Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PART FOUR: THE INVITATION

TRINITY

When my sister died, gusto ko magmukmok sa isang tabi at huwag makipaghalubilo sa mga tao. Gusto ko umiyak ng umiyak dahil wala na siya. Pero, ano magagawa ng luha ko? Kaya ba niyang ibalik ang luha ko? That person must be somewhere around the campus. Maybe one of my roommates? Or classmates? Pwede din ang teachers? Si dean at ma'am Ria is not an exception. Pero sa dami nila, sino ilalagay ko sa mga suspect list?

Two days passed and that scorpion did not put me into a good sleep. Iisang tao lang ang nasa isip ko pero hindi ko makitaan ng anggulo kung bakit niya gagawin iyon. She's dead, how?

Yesterday, I heard Val said na isa-isa silang pinuntahan ng dean at tinanong kung sino ang gumala ng madaling araw para gumawa ng milagro. Banta pa ni ma'am Ria na tatlong buwanang detention ang mangyayari kung sino man ang gumawa nito. I managed myself to look like I'm not interested but deep inside, I'm laughing. Wala silang alam na I sneaked out para pumuntang laboratory! There reaction is priceless dahil sa umanong "milagro" na ginawa. But hey, kung malaman nilang kaming dalawa ni Kace 'yon, baka iisipin nilang may sapakan kami ng madaling-araw.

Now, I'm infront of the mirror. There are dark circles below my eyes and my short hair is messy. Thirty minutes nalang at magsisimula na ng klase, but I'm here. Wala pang almusal at hindi pa nakakaligo.

I want to transfer pero gusto ko ako mismo ang makahuli sa pumatay kay Tiff. Wala siyang kasalanan. Kung ako, ako lang dapat. Hindi naman kailangan pati siya idamay niya pa. Buti sana kung nilason lang, pero hindi. Ginawang baboy ang katawan niya! If I only knew... I wish I did not ignored the sign, the text message.

Saka ko lang napansin na dumudugo na ang kamay ko na may hawak na basag na baso. Sa sobrang pagkakadiin ko ng hawak, nabasag ito. I can't feel the pain, I felt numb.  Kumuha ako ng tuwalya at naligo. Napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi matapos buhusan ito ng tubig at tanggalan ng bubog. Joke lang pala kanina 'yung I can't feel the pain.

Late. I'm not an early bird dahil palaging five minutes before class ako pumapasok. This is the first time in my entire life na pumasok ako ng late. Lahat ay natigilan nang makita ako. Maging ang guro namin ay napahinto nang mapansin ako. Uh, hello? Late ako kaya may grand entrance ako sa harapan.

Tumango lang ako at dumiretso sa upuan ko. Ang pagkakaalam nila na kapag hindi ako dumating before first class, absent na ako. But look, I can see the shook written in their faces.

"Ms. Morgan, bakit may dugo ang panyo mo?" Tanong ni ma'am Sylvia, my adviser in senior high. She has a serious awra like ma'am Ria pero friendly siya kapag kayong dalawa lang ang nag-uusap.

"Nothing ma'am," I coldly stated. Ang kanan kong kamay ang may sugat which is my dominant hand. Pilit kong huwag ngumiwi habang nagsusulat pero bigo ako. Damn.

"May I have your hand?" Sabi niya. Aangal sana ako nang panglisikan niya ako ng mata. Ma'am, gusto mo bang mawalan ng mata? Pwede ko naman dukutin iyan ngayon, now na ba?

I led my right hand. Dahan-dahan niyang inalis ang panyo na puno ng dugo. Well, I'm sorry! Wala kaming bandage o kung ano man na pwedeng ibalot sa kamay ko!

Lahat ay napasinghap dahil sa nakita. Buong palad ko ay dumudugo. Ganon kalalim ang bubog kanina. Inis ko tinignan ang lahat nang mapansing nakatuon ang atensyon nila sa amin at hindi sa pisara.

"Angas naman, parang nanonood kayo ng pelikula," I sarcastically said and in a snap, my face turns into serious one. "Kung ako sa inyo, magsusulat muna ako ng lesson bago pumanaw."

Bumaling ako kay ma'am na ngayon ay nanlilisik na ang tingin sa akin. Hindi ako nagpasindak at tinaasan ko ito ng kilay. Bumuntong hininga siya at umiling.

"Go to clinic, pagamot mo muna 'yang sugat mo baka ma-infection." She said with a calm tone. "If you're doing this because of your sister's loss, then stop. Hindi matutuwa si Tiffany kapag nalaman niya 'yang ginagawa mo."

Inis akong tumayo at pinantayan siya ng tingin. Maging ang lahat ay nagulat sa ginawa ko. Her calm awra turns into serious one.

"Don't dare to mention my sister's name..." I whispered in full of authority. "Lalo na kung wala kang alam. Just keep your mouth shut. Thank you for your concern, by the way, but I don't need it..."

Inis ko silang tinalikuran at lumabas ng classroom. Call me rude, pero kamamatay lang ni Tiffany and you shouldn't mention her anywhere like it's fine because it's not fine! Don't mention her name to make me dance in your tune! Don't use her for Pete's sake!

Tahimik ang hallway dahil class hour ngayon. Late na ako bumangon, nasugatan pa ako, napagalitan at sinungitan ang guro. Ano pang katarantaduhang magagawa ko ngayong araw? Madadagdagan pa ba? Umagang-umaga, ganito na agad. Gandang simula.

Dumaan muna ako sa locker room at kumuha ng libro. Alam kong matatagalan ako sa clinic at hindi ako basta-basta palalabasin ng doctor kaya magdadala ako ng libro para may libangan. Napahinto ako nang makarinig ng usapan ng dalawang babae malapit sa hagdanan. They are laughing. I don't know. It piqued my curiosity. Hindi ako chismosa pero this one is different. I can feel it.

"Buti nga namatay siya eh, ang harot niya!" The girl with a bangs said.

"True sis, 'yong friendly niya may halong harot. Bakit hindi na lang siya nakuntento kay pres? Siguro kasi hindi pa siya naikama ni pres." The latter said.

"Nakipagbreak pa sa'kin si Jones dahil sa babaeng 'yon! She deserves to die anyway."

"But what can you say about her twin sister?"

"Uh, her? She's not a badass, baka bastos kamo." The other girl said and they both laughed. Luckily, huminto sila at dumaan papuntang locker room which is ilang hakbang lang mula sa kinatatayuan ko. Bago pa sila makapasok ay nagsalita na ako.

"Sinong bastos?"

Silang dalawa ay napahinto at nagkatinginan pa. Unti-unti silang humarap at nanlaki ang mga mata nang makita ako. My lips form a sweet smile. There you go honey, your life is in danger right now.

"T-Trinity..." Bulong ng isa na may bangs.

"Yes, that's my name. Is there any problem with me?" Sabi ko at pinagkrus ang braso at sumandal sa dingding. "Come on girls, time is ticking..."

Halata ang kaba sa kanilang mukha. Base on their id lace, they are in tenth grade.  Dala-dala pa din nila ang kanilang bag kaya paniguradong late ang dalawang ito. Pero kahit na late, nagagawa pa din nila magdaldalan? Uh, may oras para pagchismisan ang kapatid ko pero walang oras mag-aral. Pathetic.

"W-wala n-naman..." Sabi ng isa at unti-unting umatras. Inilabas ko ang cellphone ko na kanina pa nagrerecord ng pinag-uusapan nila. Iniharap ko ito sa kanila  kaya mas lalo silang kinabahan.

"Ah, wala ba? Okay..." Sabi ko at pinindot ang play button.

"Buti nga namatay siya eh, ang harot niya!" 

"True sis, 'yong friendly niya may halong harot. Bakit hindi na lang siya nakuntento kay pres? Siguro kasi hindi pa siya naikama ni pres."

"Nakipagbreak pa sa'kin si Jones dahil sa babaeng 'yon! She deserves to die anyway."

"But what can you say about her twin sister?"

"Uh, her? She's not a badass, baka bastos kamo." They both laughed.

Nagsimula nang maglikot ang kanilang mga mata hanggang sa magsalita ang babaeng may bangs. Humakbang ito papalapit sa akin at pinantay ang tingin. Mas matangkad ako kaya nakatingala siya. It's like we're in k-drama but sorry to disappoint you, I hate romance.

"Totoo naman ah? Kung hindi ka maganda, hindi badass itatawag sayo. Bastos mas magandang term," she said fiercely. I playfully smile.

"I admire your bravery, honey." Sabi ko. I inched our gap kaya napapikit siya. Parang may nakasulat sa mukha niya na "hahalikan ako nito kaya pipikit ako," silly. I chuckled caused her to open her eyes. "Okay lang kung ako lang ang nilait mo, pati ang kapatid  ko dinamay mo." Huminto ako at bahagyang umiling habang nakatitig sa kaniyang labi. "Mali 'yan, you deserve a punishment."

"W-What punishment?" She stuttered.

"This."

In a snap, I slap her face. Kaliwa at kanan. Mas lalo kong naramdaman ang kirot sa kanang kamay ko. Napatili ang kasama niya at siya naman ay napahiga. Namula ang mukha niya at may bakas pa ng palad ko.

"You bitch!" She shouted.

I chuckled. "And this bitch will ruin your life." Sabi ko at tumalikod. Narinig ko pa ang sigaw niya at pagmumura.

Nang makarating ako sa clinic, panay ang sermon sa akin ng doctor. Dahil sa nangyari kanina, hindi na ako nag-abalang sagutin siya pabalik. Disrespect me or my sister and your dead. I hate her, kung wala lang sugat ang kamay ko baka hindi na siya makakalakad ngayon.

Nang magamot na ay sinabihan ako na dito muna manatili at bibili siya ng makakain. Sakto din kasing kumalam na ang sikmura ko. Pinagmasdan ko ang nakabendang kamay ko hanggang sa bumukas ang pinto at iniluwal si Huzein.

"Fuck Trinity..." Bulong niya at mabilis na nilapitan ako. Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang kamay kong may benda. "Ano bang ginagawa mo sa buhay mo? Maglalaslas ka na nga lang, bakit sa kamay pa? Ano bang nakain mo at—"

"Aish... Alis ka na nga kung sesermonan mo lang ako." Inis kong sabi at binawi ang kamay ko. "Class hour pa ah? Bakit ka nandito? Sino nagsabing pumunta ka dito?" Sunod-sunod kong tanong.

"The doctor."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Pagkakaalam ko, bibili siya ng makakain? Tapos ikaw dumating? Makakain ka ba?"

"Well..." Bulong niya at tumikhim. "Sabi kasi ng doctor, nakakatakot daw presence mo kanina. Galing ka ba sa away? Gano'n daw feeling niya kapag may sinapak ka."

I rolled my eyes. "Wala naman akong sinapak."

"Sure?"

"Wala. Pero sinampal, oo."

He look at me unbelievable. Tinaasan ko siya ng kilay kaya umiwas ito ng tingin at bumuntong-hininga.

"Kahit kailan, Trinity..." Bulong niya pero hindi nakatakas sa pandinig ko 'yon.

"May sinasabi ka ba, Huzein?" Mataray kong sagot. Umiling ito at umirap.

Akmang magsasalita na ito nang tumunog ang cellphone niya. Agad naman niya iyong sinagot.

"Yes... Opo kasama ko po siya... Ano po? Ahh sige po... Makakaasa kayo." Sabi niya at ibinaba ang tawag. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan hanggang sa magbukas ito ng topic tungkol doon.

"It's dean, pinapatawag ka," sabi niya.

"Wait... What? May number ka ni dean?" Tanong ko at pinaningkitan siya ng mga mata. "I didn't know na you're gay, huh?"

Inis niya akong tinignan. "I'm not a gay. The truth is, I like someone who doesn't give a damn about my feelings."

"Ah! And that someone is dean, okay now I get it." Sabi ko at tumayo at inayos ang palda. "Dalian mo, may meeting kami ng crush mo."

"May number ako ni dean para kapag pinatawag ka, sa akin niya sasabihin!" Paliwanag niya pero umiling lang ako at lumabas.

"Reasons. Reasons. Reasons." Sabi ko at sinara ang pinto. Dinig ko ang pagreklamo niya pero hindi ko na ito pinansin.

Pagdating namin sa dean's office, nandon na ang babae at ang kaibigan nito. Nasa nakaupo si dean sa harapan nila at ang supervisor naman ay nasa tabi nito.

"Ayan dean oh! Sinampal niya ako! Dapat siya maexpell dito!" Galit na sigaw niya. Napatingin naman sa akin si dean at sinenyasang umupo.

"Tanga ka kasi," nakangising sabi ko kaya mas lalong uminit ang ulo niya. Mabuti nalang at katabi niya ang kaibigan niya kaya mabilis itong naawat.

"Huh! Ako pa ang tanga! Ikaw itong nanakit, ikaw pa ang galit!" Sigaw niya. Namumula na ang kaniyang mukha sa galit.

"Bobo ka, ano ba dapat ginagawa sa bobo?" Tanong ko at humikab. "Edi inaalog ang utak."

"Ms. Morgan," awat ni dean kaya lahat kami ay napatingin sa kaniya. "Totoo ba ang bintang niya?"

I chuckled. "Oo naman sir, kita niyo ngang galit na galit sa'kin e. Gusto niyo ba ng replay?"

"Trinity!"

"Yes, ma'am Ria, that's my name," sabi ko at tumayo. "Alam ko na 'yan, it's either community service ang gagawin ko o one week suspension. Suspension nalang gagawin ko."

Umangal naman ang kabila. "No, dean! Matagal na siyang gan'yan at halos siya na ang laman ng guidance office! Bakit hindi niyo siya patalsikin dito sa Heilianthus University? I-drop out niyo na 'yan!" Sigaw niya.

Imbes na umalis, bumalik ako sa pagkakaupo at tinignan si dean. This girl has a point. I need to ask the dean now.

"Dean, bakit hindi niyo pa ako ineexpell? This bitch is right, what's with me? Kapag ang iba ay expelled agad, pero ako go lang. Ano bang meron, dean? May nagaganap ba tungkol sa pangalan ko na hindi ko alam?"

Nagkatinginan sina dean at ma'am Ria. Binalot ang buong silid ng katahimikan hanggang sa tumikhim si dean at tumingin sa amin.

"It's done. One week suspension for Trinity Morgan. Go back to your classes." Tumayo ito at umalis kasunod si ma'am Ria. Umirap ang babaeng nasa harapan ko at umalis kasama ang kaibigan niya.

Naiwan naman akong tulala. Something's off. Sa sobrang daming tanong sa isipan ko, ni isa wala pang nasasagot. Panay ang takbo nila, bakit hindi sila nadadapa?

Bumukas ang pinto at iniluwal si Huzein. May dala itong dalawang fries at dalawang soda can. Doon ko lang naalala na hindi ako nag-almusal. Nilapitan niya ako at hinila palabas ng dean's office.

Maya-maya ay nasa rooftop kami ngayon. Walang masyadong estudyanteng tumatambay dito dahil sa pinaniniwalaan nilang may multo. Tanga lang ang maniniwala. Napairap ako nang maalala kung paano kami nagsiksikan ni Kace sa ilalim ng bookshelf. Yiks.

"So, what happened?" Panimula niya. Kinwento ko sa kaniya ang nangyari kanina and as usual, one week suspension na naman. Hindi naman nagbago sa akin 'yon. Ang mas nakakagulat lang, pumapasa pa ako sa ibang subs kahit na madalang lang ako pumasok. And here comes the great great Huzein Adriatico.

"Na-suspended ka ng tatlong araw tapos suspended na naman? Trinity graduating na tayo! Dapat sineseryoso mo na!" Pagalit na sabi niya. He's always like that, kapag may ginawa akong katarantaduhan, siya itong panay ang sermon. Daig pa magulang.

"Uh, sinong nagsabing last year ko na dito? Baka umulit ako," nakangiting sabi ko at sinamaan niya ako ng tingin. This guy, it's only a joke men!

"Trinity you don't get it—"

"Tingin mo sa'kin? Slow? Gets ko. Last year ko na dito kaya sinusulit ko na pagiging badass ko para maging remarkable name ko pag-alis ko. Chill, kung uulit ako, bakit hindi pa ngayon 'diba?"

Bumuntong-hininga ito at umirap. "Hay Trinity, kailan ka ba titino..."

"Don't start the fight, Huzein." Banta ko. We don't usually fight, pero sa ganitong sitwasyon, mukhang mag-aaway kami.

"Fine! Just don't make me worried!" Sigaw niya at uminom ng soda. Sumunod ay kinwento niya sa akin kung ano ang kaganapan sa room nila. Hindi kami magkaklase, magkaiba kami ng strand na kinuha. I took ABM strand at siya naman ay HUMMS. Well, I want to be a flight attendant. Siya naman ay lawyer. No wonder na palagi siyang nasa panig ng tama.

"Pumunta sa'min si ma'am Ria. Sinabihan na walang aalis ng school hangga't hindi pa natatapos ang school year. Sinabihan din na hindi pwedeng lumabas at magmall, bawal na dumalaw ang mga magulang o kaibigan. Mas hinigpitan nila ang security ng Heilianthus na kanina ko pa pinagtataka." Sabi niya.

"After that incident—or should I say murder, pwedeng ikalat sa media 'yon at dahilan para masira ang image ng school." Dugtong niya.

I rolled my eyes. "Bobo, bakit nila hinigpitan? Dapat hinahanap na nila kung sino ang pumatay sa kapatid ko!" I shouted.

"'Yan din ang sinabi ko kay ma'am Ria pero sinabi niya na gagawan niya ng paraan. Hindi tayo hihingi ng tulong sa pulis at—"

"WHAT?!" I exclaimed. "Bakit hindi tayo hihingi ng tulong? Nasaan na ba 'yong pulis na nag-imbestiga? 'Yung inspector?"

He sighed. "That's the problem, hindi na sila mahanap simula nang pumunta sila dito sa Heilianthus at inimbesigahan ng crime scene. Pati din ang mga nakalap nilang evidence nawala din."

Napahawak ako sa ulo ko habang nakatingin sa school ground. "The cctv footage? 'Yung resulta ng analysis sa katawan ni Tiff? Ang nag-ayos sa death certificate ni Tiff? Nasaan?"

Muling bumuntong-hininga si Huzein. "Lahat 'yon tinangay ng murderer."

"That's bullshit!" I hissed. "Wala ba silang copy? Bakit ang tatanga nila? Ginto na naging bato pa!"

"Sad to say na wala silang copy, si ma'am Ria mismo nagsabi sa akin in private." Sabi niya.

"So... Kaya ba hindi ako maexpell-expell dahil hindi pwedeng umalis ang mga estudyante dito hangga't hindi pa nakikilala kung sino?"

Bahagya itong tumango. "That's it."

Nilapitan ko siya at malakas na sinuntok sa braso. Napadaing naman siya sa ginawa ko at hinimas-himas pa ang braso niya. "What was that for?!"

"Gago ka ba?! Alam mo na palang hindi ako mae-expell, tapos sinermonan mo ako? Nasaan ba utak mo? Nasa talampakan?" Inis kong sabi. He laughed.

"Gusto ko lang makita reaksyon mo, baka kasi magsisi ka pero Trinity is Trinity, never nagsisisi." Sabi niya. Ngumiwi ito nang suntukin ko muli siya. "Aray, tama na!"

Tomorrow morning hindi ako pumasok. I just lay down at nagtutulog-tulugan. Sinabi ko na kina Val at Aizel na suspended ako and guess what, they make fun of me! Sinabi nila na ilayo ang guting sa akin baka gupitin ko na naman buhok ko! As if na gagawin ko ulit iyon.

Nalaman nilang nasugatan ako dahil sa basag na baso. Sinabi ko lang na nahulog at tumama sa kamay ko. Buti kumbinsido na sila, pati ba naman sa kanila kailangan ko magpaliwanag.

I don't get it, I don't care if I'll do some bad things later, tonight or tomorrow. Pero kapag ibang tao, sobra ang pag-aalala nila. Why? Ganito ba kaimportante ang buhay ko para mag-alala sila ng sobra-sobra?

Tuwing uwian ay pumupunta si Huzein ito dala-dala ang notebook ng kakilala niya sa ABM at ituturo sa akin ang lessons. Sinabi ko sa kaniya na ayos lang sa akin at hindi ako slow! Gusto niya lang na makasiguradong naiintindihan ko, hindi na siya magulang ko, pati din pala teacher.

"Explain this." Sabi niya at may itinuro. Inis akong umirap at humikab.

"Come on, Huzein. Friday naman bukas at hindi din ako papasok! Anong silbi na ituturo mo 'yan kung hindi naman ako papasok—"

"Trinity, kailangan mo." Sabi niya at muling kinuha ang notebook at binasa. "Hindi mo ba maintindihan 'yung sulat? Gusto mo ba i-rewrite ko para maintindihan mo?" He asked. Kumuha ito ng yellow pad at nagsimulang magsulat pero pinigilan ko ito.

"It's fine, naiintindihan ko. Ang akin lang, don't act like babagsak talaga ako ng tuluyan—"

"Babagsak ka talaga kapag hindi mo naintindihan." He interrupted.

Pinagkrus ko ang braso ko at tinignan siya. "Ano naman kung bumagsak ako? Ayos lang naman sa akin na umulit ng isang taon—"

"No. Hindi ka babagsak. Tutulungan kita."

"Come on, pwede ko naman bawiin 'yan sa next semester." Nakangiwing sabi ko. "Kung hindi ko mabawi, edi bawian nalang ng buhay."

"Trinity, stop saying that!"

"It's only a goddamn joke!" Natatawag sabi ko kaya mas lalong lumukot ang mukha niya. "Okay, I'll stop talking about suicide."

He sighed. "Ayoko lang kasi na—"

"Na?"

"Ayokong—"

"Anong ayaw mo?"

"Ayokong umalis ng—"

"Anong ayaw mong umalis?"

"Teka patapusin mo muna ako!" Sigaw niya at umirap. I chuckled. "Ayokong umalis ng Heilianthus University na hindi ka pa nakakapagtapos ng highschool. Aalis tayo dito ng sabay. I'm lost when you're not around. Sabay tayong papasok sa college. Hindi pwedeng maiwan ka. Kung maiiwan ka, magpapaiwan din ako. I just don't want to leave you..."

Inis akong tumayo at dinampot ang mga notebook ko na nakakalat. Good thing umalis si Val at Aizel, pumunta lang sa isa sa mga kaibigan nila. Kaming dalawa lang ang nandito sa dorm. Anyway, kahit close kami ni Huzein, hindi nila iisiping gagawa kami ng milagro. Ew.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya napahinto ako sa pagliligpit at nilingon siya. "What?"

He cleared his throat. "Just promise me one thing."

"I don't believe in promises, Huzein. Promises are meant to be broken."

Sinalubong niya ang tingin ko. His eyes are telling me something. Something that his lips can't say. "Just believe, kahit ngayon lang."

Bahagya akong tumango at umiwas ng tingin. Now, this is awkward.

"Promise me you won't leave me," he said with full of emotions. Muli ko siyang tinignan ng nagtataka.

"Why are you saying such a nonsense words, mr. Adriatico? Look, it's passed seven o'clock in the evening. You should go na," sabi ko. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko ngunit hinigpitan niya pa lalo.

"For you, it's nonsense but that promise is everything to me..." Bulong niya. Sapat lang para marinig ko ito.

"Fine!" I sighed. "I promise that I won't leave you. Satisfied?"

His lips form a sweet smile. Kung ibang tao lang ako, nagkagusto na ako sa kaniya. But hey, I hate romance. Gusto ko sapakan.

In a snap, he inched our gap and he hugged me tight. Ganito ginagawa niya kapag galit ako. Not gonna lie, his warm hug is my comfort zone. It can calm the anger inside me.

Akmang yayakapin ko na siya pabalik nang makarinig kami ng ingay mula sa bintana. Parehas kaming natigilan at lumapit doon. Nanlaki ang mga mata namin sa nakita.

It's a black small envelope with a scorpion in the back.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro