PART TWENTY-THREE: A DECADE AND EIGHT
TRINITY
It's been a week since we get out of that university. Still, hindi pa din ako pinatulog ng konsensya ko after that.
Ako ang huling kinausap ni Alliana. Ito ba ang pinupunto niya na malalaman ng lahat ang plano niya dahil gusto niya kaming pakawalan? I mean, the best way here is to be the sacrificial lamb.
Isang linggo na ding iniimbestigahan ng mga pulis ang school. Napag-alaman din namin na nandoon ang buong grade twelve teachers ngunit nakatali sila at nakakulong. Kabilang na din doon ang dean at si ma'am Akeria.
Ayon sa pagkakaalam ko, parehas ang description na binigay ni Alliana sa kanila at ng teachers. Nakasuot ng itim na cloak ang murderer, may 5'7" ang height at maikli ang buhok. Hindi nila ito nakilala dahil nakatakip ng itim na maskara ang mukha niya. Isa pa, may voice changer ito kaya hindi talaga nila malalaman kung sino siya.
Ang lahat ng mga bangkay ay nahanap sa lumang building ng university. Doon naisipang ilagay ni Kace ang mga matawan para hindi nakakalat. May iba pa ditong naaagnas, kasama ng matawan ni Tiffany at ma'am Sylvia Castro.
As much as the police wants to examine every body, may fingerprints din ito ng mga student school council kaya mahihirapan silang i-identify. Ang pinakamadaling paraan na naisip nila ay isalang sa examination ang katawan ni Alliana since siya ang latest victim ni Scorpion.
Lilith and Huzein tried to associate with the case lalo na tungkol ito sa amin at mas may alam sila. I want to join them but Huzein won't allow me to. Ang sabi niya, I had a lot of traumas already. Dapat, ipinapahinga ko na ang sarili ko sa mga ganitong bagay. I just... Can't help it, I want to kill that murderer using my bare hands.
Of course, our school is in hot seat na. Ask here, ask there, ask everywhere. Sumikat na nga si Lilith at Huzein dahil silang dalawa lang ang nag-represent na sumagot sa tanong ng mga reporters.
Nang mabalitaan ang tungkol sa Heilianthus, madaming magulang ang sumunod agad. The thing here is, magkasama sa iisang building ang junior high at ang grade eleven. Gaya din ng mga teachers, nakagapos ito at hindi magawang makasigaw ng tulong.
Kung sa amin nga na na-t-trauma sa nakakakita ng patay, paano pa kaya sila na walang makain ng ilang buwan at nakagapos lang? Pwede pa nga kaming kumain ngunit kami din ang gagaguhin ng scorpion.
Every parents cried of course. When they saw their children with that situation. The good thing here is, may pictures si Lilith at ang copy ng nakuhanang CCTV camera. Binigay naman niya ito sa imbestigador at nakipag-alyansa siya dito. Sa tulong din ng pamilya niya.
I sighed and roamed my eyes around. Ngayon ay nasa auditorium kami habang ang mga picture ng mga namatay ay nasa harapan. Ngayon namin ililibing ang mga ito at ngayon ay nagbibigay kami ng galang sa patay.
Nang malaman ng parents ko ang tungkol dito, ang unang tinanong nila ay kamusta sj Tiffany. I felt so useless dahil mas inuna niya ang kambal ko kaysa sa akin. I mean, they can ask it pero sana tinanong din nila kung paano din ako. She's dead and I suffered a lot of traumas. Parang patay na din ako dahil sa mga naranasan ko.
But yea, we're here. Hindi kami nag-iimikan ni mommy and daddy just hug me. I know they're worried pero mas kailangan ko sila ngayon. Is that too much to ask?
Ngayon ay nakatingin ako sa picture frame ni Lucien. Everything is still fresh in my mind. Kahit na kaunting panahon lang ang pagsasama namin, I still enjoy it. I do.
Ngayon ay palabas na kami ng auditorium. Nauna na si mommy at daddy dahil nagpaalam akong kakausapin ko si Huzein. Dad agreed but I didn't hear a words coming from my mom. I guess, I'm still the piece of shit she knows.
"Kamusta?" The first question that Huzein asked. Magkasama kami ngayon ni Lilith, Kace at Huzein.
"You know we're not fine, tapos magtatanong ka pa?" Pabalang kong sagot. He chuckled.
"We'll get through this..." Bulong niya at sinabayan ako ng lakad. Nasa likod naman namin si Kace at Lilith.
"I hope so," Lilith answered, "maybe kayo? But me? I won't, not until I find that murderer."
"Pwede bang 'wag muna natin siyang pag-usapan ngayon?" Kace spoked ngunit wala kaming narinig na salita galing kay Lilith.
"Guys," tawag sa amin ni Huzein. "Ang sabi nina tito na babasbasan ang buong school dahil sa dami ng mga patay at mga kaluluwa. And of course, for the last time.... Iikutin natin itong school."
"I don't get it," sagot ni Lilith. "I mean, this school gives us nothing but painful memories."
"But this school and this shit brought us together," sabi ko. "Kung hindi nangyari ito, maybe your brother won't confess."
"So you're grateful?"
"I mean, this is a beautiful disaster," I said. "Madaming nangyari, madaming nasawi at na-trauma, some of us a pregnant dahil sa boredom nila. But look at the bright side, nagkaroon tayo ng friendship. Kace and we barely get together. Lilith gives me chills and I don't want to be close to her but look, we're now besties. Alliana... We have a chaotic start of friendship before we get along. I found that I'm capable of falling in love with Lucien."
"I agreed," Kace said. Ang mukha niya ay biglang nagbago, bigla itong ngumisi nang tumapat kami sa building two. "Trinity, natatandaan mo pa ba?"
"Natatandaan what?"
Mas lalo itong ngumisi, "first kiss."
"YOU MOTHERFUCKER!" Sigaw ko. Akmang hihilain ko ang kaniyang buhok nang tumakbo ito palayo. I heard Lilith laughed, si Huzein naman ay sinabihan kami na dahan-dahan lang.
We started in six members but the four of us survived. Kung hindi si Alliana at Lucien ang namatay, sino ba isa sa amin ang mamamatay dapat? Maybe me? Or Huzein and Kace? Or worst, maybe si Lilith?
We're now in the cemetery. Kaniya-kaniya kami ng dala ng puting lobo at sabay-sabay na pinakawalan. Wherever Lucien is, may he find the peace in heaven. Kung nasaan man si Alliana, I hope she will find peace too.
Just then, napapikit ako nang sumalubong ang hangin sa amin and I can feel someone hugging me from behind. Is it Alliana, Tiffany or Lucien? We never know who it was.
Habang nag-uusap-usap ang mga magulang, naisipan naming maglibot-libot muna together with the three.
"Dorothy Parker..." Bulong ko. Her name rings a bell.
"'Diba nakasama niya na si Tiffany sa photoshoot?" Huzein asked at tumabi sa akin. I nodded. Uh, patay na pala siya pero it's tragic. Like, you know? You want to be free and be yourself but ended up dying.
"Tsaka ito din, 'diba?" Turo ko sa lapidang nakasulat na 'Stanley Montel'. Parehas lang naman sila ng araw na namatay. Base sa pagkakaalam ko, nahulog sila sa bangin and a half year later, nahanap din ang katawan nila.
"Guys, look!" Tawag sa amin ni Lilith at may itinurong isang lapida. "Angas mo naman Kace, may ka-birthday ka pala dito?"
"Hala?" Kace reacted.
"Teka maghahanap din ako ng ka-birthday ko," sabi ni Huzein and we both laughed.
I was happy awhile ago and right now I can't find a worst word to describe my feelings. Nasa room na ako ni mommy and she convinced me to act like Tiffany. Hanggang ngayon ay hindi pa din naililibing ang katawan ni Tiffany dahil doon. Iniisip nila kung ang ilalagay nila ay "Trinity Morgan" imbes na "Tiffany Morgan" dahil sayang ang pinaghirapan ni Tiffany kung walang magtutuloy.
"Hell no!" I exclaimed. "I don't know how that shit works, mom!"
"I will teach you, I promise!" She said.
"Uh, you promise? Pero you can't be a mother to me? And look that-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sampalin niya ako.
"You're saying too much and I don't like it," she coldly stated. "That's final, you will continue your sister's career."
Makailang hakbang palang ang nagagawa niya ay napahinto agad ito nang magsalita ako, "do it mom, baka pati ako mawala sa kinatatayuan ko."
"What're you trying to say?"
"Baka sa kakapilit mo ng kagustuhan mo, mawalan ka ng isang anak," sabi ko at nagkibit-balikat. "Just saying, kapag tinuloy mo ang gusto mo baka makita mo din akong naliligo sa sarili kong dugo."
Unti-unti akong humakbang papalapit sa kaniya at itinapat ang bibig sa kaniyang tainga. "Maybe you will appreciate my presence if I take my breath away forever."
Kinabukasan ay inilibig na din ang katawan ni Tiffany at inilagay nila sa lapida ang totoong pangalan nito. J thought they will pursue what the want, handa pa naman akong magbigti.
Two days after. Nagyaya si Lilith na lumabas kaming apat. She said, her parents want to meet us. Hindi din niya nagawang sabihin sa amin agad dahil busy ito sa pakikipagtulungan sa pulis. The good thing here is, hindi na siya minor pa.
I just wore a casual outfit. A white dress with a floral design and a white doll shoes. Kinuha ko din ang puti kong shoulder bag and I put some powder and lip balm. Iginilid ko nalang ang bangs ko dahil mahaba-haba na kasi ito.
Si Huzein ang sumundo sa akin. Nagulat pa ito dahil sa itsura ko. Itinaas ko ang isa kong kilay at bahagya siyang umiling.
"What?"
"You look... Gorgeous. Kung hindi lang maikli ang buhok mo, inisip ko na si Tiffany ka." He said. I rolled my eyes and hopped in his car.
"I don't get it..." Bulong ko. "May kotse ka pero sinubukan mo pang makipag-negotiate kay dad in exchange for paying your tuition fees?"
He sighed then he started the car engene. "My parents doesn't support me with my chosen career. They want me to be a surgeon but I want to be a lawyer."
"Buti ka pa, alam mo na kukunin mo. I still can't imagine myself handling a business of my parents." Sagot ko at isinandal ang likod.
"Hindi mo pa na-d-discover sarili mo?" He asked.
"Hindi pa... Or hindi na. I just go with the wind kasi, I barely ask for freedom to my parents, hindi na ako magtataka kung naka-arrange marriage na ako sa iba." I said.
"How about that? Anong gagawin mo?"
"Then let it be, besides ano pa bang silbi ko kung wala na siya, 'diba? Then let things be as it is." Sabi ko at ipinikit ang mga mata.
We keep quiet. Paparating na din sina Kace at Alliana sa mall na pupuntahan namin. Huzein asks me if he can turn on the radio and I agree. Saktong-sakto din na Mirrors by Justine Timberlake ang ipinapatugtog.
"There's a lot of memories behind that song..." I whispered.
"Yeah, the nostalgic feeling while hearing it. I can't imagine that we will hear it again." He answered.
Nang makarating na kami sa mall ay agad kong isinuot ang shades at bumaba. Ilang minuto din nang makarating kami sa isang restaurant.
Nakita naming nandoon na sina Kace at Lilith kasama ang magulang nito. Panay ang ngiti ng mommy ni Lilith dahil kay Kace. I think, bet na nila ang ex ng kapatid ko, huh?
"Did we arrived on time?" I asked. Agad namang naagaw ko ang atensyon nila. Muntikan pang maibuga ni Kace ang kaniyang iniinom nang magtama ang paningin namin.
"You must be Trinity," Lilith's dad said. I nodded. Napatingin naman ako sa kaniyang mommy habang nakatingin ito sa kwintas ko.
"Her necklace... It's you." Bulong niya at inangat ang tingin niya sa akin. She sweetly smile and stood up. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
"Uh, that necklace is given to my brother by my mommy when my brother ask her what's the best gift for a girl he likes. And then binigay ni mommy 'yang suot mo, Trinity. Just explaining, mukhang nagtataka ka kasi kung bakit gan'yan reaksyon ni mommy." Lilith said. Humiwalay naman ang mommy niya sa pagkakayakap at sinenyasan akong umupo.
"Your brother has a good taste when it comes to picking a woman," her dad complimented. My lips form a small smile. Even his parents, they like me for him pero wala na siya sa mundong ibabaw.
Ang nakipag-usap lang sa parents ni Lilith ay sina Kace at Huzein. Panay lang ang tango ang ginagawa namin ni Lilith. I feel uncomfortable dahil madaming mga mata ang nakatingin sa akin.
Controversial din kasi ang pagkamatay ni Tiffany and she's my twin sister. Hindi naman ako expose sa social media kaya hindi nila ako kilala bilang kapatid niya. This is hard to have a sister who's famous.
"When Lucien is still alive, he's good at cooking." Her mother said. She told me that I can call her tita but I won't.
"Really?" I asked. She nodded while smiling.
"Sayang, hindi ko pa siya nakitang magluto para sa babaeng gusto niya. I want to see him and tease it, if we could..." Bulong ng kaniyang mommy.
I painfully smile. Ang restaurant na kung saan kami kumain ay pagmamay-ari ng mga Hart. Maya-maya din ay umalis sila at kaming apat nalang ang natira.
"Uuwi na kayo?" Kace asked. Nagkatinginan kami ni Huzein.
"Maybe?"
"Anong maybe? Ano 'yun, kalahating katawan mo lang uuwi?" Tanong ni Kace. Lilith rolled her eyes.
"How about let's go to cinema?" I suggested. Gulat na napatingin sa akin si Huzein.
"Akala ko ba ayaw mo ng mga movies kasi you find it boring as hell?" He asked. I chuckled.
"Hindi ba pwedeng nagbabagong buhay lang?"
"Woah!" Kace exclaimed. "Wala na ang black team!" Sabi nito. We both laughed.
We decided to watch a horror movie. Si Huzein na ang bumili ng popcorns at drinks namin at si Kace naman ang bumili ng tickets. Ngayon ay magkasama kami ni Lilith habang hinihintay ang dalawa.
"Sorry for everything," Lilith started.
"Nakailang sorry ka na," sagot ko and bahagyang tumawa.
"It's just that... Nevermind, I just want to be your sister. Is that fine with you?" Sabi niya at bahagya pa siyang umiwas ng tingin dahil nahihiya.
"We can be sisters, bakit mo pa kailangang tanungin?" I said and we laughed.
"You look different."
"You too," I answered.
She's wearing a purple off shoulder and a faded ripped jeans. Ang buhok niya ay naka-half ponytail.
"Tara na?" Yaya ni Huzein, sakto din na dumating si Kace dala-dala ang apat na ticket.
Nagsimula na ang movie at panay sabi ni Kace na hindi siya titili pero siya ang mas malakas na tili kumpara sa ibang nanonood. Minsan pa nga ay pinagtitinginan siya ng ibang mga babae. Uh, I know that reaction, parang disappointed sila.
"Hindi na ako manonood!" Sabi niya pagkatapos naming manood. Nagyaya pa kasi si Lilith na panoorin namin ang isa pang horror movie.
We decided na pumunta kaming arcade. The boys are playing the basketballs habang kami naman ni Lilith ay naglalaro ng claw machine.
"Tang ina..." Bulong ni Lilith habang inis na tinignan ang machine, "makukuha ko sana 'yung bunny, bobo ng machine."
Ako naman ang sumunod. I manage to take the bunny stuffed toy and Lilith screamed with joy. Looks like gusto niya ang bunny.
"Maliban sa lollipop, mahilig ka pala sa bunny?"
She nodded, "actually, I have a bunny named Lithzia. If you want to visit her, feel free."
Ngayon ay palabas na kami ng mall. It's ten o'clock in the evening at may kaniya-kaniya kaming iniinom. Panay pa ang reklamo ni Kace.
"Kasalanan ng bola, madami sana akong makukuha," sabi nito.
"Ang sabihin mo, bobo ka kasi." Pagbabara ko.
"At least ako first kiss mo." He said and winked.
"I can't believe this motherfucker is your first kiss?" Lilith commented. Bahagya pa itong umiling, "kadiri."
Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa parking lot. May kotse sina Kace at Lilith and magkasama naman kami ni Huzein.
"Guys," it's Lilith.
"What?" It's Huzein.
"It's my eighteenth birthday, actually."
"You-WHAT?" I exclaimed.
"Gulat na gulat?"
"Sabi mo no'ng nakaraan, legal age ka na." Sabi ni Kace.
"Malapit na birthday ko no'n, so it considered as eighteen already," Lilith said.
We bid our goodbyes. Hinatid naman ako ni Huzein hanggang sa bahay namin. My mom and dad are out of nowhere like they used to be.
"Uh, Trinity..." Tawag sa akin ni Huzein nang makababa na ako sa kaniyang kotse.
"Hmm?"
"Can I..."
"Can you what?"
"Can I..." He repeatedly and pouted. I chuckled and I playfully open my arms. Agad naman itong lumapit at niyakap ako.
"Thank God after all this shitty moments, you're safe..." Bulong niya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap.
I smiled. Humiwalay ako sa pagkakayakap and in one snap. I tiptoed and reached for his lips. Nanlaki ang mga mata nito pero iniba ko ang direksyon at hinalikan ang kaniyang pisngi.
He frost for a moment. I chuckled at tumalikod na. Nagsimula na akong maglakad palayo at muling napahinto nang sumigaw siya.
"HOW CAN YOU MAKE MY HEART BEATS SO FAST? IT'S LIKE MY HEART SCREAMS YOUR NAME!"
I chuckled. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad habang nakangiti.
I took a bath and change my clothes. Now I'm lying on my bed while looking at the ceiling. Hawak-hawak ko pa ang kwintas na suot ko.
I still remember it all too well. Parang kailan lang nangyari, parang kahapon lang. To be honest, simula nang makawala na kami sa university at bumalik sa kani-kanilang bahay, palagi kong pinapakinggan ang voice record ni Lucien.
Tumayo ako at napag-isipang ilagay ito sa flash drive. I want to delete all the photos and his voice records but I want to save it. Baka kasi magsisi ako sa huli, ito nalang ang paraan ko para hindi ko siya makalimutan ng tuluyan.
I played Officially Missing You by Tamia while combing my hair at nakaharap sa salamin. I'm planning to cut my hair kagaya nung una kaming nagkita. Actually matagal na niya akong kilala but I don't know him.
The way he catched me when I'm out of balanced. The way he winks, the way he piqued my interest.
I sighed. How can you forget someone who gave you so much to remember?
Kinuha ko ang mini calendar na nasa lamesa ko. Sa sobrang bilis ng panahon, it's now December. Nanlaki ang mata ko nang makitang may bilog na pula ang sumunod na date.
December 5. And it's my birthday.
Suddenly, my phone rings. It's a alarm clock that it's now twelve o'clock midnight. Now, I'm in legal age. A decade and eight.
I painfully smile. Walang tao sa bahay maliban sa akin at ako lang din ang sumalubong sa kaarawan ko eksaktong twelve o'clock.
Napatingin ako sa bintana nang humangin ito. Agad akong tumayo at inayos ang pagkakasara ng bintana. Paglingon ko ay nanlaki ang mga mata ko nang makitang may nakaupo sa higaan ko.
"Happy birthday, love..." Bulong nito at unti-unting lumapit sa akin. My tears starts to fall. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko. He looks so real.
It's Lucifer.
I blinked and nawala na siya sa harapan ko. I think I'm just hallucinating but it feels good to see him greeting me a happy birthday.
I'm not alone. I have him, inside me.
His memory will live in the silence between my thoughts.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro