pwedeng sabihin kung ano ang nangyayari dito sa loob.

She texted her parents to say I love you, I'm grateful to be a daughter of yours. And of course, she texted her siblings.

Napangiti nito ng mapait nang makitang tumulo ang luha niya sa kaniyang phone. Then, she chuckled.

"Ginusto mo 'to e, tapos iiyak ka ngayon?" Sabi niya sa kaniyang sarili. "Crazy, Alliana Detral."

Tumayo ito at pumulas ng papel at kumuha ng ballpen, may isinulat ito doon at muling inipit sa pagitan ng unan at kumot.

"Please, find me..." She whispered.

Huminga ito ng malalim bago isagawa ang balak niya. May pinindot ito sa kaniyang phone and few seconds, sumagot na ang kabilang linya.

She sighed before she spoke.

"Hello, police officer. This is Alliana Detral from Heilianthus University..." Panimula niya at tumingin sa langit kasabay ng pagtulo ng luha niya.

"There are several murders here inside this university, I can give you every details about it..."

On the other hand, tutok na tutok pa din si Lilith sa laptop. Kumbinsido ito sa sinabi ni Huzein sa kaniya, she tried to remove the make up ngunit hindi ito naging madali.

"Fuck it, just reveal you the fuck you are!" Sigaw niya at sinabunutan ang sarili.

Paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isip ang nangyari kagabi. She hates it when she saw Trinity cutting herself because of her. Naalala niya pang bilin ng kaniyang kuya na protektahan siya ngunit gumawa ito ng ikakasakit ng dalaga.

She thinks that her brother is disappointed to her.

Napalingon ito nang bumukas ang pintuan sa dorm. Agad na nakita nito si Kace. Napaayos ito sa kaniyang pagkakaupo. Ayaw niyang makita ni Kace na ganito siya kagulo ngayon at desperadong mahanap kung sino man ang scorpion na ito.

"You look exhausted," Kace commented. Umupo ito sa tabi niya at iniharap sa kaniya ang laptop. "I found something in this picture."

"What is it?"

Zinoom ni Kace ang parteng balikat ni scorpion. Kahit din siya, nalinlang ito na kamukha siya ni Trinity. Mabuti nalang at napansin ni Huzein na hindi si Trinity ito at ipinaliwanag sa kanila.

"Here," Kace said. Agad itong tinignan ni Lilith at nanlaki ang mga mata niya.

It's a tattoo of a scorpion in her shoulder.

Trinity and Huzein are walking in the garden. Matapos nitong kumain ng almusal ay dito si dumiretso. They just keep quiet and feeling eachother's presence.

Trinity gulped. "I-I'm sorry last night—"

"Don't be... Never be..." Huzein interrupted. "I'm expecting it, wrong time akong nag-confess dahil your heart is occupied by someone else."

"Yeah, but it's not right to—"

"It's right. It's always right. Saka, magugulat din ako kung sasabihin mo na gusto mo din ako. It's like you only like me just to forget Lucifer." Huzein answered.

Trinity look down. She felt guilty. Ayaw niyang i-reject si Huzein ngunit ayaw din niyang bigyan ng false hope. She knows that she loves Lucien Feirro so much.

"If I'm the first one who confessed my feelings, would everything be different now?" Huzein asked out of the blue.

Trinity just shrugged her shoulders, "I don't know? I still don't get it why the fuck will someone love me? I'm a mess."

"But you're the mess that I wanted," Huzein fired back.

Trinity chuckled, "why don't you find someone who can love you the same way as you love me? Someone like Alliana? She's beautiful and smart. She's funny and fun to be with. While me? I'm the most boring person you ever met. Alam mo na hindi ko kayang pantayan, ginigiit mo pa."

Umiling si Huzein, "bakit mo 'ko tinutulak sa iba? It's okay that you can't love me back but please... Don't push me away."

"I'm just stating the fact here, Huzein." Trinity answered.

"Yeah but it hurts, I just love you so bad and it hurts," sabi ni Huzein and smile weakly.

"So, it's fine for you to be stay friends?"

Huzein nodded. "Kung 'yan lang kaya mong ibigay, who am I to object? I will wait for that time na we can be more than that... More than friends."

Trinity just smiled. Halatang hindi nagbago si Huzein after all these years.

Alliana found herself running after giving all the information to the police officer. Sooner or later, alam niyang mamamatay na siya. Ngunit saan siya magtatago?

Patuloy pa din siya sa pagtakbo at lumingon sa likuran. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang taong nakasuot ng cloak at nababalot ng itim na damit ang kaniyang katawan. Hindi maipagkakailang isa itong babae base sa kaniyang of pigura.

Mas binilisan niya ang kaniyang pagtakbo at pumasok sa isang room. Agad niyang napansin ang mga iba't ibang chemicals dito, ang kaniyang pinasukan ay ang Heilianthus University's laboratory.

Agad siyang tumakbo at nagtago sa likod ng lamesa. Narinig niyang bumukas ang pintuan ng laboratory room kaya napatakip siya ng bibig.

"I know you're here, Alliana Detral," a familiar voice said.

Nanlaki ang mga mata ni Alliana at dali-daling inabot ang blade na nasa sahig. Ang kaniyang pinagtataguan ay nasa pinakadulo kaya matagal pa siyang mahahanap ni Scorpion.

Bilang nalang ang kaniyang oras.

"Playing like a hero, huh? As I know, a hero deserves a reward. A precious reward." Scorpion said.

Sinugatan ni Alliana ang kaniyang sarili at ginawang ink ang kaniyang dugo. Agad niyang isinulat sa dingding na makakapagbigay sa kaniyang mga kaibigan ng clue.

Muntikan pa itong tumili ng narinig niyang may nabasa sa kabilang side ng laboratory.

Napangiti ito ng mapait ng makita niyang naisulat na niya ang isang clue kasabay nang pagtama ng bala sa sentro ng kaniyang noo.

Scorpion watches her to lose her sight. Agad niyang inilabas ang kaniyang kutsilyo at tinadtad siya ng saksak. She felt the satisfaction while doing it. Matagal na din simula nang gawin niya ito kay Lucien dahil sa pangakong dalawang linggong walang magaganap na biktima.

But this one is different, lumabag siya sa kaniyang rules. Alliana needs to be eliminate.

Scorpion chuckled. "Sacrificial lamb..."

______

TRINITY

It's passed one o'clock in the afternoon and we're all in the field. Napag-isipan naming magpahangin doon habang si Kace at Lilith ay nagtutulungan sa pag-aayos sa iba.

I rolled my eyes when I heard someone going to vomit.

Of course, some of them are pregnant because of boredom. Pero uh, dapat iniisip nila kung ano ang kahinatnan ng gagawin nila.

Hanggang ngayon ay wala pa din si Alliana. Ang inisip namin na baka may ginagawa lang siya dahil sinabihan niya si Lilith kanina na siya ang pumalit sa kaniya.

Tumayo ako at hinila si Huzein. Takha niya akong tinignan.

"Let's go to the rooftop? Baka nando'n pa si Alliana. I want to talk to her," sabi ko. Huzein just nodded.

Nagpaalam naman si Huzein kina Lilith at Kace at pumayag naman ito. I found myself heading in the rooftop with Huzein. I want to tell him na siya na mismo ang magsabi kay Huzein ang nararamdaman niya at hindi sa akin.

Ngunit pagdating namin sa rooftop ay wala dito si Alliana. Nakatupi na ang kumot at nakaayos ang unan at nandoon pa din ang supot.

"Where the fuck is she?" Bulong ko at dali-daling pumunta doon.

Tinignan ko ang bawat sulok ng rooftop ngunit wala akong mahanap na clue until Huzein called my name.

"There's a note here," Huzein said. Agad akong lumapit at hinablot ang hawak niyang papel.

It says,

SOS Lab
-A.D.

"Motherfucker, she's in the lab!" Sigaw ko. Agad akong bumaba habang si Huzein naman ay kinakausap si Kace at Lilith gamit ang mini mic namin, maging sila ay naalerto.

Nang makarating na ako sa tapat ng laboratory ay nakita ko na din doon sina Kace at Lilith. Si Lilith naman ay binubuksan ang pintuan gamit ang gunting.

"Fuck!" She exclaimed. Maya-maya ay bumukas na din ito.

Agad kaming nagsipasok at hinanap kung saan banda si Alliana. Panay ang tawag namin ngunit walang sumasagot. Unti-unting tumulo ang luha ko nang makaamoy ng masangsang na dugo mula sa bandang dulo. Maging ang tatlo ay napahagulhol din.

I screamed at the top of my lungs when I saw Alliana. Hindi na namin ito mamukhaan dahil napapaliguan ito ng dugo habang nakahandusay sa sahig.

We all cried until someone entered the room.

"Hands up."

Agad namin itong ginawa at lumingon. Nanlaki ang mga mata namin nang makita ang mga pulis na pumasok sa buong school.

"Trinity Morgan, Huzein Reiss Adriatico, Kace Eliel Escarra and Lithuania Hart. Am I right?" The police officer asked. We all nodded.

"Hindi sila counted sir sa mga suspects base sa nagsumbong sa atin," a police woman said. The man nodded. We cried. Ito na ba ang kalayaan para sa amin?

Mabilis akong lumapit at niyakap ang police officer. Gano'n din ang ginawa ng tatlo habang umiiyak.

"It's alright kids..." Bulong nito sa amin, "you are now safe..."

Sinenyasan kaming lumabas at hintayin sila matapos. Sa huling sandali, muli kong binalingan ng tingin ang malamig na bangkay ni Alliana.

Agad na napansin ko ang nasa dingding na may nakasulat gamit ang dugo. It says,

A

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro