Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PART TWELVE: NO ESCAPE

TRINITY

Things are confusing to me lately. The moment I saw Kace with a hoodie, kasabay nito ang pagkawala ng babae. Anong ginagawa niya doon? Umiikot, gumagala? I can find the words to describe my feelings and inner thoughts.

"Yes no maybe? What's that? A game?" Lucifer commented. I shrugged my shoulder at muling binasa ang papel, wala naman kaming mahanap kung alin, saan at paano namin mahahanap ang huling biktima.

Napatingin kami kay Lilith na bigla itong tumayo at inayos ang suot saka humarap sa amin. "Wala kayong mapapala kung uupo lang kayo diyan. Let's look for some clues. Time is ticking guys."

Napatingin kami kay Alliana nang kumalam ang kaniyang sikmura. Nakangiwi itong tumingin sa amin, "guys it's two o'clock in the afternoon na. Wala ba kayong balak kumain? Tignan mo nagrereklamo na tiyan ko." She said at tumingin kay Lucifer at Lilith. "Ano ba kinakain niyo? Kaluluwa gano'n?"

Kunot-noong tinignan siya ni Lucifer. "What are you talking about?"

"Kase 'diba mga dem—" napahinto ito nang kalabitin siya ni Huzein at itinuro si Lilith na nakatingin sa kaniya. "Demilanda! Oo y-yun nga! If you guys don't know, it's a new english word!"

"Crazy..." Lucifer whispered. Tumayo na ito at lumabas ng clinic at sumunod naman si Lilith sa kaniya.

"Woah!" Alliana exclaimed. "Hindi ko kaya atmosphere kapag nandito 'yung dalawang 'yon! Trinity is a semi devil but that two is a pure devil! Walang half half!"

"Uh, Trinity let's go. Iba na naman titig mo kay Alliana..." Bulong ni Huzein at hinila ang braso ko palabas ng clinic. Narinig kong sumunod naman si Alliana sa amin. Napansin kong maayos na ang binti niya hindi kagaya kanina na hindi magalaw.

"Hay, ganito nalang ba ganap ko sa buhay? Pang-third wheel nalang?" Dinig naming reklamo ni Alliana sa likod namin. "Buti pa 'yung iba d'yan may nag-aalaga—uy ano 'to? Dahon?" Pag-iiba niya. Napalingon kasi ako at tinitigan siya ng masama.

Nang pumunta kami sa canteen ay ang mga grade twelve students ang nandoon. Base sa kanilang ID lace, they are TVL student. Mukhang sila muna ang pumalit dahil wala nga ang mga taga luto dito. Now, how can we escape here? Mamamatay muna kami bago makalabas.

"Sit here, ako na ang oorder ng atin," Huzein said pero bago pa siya makalagad, tinawag ito ni Alliana.

"Uy, Huzein! Baka naman pasabay ng akin 'diba? Kailangan may kapalit 'yung pagiging third wheel ko sa inyo ni..." She paused and glance at me.

Huzein asks her order and then pumunta na siya sa counter. Leaving Alliana and me. Muli kong tinignan ang itim na papel, maybe there's a clue behind this text 'diba? Pero kahit na iiba ko ito ng anggulo, wala pa din akong makita. Napalingon ako kay Alliana nang tumikhim ito.

"Alam kong masakit sa pride ko 'to pero... I'm sorry dahil sa ginawa ko kanina. It's for you kung tatanggapin mo ang sorry ko, I won't mind kung hindi. It's just... Nainis ako sa'yo kahapon and I want you to take the blame na binabato nila sa student council. But I'm really sorry," she started. Siya naman ay nilalaro ang bimpong hawak niya. Nahihiya siya base sa kaniyang kilos.

"Saying sorry won't change everything. It's done, may magagawa ka pa ba?" I replied. Isinandal ko ang aking likod sa upuan at pumikit. "Where did you get your bravery after what happened? Uh, Kace is always like that so hindi na ako magtataka kung gano'n ka din."

"Kace is like that for your sister, I'm doing this for the council. I love my position so much to the point na I will sacrifice myself." She sad and paused for a second. "Basta sorry, masakit sa pride ko 'to pero worth it naman. For the council."

"No hard feelings, but I want you to ask something." Muli kong sabi. Hindi ko pa din minumulat ang mga mata ko. "Why do you love the council so much? Dagdag responsibilidad lang 'yan."

She chuckled. "I know, but it's a opportunity to me." The next thing she said, made her cry softly.

"Sa family namin, ako lang ang hindi brainy. You know? Lahat sila may medal, nakaabot sa ibang bansa, kilala sa school nila. Samantalang ako? Kilala nila bilang talunan. I don't get it, kailangan ba kapag magaling sila gano'n din dapat ako? It pressures me all the time until I nominate for vice president last year. I wasn't expecting na mananalo ako dahil I'm too dumb to be here—like Lilith said. But then, boom! Nanalo ako, doon lang nila nakita na magaling ako at may ipagmamalaki na ako. I know being a vice president shouldn't be proud of. But girl, this is Heilianthus University! A goddamn university!" She exclaimed. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at pinanood siyang punasan ang luha niya. " Papunta na si Huzein, baka isipin no'n na inaway mo ako."

Saktong pag-angat ng tingin ko ay may naglapag ng pagkain sa harapan ko and it was Huzein. Takha niyang tinitigan si Alliana at nilipat sa akin ang tingin. Tinaasan ko ito ng kilay kaya bahagya itong umiling.

"Trinity—" he said but I cut him off.

"Huzein Adriatico, if you will scold me like a child, just shut your mouth dahil wala akong ginawa sa kaniya. I'm hungry, let's eat. Marami pa tayong gagawin." I said at kinuha ko ang pasta. Pasta din ang kinuha ni Huzein at Alliana.

Katapat ko si Huzein at katabi naman niya si Alliana. It means, bakante ang katabi kong upuan. Tahimik kaming kumakain nang biglang may humila sa upuan na nasa tabi ko at umupo. Lahat kami ay napalingon dito at walang iba kundi si Lucifer.

"What are you doing here?" Inis kong tanong at bahagyang umusog sa kabilang side para lumayo sa kaniya.

"Singing? Dancing? Swimming? What do you think, woman?" Inis niyang sabi. Napalingon naman kami sa kadarating lang nang kaladkadin niya sa kabilang table ang isang bakanteng upuan. May dala itong dalawang spaghetti, mukhang dito sila kakain sa pwesto namin.

"H-Huzein... Pwede ba tayo magpalit ng pwesto? H-hehe..." Bulong ni Alliana ngunit rinig pa din namin. Nakita ko ang pasimpleng paghatak niya ng manggas ni Huzein.

"Sure," Huzein replied. Tumayo ito at nakipagpalitan kay Alliana. Mabilis niyang tinapos ang pagkain, halata kasing natatakot siya sa dalawang kararating lang.

Nagkibit-balikat nalang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Tahimik muli kaming kumain hanggang sa tumayo si Alliana.

"No one is allowed to go first, we are a team. Sabay-sabay tayong hahanap sa biktima. Wait for us, will you?" Inis na sabi ni Lilith at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi niya man lang binalingan ng tingin si Alliana. I heard Alliana sighed at unti-unti ding umupo.

Natapos na kami ni Huzein kumain at hinihintay nalang naming matapos kumain sina Lilith at Lucifer. Napatingin kami kay Alliana nang may kausap na ito sa kaniyang cellphone.

"President," sabi niya at tumingin kina Lilith at Lucifer. "Cafeteria, kasama ko si Trinity, Huzein, Lucifer and Lil—" hindi na natapos ang kaniyang sasabihin nang magsalita si Lucifer.

"Your phone is dead. I saw it when we were in swimming pool area." He said. Nakangiwing binaba ni Alliana ang kaniyang cellphone at bumuntong-hininga. Halatang gusto na niya makaalis ngunit ayaw niya. Uh, but that was so lame excuse. Tuloy sana ang plano niya kung hindi lang alam ni Lucifer na low batt ito.

"Sabi ko nga, wala akong takas..." Bulong niya.

Maya-maya ay natapos na din silang kumain at nagsimula kaming maghanap kung saang lugar ang sinasabi ni Scorpion na "Yes No Maybe."

"Huzein, do you have any idea where is this yes no maybe?" Tanong ni Lilith. Bahagyang umiling si Huzein.

Napahinto kami nang marating namin ang dulo ng hallway. Akmang aalis na kami nang lumapit si Lilith doon at pinagmasdan. It's grade ten's room. I felt uneasy when I remembered something. Dito naganap ang gabing hinabol kami ng gwardiya at ni ma'am Akeria! Uh, I miss ma'am Akeria.

"There's something here that piqued my interest. Let me check," Lilith said. Pumasok ito sa classroom at nilibot ang tingin sa buong silid. Napangiti ito nang may makita at pumasok. Sinenyasan din kami ni Huzein na pumasok.

Ang bumungad sa amin ay ang isang tarpaulin na nakasulat na "Yes No Maybe" gamit ang dugo. Napalingon kami sa ilalim ng bookshelf nang makarinig kami ng ilang tunog. Si Lucifer na nagpresintang lumapit at nakakita kami ng itim na bag na kasing laki ng tao.

Is this what this scorpion want to me? Bakit at paano niya nalaman na nandoon kami? Maliban lang sa isang tao.

"It must be the guard..." Bulong ko. Muli kong binalingan ang tarpaulin na nakasulat na Yes No Maybe. It all interconnects. Dinala niya kami dito para isipin kung sino ngunit ngayong may idea na ako, it's either YES, NO or MAYBE.

"She's still breathing." Sabi ni Huzein. Siya na ang nagpresintang buhatin habang kami naman ay nanonood. Naunang lumabas si Huzein, sumunod si Alliana at Lilith hanggang sa kami nalang matira ni Lucifer.

"What's with that face, woman?" He asked. Inis ko siyang nilingon at tinaasan ng kilay.

"Ano naman ngayon sa'yo?" Sabi ko at nauna nang umalis. Napahinto ako nang hablutin niya ang braso ko at pwersahang hinarap sa kaniya. "What?"

"You look bothered by something, mind to share it to me?" He asked. Napakunot ang aking noo dahil sa narinig. What the fuck?

"Uh, may I remind you that we're not close so stick to your lane."

Nagulat ako nang hatakin niya muli ako papalapit sa kaniya hanggang sa magkalapit kami ng mukha. I pushed him but he held my hands.

"This close, is that enough?" He whispered softly while looking into my eyes intently.

"W-what the heck are you doing, old guy?" Inis kong sabi at sinipa siya ngunit wala lang sa kaniya 'yon. Imbis na bitawan ako, sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.

"Why are you stuttering, woman? Did I gave an impact on you? Does I drive your heart crazy? Am I better to make your heart fluttered than your bestfriend?" Sunod-sunod niyang tanong. I slowly gulp. Hindi ko alam ang isasagot. "Replace him, then."

"Teka lang! Naiwan ko ata ang wallet ko sa loob!" Someone shouted outside. Agad na nagpanic ang sistema ko ngunit si Lucifer ay wala pa ding ginagawa.

Bago pa makapasok si Alliana sa loob, buong pwersa kong sinipa si Lucifer sa kaniyang kaligayahan. Napangiwi siya dahil doon. Mabilis ang hakbang ko papunta sa pintuan nang bumukas ito.

"Uy akala ko sumunod na kayo?" Alliana ask. Tumingin siya kay Lucifer at sa akin. "Ikaw ah? Kailangan malaman 'to ni pareng Huzein. Hindi pwede matalo manok ko." Sabi niya at may kinuha sa isang lamesa, ang kaniyang wallet saka ito lumabas. Inis kong tinignan si Lucifer na nakangisi at binigyan ng matalim na irap bago umalis sa silid.

Ngayon ay nasa clinic kami at hinihintay na magising ang biktima para kamustahin siya. Si Alliana naman ay mas binantayan pa ang kilos ni Lucifer. Hindi ko alam, bakit niya ba kailangan gawin 'yon? And uh, Huzein is not my boyfriend so what? Additionally, I'm not into romance.

Nang lumabas si Alliana, sinundan ko ito hanggang sa makarating kami sa restroom ng girls. That's the moment I talk to her.

"What's the secret between Huzein and Kace?" Sabi ko habang naghuhugas ng kamay. 'Yan ang sinabi niya kanina para tulungan namin sila. That's the reason why I helped them.

"Ah, that?" Sabi niya at naglabas ng pulbo. "It's just a joke. Wala naman talaga silang secret. Kasi naman, halata kasing hindi mo ako tutulungan so I came up with that plan." Alliana said. Inis akong umirap at bumuntong-hininga. What a waste of efforts. Akmang lalabas na ako nang humarang siya sa dinaraanan ko.

"Uy, galit ka? I'm sorry..." She said. "I'm sorry for lying. I'm sorry for using your bestfriend para tulungan mo kami. Last na talaga 'to! Hindi na mauulit, I promise!" She said and smile. Again, I sighed.

"I don't believe in promises, just do what's right and best," sabi ko at nilagpasan siya ng tingin.

"But what if this is the right thing but not the best? Or this is the best thing but it's wrong? Abangan sa susunod na linggo dito sa—" dinig kong sabi niya. Agad ko itong sinaraduhan ng pintuan at nauna nang pumuntang clinic.

Pagdating ko sa clinic ay wala na ang babaeng muntikan na maging biktima. Ang tatlo ay walang kibuan. Umupo ako sa tabi ni Huzein. Nagulat ako nang bigla niyang isandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Tired?" I asked. He nodded. It's almost four o'clock in the afternoon at hanggang ngayon ay naka-uniform pa din kami ni Huzein. Namataan kong nakatingin sa amin si Lucifer kaya napatingin ako dito. Nang salubungin ko ang kaniyang tingin, agad itong umiwas at itinuon ang atensyon sa ibang bagay.

Dumating na din si Alliana at naisipan naming puntahan si Kace na ngayon ay nasa field sila. Kaya pala hindi na niya kami sinamahan dahil kailangan niya ayusin ang mga grade twelve students. Since he's the president, kailangan niya maging lider para sa amin.

The field is huge. Pagdating namin doon ay may kinakausap si Kace. Nang makita niya kaming papalapit na, saka ito napalingon sa amin.

"President, I have something to tell you," Alliana said. Kinaladkad niya si Kace paalis doon para mag-usap. Nagkatinginan kami ni Huzein at parehas na nagkibit-balikat.

Akmang ihahakbang ko na ang paa ko nang may humablot sa braso ko and gave me a solid punch. Sa sobrang sakit nito, mabilis akong sumalampak sa sahig.

"Valerie!" Huzein said.

Akmang muli niya akong bibigyan ng sapak nang may humawak sa kaniyang braso. It was Lucifer, he gave her a sharp look ngunit hindi nagpatinag si Val. Napalingon ako sa kanan ko nang lapitan ako ni Huzein.

"Masakit ba? Wait me here, I'll get some ice bags," sabi niya. Pero bago pa siya makaalis ay hinawakan niya ang labi ko and he wiped the blood using his thumb. "There you go, I hate it when I see you with blood." And then he smiled.

Napalingon naman ako nang may umupo sa tabi ko and it's Lilith. "Look at him, he looks so adorable with you." Sabi niya habang nakatingin sa kawalan.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Who?"

She form a small smile. "It's for you to answer." Sabi niya at tumingin kina Lucifer kaya napalingon ako doon. Hanggang ngayon ay nagtititigan pa din sila. Until Valerie spoke.

"Look, you found another knight and shining armour here. Pero hindi mo pa nahahanap ang kaibigan natin! Ang kapal ng mukha mong humarot habang nawawala si Aizel!" Akmang susugurin niya ako nang harangin siya ni Lucifer. "What the fuck?! Sino ka ba?! 'Wag kang makisali dito na parang alam mo ang lahat!"

"No harm!" Lilith shouted. Napalingon ako sa kaniya at mukhang masayang-masaya ito dahil sa nakikita ngayon. I didn't know na may side siyang ganito.

"Who am I? It's for you to answer." Sabi nito at mas diniinan niya ang pagkakahawak sa braso ni Valerie. Napangiwi ito dahil sa sakit at tumingin sa akin.

"Hangga't hindi mo nahahanap si Aizel, hindi kita mapapatawad." Sabi niya.

"She doesn't need you anyway so don't think that you are important to her." Lucifer commented. Inis itong binalingan ni Valerie at sapilitang hinila ang braso ngunit hindi ito binitawan ni Lucifer.

"Aray! Ano ba! Bitawan mo akong putang ina ka!" She cursed.

"Not until I give you this," someone stepped in. Not me, not Huzein nor Lilith, it's obviously not Lucifer. Who could it be?

"Kace..." I whispered. Binigyan niya ng isang malakas na sapak si Valerie.

"Hindi ako pumapatol sa babae pero kung gagaguhin mo si Trinity..." Huminto siya at hinila ang kaniyang manggas. "Tara, sapakan."

Valerie chuckled. "Pinoprotektahan mo ba siya dahil kambal siya ni Tiffany?" She said and laughed hilariously. "Tiffany is better than her anyway—" hindi na natapos ang sasabihin niya dahil sakal-sakal ko na ito. How dare her to mention my sister's name!

"B-bakit? H-hindi ba t-totoo?" She innocently asked while struggling. Mas lalo kong diniinan ang pagkakahawak sa kaniyang leeg.

"TRINITY!" Someone shouted. Pwersahan niyang hinila si Valerie sa pagkakahawak ko. Dahil doon ay natulak niya ako paupo sa lupa.

Just then, I felt my tears falling while watching Huzein and Valerie. I don't know if it's because of jealousy or something. Nagulat ako nang may humarang sa paningin ko. When I looked up, it's Lucifer. He's offering his hand pero hindi ko ito tinanggap at kusang tumayo. Pinagpagan ko ang sarili ko at tumakbo palayo sa kanila.

What's happening to me? Why am I crying? I'm pretty sure I'm not in love with Huzein. I don't feel jealous at all. Is it because of the way he cares to everyone? The way he stare to everyone, gano'n din siya tumitig sa akin. Ginagawa ba niya sa iba lahat ng ginagawa niya sa akin? But why the heck I cared? The hell I care!

I sat down on the bench. Maraming mga matang nakatingin sa akin at nagtataka. Buti nalang at tanaw dito ang paglubog ng araw. Wherever ma'am Sylvia and Tiffany are, I hope they are guiding me, helping me to give them the justice they deserve.

Nagulat ako nang may yumakap sa akin mula sa likod. He's scent is not familiar. Suddenly, Mirrors by Justine Timberlake played by one of the students.

Aren't you somethin' to admire?
'Cause your shine is somethin' like a mirror
And I can't help but notice
You reflect in this heart of mine

I heard his heavy breathing. Mukhang tinakbo niya mula dito hanggang sa makalapit sa akin. But I don't get it, why is he hugging me?

If you ever feel alone and
The glare makes me hard to find
Just know that I'm always
Parallel on the other side

That's the moment I turn my back and faced him. Tumutulo pa ang kaniyang pawis. Kinuha ko ang aking panyo mula sa aking bulsa at pinunasan ang kaniyang mukha.

'Cause with your hand in my hand and a pocket full of soul
I can tell you there's no place we couldn't go
Just put your hand on the glass
I'll be there to pull you through
You just gotta be strong

"Lucifer..." I uttered. Napahinto ako sa pagpupunas nang hawakan niya ang kamay ko. He's staring at me intently like he's staring into my soul.

'Cause I don't wanna lose you now
I'm lookin' right at the other half of me
The vacancy that sat in my heart
Is a space that now you hold

"You have me now, I won't go anywhere... Again." Sabi niya at muli niya akong niyakap. Ibang-iba siya kumpara sa iba. His intimate aura is gone as well as the chilling effect. Pero ano ba ang pinagsasabi niya? Again?

Show me how to fight for now
And I'll tell you, baby, it was easy
Comin' back here to you once I figured it out
You were right here all along

Binuka ko ang aking bibig ngunit walang salita ang lumabas. I can't understand my system right now. Is it because of a romantic scene or because of him? I can't determine which is the right answer.

Just then, napalingon ako sa kararating lang. Ilang metro ang layo namin mula sa kaniya. Titig na titig ito sa amin. I hug Lucifer tighter.

It's no other than Huzein.

Suddenly, our phones bipped and the motherfucker arrives.

"What a beautiful scene..." He said in robotic voice. I heard him chuckled.

"Voting lines are now open."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro