PART SIX: FINDING SYLVIA CASTRO
TRINITY
Ma'am Sylvia is one of the best teachers I ever met. Siya yung tipong seryoso kapag lectures ang usapan pero marunong siya sumabay sa kalokohan ng generation Z. Given na sa Heilianthus University kami nag -aaral at may dorm sa loob ng campus, of course I miss my parents specially mom. After a year, I get used to it though. Ma'am Sylvia—on the other hand— she resembles of my mom. My mom can be fierce and friendly just like her.
Tiffany told ma'am Sylvia about it and she's happy. Sinabi niya pa nga sa amin na anak niya kami but I winced. It's cheesy and cringe, I hate it.
Every year— tuwing birthday namin— palagi siyang may dalang regalo para sa amin. Palagi kong ibinabalik sa kaniya ang regalo pero idinadaan niya kay Tiffany para tanggapin ko. You know—we're twins and I have a soft spot for Tiffany kaya kahit anong ibibigay niya, tatanggapin ko.
"Anong warning, Trinity?" Val asked.
My vision became blurry but I can see what's going on. I scream escaped from my mouth nang makita ang pwesto ni ma'am Sylvia ay binalutan ng usok. Dinig ko pa ang sigaw at pagmamakaawa ni ma'am Sylvia.
"Ma'am Sylvia!" Sigaw ko and I cried. Tumayo ako sa pagkakaluhod at nilapitan ang karaoke machine. Akmang sasapakin ko ito nang may humawak sa braso ko at niyakap ako mula sa likod.
"Huzein..." Bulong ko. Sinubukan kong pumiglas ngunit mas hinigpitan niya ang kapit. Muli akong napasigaw nang may tumalsik na dugo sa camera.
Iniharap ako ni Huzein at niyakap. Hinagod niya ang buhok ko para pakalmahin ako. Good thing I have Huzein Adriatico here, kung hindi ay sira-sira na ang mga gamit dito. Niyakap ko siya pabalik at humagulhol.
Dinig ko din ang iyak ni Aizel at Valerie. Ang babaeng kasama namin ay hindi maipinta ang mukha. Mukha siyang naluluha pero pinipigilan niya. Napalihamos ito at tumakbo palabas ng room.
Ang buong room at nabalutan ng iyak at pagdadalamhati. Naging adviser din ni Aizel si ma'am Sylvia at naging practical research teacher naman ito ni Valerie. Nasa ganito kaming kalagayan nang bumukas ang pintuan. Lahat kami ay napahinto sa kakaiyak. Muli kong binalingan ang screen ngunit wala na ang videos.
"Hi po, nakita niyo po ba si mommy?" A little girl asked. Her features resembles ma'am Sylvia so it could be...
As I can remembered, ma'am Castro has a daughter named Scarlett Castro. Naikwento niya na din ito sa amin ni Tiffany when we're in grade ten.
Nagkatinginan kaming apat until I cleared my throat. Napangiti ang bata sa akin at kumaway. She's cute and adorable, I think she's around four or five years old.
"Hi ate Trinity! Si mommy po?" Tanong niya at lumapit sa akin para makipag-apir. Inilahad ko naman ang kamay ko at pinag-apir.
Unti-unti akong lumuhod at pinantayan siya ng tingin. Ramdam ko din ang pagluhod ni Huzein sa likod ko. Any time, iiyak muli ako dito.
"Scarlett..." Panimula ko. Unti-unting nangilid ang luha ko habang nakatingin sa bata. Lumapit din sinab Aizel at Val at tumabi sa bata. "Look in the sky."
Kahit na naguguluhan, tumingin pa din siya doon. "Ano pong mayroon doon?" Inosente niyang tanong.
"Nandoon na siya, Scarlett." Sabi ko at ngumiti ng matamis. Kahit na naguguluhan ay ngumiti din siya at niyakap ako. Gulat akong napatingin kina Val at Aizel na ngayon ay nakangiti sa akin. Unti-unti kong hinagod ang likod ng bata.
I'm not friendly, lalo na sa mga bata. I find them annoying. The Heilianthus University know me well. Iilan lang ang tinuturi kong kaibigan. I'm not emotional but after Tiffany died, I became like that. I don't hug people except Huzein. I don't care about people's feelings as long as I know they deserve what I've done.
Narinig na namin ang ama niya na hinahanap siya kaya pinakawalan ko na ito sa pagkakayakap. Sabi ng ama ay baka busy ngayon ang ina niya without knowing na she's dead.
Pinagmasdan ko ang mag-ama na lumabas sa silid. What if they found out that ma'am Sylvia is dead? Paano na sila? Bata pa si Scarlett para mangulila sa ina.
"Hindi nila alam..." Bulong ni Huzein na sakto lang para marinig ko. Lumabas si Aizel at Val dahil may pupuntahan silang importante. I guess ayaw nilang sabihin iyon for privacy.
"So it means..." Huminto ako at tumingin sa kaniya. "Ang mga nasa buong building na 'to, 'yun lang ang nakakaalam."
"Exactly."
Muli akong napatingin sa malayo. Nakita ko pa ang paghagulhol ng mga estudyante dahil sa pagkamatay ni ma'am Sylvia. Seriously, kailan ba nila maiintindihan ang mechanics na gustong gawin ni Scorpion? Ilang tao pa ang mamamatay para ma-gets nila?
But thinking what happened awhile ago, si Val at Aizel ang nagpumilit sa amin na pumunta dito. Ibig sabihin...
"Don't blame Val and Aizel." Huzein said. Takha ko siyang tinignan. How can he read my mind? "It's written on your face, pinagdududahan mo si Valerie at Aizel."
Inilabas ko ang cellphone ko at pinindot ang camera. Inilagay ko siya sa selfie mode at pinagmasdan ang mukha ko. "Sabi mo nakasulat dito, saan? Wala naman akong mabasa, Huzein."
I saw him rolled his eyes and sighed. "Tara na nga."
We went in cafeteria dahil nagugutom na daw si Huzein. Nandon na si Aizel at Val kasama ang iba pa nilang kaibigan. Kaya siguro ayaw nilang sabihin dahil baka sumama kami sa kanila. Now I get it.
I roamed my eyes. They look calm like nothing happened awhile ago. Parang walang nangyaring sigawan at iyakan. Nakita ko pa ang mga ibang estudyante na nagtatawanan kasama ang mga outsiders. How can I determine if they're outsiders? Mayroon silang red pin sa kaliwang dibdib tanda na visitors sila. It's a festival, after all.
Si Huzein na ang bumili ng kakainin namin. Pinagmasdan ko ang paligid. Alam kong maraming lugar sa Heilianthus na pwedeng puntahan ni Scorpion pero malakas ang kutob kong nandito siya sa loob ng Cafeteria at kasama ko. Pinagmamasdan ang bawat kilos na ginagawa ko.
Suddenly, the cafeteria's door opened, revealing the girl I talked awhile ago. Ang naghahanap sa babaeng named Heleina, if I can remembered.
"Trinity!" Sigaw niya at dali-daling lumapit sa pwesto ko at ipinakita ang kaniyang cellphone sa akin. It's a message from unknown number.
It says,
ALEX,
Ask for her help if you must,
She is waiting inside the dust,
Walk the line store and rest,
Move over, every second is under test
Ilang beses ko siya binaliktan at paulit-ulit na binasa pero wala akong maintindihan. Is this a poem? Who's Alex?
"I'm sorry, I forgot to introduce myself." Sabi niya at nahihiyang tumango. "I'm Heleina's best friend, Alex."
Kahit naguguluhan ay tumango ako. "Ilang taon na kayo magkaibigan?"
"Uh..." Sabi niya at nag-isip. Nagbilang pa ito sa kamay. "Four years... Oo tama four years!" Sabi niya.
"Do you know that she's—" napahinto ako sa sasabihin ko nang may maisip. Four years, four years, four years. That's it!
Agad-agad akong tumayo at kinaladkad si Alex palabas ng cafeteria. Panay ang tanong niya kung saan kami pupunta pero hindi ko siya sinagot at patuloy sa pagtakbo. May iba pa kaming nabangga pero hindi ako nag-abalang humingi ng patawad. I'm in hurry!
Dumaan kami sa building Two. I know, I know. It's confusing pero per number ang pangalan ng building dito. Depende kung pang-ilan ito tinayo.
Agad akong pumunta sa storeroom at sinipa ang pintuan. Sa sobrang lakas ng pagkakasipa ko, agad itong bumukas. Madilim ang loob kaya inabot ko ang ilaw. Nang bumalot ang liwanag sa buong room, tili ang narinig ko mula kay Alex.
There's a black bag na sakto lang para paglagyan ng tao. Parehas din ito sa nakita namin sa library. Ang nakapagtataka, nasaan ang isa pa?
Agad kong nilapitan ang bag at binuksan iyon. Isang babaeng nasa mahimbing na tulog ang bumungad sa amin. Naluluhang nilapitan ako ni Alex at niyakap.
"Thank you... Thank you Trinity..." Sabi niya at muling umiyak.
Bahagya ko siyang tinulak at bumaling kay Heleina. She's familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.
"Trinity!" Someone shouted my name kaya napalingon ako sa pintuan. It's Huzein, pawis na pawis ito at medyo magulo na ang kaniyang buhok. "Akala ko kung saan ka na naman!"
"How did you find me?" Tanong ko. Ignoring what he said.
"Narinig ko yung mga ibang estudyante, may tumatakbo daw na babae at hindi man lang nag-sorry. I knew it was you," sabi niya at bahagyang umiling. "Ikaw pa ba, syempre si Trinity may gawa no'n."
Inis ko siyang nilapitan at sinapak sa braso. Napangiwi ito at inilibot ang paningin sa storeroom. Iginawi niya ang kaniyang tingin sa isang pompoms at lumapit doon.
"How did you find out na dito siya nakatago?" Huzein asked.
"It's because—"
"Uh... excuse me guys," sabi ni Alex, halatang nahihiya pa siyang sabihin. "I need to bring my friend in the clinic. Mind if you guys can help me?"
Nagkatinginan kami ni Huzein at tumango. Silang dalawa na ang nagdala kay Heleina habang ako ay nandito pa. Hindi ko alam, this kind of feeling annoys me. Parang... Parang may mali.
Nilapitan ko ang pompoms at may tinignan doon. Dito nakatingin si Huzein kanina, for sure may mali dito. Inangat ko ang pompoms at tama nga ang hula ko. It's a black letter with a scorpion logo at the back.
It says,
Cats have nine lives, so I am
What? Ilang beses ko itong binasa at pinagbaliktad pa pero wala akong maintindihan.
"Akala ko ba si Scorpion ka? Bakit naging pusa ka bigla? Gago ka ba?" Inis kong bulong. Muli kong tinignan ang paligid ngunit wala akong mahanap na iba pang clue tungkol dito.
Nine lives... 9th floor? As I know, hanggang six floor lang ang bawat building dito ss Heilianthus. May secret passage pa?
If it's Heleina and the other person to make it nine. The clue here is nine, kanina ay four. Then it must...
Dali-dali akong lumabas at tinignan ang room number ng storeroom. It's room 101 at sa taas nito ang library kung saan nakita ang dalawang biktima. Five at room 101, could it be...
Now, I found myself going upstairs. Maraming napatingin sa akin pero hindi ko sila pinapansin. Tagaktak na din ang pawis ko pero hindi ko ito pinansin. It's hot and I'm wearing a goddamn hoodie!
Nang makarating na ako sa room 501, mabilis ko itong sinipa. Lahat ng mga tao sa hallway ay napatingin sa akin. Ang doorknob ng pintuan ay nasira kaya napangiwi ako.
"Pasensya na, nagugutom na ako tapos sasabayan pa nito..." Bulong ko at nagmadaling pumasok. Luma na ang room na ito kaya medyo maalikabok. Nang buksan ko ang ilaw ay puro silya lang ang bumungad sa akin. Walang kahit na anong itim na bag ang nandito. What the fuck?
"Tangina..." I whispered and sighed. Naatingin ako sa doorknob na nasira ko. "Lakas ng pagkakasipa ko tapos wala dito? Okay, three days suspension na naman ang nag-aabang sa akin next week."
My phone vibrates, it's a call from Huzein. Agad ko itong sinagot at lumakad paalis ng room.
"Where are you?"
"I'm in hell, why?"
Dinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "I'm dead worried and then nagawa mo pang magbiro? Seriously, Trinity. Paano kung may ginawa ka na naman na ikakasuspend mo?"
I chuckled. "I already did."
I heard him cursed. "Trinity, pinag-usapan na natin 'to 'diba? May sinapak ka na naman ba—"
"Chill, Huzein. Wala akong sinapak o sinampal, sinipa meron."
"Look what you've done—"
"Mamaya mo na ako sermonan, it can wait. Two people are nowhere to be found. Hindi ko kakayaning umupo at pakinggan 'yang sermon mo." I said and hanged up.
Nagkasalubong kami sa second floor. Ibinigay ko sa kaniya ang sulat na nakita ko at sinabi ang ginawa kong kagaguhan. Huzein is Huzein, sermon ang naabot ko sa kaniya.
"Bakit mo sinipa? You could've open the door properly," dismayadong sabi niya.
"May mga estudyante sa fifth floor kanina, gusto ko ipakita gaano kaangas ang isang Trinity." Sabi ko at kumindat. Inis siyang umirap at bumuntong-hininga.
"Paano kung hindi na suspension ang ipapagawa sa'yo? Baka gumawa ka ng community service or hindi ka kukuha ng periodical exams next month."
I chuckled. "Kung gagawin nila sa'kin 'yan, bakit hindi pa ngayon? Chill, Huzein. Ikaw pa nag-ooverthink sa akin imbes na ako."
He sighed for the nth time. "How about this?" He asked. Inilahad niya ang black letter. Kahit siya ay naguguluhan kung ano ibig sabihin nito.
"Kung ikaw hindi mo maintindihan, paano pa kaya ako?" Inis kong sabi at umirap. Napahinto kami nang may nagbuhos sa amin ng puro papel na naka-crumpled! "WHAT THE MOTHERFUCKING FUCK?!" I exclaimed.
"Shit..." Sabi niya at hinanap kung saan nanggaling iyon. Nang may makita siyang janitor, nilapitan niya ito. Ako naman ay tinis na pinagsisipa ang papel at nagpagpag ng damit. Suddenly, my phone vibrates. It's a text message from unknown number.
'Never ignore the sign'
Napakunot ang noo ko at muling ibinaling ang tingin sa mga papel at dumampot ng isang piraso. Hanggang ngayon ay kinakausap pa din ni Huzein ang janitor. Unti-unti ko itong binuklat at binasa ang nakasulat. This is the sign that unknown number's talking about.
It says here,
I H A O A E Y U N P G N T L R D
Inisip ko na baka random letters lang at gaya ito sa qwerty keyboard pero hindi. It doesn't interconnects. Nakita kong lumapit sa akin si Huzein at ang janitor. Kaagad kong ipinakita ang papel.
"Kuya, pwede po bang pahiram ng papel at ballpen?" Huzein asked. Agad naman ibinigay ng janitor ang hawak niya at nagsimula na itong pulutin ang kalat. Si Huzein naman ay may isinulat doon.
Nilapitan ko ang janitor at pinanood siyang magpulot. "Pwede bang magtanong?"
"Sure, Trinity." Sabi niya at ngumiti.
I crossed my arms. "Paano kayo nagkaroon ng ballpen at papel? As I know, janitor's job is to clean not to study, isn't?"
Bahagyang tumawa ang janitor. "Nakita ko lang 'yan hija habang naglilinis ako."
Bahagya akong tumango. Nagulat ako nang hilain ni Huzein ang kaliwang braso ko at kinaladkad ako. We're now running pero hindi ko alam kung saan kami pupunta! This guy, sana sinabi niya sa akin kung saan 'diba? Hindi ako magmumukhang tanga dito na walang alam dito! Uh, can I say this to myself when I dragged Alex in storeroom?
Wait, storeroom is where you store foods and ingredients. May part din sa storeroom kung saan nakalagay ang mga cleaning chemicals. Why the fuck may pompoms doon?
Storeroom, crumpled papers and text message. Could it be...
"DAMN HUZEIN, BITAWAN MO AKO!" I shouted pero wala pa din siyang ginawa at muling tumakbo. I can't let the criminal walking free!
Nakarating kami sa playground, this is for kindergarden. Medyo malayo ito sa building ng senior high kaya sumakit ang tuhod ko kakatakbo. Bakit kami nandito? Maglalaro ba kami?
Akmang tatalikod na ako nang hawakan niya muli ang braso ko. Inis ko siyang tinignan at pilit na kumawala sa hawak niya.
"What the fuck, Huzein?!"
"I know what're doing. Iniisip mo na ang janitor ang may gawa, am I right?" He stated in calm voice. Unti-unti akong tumango. "Naisip ko din 'yan, I even confronted him awhile ago pero hindi siya."
"How can you be sure na hindi siya 'yon? All the evidence we have are pointing him!" I exclaimed. Unti-unti siyang umiling at ipinakita ang black letter.
"Except this and the pompoms," he said. Unti-unti niyang binitawan ang braso ko na mamula-mula. "I'm sorry, hindi ko intensyon na saktan ka, gagawa ka kasi ng kagaguhan."
Unti-unting tumahan ang kumukulong sistema ko at bahagyang ngumiti. This guy can handle me at my worst. I'm glad I met him. "It's fine, tara na? Ano ba ginagawa natin dito? Maglalaro ba?" I asked.
"The other victim is here. Maghiwalay tayo, titignan ko sa kaliwang banda at ikaw sa kanan. Is that okay with you?" I nodded. Naghiwalay kami at nagsimulang hanapin ang bangkay. Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan bakit sa playground kami napunta but I trust Huzein.
Sinimulan kong tignan ang bawat sulok ng playground sa bandang kanan. Maliban sa mga malalaking damo at ang seesaw, wala na akong makitang iba dito. Nasa kabila Naman ang swing at nasa bandang gitna ang slide.
"Did you find anything?" Huzein asked. I shook my head. "I think nasa slide," sabi niya at sabay kaming pumunta doon. Siya na ang nagpresintang pumunta.
Inantay ko siya makababa sa slide habang umiikot ako sa paligid ng slide. Maya-maya ay natalisod ako. I cursed hard at tumayo para pagpagan ang suot ko. Napahinto ako nang makita kung ano ang tumalisod sa akin.
"Wala doon, Trinity—" napahinto si Huzein at napatingin kung saan nakatingin. "You found him!" He exclaimed and he hug me. Sa sobrang gulat ko ay hindi ako maka-reac agad.
"Uh... Huzein?"
"Hmm?" He replied and hugged me tighter.
"We need to bring that to clinic."
"Okay..."
"What the fuck? Get off," I said with irritation.
"Five seconds..." Bulong niya.
"Magiging five seconds nalang buhay mo kung hindi mo ako bibitawan," inis kong sabi. Agad naman niya akong binitawan and he shyly smiled.
Binuhat niya ang lalakeng walang malay papunta sa building One kung saan nandoon ang clinic. Pumunta naman ang mga kakilala at kaibigan nito nang tawagan ito ng doctor. They said, his name is Ian Janzen Cruz, a stem student. May pinuntahan daw ito kanina at hindi sinabi kung nasaan, ang sinabi niya lang ay may nagtext sa kaniyang unknown number.
Kahit na nahihiya sila ay nagpasalamat pa din ito sa amin. I just nodded and Huzein replied "you're welcome" to them.
"So, paano mo nalaman na nandon si Heleina?" Huzein asked. Nandito kami ngayon at kumakain ng turon. Pangalawa ko na ito dahil sa gutom! God, I can't believe I sacrifice myself just to find the two!
"'Yung fourth word. Given na naka-caps ang ALEX, it says it's four letters. Four letters and four words. The fourth words are "help,inside, store, and second" meaning HELP me INSIDE the STORE room in SECOND building. At isa pa, kaya may second dahil lahat ng building ay may kaniya-kaniyang storeroom which I find it annoying." I explained and took a bite. "It's your time to explain why we went in playground."
He drink his gulaman before he speaks. "Polybius Square."
"And? That's it?" Inis kong sabi. I explained my part at yung kaniya hindi? How dare him!
"Polybius Square is—" hindi na natapos ang kaniyang sasabihin nang tumunog ang speaker. Napahigpit ang hawak ko sa turon ko. Akala ko ay mayroon na naman, hindi pala.
"Attention to all grade twelve students in any academic track, please proceed to auditorium in ten minutes." Kace paused for a second. "Specially you, Trinity Morgan, we need you to be there."
Nagtama ang tingin namin ni Huzein. I shrugged my shoulders at pinagpatuloy ang pagkain. Nagugutom ako, Kace Eliel Escarra, wala akong pake sa sasabihin mo kahit may special mention pa ako.
Maya-maya ay natapos na kaming kumain ni Huzein. Gosh, I ate three turons! It's three o'clock in the afternoon so don't ask me why I'm hungry!
Pagpasok ko sa auditorium ay isang sapak ang sumalubong sa akin. Si Huzein naman ay hawak-hawak ng mga lalake. They set this up!
"WHAT THE FUCK IS THAT FOR?!" I exclaimed at napahawak sa labi kong dumudugo. "Kakakain ko lang, gusto niyo na agad ng away."
"What the fuck talaga Trinity dahil kasalanan mo kung bakit nawala si ma'am Sylvia!" Sigaw ng isang estudyante. Akmang may sasapak sa akin ngunit naunahan ko ito.
"Sinabing kakakain ko lang, gusto niyo ba ng gulo?" I said fiercely. I heard Huzein shouting my name at biglang dumaing kaya napatingin ako dito. "Bitawan niyo si Huzein kung hindi, makikita niyo agad si San Pedro."
The students laughed. Bahagyang umiling pa si Huzein ngunit sinapak ulit ito ng isang lalake. "Lover boy mo ba si Huzein? Nice pick."
"Ito ang nice pick, tanga."
In one glimpse, naitumba ko na ang lahat ng lalakeng nahawak kay Huzein. May kaniya-kaniya silang pasa sa mukha at dumudugo ang kanilang bibig. Lahat ng estudyante ay napaatras dahil sa ginawa ko.
Dali-dali kong nilapitan si Huzein at pinunasan ang dugo sa labi niya. I know he's hurt but he managed to smile. Agad niya akong niyakap.
Ramdam kong may sasapak sa likod ko kaya napabitaw ako sa pagkakayakap at hinarap ito. Bago pa man niya magawa ay may sumigaw na estudyante mula sa kanan.
"D...da..." Sabi niya at hawak-hawak ang kaniyang leeg. Halatang kinakapos sa hininga. Tumingin sa akin at itinuro ako. "O...Op..." Sabi niya, habang nakatingin pa din sa akin. Maya-maya ay nanigas ang kaniyang katawan habang nakatingin sa akin.
Binalot kami ng katahimikan. Pumunta si Kace sa babaeng nahimatay at hinawakan ang pulso nito. He uttered the words caused everyone to glare at me.
"She's dead."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro