Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

SOMETHING 


"May kailangan pa ba kayong bilhin?" Hawak na ng kanilang Mommy ang cellphone nito para tawagan ang kanilang ama na susundo sa kanila.

"Uhm...There's this bake shop in the ground floor that offers the best red velvet, My. Can we go?" Ungot ng kanyang kapatid. Kakatapos lang nilang bilhin ang kanyang sapatos para sa prom. Si Kass naman ay bumili ng cookbook.

Her sister was thrilled when their mother agreed. Nauna pa itong naglakad papasok sa bakeshop na medyo puno ng tao.

Pumila muna sila at habang papalapit sila sa counter ay hindi na mawaglit ang ngisi niya.

"Hi. Good evening. May I take your order plea--" Kian's grin widened when he saw her. "Goodness. I can't believe you're stalking me."

She rolled her eyes. Amused namang humagikhik ang Mommy niya. Pinakilala niya ang kaibigan sa mga ito. Being the charmer Kian was, umoorder pa lang sila ay nakuha na nito ang loob ng kanyang ina. He didn't charge them for everything they ordered and ushered them to a table at the middle. Pinahalili nito ang isang staff sa kaha.

"My, auditor s'ya ng SC. Kaya lagi kaming magkasama lately. " Kwento niya sa ina. Mula sa kinauupuan niya ay alam niyang marami itong tanong pag-alis nila rito.

"Ah... Ikaw pala 'yung partner ni Ate sa cotillion." Si Kass.

Nilahad ni Kian ang kamay sa kanyang kapatid. "And you're the one who made those chocolate chip cookies na binabaon ni Kaye? You have to meet my Mom." Saglit itong nagpaalam para puntahan ang ina. Pagbalik nito ay kasunod na nito ang isang babaeng hindi nalalayo sa Mommy niya ang edad.

Their mothers hit it off as soon as they introduced them to each other. Nag-alok pa ang ina ni Kian na si Tita Belinda na i-tour sila sa loob kung saan ginagawa ang mga pastry. Overwhelmed, her sister immediately accepted the offer and the three disappeared into the kitchen.

Naiwan sila ni Kian sa labas. "I think they like each other. " Komento nito na tinutukoy ang kanilang mga Mommy.

"Seems like it. So where's your Dad?" Sa loob ng ilang araw ay hindi pa nababangit nito ang kahit ano tungkol sa ama nito. He only mentions his mom and his sister na kasing-edad ni Kass.

He shrugged. "I don't know."

"What? Anong you don't know? Where is he? What does he do? Do you resemble him?" Sunod-sunod niyang usisa. Naikwento na yata niya rito ang bawat detalye ng buhay niya, samantalang ito ay hindi pa naiikwento ang ama nito.

His visage was blank. "I don't know." He continued when she frowned. "I'm telling you the truth. I never knew the guy, never saw him, I don't even have his name."

She was shocked. She didn't imagine him being a product of a broken family. She simply couldn't envision a life without her Daddy. He is their rock. Their protector.

Tumawa ito ng mapakla nang napansin ang reaksyon niya. "Oh please. Don't give me that look."

"What look?"

"That look that implies you pity me. Don't. Just... Don't. Kaye, I have a family. I love my Mom and my sister. Their my life. We have a house, we live comfortably and I'm grateful for that. We may not be a conventional family but I'm luckier than other people out there."

She couldn't help but grin. She didn't expect him to be so defensive about it. But he was right, maswerte siya kumpara sa iba.

Pabirong binato siya nito ng napkin. "Erase that wicked grin off your face."

"I just didn't see you as the optimistic type." Aniya.

Both of them cracked up. Magiliw nitong ibinahagi sa kanya ang ilan pang kwento mula sa buhay nito. Kagaya niya ay kampante rin itong nagkukwento sa kanya ng mga tungkol sa buhay nito. He grew up as the man of his house. That explains his maturity. Kung paano ito naangat ng ilang taon kung mag-isip sa kanila.

"Hey isn't that your Dad?" Turo nito sa labas, sa kabila ng bubog na dingding ng bakeshop.

Nilingon niya ito. She lit up when she saw her Dad. "Oo. That's him...Wait. You know him?"

"Sinong hindi makakakilala kay Ernie Sy? His name is on every skyscraper in the country."

She giggled. It was always nice to see people admiring her father. 'Cause he was best in what he does. And she hopes to be part of the masterpieces her father would produce in the coming years. Kinawayan niya ang ama at pumihit na ito para pumasok.

"'Yung Kuya mo 'yun hindi ba?" Pareho silang nakalingon sa direksyon ng pinto. Nandoon nga si Ethan naglalakad palapit sa kanilang ama na huminto sa pagpasok dahil tinawag ito ng huli. "And he brought his henchmen, your protective titos." Inginuso nito ang mga kaibigan ng Kuya niyang sumulpot din. Ilan sa mga ito ay nakajersey pa, marahil ay galing sa paglalaro ng basketball.

Magalang na binati ng mga higante ang Daddy nila, karamihan sa mga ito ay nagmano pa. Her brother's friends are welcome in their house. Mababait naman ang mga ito at katwiran ng kanilang mga magulang, imbes na sa labas maglagi ang mga ito ay mas okay na kung sa kanilang bahay na lang para siguradong safe ang mga ito.

"How come you don't have bodyguards? With your father's status, maaring pagtangkaan kayo ng masasamang loob." Ani ni Kian. Luminga-linga ito sa paligid para siguro maghanap ng mga armadong lalaki na nagbabantay sa kanila.

"Trust me Kian, meron. They're just lurking there in the shadows. They don't have to be conspicuous kasi mas takaw atensyon 'yun. So far naman walang nag-aattempt na kumidnap sa amin or anything. Nakakapamasyal naman ako sa mall ng walang dumudukot sa akin."

They had bodyguards when they were children. Pero ngayong matanda na sila ay nagkasundo ang mga magulang nila na huwag na silang pasundan sa mga bodyguard. Tanging ang mga ito lang ang meron dahil kung saan-saan nagpupunta ang mga ito para sa mga site visits at meetings. Sinisigurado lang nila na alam ng mga ito kung nasaan sila at kung sino ang kasama nila.

"Hey, there's prince charming." Her friend wagged his head to the left. Sinundan niya ang direksyon na itinuturo nito.

There was Quent with Clark, ambling towards her brother. He was wearing a v-neck shirt, shorts and boat shoes. She cannot help but stare. Para itong modelo na napadpad doon para mag-endorse ng mga suot nito. If he was then people would surely line up to buy everything.

Continuos snaps from Kian snagged her attention. "Ayan ka na naman. You're too obvious. I'm gonna hand you a napkin to wipe the drool."

Sinamaan na niya ito ng tingin pero hindi ito nagpapigil sa pagsasalita. May nilapit nga itong napkin sa may ibaba ng labi niya na parang nagpapahid ng kung ano roon. "I already feel the stabbing from his the daggers he's been shooting." Anito pagkatapos.

Hinampas niya ito. "Didn't we agree to never talk about this?" Akala niya ay hindi na ulit nito babanggitin ang tungkol sa mga assumption at comment nito sa kanila ni Quent pero heto ito ngayon, panay ang pagsasabi ng kung ano-ano. Kanina lang nila pinag-usapan pero nilalabag na nito ang kasunduan nila.

He smirked. "We didn't. Kaye, I promised to never tell another soul. I never said that I would refuse to utter truthful comments when I feel like it."

She rolled her eyes. Humalukipkip pa siya na ikinatawa nito.

"C'mon give me some credit Kaye. This has been one of the most mind-boggling thing since Mandy and Harvey's new-found friendship. And besides, this is my right to expression. You cannot deprive me of that." Hindi na niya ito pinansin. Uminom siya sa mocha frappe na inorder nila kanina.

Nakakaloko ang itsura nito mayamaya. "Kaye, don't look over there. They're coming here."

"What?" Natataranta niyang usad. Seryoso ba ito? Imbes na sundin ito ay lumingon nga siya at nakita ang paparating na sina Ethan, ang Daddy niya at si Quent. Wala na ang mga higanteng kasama ng mga ito kanina.

She inhaled deeply. Pinasadahan niya ng kamay ang buhok na hindi man lang niya nasusuklay simula pa noong bumaba sila ng sasakyan. Hinapit n'ya rin ang suot na floral romper. Sana pala ay nagpuyod siya bago umalis sa kanilang bahay. She placed the sneaky strands of hair swaying at her face because of the ventilation.

"Don't worry. You look passable. Just stop fidgeting." Aliw na bulong nito. She wanted to strangle him right there and then. He finds this entertaining. "And call my Mom if ever Quent decides to... you know punch me."

She gritted her teeth. Kung hindi lang paparating ang kanyang mga ama ay kanina pa itong nakatikim sa kanya.

"Kaye, anak. What are you kids whispering about?" Her Daddy asked they and sat across the table beside theirs.

Nakagat niya ang labi. Her father and brother had mirrored each other's visage. Kuryoso ang mga ito at hinihintay ang kasagutan niya. Ang katabi naman ng Kuya niya ay seryoso ang ekspresyon. She saw the grim line in his lips from her peripheral vision. Parang ayaw na tuloy niyang magsalita.

Hindi naman sa may ginagawa silang kalokohan ni Kian, pero anong sasabihin niya? Na pinagtatawanan siya nito dahil natataranta siya sa pagdating ni Quent?

Dinig niya ang tikhim ni Kian. Alanganing sumulyap siya rito. Ilalaglag ba siya nito? Nahigit niya ang paghinga nang ibinuka nito ang bibig. Kian please, say anything but the truth.

Kumamot sa ulo ang kanyang kaibigan. "Uhm... Kasi po... Ah..." Paputol-putol na simula nito. Feeling ni Kaye ay papawisan siya ng malamig sa mga nangyayari. He wouldn't dare to throw her under the bus. Sa loob ng ilang araw nilang pagsasama ay napansin niyang maasahan ito.

"Kaye quietly informed me...That I had something stuck in my teeth."

Sumabog ang halakhakan ng kaniyang ama at kapatid. Hindi nagtagal ay sumama na si Kian sa mga ito. She, on the other hand, heaved a sigh of relief. Buti na lang at mabilis mag-isip ito at mukhang naniwala naman ang kanyang mga Daddy.

Sa kabila ng tawanan ng tatlo ay hindi mawala ang kabang nararamdaman niya. Seryoso at walang kangiti-ngiting nakamasid sa kanya si Quent. Nilagpasan n'ya lang ito ng tingin.

She introduced Kian to the three men. Kagaya ng kanyang ina ay madaling nakapalagayang loob ni Kian ang kanyang ama. Wala pang limang minutong nagkukwentuhan ang mga ito ay inimbitahan na agad ito ng kanyang ama na pumunta sa kanila para makita ang collection nito na mga pens, quills at iba pa.

Hindi na siya nagtaka nang umoo ang parang na-starstruck na si Kian. As a fan of the arts, her father's collection is to die for. Panaka-nakang sumasali sa usapan ang Kuya niya pero mas kinakausap nito si Quent na hindi pa rin nagbabago ang itsura. His arms are crossed like he was trying so hard to supress anger. Anong problema nito?

Her mother and sister returned after a few more minutes. Kass bombarded her with terms that she couldn't decode. Sobrang excited ito dahil inanyayahan ito ng ina ni Kian na pumunta roon kapag nais nito para maturuan ng ilang recipe. Ang mga pangalan lang ng mga pagkain ang kilala niya pero ang ibang sinabi nito na nahinuha niyang mga procedure at mga kagamitan sa baking ay hindi na niya alam.

Her Daddy stood up as soon as he saw their Mommy. Hinalikan nito sa pisngi ang huli pati na rin ang masayang si Kass. Nakipagkamay rin ito sa Mommy ni Kian. Turns out, magkakilala pala ang Mommy ni Kian at ang Daddy niya. Parehong alumni ang mga ito ng school nila ngayon, magkaibang batch lang.

Kakain pala sila sa labas kaya andito ang Kuya niya at ang madalas na 'plus one' nito. Inaya nila sina Kian pero tumanggi ang mga ito.

"We still have to wait for my daughter. Nasa piano lessons pa s'ya." Ani ni Tita Belinda, ang nanay ni Kian. Pagkatapos ng ilan pang pag-uusap ay paalis na sila para pumunta sa restaurant na napili nilang kainan.

Naiwan sila ng kanyang Mommy sa loob dahil nauna na sa labas sina Kass. Nagpalitan pa ng numero ang dalawang ina at nagkasundong lalabas sa mga darating na araw.

She grinned at Kian. "Thank you." Tukoy niya sa mga binigay ng ina nitong mga pastries na dala na nina Quent at Ethan.

"Anong salamat lang? You owe me. Sisingilin kita pagdating ng panahon. Remember that." Pagbabanta nito na inignora lamang niya.

"Buti na lang hindi ako sinaktan ni Quent, physically. Pero kung nakakamatay siguro ang tingin, patay na ako kanina pa." Komento pa nito habang hinahatid siya palabas. Hindi pa tapos magpaalaman ang dalawa nilang ina sa loob.

"'Di ba nga hindi na natin s'ya pag-uusapan? Alam mo ikaw, paulit-ulit ka." She said as the reached the doorway.

Imbes na patulan siya ay iminuwestra nito ang direksyon papunta kina Kass. "Enjoy your dinner date with Prince Charming." Tudyo pa nito bago siya tumalikod dito.

"Baliw." Ganti niya rito. Tawa lang ang sinagot nito habang papalayo ito sa kanya.

Kumakain na sila pero hindi pa rin mawaglit sa isip ng kanyang mga magulang si Kian. Ilang beses na siyang tinatanong ng Mommy niya kung anong meron sa kanila.

"My, auditor nga po s'ya ng SC. You can confirm it from Mandy." For the nth time ay sinabi niya 'yon. Sumubo siya ng tiramisu na inorder nila ni Kass. Mango parfait naman ang inorder ng mga Kuya niya at ni Quent.

"Okay." Her mother winked at her. But she knew that was not the end of that conversation. Nasapo niya ang noo sa mga naiisip nito. Just thinking about Kian in that light is creepy.

Her Dad laughed at her Mom's reaction. Umakbay pa ito sa huli na mukhang lumilipad na ang isip sa kaka-daydream ng kung anu-ano tungkol sa kanila ni Kian. "Pero I think our Kaye doesn't like that boy." Nakataas ang mga kilay nitong saad, hinihintay kung ano ang reaksyon niya sa tinuran nito.

She nodded repeatedly kaya naman pleased na tumawa ang Daddy niya. "See. They're just friends."

"And that's where everything starts." Hindi pa rin sumusukong hirit ng Mommy niya. Nagpapahid ito ng napkin sa bibig.

Ethan couldn't help but butt in, "'My awat na. He's a nice kid, but Kaye says na friends nga lang sila."

Umalis na sila ng restaurant at tinahak ang daan patungong parking lot pero iyon pa rin ang topic nila.

"I'm telling you... There's something." Makulit na pagpipilit ng kanyang ina. "Something special..."

"That something special, is friendship...Honey, our daughter likes someone else..." Pinatunog na ng Daddy niya ang sasakyan nila pero wala ni isa sa kanila ang sumakay. Lahat sila ay nakatutok ang mata rito.

She was particularly nervous about her Dad's statement. Alam ba nito? Nahahalata ba nito ang mga panakaw niyang sulyap sa binatang nasa likod niya?

Tila naman nag-buckle ang kanyang ama at binawi ang huling saad. "I mean something else. Right honey?" Lingon sa kanya nito.

Nag-aalangan siyang tumango. Pero may nahihimigan siyang iba sa boses ng ama. She didn't know if her Dad knows. All she knows is that she really needs to get herself together. Or else, everyone will notice how she wriggles like a worm thrown in salt water when Quent's around.

"Dad's correct. Ate's so in love with Art, like how I am, to cooking. She's got no time for love." Kass went in their car. Sumunod naman ang Mommy niya na sumakay sa passenger seat.

Tama ito. Art has always occupied a special space in her heart. It's her first love. But the remaining areas there only screamed for one person. Kahit nabibingi na siya sa mga sigaw nito ay hindi naman niya mapatahimik ito. And what scares her the most is the fact that he's been residing there for too long.

Lumingon siya sa lalaking nasa likod niya. Nanatili lang itong nakamasid. He seemed pleased now, sporting a slight smile he didn't show her these past few days.

Nagtataka niyang tinaas ang kanyang mga kilay rito. Bakit papunta ito sa sasakyan nila? Sa Kuya niya ito sasabay, nasa tapat nila ang sasakyan nito. Sa halip na sumagot sa kanyang nagtatanong na ekspresyon ay nagkibit balikat lang ito at pinagbuksan siya ng pinto.

She stupidly watched as Quent closed the door when she entered before he ran to her brother's car. 

Her heart leaped. Quent Libiran just opened the car door for her and she's over the moon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro