Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PART SEVEN: DID YOU SEE IT

TRINITY

Until now, I can't still imagine I'm living my life like this. People that I treasured the most are now dead and they blame me without knowing my side. Toxic isn't? Kapag nagpaliwanag ka, iisipin nilang palusot lang o gagawa ng ibang dahilan para hindi masisi. These people.

I promised myself that I won't enter in auditorium again. I can see myself clearly here. Nagmakaawa at walang nagawa kundi ang umiyak. I want to blame Huzein for stoping me but I won't, he did the right thing.  Kung hinayaan niya lang ako sa gagawin ko, baka napahamak pa ako o mamatay. Hindi ko maibibigay ang hustisya para kay Tiffany. I want to kill that scorpion with my barehands.

Pinag-usapan ng student council na dalhin ang babae sa hospital but suddenly, ma'am Ria stepped in. Lahat kami ay nagulat dahil parang siyang kabute na pasulpot-sulpot lang kung saan-saan.

"You will not bring her to the hospital," she said in fierce tone. Madaming umangal lalo na ang mga kaibigan ng biktima.

"But why ma'am Ria? Patay na siya and she deserves to give a decent funeral!" One of the students protested.

"Huwag naman po kayong maging makasarili!"

"But that's not the case," ma'am replied to them. Dahil nakapalibot kami sa babaeng namatay, pumunta siya sa pinakagitna at tinignan kami isa-isa. "Valid reason or not, no one will leave this school."

Katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa narinig namin ang mahinang daing ni ma'am. May tumamang isang lollipop sa noo niya at nalaglag ito sa sahig.

"Oops..." A woman uttered. Tinignan niya ang nahulog na lollipop at si ma'am Ria. Unti-unti siyang humakbang papalapit sa kaniya. Damang-dama ko ang tensyon sa pagitan nila. "Excuse me, ma'am Akeria Fuente. Can you tell us the reason why we can't go outside the school premises?"

The way she talks, the way she walks and every movement she make, it speaks authority. Her eyes is... Dark— no! The darkest eyes I've ever seen. She's a female yet she had those eyes. But her eye color is grey. If they call me a badass, this woman infront of us can be the witch of Heilianthus University.

She roamed her eyes until she met mine. I felt chills down from my spine like the first time her eyes met mine back then. A smirk flashed on her lips and went back to ma'am Ria who's looking at her with fears in her eyes.

"W-who are you?" Ma'am stuttered.

The latter smirk when she know that ma'am Ria is afraid to her presence. I mean girl, this one is different. It's like your meeting someone who will dig your grave.

"LILITH, ANO BANG GINAGAWA MO?!" Someone shouted in the entrance. I saw this girl somewhere, siguro noong pageant?

"There you go, honey," she said and wink to the girl who shouted awhile ago. Probably her bestfriend.

Akmang magsasalita pa si ma'am Ria nang kaladkadin ng babae ang isang babaeng na nangngangalang Lilith. Sinadiya ni Lilith na abutin ang kamay ko at may inilagay doon. She wink and turn her back.

Hanggang ngayon ay nakatulala pa din ako sa harapan. I can't believe I just touch her! Pero para saan ang binigay niya? Natatakot akong tignan ito baka may inilagay siyang ipis o something.

Ang auditorium ay binalot ng bulungan habang si ma'am Ria ay pinapakalma ang sarili. Maya-maya ay umalis na ito pero bago ito makalampas sa akin, hinawakan ko na ang kaniyang kamay. Mas lalong umugong ang bulungan.

"Ms. Morgan," she fiercely muttered.

"Tell us the reason why we can't—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may sumigaw mula sa entrance. Bumukas ang pintuan at iniluwal ang isang lalakeng hinahabol nang hininga. Pawis na pawis ito at gulong-gulo ang suot na uniform. Nang makita si Kace ay agad itong lumapit.

"President! S-si Brian at Gio..." Sabi niya habang nanginginig pa. Agad niyang tinuro ang entrance at kinaladkad si Kace. Pero bago pa sila makalabas ng auditorium, biglang tumunog ang speaker at napahinto sila.

"Brian Cuenca, a STEM student and Gio Alvarez, a TVL student are now dead outside this university." Someone said in robotic voice.

Unti-unting umukom ang kamao ko at luminga-linga sa paligid. This scorpion is somewhere here. She knows where all grade twelve students are inside the auditorium.

"Did ms. Akeria Fuente told you already? By looking at your confused faces right now, I bet she didn't able to tell you guys," scorpion said and chuckled. Lahat ay napalingon kay ma'am Ria na ngayon ay nanginginig.

"Every grade twelve students who will step their feet outside Heilianthus University shall die. Don't dare to tell to your families or authorities, otherwise they're dead in a couple of seconds." Dire-diretso niyang sabi.

Ang buong auditorium ay napatahimik. Napalingon ako kay Huzein nang hawakan niya ang kamay ko. Ngayon ko lang napansin na namumula na ito dahil sa pagkakayukom.

Just then, ma'am Ria cried silently. All of us are watching her while she's wiping her tears. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Inalis ko ang pagkakahawak ni Huzein sa kamay ko at dali-daling lumapit kay ma'am Ria at sinalubong ng yakap.

Everyone seems shock, kahit si ma'am Ria ay hindi maipinta ang mukha ngunit niyakap niya din ako pabalik. Ang akala ko noong una, ako lang ang pinapadalhan ng sulat. Pati pala si ma'am Ria. I wonder kung sino pa?

"T-thank... Thank you..." She uttered. Hinagod ko ang likod niya para tumahan.

I know we're rivals, masungit siya pero nanggagago lang ako. But this time, we are not the enemies here. That scorpion is the enemy.

Suddenly, nabitawan ko ang ibinigay ng babae kanina. Isa itong papel na nakatupi. Unti-unti akong humiwalay sa pagkakayakap at pinulot ang papel.

It says,

She means it's in dean's office.

Unti-unti kong hinakbang ang paa ko patalikod at nagsimulang tumakbo palabas ng auditorium. Rinig ko ang pagtawag ni Huzein sa pangalan ko pero hindi ko ito pinansin, alam kong susunod naman siya kaya hindi na ako nag-abalang lingunin siya.

I'm now in building Two, paakyat pa lang ako nang hagdanan pero ayaw ng sistema ko. Sa building na ito, dito namatay si Tiffany. Dito ko siya nakitang nakatali at nakangiti pa. Ngayong alam kong nandito si ma'am Sylvia, kakayanin ko bang makita siyang parehas ng sinapit ni Tiffany?

Huminga ako nang malalim at mabilis na umakyat papuntang second floor. Napapikit ako nang mariniin nang madaanan ang laboratory. Surprisingly, magkatabi ang dean's office at ang laboratory. Gusto ba niya akong patayin ng scorpion na 'yon?

Dali-dali kong binuksan ang pintuan ng dean's office. Madilim ang loob kaya kinapa ko ang switch ng ilaw sa gilid. Akmang titignan ko na ang loob nang may nagtakip ng mata ko.

"Trinity, hindi mo na dapat makita 'to..." It's Huzein. "Kace! She's here!" Sigaw niya. Pilit kong inaalis ang kaniyang kamay ngunit mas lalo niyang diniinan.

"Huzein... Gusto ko makita kung totoo... Baka... Baka hindi si ma'am Sylvia 'yon," pagsusumamo ko. Hinila niya ako paalis doon. Ginamit ko ang pagkakataong makatakas. Nang lapitan niya ako ay... Huli na.

A loud scream escaped from my mouth. Ma'am Sylvia Castro is sitting pretty inside the deans office with a bouquet of torn roses in her hands. May nakasabit pa sa bandang kanang bahagi ng kaniyang dibdib na "winner". Her eyes is wide open and her lips is smiling.

"Shit!" Huzein cussed. Hinatak niya ako paalis doon. Wala na akong lakas para pumalag pa. Ang... Sakit. Una, si Tiffany at wala akong nagawa. Pangalawa ito naman, si ma'am Sylvia. Sino naman ang susunod?

Naisipan ni Huzein na ihatid ako sa dormitory namin. Tulala pa din ako at hindi magawang maibuka ang bibig. Tanging tango lang ang naisasagot ko kay Huzein. Few minutes ago... I just witness a lifeless body of my closest teacher and a mother figure.

Nang makarating na ako sa dorm ay agad akong nagpalit ng damit. Wala pa din sina Aizel at Valerie. I sat down on the edge of the bed and stared at the window.

Everything seems... Fast. Sa sobrang bilis, sa tuwing imumulat ko ang mga mata ko, si Tiffany naiisip ko. Her laugh, her smile, the way she wave her hands to everyone. Everything.

If scorpion took everything away, even the evidence, the investigator and the police, saan naman niya nilagay ang katawan ni Tiffany? Tinapon ba niya? Sinako ba niya?

"AHH!" I shout in frustration. Inilagay ko ang kamay ko sa bandang tenga at yumuko. Hindi ko na mapigilang humagulhol.

Ang hirap. Kinikimkim ko ang lahat ng sakit. Every time I close my eyes, naaalala ko ang sinapit ni Tiffany. Minsan umaabot pa sa panaginip ko. I acted like nothing happened but deep inside I'm dying. It's a mental torture for me. Knowing I have Huzein, I just want to keep it to myself. I don't want to him to see my damage self. As long as I can handle the pain, I'm fine.

I cried a lot and a lot. Until I felt someone hugged me behind my back. Unti-unti akong tumahan dahil sa yakap niya.

"If you can't bare the pain anymore, nandito lang ako para makinig sa'yo. Remember that you're not alone, Trinity. I'm here, always." He said.

Those comforting words is what I need. Unti-unti kong inangat ang mukha ko at pinunasan ang mga luha. Humarap ako kay Huzein at tinignan siya sa mata sa mata.

He playfully smile and open his arms. I didn't hesitate to hug him, tighter than usual. He hug me back too. We remain in that position when the door opens.

"Ay hala!"

"Val, bakit mo binuksan!"

Nang lingunin namin ito, ang dalawa ay nakangisi habang sinesenyasan kaming ituloy pa. I gave them deathly glares kaya napatahimik ito. Napadako ang tingin ko sa lalakeng nasa likod nila. It's Kace Eliel Escarra.

"Did we interrupt something?" He asked. Luminga siya sa buong dorm at muling binalik sa amin ang tingin. "Girl's dormitory is a wrong place to make out."

I scoffed. "Coming from you, Kace huh? I wonder how many girls you've—"

"Trinity Morgan, we need you in student council's office. Now." Putol niya. Mas lalo niyang nilakasan para hindi marinig ang sasabihin ko. Marahang tumayo si Huzein at humarap kay Kace.

"Tatanungin mo ba siya tungkol sa nangyari? It's better if next week nalang, Kace. She look traumatized, please give her time to heal." Paliwanag niya. Tinignan lang siya ni Kace at tumingin sa akin.

"She looks fine. Kaunting katanungan lang, Huzein. Hindi naman namin gagalawin 'yang girlfriend mo. In fact, mas malala pa ang nagawa namin—"

"Oh shut up Kace! It's all your fault!" Sigaw ko. Tumingin sa akin si Huzein na may pagtataka at muling tumingin kay Kace na nakangisi sa akin. Ibinaling niya kay Kace at muling nagsalita.

"Hindi niya pa alam, Trinity? Paano ba 'yan, ako ba ang magsasabi sa boyfriend mo?" Nakangising tanong niya.

"He's not my boyfriend, fyi."

"Boyfriend or not, he deserves to know the truth," sabi nito. Tumingin ako kay Huzein na nakatingin sa akin. Hinihintay ang sasabihin ko.

"Oh my God? Don't tell me may secret relationship kayo ni Kace, Trinity?" Singit ni Aizel. Agad siyang hinampas ni Valerie. "Aray Val!"

"Paepal ka, hindi mo pa line sumasali ka na." Inis na sabi ni Val. They both laughed.

In a snap, I found myself running with Kace. Kinakaladkad niya ako papuntang student council's office. Hindi pa ako nakapagpalit ng damit o nakapangbahay pa din ako. I had no time! Sasabihin niya kay Huzein ang ginawa namin!

Anong ginawa namin? Bookshelf! Pagsasabihan ako ni Huzein na bakit ako lumabas ng madaling araw at bakit si Kace ang kasama ko! Bakit nasa gano'n kaming posisyon! Ayoko munang makatanggap ng sermon mula kay Huzein.

"Puta... Puta Kace hinihingal ako wait lang." Sabi ko, pero mas binilisan niya pa ang paglalakad. "Tang ina..."

Nakarating na kami sa tapat ng student council. Agad kong binawi ang braso ko at pinunasan ang pawis ko. Maya-maya ay sinamaan ko siya ng tingin. He shrugged off and open the door. Sinenyasan niya akong pumasok. I rolled my eyes before moving.

Nakapalibot ang lahat ng officers. May bakanteng upuan sa pinakadulo at isa sa harapan. Hinila ako ni Kace sa kabilang dulo para paupuin at siya naman sa kabila.

"Pres, bakit mo naman kinaladkad?" The vice president asked.

"We have no time, Alliana," Kace replied.

Lahat sila ay nakatingin sa akin. Parang pinagmamasdan ang bawat galaw at kilos ko. I gave them a bored look and yawned.

"Ano? Titigan nalang ba ang gagawin natin?" Asik ko. Lahat sila ay napaiwas ng tingin. Ang isang lalake ay tumayo at may ibinulong kay Kace. Panay lang ang tango ni Kace at tumingin sa akin.

"Your presence is scary, can you please try to smile?" Sabi niya. Inayos niya ang kaniyang buhok at isinuot ang bilog na salamin.

"I don't usually smile, but if I do your life is on the line, honey." I said and smiled sweetly. They all scoffed.

"Okay, cut the drama," singit ni Alliana, the vice president. "Tell us anything you know about the murderer."

"Why would I? Discover it on your own," I replied and yawned. "Is that all? Can I go now?"

"Trinity you don't understand—" the treasurer said but I interrupted.

"I understand, mr. Treasure. Are you going to use me to unravel the murderer? Do you think I'm the suspect here and I'm just playing victim all along?" I asked. Isa-isa ko silang tinignan at huminto kay Kace. "That's the question you should answer by yourself. If you think I will be your ally this time, I'm sorry to disappoint you sweetie but I won't."

Tumayo ang secretary at inis na tumingin sa akin. " This is for your sister, Trinity! We're here to help you!"

In a blink of an eye, hawak-hawak na ng secretary ang kaniyang pisngi. I just slapped her.

"Don't you ever use my sister's name for your shits." Madiiin kong sabi. Binalingan ko sila ng tingin at lumabas ng student council's room.

Dumiretso ako sa dormitory. Wala si Valerie at Aizel, siguro ay nasa kaibigan nila tumambay. Until someone knock the door. Tumayo ako at pinagbuksan ito, to my surprise it's Kace.

He sighed. "I'm sorry awhile ago—"

"I don't need your sorry, get lost." Sabi ko. Akmang isasara ko na nang may iabot siyang paper bag. Tinaasan ko siya ng kilay. I saw him gulped.

"You must be hungry so I—"

"I can by my own food, Kace. You can give it to other people whose starving."

"But—"

"It's crystal clear, Kace. Ayaw niyang tanggapin 'yang binibigay mo," someone said. Nang lingunin ko ito, it's Huzein. Matalim niyang tinignan si Kace.

Kace sighed and he smirked. "Okay, but if you want to make a miracle—"

"Huzein, let's go." I interrupted. Hinila ko si Huzein paalis ng girl's dormitory. Narinig ko pa ang tawa ni Kace dahil doon. Seriously, this guy.

It's now passed seven o'clock in the evening. Mamaya pa magsisimula ang dinner kaya naisipan ko munang pumuntang rooftop with Huzein. Mabuti nalang at may dala siyang sandwich.

"I know you're hungry so I made this," he said and handed me one. Agad ko naman iyon tinanggap. "So anong sinasabi ni Kace kanina? Anong ginawa niyo? Ginalaw ka ba niya?"

I rolled my eyes. "Seriously, Huzein? Are you asking me that question? Gan'yan ba tingin mo sa'kin?"

He gulped. "No, no. It's just... Tell me what's happening between the two of you."

I sighed. Ikinwento ko sa kaniya ang nangyari noong gabing 'yon. Ang pagsunod sa amin ni ma'am Ria at nang guwardya. Ang pagtago namin sa bookshelf. He's reaction is priceless until he laughed.

"So kayo 'yung sinasabi ni ma'am Ria? Ang akala niya mga couple lang na may milagrong ginagawa!" He exclaimed and laughed again. Unti-unti akong tumawa dahil nakakahawa ang tawa niya!

Pinagpag niya ang kaniyang suot at tumayo. "Okay, I'm not J word anymore."

"Anong J word?" Tanong ko dito. Tinignan niya ako at umiling. "So 'yan ang J word? Okay, Huzein Adriatico."

"Hindi mo na dapat malaman, Trinity." Sabi niya. Nauna na siyang bumaba ng rooftop pero napahinto ito nang magsalita ako.

"J? As in tinawagan ako ni Jack?" I asked. Humarap ito na kunot-noo.

"Anong tinawagan ako ni Jack? Ang J word lang doon ay 'yong Jack, 'diba?" He asked. I laughed.

"Bata ka pa, Huzein." Sabi ko. Mas lalong kumunot ang noo niya.

"Anong connect ng edad ko? I'm eighteen, legal age na ako so you have no rights to call me kid." Sabi niya at pinagkrus ang braso.

"I have rights, hindi mo nga alam ano ibig sabihin ng tinawagan ako ni Jack, manong." Sabi ko at pinagkrus din ang braso.

"Manong?! Anong manong?! Sinong manong?!"

"Baka 'yung ibon, hi kalapati." Sabi ko at kumaway sa kalapati. Maya-maya ay lumipad ito.

"Aish, Trinity!"

"Shut up, kid."

"Ano ba kasi ibig sabihin no'n?"

"Tanong mo sa prof niyo," sabi ko at bumaba na nang rooftop. Pero bago ko pa ako makaapak sa hagdanan, hinawakan ni Huzein ang braso ko.

"The J word means jealous, dummy..." He whispered at nauna nang bumaba sa hagdanan. Natulala ako dahil sa narinig. Tama naman ang pagkakarinig ko, hindi ba? He's... He's jealous? But why?

Pumunta kami ni Huzein sa cafeteria for dinner. Gaya ng ginagawa namin dati, siya na ang umorder ng kakainin namin. I roamed my eyes around out of boredom.

Everybody looks... Fine. Wala ni isa sa kanila ang may bakas na lungkot. Some of them are laughing. Parang ayos lang sa kanila ang nangyayari sa loob ng paaralan. Parang... Hindi sila bothered.

Suddenly, I saw a grade twelve student with a phone in her hands. Bakas ang takot sa kaniyang mga mata. Ilang table lang ang layo mula sa kinaroroonan ko kaya napapansin ko ito. May ibinulong siya sa kaniyang kaibigan at tumayo. Mabilis ang hakbang niya habang nakatingin sa cellphone.

This is it.

Ganito ang ginagawa ni scorpion sa kaniyang victim.

Dali-dali akong tumayo at sinundan ang babae. Nakita ko siyang kumaliwa sa dulo ng hallway. Binilisan ko ang pagtakbo ko at umakyat sa second floor. Hinanap ko ang babaeng nakita ko kanina pero I failed. Umakyat ulit ako sa third floor but to my surprise, may nakasalubong akong isang tao.

He's wearing a black hoodie, magulo ang kaniyang buhok at may hawak itong cellphone. Gulat na gulat itong napatingin sa akin. Maski ako ay nanlaki nang makasalubong ko siya. I blink my eyes and tried to pinch my skin but it's not working. It's real, I'm not dreaming.

If the woman is in danger and she's nowhere to be found, one of the suspects is this person infront of me. I gulped before uttering his name.

"Kace..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro