Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38

Mabibigat ang mga paang umakyat si Kaye papunta sa kwarto ni Quent. She was still absorbing everything Clark said. Kung may katotohanan man sa sinabi nito ay hindi niya alam. Pero kung nagsisinungaling ito ay napakagaling nitong artista dahil halos maputol na ang mga ugat nito sa leeg sa pag-angil sa kanya kanina.

Kahahatid niya lang sa huli sa gate at panay ang pilit nito na magstay na siya roon hanggang sa gumaling si Quent. Ito na raw ang bahalang magsabi sa kanila. Her family would just shrug anyway. She was an adult at alam din ng mga ito na safe naman siya dahil si Quent naman ang kasama niya. Idagdag pa na sobrang lapit lang ng bahay nila rito.

Kumatok at pinihit niya ang ikalawang pinto mula sa hagdan. Hindi pa man niya tuluyang nabubuksan ang pinto ay sinalakay na ang kanyang ilong ng pamilyar na pabango ni Quent. She was sure she was in the right room.

Nasa kama ito at nanonood ng tv. Umayos ito ng upo pagkakita sa kanya. "Si Clark?"

"He already left." She was baffled to witness him struggling to sit straight kahit na mukhang ano mang sandali ay mahihimatay na ito sa sobrang panghihina. Kinuha niya ang computer table sa isang tabi at nilagay iyon sa harap ni Quent. Nasa tama na ang init ng lugaw kaya maari na itong kumain.

"You should've eaten. Paano ka gagaling kung magpapakagutom ka? Dapat nag-order ka ng pagkain." Pinanonood niya ito habang pilit nitong tinataas ang braso nito para isubo ang kutsara.

"I was waiting for your call. I might miss it if I call to order."

Nag-init ang kanyang pisngi sa narinig. Is she worth starving for? "Wait." Siya ang nahihirapan sa itsura nito. Naglagay siya ang unan sa likod nito at pinasandal ito roon. Mas mukhang kumportable ito sa posisyong iyon. She took the spoon from him and started feeding him.

"Ako na." Tinikom nito ang bibig na tila nahihiyang magpasubo sa kanya.

Hindi niya binigay ang kutsara rito. Bagkus ay sumalok ulit siya at tinapat iyon sa labi nito. "C'mon Quent." Pinanlakihan niya ito ng mata. Hindi naman siya nabigo dahil tinanggap na nito ang sinusubo niya.

Nakakailang subo na siya kaya medyo sumasakit na ang legs niya sa pagtayo. Umupo na siya sa kama kaya mas madali na niyang naiilapit dito ang kutsara. Malapit nang maubos ang kinakain nito nang napansin niya ang pagnguso nito. He was pouting as if he was trying to stifle his smile.

"May nakakatawa ba?" Nakataas ang kilay niyang usad. Quent was really handsome. Kahit magulo ang buhok nito at mukha itong may sakit ay hindi pa rin maiitanggi ang kagwapuhang taglay nito.

Umiling ito. "Nothing. It's just that... you're even more beautiful up close. Even in simple clothes." Iniwas nito ang mata pagkasabi 'non. She smiled as her heart erratically beat. Nakat-shirt at shorts lang siya. Ang kulot niyang buhok ay nakatali para hindi siya pawisan.

Pinainom niya ito ng gamot at pinahiga pagkakain. Tinipon niya ang mga pinagkainan nito at nilagay ang mga iyon sa tray. Inayos niya rin ang kumot nito. Marahan niyang tinatapik ang balikat nito kaya naman pumipikit-pikit na ito at mukhang inaantok na.

Akala niya ay tulog na ito kaya umayos na siya ng upo para hugasan ang mga plato at maghanap ng maaring lutuin sa baba. Patayo na siya nang bigla nitong hulihin ang kamay niya. "Kaye... stay, please" He managed to asked amidst his sleepy eyes.

"Don't leave me, okay?" ungot muli nito.

She knew he was fighting the urge to sleep. Papikit-pikit na ito at halatang namumungay na ang mga mata. Pero hindi naitago noon ang pagsusumamo roon. Was Clark actually telling her the truth? Does Quent really love her?

Pinilig niya ang ulo sa naisip. Kapag ayos na si Quent ay saka na nila iyon pag-uusapan. Tumango siya.

"You won't leave me?" Makulit na usad pa nito, hawak pa rin ng mahigpit ang kanyang kamay.

"I won't." Pagkasabi niya noon ay saka palang ito bumitaw at payapang nagpahila sa antok.

Ilang oras na ang nakalipas nang balikan niya si Quent sa kwarto nito. He was still sleeping soundly. Ayaw niyang magbukas ng TV dahil baka magising ito sa ingay kaya nilibot na lang niya ang paningin sa kwarto nito.

His room was a combination of rich blue, moss green and slate gray. Ang pinakamalaking element ay ang oak tobacco na kamang may maliit na greek sofa sa paanan. There were classic lamps at both sides of the bed. May mataas na bookshelf sa isang sulok at nakamount ang TV sa dingding na katapat ng kama. A mini ref was positioned beside a door which she thinks is the bathroom. Sa kabila naman ay may nakabukas na pinto na papunta sa isang walk-in closet.

Wala rin masyadong fixtures at palamuti sa kwarto ni Quent. Besides a Charles of London sofa set, all she could see was a painting hanging above the headboard of his bed. Hindi niya iyon napansin kanina dahil abala siya sa pag-iintindi sa binata.

Mag-aalas syete na kaya madilim na sa labas. Sa halip na buksan ang bilog na shaded chandelier at apat na pinlight sa bawat corner ng ceiling ay ang mga lampshade na lang ang inilawan niya. As the light from the lampshade scattered, she got a clearer view of the painting.

Medyo masagwa ito sa slate gray na dingding dahil madilim na violet ang primary color nito. Mas naintriga siya dahil nang titigan niya ito ay napagtanto niyang portrait ito. Who was the muse of this painting?

Kating-kati na siyang buksan ang ilaw pero nagpipigil siya dahil ayaw niyang magising si Quent. Kaya ini-on niya ang flashlight sa cellphone at itinutok iyon sa painting. The artist seemed brilliant. Halata iyon sa impressive na detail ng painting.

Mula sa alon-alon na buhok ng babae hanggang sa suot nitong asul na damit na may pulang designs ay hindi maiitanggi na pro ang nagpinta nito. Dahan-dahan niyang tinaas ang ilaw papunta sa mukha ng babae sa painting at nasorpresa siya nang maitapat na niya roon ang ilaw.

The face of the girl on the painting was hers! Siya iyon! Nilayo niya ang ilaw ay sinuyod ang kabuuan nito. How could she not recognize herself? Kumalabog ang puso niya sa natuklasan. Bakit may painting niya sa itaas ng kama ni Quent?

Pagkalipas ng ilang saglit ng pag-aanalisa sa painting ay napagtanto na niya na ito ang suot niya noong valentine's day noong 4th year high school siya. She figured the red designs were the paper hearts they attach to their crushes' clothes. Inabot niya ang painting pero hindi ito matanggal sa pagkakadikit sa dingding. Pero may nalaglag doong sobre.

Kinakabahan niyang binuklat iyon. Yes, she was invading Quent's privacy but she couldn't help it. Sa dami ng tanong sa isip niya ay hindi naman siguro masamang maghanap siya ng kasagutan sa ilan sa mga iyon.

There was a first-place ribbon, a picture and a folded paper inside it. Una niyang kinuha ang ribbon. Iyon marahil ang napanalunan nito noong sumali ito sa art exhibit. She recalls the dean mentioning that Quent won. Hindi niya nakalimutan 'yon dahil nanalo rin si Kian sa taong iyon. Was this the painting he won with?

Parang binibiyak ang puso niya sa naiisip. Nagsisisi siya na hindi siya agad naniniwala kay Quent.

She sat at the edge of Quent's bed staring at her picture. Tama nga siya. It was the last Valentines Day before he left the Philippines. It was a stolen picture of her smiling. Naalala niya na sa kanya binigay nito ang lahat ng papel na puso nito. That was also before her prom where he danced with her at the locker room and gave her a hairpin.

Ang tanga niya! How could she misread all those signs?

Nangangatal ang kamay niyang binuklat ang papel na nakatupi. It was obviously a letter. Agad niyang nakilala ang sulat kamay ng binata sa kabila ng panlalabo ng kanyang mga mata dahil ng mga luha.

Hi Kaye! I won the Art exhibit. I painted the most beautiful girl I've seen, but nothing compares to the actual canvass.

Are you proud of me? I won! I bet you didn't know I could paint. Being an architect has actually been my dream since childhood.

My painting wasn't really part of the actual exhibit. I begged them not to include mine because I didn't want to confuse you or disturb you. I may never get to send this letter to you at the near future but I hope that somehow this letter gets to you in the distant future, when the timing is perfect.

You've got a smile that could brighten up even my gloomiest day. I love how your eyes twinkle when you smile and your voice is what I've been dreaming to wake up next to until I'm old and gray.

So close yet so far. That's how we are. Although you we're always just at the tip of my fingers, still, reaching for you has been a struggle for years now. Call me a coward but when it comes to you, mustering a simple 'hello' requires a ton of courage and self confidence.

That's why all these years, nakuntento na ako sa patingin-tingin lang, stealing glances from afar hoping that you were looking at me too. Kung maswerte pa, nginingitian mo ako at kinakausap. Sometimes, I also follow you around, and pretend to coincidentally walk pass you and say hi. You may not know but those days meant the world to me. I keep and treasure every one of those moments.

But I couldn't just walk up to you, say I love you and expect a happy ending. Pagdating sa'yo, ayoko at natatakot akong magpadalos-dalos.

A lot is at stake and I know that I have to go through a needle just to get to you. Ayokong sabihin ng Kuya mo na tinraydor ko s'ya. I don't want to taint our friendship. As much as I want to be with you, ayokong masira ang kapatiran na nabuo naming nina Clark mula pa noong mga bata kami. Ayoko ring maapektuhan ang relasyon n'yo ni Ethan, kaya sobra akong nag-iingat.

That's why every day I get up, honing myself into becoming someone who deserves you. Waiting that one day you'll see me in a different light.

But I don't know what changed. Siguro napadalas ang pagngiti at pagkausap mo sa akin kaya mas lalo akong nahumaling. Baka dahil nahawakan ko na ang kamay mo at ayaw ko nang bitawan iyon. Hindi ko alam. Probably because you gave those paper hearts at Valentines, I became selfish.

I know it's a long shot, but I'm willing to gamble. Para sa'yo. I want something better than those paper hearts. I want your heart, Kaye. This is going to be a dangerous battle. It can break hearts and sever ties and connections, but for some reasons, I don't mind anymore. We may be both young but I'm sure about this.

I just want you. Us. That's more than enough for me.

If you'll have me, I would do everything in my power to connect all the pieces in order for us to be together. That is why I want to ask you, can we be?

Hindi makapaniwala si Kaye sa nabasa. Pagkatapos pahirin ang mga luhang nagmalabis sa kanyang pisngi ay maingat niyang tinupi ang sulat at ibinalik iyon kasama ang picture at ribbon sa likod ng painting.

Was she really that dense? Paanong si Quent pala ang naghihintay na magustuhan niya ito? Kung ganoon naman pala ay bakit ito umalis? Tama rin kaya ang sinabi ni Clark na hanggang ngayon ay gusto pa rin siya nito?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro