Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PART THREE: REMEMBER THE MARK

TRINITY

Ever since we're both young, magkasanggang-dikit na kami. I have a intimidating awra and she has a lovely awra. Her smile can melt you but when I smile, your life is in danger honey. It's like I'm in monotone colours and she's a colourful rainbow.

Marami pa kaming plano sa buhay. I plan to be a nun pero walang nagmumura na madre. Siya naman ay gusto niya magkaroon ng anak na babae at lalaki. Gusto niya din ikasal sa una niyang kasintahan which is si Kace Eliel Escarra. Kung close at sweet sila ni Tiff, halos magpatayan naman kami ng lalakeng 'yon. I don't know, I hate him six feet below the ground.

Parang kanina lang, nakikipagsagutan pa ako kay ma'am Ria. Sinermonan ako ni Huzein. Nagrereklamo sa ginawa ng student council ngayong foundation day. Inasar ko pa si Tiff na mukhang clown. But now... My sister is out of nowhere.

Laboratory room.

Ang twenty-two zero four ay ibig sabihin ay building two, room 204. Naisip niyang gawing twenty-two para maintindihan ko kung nasaan siya, mahirap kung two two lang ang sasabihin niya and I get her.

My tears begins to fall while running. Alas sais na ng gabi at kaunti nalang ang mga estudyante. Mamayang seven o'clock ay ang hapunan ng buong Heilianthus University. Ang iba pa ay pinagtitinginan ako pero wala akong pake. May narinig akong tumawag ng pangalan ko pero hindi ko ito pinansin.

Tiffany, hold on.

Kinusot ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Mabuti at bukas ang ilaw sa hallway. Dali-dali akong umakyat sa hagdanan at huminto sa ikalawang palapag. Nabuhay muli ang kaba sa aking dibdib. Anong nangyari kay Tiffany? Kamusta siya? Sa lahat ng tao, bakit siya pa?

"Tangina..." Bulong ko at muling pinunasan ang rumaragasang luha. Palapit ng palapit ang pagpunta ko sa laboratory, mas lumalakas ang kaba ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa tuwa ito o dahil may mali? Hindi ko mapapatawad kung sino man ang gumawa nito sa kapatid ko.

Huminga ako ng malalim nang makatapak ako sa labas ng laboratory room. Nakapatay na ang ilaw nito sa loob dahil ipinagbabawal na gumamit nito pagdating ng 5:30 pm. Kailangan pa ng permission galing kay dean.

Kinapa ko ang cellphone ko nang umilaw ito. It's Huzein calling. Hindi ako nagdalawang-isip na sagutin ito. Alam kong may importante siyang sasabihin.

"Trinity, where are you? Sabi nila tumatakbo ka papunta sa building two?"

"'Wag kang susunod," I warned him.

"Paano kung mapahamak ka? No. Wait me there, pupuntahan kita."

Agad na uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya. "'Wag kang susunod sabi!"

Huli na dahil biglang nag-shutdown ang cellphone ko. Low battery pero iniwan ko itong naka-charge! It must be Aizel, siguro binunot niya ang charger ko para makapag-charge siya. How dare her!

Muli akong lumingon sa pintuan. Sinubukan ko itong buksan pero naka-lock. Mabuti nalang at may suot akong hair clip. I just hope this thing works. Tiffany, wait me. I'm coming. I'll save you. Damn your boyfriend, dapat hindi ka niya iniwan.

Napamura ako nang masira ang hair clip ko at kumuha ng bago. Hindi ko alam kung paano ito mabubuksan pero sa tingin ko tama naman. Malakas ang kaba habang kinakalikot ang door knob. Nakahinga ako ng maluwag at napangiti nang bumukas 'yon.

Mabilis kong binuksan iyon at kinapa ang switch. Ilang sandali lang ay lumiwanag na ang paligid. Ang ngiti ko ay unti-unting naglaho at nagsimulang tumulo ang luha ko. A scream escaped on my lips at marahang napaluhod.

Tiffany, she's hanging in the ceiling with her red silky dress. Napadako ang tingin ko sa suot niyang ribbon na nakalagay na 'winner'. Tumama ang tingin ko sa kaniyang kamay na may hawak na bouquet of flowers. Dilat na dilat ang kaniyang mata at nakangiti pa ang kaniyang mga mapupulang labi. Ang balikat, braso at binti ay napapaliguan ng dugo.

"TIFFANY!" Sigaw kong muli hanggang sa makaramdam ako ng tao mula sa likod ko. Unti-unti akong nakaramdam ng mainit na yakap mula sa likuran. He's familiar scent. My comfort person, Huzein.

Unti-unti niya akong inangat at niyakap. Maging siya ay nagulat sa sinapit ni Tiffany. Kita ko ang pangingilid ng kaniyang luha. Tiffany is a good friend to him. Siguro, ayaw niya lang ilabas dahil kailangan ko siya ngayon.

"What's with the noise all—" boses ito ni Kace. Nang makarating siya sa laboratory ay pati siya ay napahinto sa pagsasalita. "About..."

Habang nakasandal ang ulo ko sa dibdib ni Huzein, nakikita ko si Kace na lumuhod at umiyak. Sinapak-sapak niya ang sahig at panay ang sigaw. May mga estudyanteng nakarinig kaya dali-dali silang pumunta sa direksyon namin. Ang tahimik na hallway ay napuno ng bulong-bulungan at iyakan.

Dumating si dean at ang supervisor. Maging sila ay gulat. Gusto ko mang puntahan ang direksyon ni Tiffany at yakapin ito pero ayaw akong bitawan ni Huzein. Baka magkagulo ang forensics sa pag-a-analyze kung sino ang gumawa nito sa kapatid ko.

"I heard... I heard Trinity scream kaya pumunta ako dito..." sabi ni Kace nang tanungin siya ni Huzein kung bakit siya nandito. "Now I know... Kahit ako sumigaw din, ang... Ang sakit..." Sabi niya at pinunasan ang tumutulong luha.

Pinaalis na kami doon at hayaan ang mga pulis na gumawa sa kanilang trabaho. Panay ang pilit ko na isama ako dahil kailangan kong malaman kung ano ang resulta at hindi fabricated. Gusto ko lahat dumaan sa akin. Gagawin ko lahat para mabigyan ng katarungan si Tiff.

Ms. Akeria sighed. "I know you are entitled as a "Heilianthus University's badass" but please, ngayon lang. Makinig ka, Trinity."

Sighed in defeat. Inakay ako ni Huzein paalis sa laboratory. Muli kong sinulyapan ang karumal-dumal na sinapit ni Tiffany. Hindi ko alam. Gulong-gulo ako. Gusto kong sumama at tulungan ang kapatid ko pero hindi nila ako papayagan. Bakit ba ayaw nila? Dahil ba minor ako? I'm only seventeen! Isang taon nalang at nasa legal age na ako. But why? Kapatid ko siya, kailangan kong maging involve.

Patawarin sana ako ng lahat kapag nagawa kong pumatay para makasama lang ako sa imbestigasyon.

Dinala ako ni Huzein sa cafeteria. Siya na din ang um-order ng kakainin namin. I refuse not to eat pero pinilit niya ako. Hindi daw matutuwa si Tiff sa ginagawa ko.

Habang inaantay si Huzein, luminga at pinagmasdan ko ang paligid. May nakita pa akong nagtatawanan at nag-aasaran. Bakit hindi sila nagluluksa gaya ko? Naging mabait din naman si Tiffany sa kanila. Karamihan dito ay kaibigan niya yet maliban sa akin, kay Huzein at Kace. Bakit parang ayos lang sa kanila?

Kilala ako ng taong nasa likod ng robotic voice yet iniisip nilang pinlano ko ang lahat ng 'yon! Nandito lang siya sa loob ng Heilianthus. I can narrow down all the students and deduce it. Pero sa libo-libong nag-aaral, magagawa ko kaya?

"Trinity..." Bulong ni Huzein nang makarating siya. Ang mga mata niya ay nadapo sa hawak kong baso. Ngayon ko lang napansin na nakayukom na ito at nagbabadya na din ang luha ko. He weakly smile and pat my back.

Will everything be alright?

Maaga kaming natapos kumain ni Huzein. Kinikwentuhan niya ako ng nakakatawa at ang mga katangahan niya noon para pasayahin ako pero walang epekto. Parang nilalamon ako ng lungkot at galit. If I only knew that this will happened, ako nalang sana ang magiging contestant at hindi siya. 

Pagdating ko sa dorm, sinalubong ako ni Val ng kaniyang tingin. Gusto niya akong lapitan at aluin, gan'yan naman siya noon pa kay Aizel. Sinabihan ko din siyang huwag niya akong aluin. I can bare this pain alone. I took a bath and went to sleep.

Nagising ako ng alas dos ng madaling-araw at hindi na nakabalik pa sa tulog. Napag-isipan kong lumabas suot-suot ang itim na jacket. Kung hindi nila ako papayagang mangialam, I will find ways. I fear nothing, they can drop me out pero hindi nila magawa. I wonder why?

Pumunta ako sa laboratory. Hindi gaya ng iniwan namin ito kanina, may nakalagay na police tape sa pintuan pero hindi hadlang 'yon. Anong silbi ng bintana? I'm a skinny girl, sigurado akong kakasya ako diyan.

"I knew you will go here."

Napalingon ako sa kanan kung saan nakita ko si Kace na nakasuot ng puting v-neck t-shirt at itim na pajama. Napaiwas ako ng tingin nang malaman niyang tinitignan ko ang kaniyang itsura.

"Done checking?" Sabi niya. I rolled my eyes. Ano ba ginagawa niya dito? Uh, ganito ba talaga itong boyfriend ni Tiff? Pakeilamero?

I scoffed. "What are you doing here?"

"I should be the one who will ask that question, what are you doing here?" Sabi niya at unti-unting naglakad papunta sa direksyon ko at nakapamulsa ang dalawang kamay.

"Nandito ako sa crime scene ni Tiff. Hindi ako pinayagan makialam. As a president of student council of Heilianthus University, ano maiisip mo?" I sarcastically said. Why so dumb, Kace Eliel Escarra?

He stop right in front of me. He scanned my whole body until he kneeled down. Nanlaki ang mga mata ako at iniyukom ang kamay para sapakin siya pero agad din itong nagsalita.

"Don't you ever think I'm going to rape you." Sabi niya. He held the hem of my pajama at inangat ito hanggang sa itaas ng tuhod. Akmang gagawin niya sa kabila 'yon pero inilayo ko agad ito sa kaniya. Inis niya akong tinignan.

"Don't act like we're close, Mr. President. Kasi hindi mangyayari 'yon." Sabi ko at iniluhod ang isang tuhod pars maabot ang dulo ng pajama at itinaas din. "Now, what? Tititigan mo lang ba ako d'yan at hindi mo ipapaliwanag sa'kin kung bakit mo ginawa 'yon?"

He glared at me. Inis itong bumaling sa bintana ng laboratory at ibinalik sa akin ang tingin. Tinaasan ko siya ng kilay dahil doon.

"Why don't you speak? May bibig ka naman." I said. I saw him rolled his eyes. Akmang magsasalita na ito nang bigla kaming matigilan nang makarinig ng yapak papunta sa direksyon namin. Rinig ko ang boses ni Ms. Ria at isang guard! Papalapit ito ng papalapit sa direksyon namin.

Nanlaki ang mga mata ko nang hilain ako ni Kace at tumakbo palayo sa laboratory. I know suspended ako for three days starting tomorrow pero itong ginagawa namin ay pang isang buwan! Ayos lang sa akin iyon pero si Kace? Ito ang unang beses na masususpended siya. Bakit ka pa kasi sumunod, kace? Argh!

"Dalian mo manong, tumakbo na 'yung pasaway na estudyante!" Sigaw ni ma'am Ria na rinig namin. Agad kaming umakyat ni Kace sa third floor at panay ang linga namin.  Maski ako, hindi ko alam kung saan kami lulusot. Curse you, Kace!

Dumaan kaming kanan. Ang mga yapak lang namin ang naririnig sa buong hallway. Hindi na namin narinig si ma'am kaya huminto si Kace at inalis ang suot na tsinelas. Inilagay niya ito sa magkabilang siko, gano'n din ang ginawa ko.

"Nandito lang sila, hindi pa nakakalayo," dinig namin mula sa katabi naming hagdanan. Muli ay hinatak ako ni Kace palayo at umakyat sa fourth floor.

Tanging liwanag mula sa buwan ang nagsisilbing ilaw namin. Sa totoo lang, parang nasa isa kaming horror movie. Nang makarinig kami ng sumusunod ay mas lalong binilisan ni Kace ang pagtakbo dahilan para matapilok ako.

"Fuck!" I cursed. He sighed and glare at me. Now, what?! Siya pa ang may ganang magalit?! Kasalanan niya, he can slow down pero mas binilisan niya pang tumakbo kanina. I can here footsteps coming from our direction.

"Damn..." Bulong ni Kace at umupo sa harapan ko na nakatalikod at sinenyasan akong umangkas sa likuran niya. Aangal pa sana ako nang hilain niya ang dalawang braso ko at ipinatong sa balikat niya. Napilitan tuloy akong umangkas sa likod niya habang iniinda ang kirot sa natapilok kong paa. Curse you, Kace!

Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa narinig namin ang ingay mula sa guard at supervisor. Nasa dulo na kami ng fourth floor at walang hagdanan! Tanging mga silid nalang ang nandoon.

"Kung gagawa kayo ng milagro, magsabi kayo!" Sigaw ni ma'am Ria papunta sa direksyon namin. I chuckled. Kace let out a heavy sigh.

"Sa ganitong eksena, nagagawa mo pang tumawa? Unbelievable," inis na sabi niya at panay linga. Hinahanap kung saan kami lulusot pero huli na, wala na kaming takas dahil nakikita na namin ang isang flashlight!

Tumakbo si Kace papunta sa isang room ng grade ten at dahan-dahang isinara iyon. Sobrang kaba ang nararamdaman ko dahil naririnig ko na ang boses nila ma'am! Panay ang mura ng guard dahil hindi kami nahabol!

"Kuya, check mo nga bawat room, baka nagtatago lang sila," sabi ni ma'am. Nilingon ko si Kace na ngayon ay panay linga. Hindi alam kung saan magtatago. Gano'n din ang ginawa ko, naghahanap kung saan pwede itago.

Suddenly, my eyes landed under the bookshelf. Maliit lang ang espasyo pero sapat na ito para kumasya ang katawan namin. Plus, hindi makikita dahil nasa madilim na bahagi ito. Kahit kumikirot ang paa ko, pilit kong tumayo at hinila si Kace papunta sa bookshelf.

"What are you—" I hushed him. Sumunod na humiga at gumulong papunta sa ilalim ng bookshelf. Aangal pa sana siya pero hinila ko ang braso niya. Kasabay ng pagsiksik niya sa bookshelf ay ang pagpasok ng gwardiya sa room.

"Of all places, Trinity?!" Bulong niya at sumiksik papalapit sa akin. Ang katawan namin ay sobrang dikit. Naghahalo ang pawis namin dahil sa sobrang init!

"Really Mr. Escarra, nagawa mo pa magreklamo?" I fired him back. Nanlaki ang mga mata ko nang pumasok ang guard at nilinga ang buong room. Left with no chance, mas lalo kong nilapit ang katawan ni Kace sa akin at siniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya. Siya naman ay yumuko at isinandal ang baba sa ulo ko. All I can hear is nothing except from our loud heartbeat. Siguro sa kaba o dahil sa kilig, I can't determine which.

"Kuya, wala ba d'yan?" Sigaw ni ma'am. Rinig naming lumabas ang gwardiya at sinarado ang pintuan. Kahit nasa labas na ito, nasa gano'n pa din kaming posisyon.

"Wala ma'am, mukhang natakasan tayo." Dismayadong sabi ng guard.

Ma'am sighed. "These children are unbelievable. Ginagawa ng sogo hotel ang school! Let's go kuya, sesermonan ko sila bukas."

Nang makasigurado kaming nakalayo na, mabilis ko siyang itinulak palabas sa ilalim ng bookshelf. Tumama ang likod niya sa isang upuan na lumikha ng tunog. Sabayan mo pa ng daing niya. Nanlaki ang mga mata namin nang may nahulog na bagay. Isang flashlight?! 'Diba may kaniya-kaniya silang flashlight? How come na nakalimutan ni manong?! Pareho kaming natigilan nang makarinig muli ng yapak.

"Ma'am, wait. Nakalimutan ko 'yung flashlight ko." Dinig naming sabi ng guwardya. muli kong hinatak si Kace papunta sa direksyon ko at ibinaon ang mukha sa dibdib niya. I'm not enjoying this moment! As if I had a choice!

Nanlaki ang mga mata ko nang maramdamang lumapit sa direksyon namin ang guwardya. Mas lalong napadiin ang hawak ko sa braso ni Kace. Damn it, sinong tangang mag-iiwan ng flashlight?!

Ilang hakbang nalang mula sa kinatatayuan ni manong guard ng magsalita si Kace.

"Laugh like in horror movies, Trinity..." Bulong niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sinong may sabing pwede mo 'kong utusan?!" Pabulong kong sabi. Kahit madilim, nakita ko ang pag-irap niya.

"Just do it..." Sabi niya with a calm voice. Now, he's using his charms to make me obey his order?! How dare him.

I sighed before I laughed like what he instructed me to do. "Hihihihi~"

It's not a laugh! Pero ito kadalasan ang naririnig ko sa mga horror movies. Hindi naman ako mahilig sa horror but I know how to act like this! Just... Hindi ko sinabing kaya ko. I saw Kace bite his lips, preventing to laugh. How dare him?! Siya ang nag-utos pero siya pa ang may ganang tumawa?!

Nakita kong natigilan ang guwardya at bahagyang lumapit sa direksyon namin. Mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko pero hindi hadlang 'yon para hindi ko takutin ang linting guwardya na ito.

"Hihihihi~" sabi ko at kinalabog ang bookshelf dahilan para magkalaglagan ang ilang mga libro. Ramdam ko ang higpit ng kapit ni Kace sa braso ko at ang isang kamay niya ay nakahawak sa bibig niya. He's laughing?! Really?!

"Shit!" Sigaw ng guwardya at kumaripas ng takbo. Nang makalabas na ito ay muli siyang nagsalita. "Ma'am, may multo ata sa room na 'yan. Ipabasbas niyo na 'yan sa pari!" Sigaw niya at tumakbo. Rinig ko ang angal ni ma'am pero wala na itong nagawa at tumakbo palayo.

We stayed like this for five minutes. Pinapakiramdaman na namin kung babalik pa sila o hindi na. If they saw us, hindi nila iisiping nagtanan kami, siguro baka nagsapakan kami ng madaling-araw. But looking in this moment, parang tama sila. Parang lang. Ikaw ba naman na makakita sa amin na nasa ganitong sitwasyon, hindi ka ba magdududa?

Nang makasiguradong wala na, mabilis kong itinulak si Kace palabas sa lungga namin. Gumulong ako palabas at pinagpag ang suot kong jacket. Siya naman ay panay reklamo, bakit ko daw tinulak. As if I'm enjoying our moment!

Tumayo ito mag-isa at nag-unat-unat pa. Parehas kaming natigilan nang biglang tumunog ang speaker—kung saan sinasabi ang iilang announcement at palatandaan. Malakas 'yon at rinig na rinig ng buong campus maging sa dorm. Hindi na ako magtataka kung may maistorbo sa kanilang tulog.

"Kung sino man ang mga tao sa building two,  please, ang Heilianthus University ay hindi isang hotel. 'Wag kayo dito gumawa ng milagro." Boses ni ma'am Ria. I look at Kace who's staring at me. We both unconsciously laughed. As if naman gagawa kami ng milagro, I hate this guy. Kung hindi siya sumunod, hindi ako mapapahamak!

Tomorrow morning ay hindi ako pumasok. Gaya ng sinabi sa akin ni Kace at ma'am Akeria, suspended ako ng tatlong araw dahil sa pambabastos kay Dean.

Books. Books. Books. If I'm bored, I'm reading this pile of books beside me. Pwera lang noong ginupitan ko ang buhok ko. I'm bored and nakita ko lang sa five minutes craft! Masisisi mo ba ako kung naenganyo akong gawin sa buhok ko?

Nabalitaan ko din kina Val at Aizel na isa-isa silang pinuntahan ni ma'am Ria. May nalaman silang isa o dalawang taong umakyat sa building two ng madaling araw. Hindi nila nakita ang mukha pero nasundan daw nila. I manage myself to look like I'm not interested but deep inside I'm laughing! Who wouldn't thought na ako iyon at si Kace?

But that's not the case right now. I should investigate on my own. Dawit ang kapatid ko dito, hindi pwedeng hindi ako makialam. That's the reason why I sneaked out! Pumunta akong laboratory to find some hints or clues pero hindi nangyari dahil dumating si Kace! Damn him!

Now it's passed five o'clock in the afternoon. May nakita pa akong mga estudyanteng naglalakad papuntang dorm. Ni hindi ko sila nakitaan ng lungkot at pagdurusa dahil wala na si Tiffany. I understand if ako ang nawala but it's my sister?! Close niya ang lahat dito and then nang mawala siya, parang wala lang sa kanila?! Damn them.

Napangiti ako nang makita ang building two. Kita mula dito sina ma'am Ria, ang dean at ang mga pulis. Iniimbesigahan nila ang nangyari. Bakit hindi nila ako tanungin? Bakit hindi nila naisip na kausapin ako since ako naman ang nakakita sa bangkay? Something's off.

Nakita ko ang pagtango ni ma'am at umalis na pababa sa hagdanan. Agad akong dumaan doon at sinalubong siya ng nakakalokang ngiti. Siya naman ay nakatingin sa akin na para bang nang-aasar.

"Oh? 'Diba suspended ka? What brings you here?" Mataray na sabi niya. I chuckled caused her to shut up.

I cleared my throat. "Tell me, what clues or evidence that the suspect left in the crime scene."

Bahagyang tumaas ang kaniyang kilay. "And who are you para sabihin ko 'yon?"

I sweetly smiled. "Supervisor, isang click ko lang sa social media this university will fall at kasama ka." Mahinhin kong sabi at bahagyang inilapit ang mukha ko sa kaniya. "Don't test my patience, supervisor Akeria Fuente."

Bahagya siyang umatras at itinulak palayo. Halatang nasindak sa ginawa ko. "Okay, fine! I will tell you!" Sabi nito at kinuha ang cellphone mula sa kaniyang bulsa. May pinindot ito hanggang sa iharap niya sa akin ang screen.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa nakita. It's not a word or a riddle. Hindi siya mathematical equation na kailangan mong isolve. This one is... Different. It gives me chills all over my body.

It's a... scorpion.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro