Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

ECSTASTIC

Ilang araw na lang ang lilipas bago ang kanilang prom kaya puspusan na ang paghahanda nila. Kahapon pa nila nasimulan ang pagde-decorate ng gym at ang pamimili ng mga art supply.

Today was the fun part of the whole prom planning process. They're finally going to paint and get in touch with their artsy sides.

Kaya naman sabik na ipunuyod ni Kaye ang kanyang kulot na buhok. She went straight to the gym. Hindi naman kailangang magpunta sa kanilang classroom dahil wala na silang klase at busy na ang iba sa pagliliwaliw sa buong campus dahil sa kawalan ng ginagawa.

Nandoon na si Mandy at ang ilang babaeng miyembro nila pagkarating niya. Umupo siya sa tabi ng mga ito sa bleachers. "Bakit hindi pa kayo nagsisimula? Hihintayin pa ba natin si Kian?"

Kian was in charge of this whole thing. Bilang ito nga ang presidente ng Arts Club. Wala pa ito kaya wala pa ring nasisimulan ang iba.

Binalik niya ang atensyon kay Mandy. Why is her best friend sitting there like a log? Kilala niya ito, hangga't maari ay ayaw nitong may nasasayang na oras. Sana man lang ay nagugupit na ang mga ito ng mga confetti at mga palawit.

Nang narinig na niya ang nakakangilong squeak ng mga rubber shoes ay alam na niya ang sagot. Umalingawngaw ang tawanan ng mga lalaki at halos mabali na ang leeg ng mga kasama niya sa pagtingin sa mga ito.

May training ang mga Kuya niya. Nakasimangot siyang naglakad papunta sa mga tumakbo ng laps sa buong court. Sa kanilang lahat ay siya lang ang hindi naligayahan sa pagdating ng mga ito. Nakareserba na sa kanila ang buong gym hanggang sa Sabado. Kaya bakit nandito ang mga bakulaw na ito?

"May dala kang pagkain?" Humarang ang kadarating lang na si Kian sa kanyang daan. Makipot lang ang bleachers kaya hindi siya makakalampas kung hindi ito tatabi.

Umiling siya at sumulyap sa mga players. Hindi ba alam ng mga ito na pinalinis na nila kahapon pa ang buong lugar? They'll have to request na linisin muli ang gym dahil siguradong magkakalat ang mga ito.

"They only have till noon to practice. Apparently, they have a game this Thursday. That's why the college Dean called in a favour to Mrs. Perez." Paliwanag ni Kian na tila nabasa ang nasa isip niya.

Kumakalma na si Kaye pagkatapos. The College Dean owns the school kaya wala silang magagawa. Inakbayan na siya ni Kian at inaya pabalik kina Mandy na hanggang ngayon ay nakatunganga pa rin sa mga nagte-training sa loob ng court.

"Look at them drooling." Turo ni Kian sa titig na titig na mga SC officers na nakahanay sa pangalawang baitang ng bleachers.

"Ikaw ayaw mo bang makita si Prince Charming?" Tudyo nito. Sumulyap siya sa bagong dating lang na si Quent. Ibinaba nito ang gym bag nito sa unang level ng bleachers, hindi kalayuan sa kanila ni Kian. Iniwas niya ang mata noong tumama sa kanya ang tingin nito.

Agad humalakhak si Kian na napansin ang ginawa niya. "Why the awkward gazes? Magkaaway ba kayo? Sana pala pumayag ka na ihatid niya tayo kahapon. He seemed determined to drive us back here." Noong nagtanong ito kung ano ang pinag-usapan nila ni Quent habang nagbabayad ito ay hindi na siya nagsinungaling. Alam na naman nito ang lahat kaya wala na ring silbi kung itatago pa niya 'yon.

"Whatever. Start na tayo." Kunwari ay naasar na sambit niya.

Nagkibit balikat lang ito at mas lalong tumawa. "Tignan mo muna itong sketch ko. Pwede na tayo magsimula. Court lang naman ang sa kanila. Kaya pwede tayong gumawa sa bleachers."

Pagkaupo nila ay ipinakita na nito sa kanya ang plano nito. Walang naging lait ang mga kasama nila sa sketch ni Kian. Dahil na rin siguro 'yon sa pagkaabala ng mga ito sa iba't-ibang bagay. Ang mga babae at ibang lalaki sa panonood ng training, habang sina Mandy at ang kadarating lang na si Harvey naman ay tahimik na nagpapractice sa isang tabi.

Inabot sa kanya ni Kian ang isang mahabang styro. Iginuguhit na nila ang layout para mahiwa na ito gamit ang cutter. Ang inuna nila ay ang lettering na sa sentro ng stage ididikit.

Nagmamalaki niyang itinaas sa tapat ni Kian ang S na halos kasing haba na ng kanyang braso.

"That will do. Not bad for a rookie. Pero kailangan mo pang mag-improve." Kunwari ay unimpressed na komento nito.

"Yabang mo." Hinampas niya rito ang hawak na letra.

"What? I was giving you an honest and constructive remark." Smug na wika nito.

Sunod niyang ginawa ang letter Y, mga period at numbers.

"Alam mo may kanina pang sumusulyap dito. Kakawayan ko na ba?" Untag ni Kian sa kanya mayamaya. He stretched his neck to release tension.

"Ha?" Naguguluhang wika niya. They already finished the letters and numbers at sinisimulan na nila ang mga bulaklak at ilan pang figures.

Sinipat nito ang mga number na hiniwa nila kanina. "Should I wave at Prince Charming?" Makulit muling banat nito.

Mula sa pag-aarrange ng mga letra ay sinulyapan niya ito imbes na lumingon. She refused to be fooled by her friend. Nagiging pastime na nito ang tuksuhin siya. "Ha?"

"Lumilinga s'ya rito every two minutes or so. Kawayan ko na?" Kian's grin was as wide as the curve of the big letter C she was holding.

Sinimangutan niya ito. Talagang nagbibiro pa ito sa kabila nang nakita nila kahapon na kasama ni Quent. Kung hindi lang ito masasaktan ay sinaksak na niya ito ng cutter kanina pa.

"What? You don't believe me?"Nilagay nito ang lapis sa tainga nito at pilit siyang pinahaharap sa kabilang direksyon. "See for yourself."

She turned around and found out he was not toying with her. Nakatingin nga sa kanya ang humihingal na si Quent. He was running laps as a consequence of his tardiness. Seryoso ito habang palipat-lipat sa tinatakbo at sa kanyang direksyon ang mata. Nakapula itong jersey.

Pasulyap-sulyap pa rin ito sa kanya hanggang sa ipasok na ito sa mga naglalaro. He was a like a bodyguard watching her from a distance. Mabuti na lang at hindi nahahalata ng mga kalaro nito.

Tinuon niya ang mata sa digital na scoreboard sa may tuktok ng bleachers. 49 ang Guest at 59 naman ang Home. Ang mga nakapula ay guest. Kaya pala panay ang pagmumura ng ni Clark na nakapula.

Nang nagpaalam si Kian para kumuha ng glue ay nanonood muna siya ng laro. Ayaw niyang mag-assume pero madalas ngang dumadapo sa kanya ang mga mata ni Quent na hindi alintana ang malaking lamang ng kabilang team.

Nang pumito ang kanilang coach bilang senyas ng time out ay dumoble ang agwat ng dalawang team. Maaliwalas ang mukha ng mga nakaasul, ang team ng kapatid niya, habang parang pinagsakluban naman ng langit ang mga nakapula.

Bumalik na siya sa pag-aayos ng mga letra. She was trying to even out the rough edges of the letters. Pero ramdam niya ang pagtayo ng mga pinong balahibo sa kanyang batok na parang may nanonood sa kanya. Her heart is erratically beating and her stomach was full of his butterflies again.

Ayaw na niyang sumulyap para kumpirmahin kung nakatingin sa kanya si Quent pero nalaman niya ang sagot nang bumalik si Kian.

"He's still looking, just so you know." He chuckled.

Gusto niyang sapukin ito. Pero nahahalata yata nito na wala siya sa mood kaya hindi na ito muling nangulit. Nang natapos na nila ang fleur-de-lis at greek collumns ay tumayo na ito.

"Merienda na tayo." Deklara nito.

Niligpit muna niya ang mga kalat nila bago siya sumunod dito. Wala na sila Mandy at Kian sa pwesto ng mga ito kanina kaya marahil ay nandoon na ang mga ito sa cafeteria. Tatakbo na sana siya para maabutan si Kian pero may humarang sa kanyang daan.

"Where are you off to?"

Blangko ang ekspresyon ni Quent. She instantlly felt all the butterflies swarming in her stomach. Nakapula itong jersey at shorts. He was really a sight to behold.

She almost gasped when he combed his hair with his fingers. Kahit pawisan ito ay naamoy pa rin niya ang mamahalin nitong pabango.

Sumilip siya sa court, wala na ang mga naglalaro doon. Break din siguro ng mga ito. "Si Kuya?" Luminga siya sa likod nito at sa gitna, wala ang kapatid niya roon pati na rin ang mga team mates at coaching staff. Silang dalawa na lang ang natira.

"Nasa cafeteria sila."

She didn't know what to do. Dapat ba siyang umalis na o kausapin pa ito? Gusto man niyang piliin ang huli ay problema naman niya kung ano ang sasabihin niya? Napakamot siya sa giyerang nagaganap sa kanyang isip.

Pero bago pa siya makapagpasya ay muling inulit nito ang tinanong nito kanina. "Where are you off to?" Now his voice was gentler. Malamlam rin ang mga mata nitong nakatutok sa kanya.

"Cafeteria rin...snacks. Tara." Putol-putol niyang sagot. She couldn't think straight. Nakaka-distract ang mata nitong hindi niya mawari kung anong nais ipahiwatig.

Saglit itong dumukwang sa bag nitong nakahandusay sa tabi. He returned with a white tupperware with plastic wrap. Inabot nito sa kanya 'yon. "I have snacks. We can share."

Nag-aatubili niya iyong tinanggap. Maybe his yaya made too much food so he is giving them away. "Thank you."

Umakma na siyang aalis pero pinigilan siya nitong muli. "Bibili ako ng drinks." Palusot niya para makaalis na siya. Kanina pa niyang pinipigil ang ngiting gustong kumawala. Regardless of the reason, ang mahalaga ay binigyan siya nito ng pagkain.

Quent quickly handed her a bottle of mineral water. "You can have mine." Balewala nitong usad.

Was this month 'be nice to your friend's sister month'? Bakit panay ang bigay nito sa kanya ng kung ano-ano? Kumabog lalo ang puso niya nang naalala ang chocolate na galing dito

"No... This is enough. Bibili na lang ako." Tukoy niya sa tupperware na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung ano ang laman. Umakma na ulit siyang aalis pero dumapo sa pulso niya ang magaan nitong palad.

"Can you eat with me here? Please?"

She lost all her senses when she heard his plea. Walang imik siyang bumalik sa tabi nito. Nang umupo siya ay saka ito bumitaw. Akala ba nito ay tatakasan niya ito? Kung alam lang nito na kahit yata hilahin siya ng sampung kabayo palayo ay hindi siya sasama.

Kita niya ang pagliwanag ng mukha nito nang umupo siya. Kinuha pa nito pansamantala ang kanyang hawak na bag para makaupo siya ng maayos sa bleachers. She sat in a lotus position facing the court as he unravelled the contents of the tupperwares.

Inuna nitong buksan ang Tupperware niya at tumambad sa kanya ang lasagna at garlic bread. Kumalam ang tiyan niya pagkalanghap niya roon. "This looks great. Saan mo binili 'to?" Nagkibit balikat lang ito at inilabas ang isa pang tupperware. Lasagna at garlic bread din ang laman 'non.

Dahan-dahan niyang hiniwa ang lasagna gamit ang tinidor at sumubo, kumagat rin siya sa garlic bread. The food was surprisingly appetizing. Pero hindi siya maka-focus sa pagkain. Quent was also seating on the bleachers but he was facing her.

Ayaw man niya ay naaasiwa siya sa tahasang paninitig ng katabi niya. May dumi ba siya sa mukha? Pasimple niyang pinahid ang kanyang pisngi. Wala namang dumi.

"It tastes as good as it looks. Saang resto mo ito tinake out?" Natatawang puri niya para kahit papaano ay mawala ang pagkailang niya. Hindi naman siya nagsisinungaling dahil masarap talaga.

Hindi ito sumagot, bagkus ay nagsimula na rin itong kumain, na tila ba ang opinyon lang niya ang hinihintay nito bago gawin 'yon. Magiliw silang kumain ng magkasabay. Nalimutan na rin niya ang nararamdamang kaba dahil minsan ay nag-uusap sila at nagbibiro ito.

Sa kalagitnaan ng pagkain ay may naalala siya. Ano nga bang date ngayon? Birthday ba nito? It was February. July ang birthday nito. Kaya bakit may pakain itong libre ngayon?

"It's not my birthday, nor yours. What's the occasion? What is the deal with this?" Curious pa rin niyang saad. Kung may okasyon ay naalala niya sana.

He shrugged. "Wala lang. Somebody just told me that you love Italian."

She giggled. Silently thanking whoever that angel is. "Well then, tell him, I owe him one."

Maya-maya'y napatda siya nang marahan nitong sinilid ang ilang takas na buhok sa kanyang tainga. Halos mabingi na siya sa kabog ng dibdib niya at hindi rin nakakatulong ang mga paroparo sa kanyang sikmura.

She honestly feels like she's threading on dangerous waters at anytime ay maari siyang malunod. Nakakatakot pero nakaka-excite at the same time. Alam niyang delikado pero gusto pa rin niyang sumisid pailalim.

She didn't bother to utter anything because she felt awkward with what just happened. That was the first time he did that and she couldn't help but feel jittery all over.

Moments passed but Quent's gray eyes remained glued to her. He inhaled deeply before he spoke. "Kaye, about Stella... She's not my girlfriend." His voice was clear and stern as he said that.

Bumalik ang kaba na kanina pa niyang pilit na ibinabaon sa kanyang kalooban. Why did he tell her that? Imbes na itanong 'yon ay tumango na lang siya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maniwala rito. They seemed together yesterday.

Of course, a huge part of her has so much faith in him. And besides, what he said was good news for her hopeful heart. But eitherway, kung hindi man si Stella ay marahil may ibang babae ito na gusto. So it doesn't matter if she believes him or not.

Malapit na siyang matapos nang dumating ang kapatid niya at si Clark. Wala pa ang ibang kasama ng mga ito.

Walang paalam na tumikim sa kinakain niya ang Kuya niya. Si Clark naman ay inagaw rin ang tinidor ni Quent.

"What are those?" Ani ng Kuya niya. Nakailang subo ito bago ibalik sa kanya ang tinidor. She didn't want to share pero natatakot siyang mag-usisa pa ito. "Did Kass made these?"

"No Kuya... Quent gave this to me." Turo niya sa katabi. Tila wala lang na tinuloy nito ang pagkain.

Naguguluhang bumaling si Ethan kay Quent. "This is from you?"

Tumango ang huli. "Bagong recipe ni Manang?" Ang alam niya ay may kasambahay ito na naglilinis ng bahay at naglalaba ng damit nito pero hindi nakatira sa bahay nito.

Umiling si Quent. "No. I made it."

Sari-sari ang reaksyon nilang tatlo sa narinig. Nakangiwi ang Kuya niya, nakangisi naman si Clark at gulat na gulat siya.

This was harder to believe than what he said earlier about Stella not being his girlfriend. Akala niya ay sa restaurant iyon nanggaling.

Ang nakangising-aso na si Clark ang unang nakahuma. Lumabas ang mapuputing ngipin nito nang humalakhak ang bakulaw"You cook? Since when?"

"Yesterday." Prenteng sagot ni Quent. His dimples showed as he smiled while he continued eating. Not aware of their eyes boring through him.

Kita niya ang munting kunot sa noo ng Kuya niya. Kinakabahan niya itong tinitigan. Anong iniisip nito?

Nakakalokong humalakhak muli si Clark. His angelic face loses its charm when he blurts out that devilish grin. "Yesterday? How pare? Are you pulling my leg?"

"I bought a cookbook." Sagot naman ni Quent, nakatingin sa kanya. Kaya pala nakita niya ito sa bookstore kahapon.

"A frigging cookbook? Are we being serious right now?" Clark was grinning like Quent was telling him the most ridiculous story he's ever heard.

"Hindi kaya mag-food poison ang kapatid ko nito Quent?" Sabad naman ng Kuya niya. Bakas sa mukha nito ang munting pagdududa and she didn't like that.

Sumulyap sa kanya si Quent at ngumiti. That smile made her feel a llitle bit better. "Of course not...I tried it a couple of times already. Nasabi mo sa akin dati 'di ba na mahilig si Kaye sa Italian...So I figured she would know if it tasted good or not."

She wanted to heave a lengthy sigh when she saw her brother's convinced expresson. Whatever the reason was, she was happy to taste food that Quent prepared.

Nawala na ang usapan pagkatapos noon. She just listened to their conversation.

Tumayo na siya nang nagdatingan ang teammates ng Kuya niya. Magiliw na binati siya ng mga ito na malugod naman niyang sinuklian ng ngiti. Dumating na rin si Kian na dumiretso sa kanilang pwesto kanina. Kailangan na niyang bumalik. Marami pa silang tatapusin.

She glanced at Quent who was also gazing at her. They were left alone again when all of the players started warming up for the continuation of their game. Ngumisi siya rito. "I should get back to work. Thank you ulit."

Even if he isn't meant for her, she was grateful for these kinds of moments. Kahit kaunti ay nararamdaman niya kung paano ito makasama. And that was enough for her.

Her heart did its usual somersault when he smiled. "No. I should be the one thanking you. We should do this more often... I hope there's a next time."

Hindi niya napigilang ngumiti sa tinuran nito. Did he actually enjoyed her company? Maging siya ay nais ding maulit ang ganitong pagkakataon.

Pumito na ang coach ng mga ito na hudyat ng pagre-resume ng training ng mga ito. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na sumagot sa sinabi ni Quent. Kumaway na lang siya rito at matamis na ngumiti bago siya pumihit para bumalik sa bleachers.

As she was walking towards her friends' direction, Kaye couldn't hide the smile she's been wearing for too long. Kahit yata mapagod siya ng sobra ngayong araw ay makakatulog pa rin siya nang nakangiti. She just shared a meal with Quent. Bukod doon ay ito pa ang nagluto ng kinain niya. She was ecstatic.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro