Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PART FIVE: SECOND VICTIM

TRINITY

I hate when someone gives me a letter. A love letter or a confession letter, whatever. Akala kasi nila nakakakilig kapag ginagawan ng gano'n. Well, some girls find it sweet but me? I find it annoying. It doesn't give me butterflies but headaches. Imagine, paulit-ulit mong lilinisin ang locker mo dahil sa madaming letters? I experienced it when I was in seventh grade. Huminto lang sila nang makita niyang sinunog ko ang letters at binantaan. Yes, sayang ang effort pero hindi ko naman sila pinagawa in the first place.

And this one is different. Black letter with a scorpion logo. That logo is familiar. Sa katawan ni Tiffany nakita ito. That fucking scorpion is the murderer. 

We opened the letter and it's a cryptic message. Kahit ako ay hindi ko maintindihan. This motherfucking scorpion is fucking my life. Ano bang kailangan niya sa akin?

"Trinity," he called my name. Ang tingin ko ay nabaling sa kaniya at muling ibinalik sa letter. "May naging kaaway ka ba dati? Baka isa sa mga kaaway mo?"

I shrugged my shoulder. "Sa dami ng kaaway ko, hindi ko na mabilang kung sino."

He sighed. "Isa sa gusto mo or die hard na nagkakagusto sa'yo, what do you think?"

I rolled my eyes. "Huzein, wake up. I'm not a girlfriend material in the first place."

Maya-maya ay nagpaalam na si Huzein at pumunta sa dorm nila. Kinuhanan niya ng litrato ang cryptic message para kahit nasa dorm siya ay madedecode niya iyon. Same din sa ginawa ko, ayokong ipakita kina Val at Aizel, baka pati sila mag-creep out.

I texted Val that we're done studying. They tease me about Huzein which is I find it annoying! Uh, Valerie, Aizel and I are not-that-close friends. Like I can call them friends but not as close as me and Huzein. They can make a joke about me but when I turn serious, tatahimik na sila.

Pumunta na kaming cafeteria para mananghalian. Hanggang pagdating namin doon ay ganon pa din ang topic nila, hanggang sa malipat ang topic sa ibang tao which I find it interesting.

"Remember Michelle Delo Santos, Val? Tinanong siya ni ma'am about sa nangyari pero wala siyang matandaan." Aizel said. Napahinto ako sa pagnguya at tumingin sa kaniya.

"What else? Ano pa sinabi niya?" I asked. Hoping na sasabihin niya ang text message from that fucking scorpion na kulang sa aruga.

"Sabi niya, ang natandaan niya lang is pumunta siya sa props room at everything went black." Aizel continued.

Napakunot ang noo ko at muling bumaling sa kinakain. "Wala ba siyang sinabi na may natanggap siyang message from unknown number?"

Napahinto si Aizel sa pagkain at nag-isip. "Sa pagkakaalam niya meron pero no'ng tignan namin ang phone niya, wala namang message na natanggap."

"The killer must be deleted it. Bakit siya mag-iiwan ng evidence, 'diba?" Val said.

Aizel and I nodded. She's right, kahit siguro ako, hindi ako mag-iiwan ng evidence na magtuturo sa akin. But what about that letter? Maliban sa akin, si ma'am Ria, the dean and Huzein, walang nakakaalam na si "scorpion" ang pumatay. I hate addressing it as scorpion pero iyan ang iniwan niyang clue so let's go for it.

For sure, alam na ni scorpion na alam kong siya ang pumatay kay Tiffany. Kapag sinabi ko in public, iisipin nilang baliw ako lalo na't wala akong evidence—dahil kinuha niya sa pulis lahat. Lalo na ngayon, iniisip nilang ako ang gumawa but in fact, nasa loob ako ng auditorium at sumisigaw! They're dumb minds are annoying.

But wait, how did scorpion knew na may alam na ako? If I can narrow down all the people know about scorpion's existence, it's the dean, me, ma'am Ria and Huzein. Except the police officers who are nowhere to be found. May their souls rest in paradise. Back to the topic, isa sa kanila ang mata at tainga ni scorpion. It's not me, can I trust Huzein? How about ma'am Ria and dean?

It's now ten o'clock in the evening, gising pa sina Val at Aizel dahil gumagawa ng school works. Meh, kahit isang linggo na ako hindi pumapasok, chill pa din ako. Why do I need to stress myself in school works if I know papasa naman ako kahit hindi gumawa?

Habang nagbabasa ng novel, inilabas ko ang phone ko at pinagmasdan ang cryptic message galing kay scorpion. Mabuti nalang at busy ang dalawa, alam nila kasing hindi ako mahilig humawak ng phone—depende kung importante.

The message is like this.


A W W T I Y I B D W A R U C P K

Step backward if you are coward, step frontward if you are brave.

"Damn..." Bulong ko. I'm not a romance lover but I'm not fan of clues, hints and some decode messages! Hindi naman ako fan ng detective stuffs and I will never! I hate witnessing someone that is laying down on the floor and bathing in their own blood! Baka umabot sa panaginip ko 'yon kapag nagkataon.

Kumuha ako ng isang pirasong papel at pen. Inisip ko na baka jumbled letters lang ito at kailangan ayusin but it doesn't make sense! Wala namang connection ang jumbled letters at ang message sa baba. Is that a hint?

Suddenly, my phone vibrates kaya kinuha ko ito. It's a text message from Huzein.

"I decoded it." It says.

"How?" I replied.

Napaupo ako nang biglang tumawag si Huzein. Si Val at Aizel ay napatingin sa akin kaya sinabi kong tumawag si Huzein. Now, they're starting thinking of something!

"Naks, late night talks na ba ang peg niyo? Aba, dumidiskarte na si pareng Huzein!" Asar ni Aizel at parehas silang tumawa ni Val.

I rolled my eyes and glared at them. "Stop imagining things which is not gonna happen."

Tumayo ako at pumunta sa labas ng dorm. Kita ang itim na kalangitan mula sa kinatatayuan ko pati ang mga bituin na nagniningning. Doon ko lang sinagot ang tawag habang nakatingala doon.

"Huzein," bungad ko.

"Before everything, look at boy's dormitory," sabi niya kaya napatingin ako doon. Katapat lang ng building namin ay ang building nila kaya hindi mahirap hanapin. Nakita kong ikinaway niya ang kaniyang kamay na may hawak na phone. Kumaway din ako pabalik.

"So? How did you decode it?"

"It's in qwerty keyboard. Given na nakalagay sa letter ay "Step backward if you are coward, step frontward if you are brave", iuurong mo lang ang letters. For example, A for S, W for E, W for E again, T for Y,I for O,Y for U,I for O, B for N, D for F, W for E, A for S, R for T, U for I, C for V,P for A, and lastly, K for L."

"Which means...?"

"SEE YOU ON FESTIVAL."

Agad akong napatahimik at napaisip. Festival? Sa pagkakaalam ko, next week na ang festival ng Bienville at dito gaganapin sa Heilianthus University since sikat ang school namin. Pero dahil ayaw ni ma'am Ria kaming palabasin dito, paano niya makukumbinsi ang mayor na sa ibang school nalang ganapin?

"'Diba next week na 'yan?" I asked.

"Exactly. So next week, magkakaroon ulit ng botohan gaya ng ginawa niya sa ibang victims last week."

Mas lalo akong kinabahan. Yes, I'm tough girl and I fear nothing but this one is different. I will witness a death of someone. Kaya siguro sa akin ibinigay ang letter dahil... Dahil konektado sa akin ang magiging biktima? Posible.

"Huzein, kapag festival na isama natin si Valerie at Aizel. Is that clear?"

"Yes boss," he said and chuckled.

We bit our goodbyes and went to sleep. I instructed Val and Aizel to stay close with me next week kaya nagtaka sila. It's the first time I asked them to do it. Sa totoo lang, wala akong pake sa paligid ko as long as nasa tama ang lahat. Pero ngayon, knowing na may mamamatay, hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may nangyaring masama sa kanila.

Michelle Delo Santos at Louis Suarez, they are my classmates when I was in tenth grade. We're not that close and I don't give a fuck about their existence. Also Tiffany, dahil nga kambal kami ay hindi kami pinaghihiwalay ng teacher ng section dahil baka magkalituhan. Posible kaya ngayon, isa sa mga kaklase ko noong grade ten ang magiging biktima?

Monday came. Maayos naman ang lahat, walang nagreklamo na nawawala ang isa sa roommates nila. Nagising pa nga ako sa ingay ng bunganga ni Aizel at ang tawa ni Val. Kahit nalilito sila ay sumama sila sa amin ni Huzein.

I wore a white hoodie and a black pants. Hinayaan ko lang ang maikli kong buhok sa pagkakalugay. As if naman maitatali ko. Mabuti nalang at nakinig ako sa suggestion ni Aizel na magpagupit ng bangs dahil bagay na bagay ito sa akin. They say, I'm look like a kid dahil sa bangs kaya hinamon ko sila ng sapakan. 

Huzein is wearing a white plain v neck shirt and navy blue cargo shorts. His fixed hair fits his face. Mukha siyang fresh dahil doon. I mean, he always look fresh naman. From here, naaamoy ko ang pabango niya which is my favourite. Minsan, hinihiram ko pa ito sa kaniya.

Val is wearing a pink dress that ends up exactly in her knees and a black doll shoes. Tinirintas niya din ang kaniyang buhok na bumagay naman sa kaniya.

Aizel, on the other hand, she's wearing a beige turtle neck and a denim skirt. Ginawa niyang bun ang kaniyang buhok at nag-iwan ng kaunting hibla.

"Mukha na ba akong koreana na kailangan ng oppa?" Tanong ni Aizel sa amin. Val and Huzein laughed whil I scanned her. Bagay naman sa kaniya it's just... Bakit ang effort nila sa pagsusuot ng damit? Fiesta lang naman ang pupuntahan namin at sa loob naman ng campus gaganapin.

"Tara na, babaeng nakasuot ng hoodie kahit na tirik na tirik ang araw," asar ni Huzein at inakbayan ako. Rinig ko ang impit na tili ni Aizel kaya inis kong inalis ang braso ni Huzein. Maya-maya ay ibinalik din niya sa pagkakaakbay sa akin. Great.

Pagbaba namin sa ground floor ay ingay mula sa iba't ibang tindahan ang sumalubong sa amin. Siguro, ngayon lang pinayagan ni ma'am Ria ang mga estudyante na gumala kung saan-saan. Mas tataas din ang tsansa na makakapasok dito ang killer.

"Mukha kaming third wheel sa inyo, Trinity." Sabi ni Val at tumawa. Akmang hihiwalay sila nang higitin ko ang braso nito at tinitigan ng masama. Wala silang nagawa kundi sumunod nalang sa amin.

This is for their safety, by the way.

"Gusto mo ng fishball?" Aya ni Huzein sa akin. Maging sina Aizel at Val ay tinanong din nila.  Tumango ako maging ang dalawa. Libre ni Huzein, masama naman tumanggi sa grasya 'diba?

Binilhan din niya kami ng tig-iisang palamig. Me and Huzein picked gulaman and the two picked iced tea. Umupo kami sa bakanteng bench at pinagmasdan ang paligid habang kumakain.

"Trinity, look!" Sigaw ni Val at may itinuro sa bandang kaliwa. It's Kace together with the vice president. Sa pagkakatanda ko, siya ang MC ng pageant last last week. Pwede din siya magkaroon ng motibo ngunit kasama namin siya noong nangyari 'yon.

Napatingin ako kay Huzein nang hawakan niya ang kamay ko. Ngayon ko lang napansin na nakayukom ito at anytime, masasapak ko na si Kace. Look, her girlfriend died last week pero wala siyang ginagawa para mabigyan ng hustisya si Tiffany! Parang ayos lang sa kaniya na namatay ang girlfriend niya and now he's hanging with someone knew! Kapal ng mukha, grabe.

"It's okay... It's fine..." Bulong niya sa akin at hinagod ang buhok ko. Dahil sa ginawa niya ay unti-unti akong kumalma. Kung wala siya dito, baka nagkagulo na. Knowing me, hindi nila ako mapipigilan unless you are Huzein Adriatico.

"Guys!" Sigaw ni Aizel at may itinuro. And third floor sa building Three. May nakapaskil doon na "karaoke bar" which kailangan mo magbayad ng one hundred per head.

"Tara!"  Sigaw ni Val at hinatak ako pero umalma ako.

"No! There's no way I'll enter that place!" Sigaw ko. Rinig ko ang pagtawa ni Huzein at ang reaksyon ng dalawa ay hindi maipinta.

"She doesn't know how to sing," sabi ni Huzein kaya sinapak ko ito sa tagiliran. Their priceless faces turns into a wide smile and laughed! See?!

"STOP LAUGHING OR ELSE YOU GUYS ARE DEAD!" Sigaw ko kaya tumahimik sila pero kita sa gilid ng mata ko ang pagngiti nila. Uh, it doesn't mean I don't know how to sing is you can laugh all you want! Hindi man ako marunong kumanta, marunong naman ako manapak!

Pumunta kami sa itinuro nilang karaoke bar. Nakasimangot na umupo ako doon at tinignan silang tatlo na kumanta. Karamihan ay sina Val at Aizel ang kumakanta at dalawang beses lang na kumanta si Huzein. Not gonna lie, magaganda ang boses nila. How I wish I can sing too. Pero kahit na marunong ako kumanta, hindi pa din ako kakanta.

"Everybody sing!" Sigaw ni Aizel at itinutok sa amin ang mic na kunwari kami ang audience at nasa concert sila. She sings 'Sayang na sayang by Aegis'. Muntikan pa nga siyang mapiyok dahil sa pag-abot ng high notes.

Habang nagkakasiyahan sila—not me, it's annoying—sa pagkanta ay bigla na lamang may kumatok sa pintuan. Tumayo si Huzein at siya na ang nagbukas ng pintuan. It reveals a short girl wearing a glasses. Halata ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Uh, sa sobrang liit niya mapagkakamalan ko siyang elementary. Pero buti nalang may suot siyang school ID na for grade twelve students.

"Hi guys, tanong ko lang po kung nakita niyo po siya," sabi niya at inabot ang kaniyang cellphone. Dali-daling lumapit sina Aizel at Val samantalang ako at tinignan lang sila.

"Try mo sis sa Jessica Soho, baka mahanap nila," pabalang kong sagot kaya tinignan ako ni Huzein at muling ibinalik ang tingin sa phone.

Tamad akong tumayo at lumapit sa kanila. Nakita ko ang ibang mga grade twelve na nagkakagulo na para bang mag hinahanap.

"What's her name?" Huzein asked.

"Heleina Everon. Magkasama kaming pumunta dito pero maya-maya ay umalis siya. Sinabi niya na may pupuntahan siya pero isang oras na makalipas, hindi pa siya bumabalik."

"Baka pinuntahan lang ang boyfriend niya?" Tanong ni Val pero umiling ang babae.

"Wala siyang boyfriend, wala din siyang my textmates. Focus 'yan sa pag-aaral, I've seen it tsaka roommate ko siya." Sabi nito at tumingin sa akin. "May natanggap siyang text kanina, ayaw niyang ipabasa sa'kin kung ano 'yon. Umalis din siya dala-dala ang phone at—"

Hindi na natuloy ang sasabihin ng babaeng ito dahil tumunog ang phone ko. Nakarehistro ang pangalan ni Kace kaya sinagot ko ang tawag habang nakatingin sa kanila.

"What the fuck do you want?" Bungad ko. I heard him sighed. Narinig ko ang pagtawa ng dalawa dahil sa sinabi ko.

"Are you Mrs. Sylvia Castro's student?"

"Yes. Is there anything problem with my adviser?"

"Yes, there is."

Napakunot ang noo ko at tumingin kay Huzein na ngayon ay nakatingin din sa akin. "What problem?"

"Ma'am Sylvia Castro is missing."

Just then, napatingin kami sa speaker dahil bigla itong nag-iba ng tunog. It's a baby shark in kalimba. Pwede siyang gawing lullaby sa mga bata pero bakit ipapatugtog ito sa festival?

"What the fuck is happening?" Tanong ko dito. Buti nalang at hindi niya ibinaba ang tawag.

"Papunta pa lang ako sa system room para tignan kung ano problema, update kita mama—"

Napatingin ako sa cellphone ko at bigla itong namatay. Sa pagkakaalam ko, full charge ito bago kami umalis ng dorm. Nagpalitan kami ng tingin ni Huzein kaya siya naman ay inilabas ang phone niya.

"Guys, tignan niyo ang phones niyo," sabi niya. Gano'n din ang ginawa ng iba. Narinig ko pa ang mura at reklamo ng ibang students at mga visitors dahil hindi nila mabuksan ang phone. Patuloy pa din ang pagpapatugtog ng baby shark in kalimba version.

The next thing I knew, biglang namatay ang ilaw at nag-iba ang nakalagay sa karaoke machine TV. Tatlong video ang ipinapakita dito. Sa unang video, nakasabit ang babae patiwarik at walang malay. Sa ikalawa, ang babae ay nakagapos sa upuan habang ang isa ay nakakadena. Madalim ang kanilang pwesto kaya hindi namin maaninag kung nasaan sila ngayon.

"It's Heleina!"

Lahat kami ay lumapit doon at tinignan ng maigi. Can't be, sana namamalik-mata lang ako pero hindi. Kahit anong kusot ko sa mata. Kahit anong kurot ko sa braso. Kahit sampalin ko pa sarili ko, alam kong totoo ito. Ito ang banta na nakalagay sa letter galing may scorpion.

"Trinity! 'Diba si ma'am Sylvia 'yon?" Sabi ni Aizel at itinuro ang babaeng nakagapos sa upuan. Mas lalong nanlaki ang mata ko, siya nga. Kaya ba sa akin ipinadala ang letter dahil malapit sa akin? Yes, it's ma'am Sylvia.

Dinig ko ang sigaw mula sa kabilang room. May isinigaw silang pangalan na "Janzen Cruz". Siguradong pangalan iyon ng ikatlong taong nakagapos.

Napatingin ako kay Huzein na ngayon ay gulat na gulat, hindi malaman ang gagawin. Alam kong gusto niyang iligtas ang tatlong ito pero hindi namin alam kung saan pupunta.

"HELEINA!" Sigaw ng babae at umiyak ng umiyak. Suddenly, may nagsalita sa speaker. That robotic voice, I knew it was scorpion.

"Welcome to Candidate Of Death." Bungad niya. Dinig ko ang sigawan sa kabila dahil sa nakikita. Sinisigaw nila na magpakita siya pero alam kong itong putanginang ito ay hindi magpapakita. "Voting lines are now open."

Lahat ng cellphone namin ay umilaw at ipinapakita dito ang pagboto sa kanila? Muli ay bumalik ang alaala ko, ang pangyayaring ito. Ito ang pumatay kay Tiffany. Itong botohan.

"Guys, vote niyo si Heleina..." Nagmamakaawang sabi ng babae. Namumula na ang kaniyang mga mata dahil sa kakaiyak.

"No, don't!" Sigaw ko kaya napatingin sila. Alam kong alam na ni Huzein kung paano ang gagawin kaya siya na ang nagpaliwanag sa tatlo.

"Kung sino ang mas maraming boto, siya ang mamamatay. That's the rules. So wag niyong iboto ang babaeng sinasabi nito para hindi siya mamatay." Paliwanag niya. Lahat kami ay hindi makakilos.

Rinig ko ang malakas na tili mula sa kabilang room. Paniguradong may ayaw bumoto kaya pumatay si Scorpion.

"Tangina, scorpion! Ano bang kailangan mo?! Bakit kailangan mong pumatay?!" Sigaw ko. Nagulat ang tatlo pero wala akong pakialam.

"Easy there, Trinity Morgan. I'm just doing the favour." Sabi niya in robotic voice.

"What favour?" Tanong ko ngunit wala akong natanggap na sagot.

Nang mag-countdown ito ay saka lang ako bumoto. Labag sa loob ko pero binoto ko si Janzen Cruz. I barely know him pero hindi ko gustong mamatay siya. I'm deeply sorry.

Just then, the results are flash on the screen. Ang nanginginig kong tuhod ay napaluhod kasabay ang pagbagsak ng luha ko nang makita ang resulta. Si ma'am Sylvia ang nakakuha ng maraming boto. Ibig sabihin, siya ang mamamatay.

Habang nakatingin ang lahat sa screen, naririnig ko ang sigaw mula sa iba't ibang palapag ng building. Akala nila ay mabubuhay si ma'am Sylvia pero hindi. Hindi. Bigla na lamang nagsalita si scorpion pero ang atensyon ko ay nasa screen pa din.

"Trinity Morgan, I warned you, didn't I?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro