PART ONE: EVERYTHING STARTS HERE
TRINITY
Today is the day! Ang pinakahinihintay ng lahat! Ang foundation day! Why? Dahil one week walang klase. Isn't fun? I hate school works, mas gugustuhin ko nalang magmukmok sa dorm o matulog ng buong araw. Pero iba ito, as in iba. Dahil madaming boots na pwedeng salihan. Don't get me wrong, I'm not after those cringy boots. Gusto ko lang ng makahanap ng pwede kong aliwin. It's just, me and my phone as always. After school, uuwing dorm at babatiin ang roommates and gagawa ng school activities na hindi natapos o kung malapit na deadline. Then, gigising ka na naman at papasok. An everyday life cycle routine. Nakakasawa 'diba? Gusto ko maghanap ng bagay na aaliwin ako. It's not like pleasures like what boys want. Gusto ko 'yung hindi ako makakaramdam ng boredom.
Nang makarating sa loob ng auditorium, nakita ko ang isang tarpaulin na nakasabit sa stage. Seriously, bakit tarpaulin ang naisip nila? Can't they just do creative handicrafts? Kung ibang school siguro, effort na effort ang decorations nila. It's a fucking foundation day.
Last week, nangolekta sila ng tig-one hundred pesos per student tapos titipidin nila? I winced. Akala ko sa gobyerno lang may kurakot, dito din pala. I wonder kung sino nagbulsa ng pera for this foundation?
"Heilianthus University King and Queen pageant."
"Yes, that's our title for this pageant."
Napatalon ako sa gulat nang may magsalita mula sa likuran ko. Paglingon ko ay walang iba kundi si Huzein. Napangiwi ito nang samaan ko siya ng tingin. Pwede naman siyang magsalita, hindi niya kailangan manggulat!
"Aga-aga galit ka kaagad Trinity," he said. I rolled my eyes.
"Sino bang hindi magagalit kung gan'yan ang design ng auditorium? We're not elementary anymore na pa-tarpaulin nalang tuwing may event."
"So your point is?"
"Look," sabi ko at itinuro ang tarpaulin."Noong nakaraang linggo, nangolekta sila ng tig-isang daan for the preparation for this school event. Tapos ganito ang design? Mas dugyot pa—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang takpan niya ang bibig ko. Inis ko itong inalis at sinamaan siya. "What was that for?!"
"Dumaan si pres, baka marinig ka," sabi niya at lumingon sa kanan. Paniguradong doon dumaan ang school president.
"Why? Takot ka bang sabihan sila na binulsa nila ang pera for this event?" Sabi ko at ngumisi. Nakita ko ang bahagya niyang pag-iling. "Anong iniiling-iling mo d'yan? So why did you covered my mouth when—"
"Gusto mo ba madagdagan ang offense mo? Last month na-suspended ka dahil sinabihan mo si ma'am Alcaraz na bobo at tamad magturo," he said with a cold stare.
"What? Totoo naman ah? Siya itong bigla-biglang magpapa-quiz kahit walang tinuro. And don't deny it, isa ka din sa naiinis sa kan'ya, don't be a hypocrite." I said and rolled my eyes. I heard him sigh.
"Pero hindi pa rin tama, Trinity. You should respect the teachers as—"
"Stop it Huzein, I'm here to chill. Kung sasama ka sa akin at buong araw mo akong sesermonan dahil sa mga ginagawa ko. It's better to leave me alone." Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. I received a text message from my twin sister, Tiffany. She's waiting for me backstage. I replied 'k' at ibinulsa ulit ito.
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papuntang backstage. Randam ko ang pagsunod ni Huzein sa likod ko. This guy, kung saan ako pupunta din siya. I won't be surprise if I saw him inside the girl's comfort room while waiting for me.
"There you are the-girl-who-cut-her-own-hair," bati sa akin ni Tiff. Yeah, that's how we great eachother. Sweet isn't? And yes, she's right. Last month I cut my long hair hanggang balikat. When my roommates saw my hair, they screamed from the top of their lungs. Like what the hell? I just cut my own hair out of boredom! That's the time when na-suspended ako for three days dahil may sinampal akong babae. Masyadong madada kaya kailangan niyang sampalin.
Aizel, one of my roommates brought me to a nearest hair salon. Pinaliwanag niya sa akin na bagay sa akin ang short hair. They're just surprised dahil hindi nila alam na magagawa kong gupitin ang buhok ko. Well, me to. Kung hindi ako na-suspended, edi sana mahaba pa buhok ko.
"Shut the fuck up the-girl-who-likes-boys-chasing-her," I said. She glared. Well, when we're in seventh grade palagi siyang may dalang chocolates and flowers. Sabi niya pa, mas gugustuhin niyang habulin siya ng lalake for popularity. Not until she had a boyfriend.
Yes, we're twins. Ang pinagkaiba lang namin, she's kind to everyone and I glare to anyone who will give me chocolates or flowers.
I'm not that type of girl na makukuha sa tsokolate at bulaklak. As if naman.
They known my twin sister as a H.U.'s girlfriend while they known me for H.U.'s badass. Well, I'm not the type of person who will do everything to pleased people. I'm the opposite. People will do everything to please me but ended up pissing me off.
We're both known in this school because of our pretty faces and I hate it. Hindi mo kailangan bumase sa itsura para lang makilala ka. It's bringing the shit out of me. Bakit ba sa itsura nila binabase? These people, sa panlabas na anyo lang tumitingin.
"Hey babe."
Napalingon kaming tatlo sa pintuan ng backstage kung saan ang taong kinakatakutan ng lahat but not me. I fear nothing. He's just an ordinary person anyway. Buti sana kung may special abilities siya or sixth sense.
"Hi babe, you look... Handsome," my twin sister said. Tumayo ito at lumapit sa lalaki at hinalikan sa labi. Ni hindi nila alam na nakatingin kaming lahat sa kanilang dalawa at hindi lang sila nandito. Nandito din ang ibang contestant for this pageant. Si Tiffany ang representative ng section namin. Ngayon ko lang napansin na she's wearing her red silky dress that fits perfectly in her hourglass figure.
Lahat kami ay napangiwi nang halikan ng lalaki si Tiff sa noo, sa ilong at muli sa labi. Naramdaman ko ang pagtapik ni Huzein sa balikat ko.
"Gusto mo bang lumabas tayo? Mukhang mamamatay si Kace dahil sa titig mo, Trinity." He said. Ngayon ko lang narealize na nakayukom na pala ang kamao ko. I glared at him, causing him to step backward.
Napalingon ako kay Tiff nang pumunta ito sa direksyon namin kasama ang boyfriend niya. Seriously? Kahit saan bang lugar pwede kayong magharutan? Please respect, may single dito.
"Tiff," tawag ko dito kaya napatingin siya. "I'll go out na, good luck," I said. Akmang maglalakad na ako nang pigilan niya ako. Uh, may kailangan pa ba siya sa akin kung nandito na ang lover boy niya?
"Wait, may i-c-chika ako!" Sabi niya at hinila ako paupo sa tabi niya kung saan may bangko. Kanina pa ako nangangalay kakatayo, may bangko naman pala.
"Look at this," sabi niya at kinuha ang cellphone sa kaniyang red purse. May pinindot siya dito at iniharap sa akin ang screen. It's a text message from unknown number saying 'today, you are one of the candidates'.
"And? Of course you are one of the candidates for today," sabi ko. I saw her rolled her eyes. It's a sign na hindi ko na-gets ang punto niya. Now what? She can say it directly!
"Not that, isn't weird? Alam naman ng buong Heilianthus na palaging nandito ako sa pageant every year. Did you find it sus?" Sabi niya dahilan para mapakunot ako ng noo. Hindi niya kailangan matakot kung sink man yan. Hinahabol pa din siya ng mga lalaki in this university at madaming magbubuwis ng buhay para sa kaniya. Ano bang kinakatakot nito?
"You're being paranoid, Tiffany." Sabi ko. Again, she sighed and roll her eyes. But she has a point. Kahit ibang school kilala siya. As I know, mayroon silang photoshoot together with Sachi Diaz and Dorothy Parker. Kinwento niya lang sa akin 'yon. Having a photoshoot with the two big models can boost your popularity! It's kinda sus...
"Paranoid na kung paranoid, what if may hidden message ito? Tinanong ko ang ibang contestant pero wala naman silang na-receive na text message from this unknown number," sabi niya at humarap ulit sa salamin.
"Don't be too paranoid, just to remind you that you have a relationship with our school president which is Kace Eliel Escarra so you don't need to worry about that."
She sighed. "What if this is a surprise from our mom? Baka gusto niya akong surpresahin."
I scoffed. "Excuse me? I'm her daughter too pero bakit wala akong natanggap na gan'yang text? It's just a random person or it could be your stalker."
"Posibble, pero nahinto na 'yon noong naging boyfriend ko na si Kace. Sinabihan niya pang ma-k-kick out kung sino man ang magiging creepy stalker ng isang babae." Sabi nito. Kumuha siya ng red lipstick at nag-retouch. "By the way, am I look like a greek God? Uh, like Aphrodite wearing a red dress?"
Tumayo ito at nagsimulang magpost sa harapan ko. I scanned her figure from head to toe. Nakangiti pa itong kumakaway sa akin. She's undeniably beautiful but I'm afraid to let her flattered with my words.
"You look like a clown." I said. Ang kamay niya ay dahan-dahang bumaba at lumukot ang mukha niya.
"They say that I'm beautiful then you're telling the opposite. Huh, I know that style Trinity Morgan. Ayaw mong sabihin na nagagandahan ka sa twin sister mo so—"
"I'm sorry to ruin your imagination but it's true. Look at yourself, you look like a clown wearing a red silky dress," Sabi ko. Mas lalo itong sumimangot at bumalik ito sa pagkakaupo.
"Coming from a girl who doesn't know how to draw eyebrows," Sabi nito.
"My eyebrows are fine. It's authentic. Kahit maghilamos pa ako sa harapan mo, it's real," I fired her back.
"Huh, authentic din naman eyebrows ko 'no!" Sabi niya. Now she's being so childish. Hindi ko pa din alam kung ano ang nagustuhan ng mga lalake dito. Because of her childishness? Her boobs? Her figure? Her face?
Napatingin kaming lahat sa pintuan nang bumukas iyon. It's the supervisor of our school, Ms. Akeria Fuente. She have this serious awra. Walang may gustong inisin ito—but I'm the only exception. I fear nothing, even if it's a thing or a person.
"The event will start in five minutes, lahat ng hindi kailangan for this event you may now go outside and find your sit," Sabi nito. Lumingon siya sa paligid at nagtama ang paningin namin. "Good to see you here, Ms. Trinity Morgan together with Mr. Huzein Adriatico. Can't you see? Kayo lang ang hindi contestants nandito. Give me an explanation why you two are here."
I scoffed. "I'm here to punch someone in her face, gusto mo ba ikaw?"
I saw Kace threw a deadly glares on me. Si Huzein naman ay siniko ako na parang may sinabi akong masama. Palagi nilang sinasabi na dapat igalang ang supervisor but for me. Nah, dapat igalang lahat ng tao sa kahit anong position niya pa sa paaralan, mapa-estudyante man o guro. Hangga't hindi siya natututong igalang ang mga estudyante and be professional, I won't too. Hindi naman niya ikamamatay kung gagaguhin ko siya.
She smile amusedly "oh, want some three days of suspension?"
"As if you can scare me."
Umayos ito ng pagkakatayo at tinignan ako mula ulo hanggang paa. She examine my whole body. It's nothing special anyway, I'm wearing a black plain v neck shirt and a school skirt that ends up above my knees.
"You're wearing a black? May pupuntahan ka bang lamay?"
"Gusto mo ba ikaw nalang paglamayan ko? Oh scratch that, you don't deserve my sympathy anyway," sabi ko at ngumisi. Napatingin ako sa braso ko nang hawakan iyon ni Huzein. Naramdaman kong mas naging intense ang pagitan namin ni Ms. Ria.
"You should go back to elementary para maturuan ka kung paano rumespeto."
"So as you."
Naramdaman kong hinila ako ni Huzein palabas ng backstage at nag-sorry sa lahat ng nandon pati na din kay ma'am Ria. Nang makalabas na kami ay binawi ko ang braso ko at sinamaan siya ng tingin.
"Trinity, I know you are a badass but—"
"What? You're scolding me now? She doesn't deserve a single respect anyway," matabang na sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin. I just rolled my eyes at naghanap ng mauupuan sa auditorium. Good thing may dalawang upuan na bakante sa ikawalang row. Dati pa nila ginagawa ito dahil ako dapat ang uupo doon at pwesto ko iyon. Kay Huzein naman ang kabila.
Napako ang tingin ko sa dalawang babaeng nagtatalo sa harapan namin. Maging si Huzein napatingin doon.
"Come on, Lilith. Manonood lang naman tayo, samahan mo lang ako," sabi ng babae at nag-pout. The latter rolled her eyes.
"What's the purpose of this pageant anyway? It's not like we're be in detention for a whole year kung hindi tayo umattend. They can kick this show without us," the girl Lilith said. Isinandal niya ang likod sa upuan. Nagulat ako nang tumingin ito ss direksyon ko. Agad ko itong iniwas, ramdam ko pa din ang titig niya.
"Do you want some popcorn?" Huzein asked. Sa kaniya naman napadako ang direksyon ko. Mabuti nalang at hindi ko na naramdaman ang titig niya. Her stare is something off. Something you can make your heartbeat fast. Not like I'm having a crush to this girl. It's just, kakabahan ka dahil sa tingin mo nanganganib na ang buhay mo.
I nodded in response. Tumayo ito at kumuha ng popcorn. I know this is a pageant pero hindi naman namin kailangan kumain. Maya-maya ay madala na itong dalawang lalagyanan ng popcorn at dalawang soda can.
Napatingin kaming lahat sa vice president na siya ang magiging host ngayon. Kace is one of the contestants kaya siya ang pumalit. Uh, that guy is annoying. Dapat siya ang magiging host pero mas pinili niyang maging partner si Tiff. It's not cute as what you think. It's... Cringing the hell out of me.
"LADIES AND GENTLEMEN—" Hindi na natapos ang sasabihin ng vice president nang biglang namatay ang ilaw sa loob ng auditorium. May narinig pa kaming impit na tili at mga bulungan na baka pakulo ng student council. Ilang segundo lamang namayani ang katahimikan nang may sumigaw mula sa harapan.
"WHERE THE FUCKING HELL IS TIFFANY?!" Sigaw nito. Sinisigurado kong si Kace 'yon. I hate to be in love, nagiging tanga tayo. It's obvious na ginagamit ni Tiff si Kace. But wait, what? Tiffany is missing?
Akmang tatayo ako nang hawakan ako ni Huzein sa braso. Inis ko siyang tinignan.
"Baka nasa tabi lang si Tiffany, don't overthink yourself," kalmado niyang sabi. Inis akong umirap.
"Magpapaalam 'yon lalo na kay Kace. So bakit ngayon hindi na? Isn't kinda sus?" Sabi ko. Magsasalita pa sana ito nang may sumigaw sa bandang likuran.
"GUYS NAKALOCK ANG PINTUAN!"
Agad nang namuo ang bulungan. Ang iba ay puro negatibo ang sinasabi at ang iba ay iniisip na baka naglevel up na ang surpresa ng council. But thinking na wala si Tiffany sa backstage at hinahanap ni Kace, nasaan siya ngayon?
I pick up my phone. Napasimangot ako nang walang signal ang cellphone ko. What the motherfucking fuck? Heilianthus University is the famous boarding school in Bienville City yet walang signal?!
"Bakit walang signal?"
"Baka trip nilang ikulong tayo dito."
"Kidnap na ba tawag dito? Teka sabihan ko muna si mommy."
Ilang minuto na nang simulang mamatay ang ilaw. Naririnig pa namin ang sigaw ni Kace mula sa backstage. Napukaw ang atensyon namin nang umilaw ang projector sa harapan. Ngayon ko lang ito napansin. Kanina pa ako nandito pero bakit hindi ko 'yan nakita?
Tumili ang karamihan sa amin nang makita kung ano ang nasa projector. Tatlong tao na magkakaibang camera at lugar kung nasaan sila. Nakasuot sila ng puting sako para hindi makilala.
Ang nasa unang camera ay ang babaeng naka dilaw na gown. I saw her somewhere... kanina! Yes! Noong pumasok ako sa backstage!
Ang isa naman ay naka-uniform pero ang ID lace nito ang nagpapatunay na isa siyang grade twelve student gaya namin. I think I saw him somewhere but I can't remember.
Napadako naman ang tingin ko sa huling camera. Nakasuot ito ng gown, probably she's one of the contestants for today. Tinignan ko maigi ang suot niyang pulang gown nang mapagtanto ko kung sino ang babaeng ito.
"TIFFANY!" I shouted. Lahat sila nagbulungan. Maging si Huzein ay tumayo para kumpirmahin kung siya iyon. Lumabas din si Kace dala-dala ang flashlight. Napahinto ito nang makita ang projector.
"MICHELLE!"
"LOUIS!"
Mas lalong nagbulungan ang mga estudyante. Napahinto naman ang lahat nang magsalita si Kace.
"To all students here inside the auditorium, this is not part of the student council's plan. If this is a part, hindi ko isasama si Tiff!" Sigaw niya. Nagcrack na din ang kaniyang boses.
"Pero kung hindi kayo at hindi din kami, sino?" Tanong ng isang babae na nasa likuran namin. She's right. Sino ang gumawa nito sa kanilang tatlo. Bakit si Tiff pa?!
Hindi ako mapakali. Tumayo ako at akmang aalis nang hablutin ni Huzein ang braso ko at iniharap sa kaniya.
"Now what?! My sister's life is on the line! I can't just sit here and do nothing!" Sabi ko at inalis ang kamay niya pero mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak. "Fuck it, Mr. Adriatico! Let me go!"
"Hindi mo ba narinig? Nakasarado ang lahat ng pintuan. Pati din ang bintana. Saan ka lulusot? 'Wag mong sabihin may powers ka para mag-teleport?" Nanunuyang sabi niya. Nagsimula nang mangilid ang luha ko.
We heard someone chuckled but in robotic voice. He's probably hiding his identity.
"Voting lines are now open."
Nagtinginan kaming lahat. Tama lang ang ilaw mula sa projector na maaninag ang nagtataka nilang mukha. Napadako ang atensyon namin sa harapan kung saan nandon pa din ang vice.
"Guys, look at your phones!"
Kaniya-kaniya kami ng tingin sa cellphone. Nakita ko ang pagkunot noo ni Huzein at ang pag-iyak ng ibang estudyante. Unti-unti kong binuksan ang cellphone ko at...
Bumungad sa amin ang isang voting site kung saan kailangan mong bumoto. Nandoon ang pangalan ng dalawa at pati din ang kay Tiffany.
Muling nangingilid ang luha ko at napayukom ang isang kamao. Anong pakulo ito? Sinong gago ang gagawa nito?
"Everyone must vote. No vote equals your soul." Muling sabi nito sa amin. May naaninag akong isang estudyanteng binulsa ang kaniyang cellphone. The next thing we knew, he's lying on the cold floor. "I warned you, didn't I?"
Nagsimula na silang umiyak. Ang sabi ng isang kaibigan nito na wala na siyang maramdaman na tibok sa pulso nito. He's dead. So that means...
"Hey, the person behind that robotic voice. What's your plan?" I asked with a cold tone. Narinig ko ang mga mura ng karamihan at naramdaman ko ang masamang titig nila. I don't care, I just want to know if my hunch is right.
We heard the robotics chuckled. He cleared his throat before uttering the words that make everyone feel chills in their spine. No, it can't be...
"Welcome to Candidate of Death."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro