Chapter 35
WILD ABOUT
She and Quent were on her car on the way to the party. Coding ng sasakyan nito dahil Biyernes. Nasa unahan ng convoy ang kanyang mga magulang at si Kass. Ang Kuya naman niya ay nasa kotse sa unahan nila kasama ang girlfriend nito.
Nang sapitin nila ang kanilang building ay pinalinya na sila para sa entrance sa red carpet. The order was based on who arrived there first. Dahil sila ang nasa huli ay mauuna ang mga kasamanila na bumaba.
They were a few minutes early. Kaya ngayon ay naghihintay sila na magsimula na ang red carpet entrance para makalabas na sila ng kanilang mga sasakyan. May ilan nang bisita sa loob, katunayan ay ilang kakilala na ang napansin niyang pumasok sa main entrance.
Sa ibaba pa lang ay kita na ang mga ilaw na tila nagpapatintero sa kanilang rooftop. Siguradong paglabas nila mamaya ay dinig na rin ang sounds. Lalo na't ang red carpet ay nasa ground floor.
"Are you nervous?" Untag sa kanya ni Quent. His graduation haircut suited him perfectly. Simpatiko itong nakabaling sa kanya at gagap ang kanyang kamay. He smelled of aftershave, soap and his usual perfume.
Kumpara sa party ay mas kinabahan siya sa paghawak nito sa kanyang kamay. He's been like this since yesterday.
Hindi pa sila naghiwalay kagabi pagkarating nila sa kanilang bahay dahil nakita ito ng kanyang Mommy at inayang doon na kumain ng hapunan.
He's being really sweet and she couldn't be any happier. But her doubts are still at the back of her mind. Ano bang dahilan ng biglang pagbabago nito? Paano kung bigla itong umalis ulit? What if Stella shows up and steals him back?
Pilit na lang niyang isinasantabi ang mga bumabagabag sa kanya at tinutuon na lang ang atensyon sa ngayon. Hindi niya alam kung ano sila pero masaya na siya na at least ay may progress.
Pinisil ni Quent ang kanyang kamay kaya sumulyap siya sa mga kamay nilang magkalapat. It's cheesy but her hands fitted perfectly in his. Hindi niya alam kung 'yon din ang naiisip nito pero sobrang saya niya na sa wakas ay maging ganito kalapit dito.
Nang napansin niya ang braso nito ay noon n'ya lang naalala ang sorpresa niya para rito.
His pulse looked fine with only a watch hugging it. Sinunod nito ang sinabi niyang huwag nang mag cuff links. Bumitaw siya rito at kinuha ang kanyang bag sa dashboard.
Sa bulsa ng kanyang bag ay inilabas niya ang cuff links. It has a mother of pearl stone in the middle. Kapareho ng suot niyang kwintas, earrings at singsing.
"I bought this for you." Ikinabit niya rito ang cuff links na binili niya kaninang tanghali.
Plano na lang sana niya itong ilibre ng dinner para magpasalamat sa lahat ng mga ginawa nito para sa kanya kahapon. Pero noong nakita niya ang suot nito kahapon ay naisip na niyang bigyan ito ng katernong cuff links. Sigurado naman siyang mas mahihirapan siyang ilibre ng pagkain ito dahil pabalik pa lang ang waiter para ibigay ang bill nila ay hinuhugot na nito ang wallet sa bulsa nito.
The look on his face was priceless when she glanced at him. Gulat na gulat ito, namumula ang mata at bahagyang nakaawang ang bibig.
Amused niyang hinaplos ang pisngi nito. She didn't expect this kind of reaction. He was over the moon for something she thought was just trivial. Kung alam lang niyang ganoon ang magiging reaksyon nito ay nag-video sana siya bago ibigay ang cuff links.
Saglit itong pumikit na tila ninanamnam ang haplos niya. He flashed a contended smile and held her hand. Lahat yata ng nerves sa kanyang katawan ay nabuhay na naman dahil sa hawak nito.
"I... Really don't know what to say." Tapat na wika nito, his eyes were still blank and overwhelmed. Ang ngiti nito ay nandoon pa rin na parang nananaginip ito ng gising.
"Well, a thank you would be enough." Aniya. "It's nothing. I just felt like I had to get you that for being my guardian angel yesterday." Honest niyang sagot. She just realized that this is the first time she gave him something tangible. Sa dami na ng mga naibigay nito sa kanya ay iyon pa lang ang naiiregalo niya rito.
He remained staring at her for quite a while. Hindi na niya inusisa pa kung anong iniisip nito dahil ayaw din naman niyang masira ang moment. Hinintay na lang niyang magsalita ito pero sa halip na umimik ay masuyong inipit nito sa likod ng tainga niya ang mga takas na buhok.
Her hair was styled with a fishtail braid. Ayaw niya ng amoy ng hairspray kaya kaunti lang ang ipinalagay niya. Natural at light din lang ang kanyang makeup at puro pearls ang kanyang mga alahas.
Nang sa wakas ay may sasabihin na ito ay may kumatok na sa bintana, tanda na kailangan na nilang lumabas.
"Let's go." Aya niya rito. Binaba niya ang salamin sa may itaas ng passenger seat para silipin kung okay pa ba ang itsura niya. She still looked alright. Ngumiti siya sa repleksyon at pinaglapat ang kanyang mga labi.
Nang bumaling siya sa katabi ay noon niya lang napansin na hindi pa rin ito gumagalaw sa pwesto nito. Tila naestatwa ito sa kakapanood sa kanya.
"We're gonna be late." Taboy niya rito, hindi pa rin nauubos ang ngiti sa labi.
Saka palang ito gumalaw at nagmamadaling lumabas para alalayan siya. They entered the double glass doors of their office building. Pumasok sila pagkatapos nina Ethan at Che.
Pagpasok niya ay saglit siyang namalikmata. Kung hindi siya pumapasok dito araw-araw ay aakalain niyang nasa ibang lugar siya siya.
Ang puting marmol na sahig ay nilatagan ng pulang velvet na tela na may mga gold na poste sa magkabilang dulo. The gold posts were connected by a red rope, serving as the fence of the red carpet. Ang mga kristal na chandelier na nakahilera sa mataas na ceiling ay nagbibigay ng vibe na parang nasa hotel sila. Everything speaks of luxury and elegance. Kahit ang backdrop na tadtad ng mga logo ay ibinagay sa motif na black, white and blue.
Sa unahan pa lang ng pathway ay sinalubong na sila ni Quent ng nakakasilaw na flashes ng camera. May mga press people rin na panakanakang nagtatanong.
Kaye smiled sweetly, making sure her best angles were taken by the cameras. Nakakapit ang kamay niya sa braso ni Quent na bahagyang nakatupi.
Pagkaraan ng ilang minuto sa podium na nasa gitna ay lumapit na silang dalawa sa pamilya niyang naroon sa tabi. Kanina pa dapat umakyat ang mga ito pero dahil sa walang sawang pagtatanong ng mga reporters at mediamen ay nagtagal ang mga ito roon.
The media's attention was mostly on her brother and father. Maraming tanong ang mga ito tungkol sa kanilang mga condo at sa mas lumalagong estado ng kanilang kumpanya. Even Quent was asked about his grandparents and his masterpieces abroad. After a few interviews, pumasok na rin sila sa elevator.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga pagpasok nila. Pinaypay niya ang kamay sa mukha. Sa sobrang dami ng photographers at mga ilaw at camera flashes ay ang init sa baba. Thank God for the air conditioner at the elevator.
Inayos niya ang clutch na nakasabit sa kanyang balikat. Her light blue gown has a simple neckline and without sleeves. May malaking cut out sa parteng likod nito at ang focal point ng kabuuan nito ay ang mga hand-painted na designs sa pleated na palda nito.
She was going for a simple but elegant look at feeling naman niya ay na-achieve niya iyon.
Naagaw ng paggalaw ng katabi niyang si Quent ang kanyang pansin. Napatungo siya dahil yumuko ito para ayusin ang dulo ng kanyang palda na medyo tumupi. Tila hindi pa ito nakutento dahil pinahiran pa nito ang pawis na tumutulo sa gilid ng kanyang noo gamit ang panyo nito.
Nahihiyang ngumiti lang siya sa binata bilang pasasalamat dahil alam niyang maaring nanonood ang pamilya niyang nasa likod lang.
Thank God everyone else was busy one their own businesses. As much as possible ay ayaw niyang may ibang makahalata, lalo na ang mga taong malalapit sa kanilang dalawa. Hindi nga niya alam kung anong meron at kung ano ang itatawag sa kanila, paano pa kaya siya makakapag-explain sa iba kung sakali?
Nag-aya muna sa restroom ang kanyang Mommy bago sila umakyat sa itaas. They stopped by her brother's office floor to freshen up.
Kasama niya ang ina, si Kass at si Che sa powder room. Inaya naman na uminom muna ang kanyang ama sa dating opisina nito sina Quent at Ethan.
"Kaye anak, you and Quent look good together." Hindi na napigilang bulalas ng kanyang mommy habang papasok ito ng cubicle. Nakaputi itong A-line katerno ang all-white na tuxedo ng kanyang ama.
"Mommy!" She exclaimed. Nilabas niya ang cellphone at binasa ang text na galing kay Kian. Nasa taas na raw ang mga kaibigan niya.
Dark blue namang tube na mermaid gown ang kay Che. Dinig niya ang hagikhik nito sa kabilang cubicle na katapat ng pinasukan ng Mommy niya. Kagaya ng kanyang mga magulang ay katerno rin nito ang kanyang Kuya.
Sila lang ni Kass ang naiwan sa labas. Her sister was wearing a black tube bubble gown.
"My, stop pairing up Ate to every guy you see her with. I remember you did this with Kuya Kian too." Nakataas ang kilay siya nitong sinulyapan mula sa salamin na nasa harap nilang dalawa.
Sa kabila ng pagsaway nito sa kanilang ina ay halata niya sa mga mata nito na iba ang nasa isip nito. Does Kass know? Probably not. Sa dami ng iniisip nito ay wala na itong panahon para problemahin pa ang mga problema niya.
Lumabas na ang kanilang Mommy sa cubicle. Inayos nito ang buhok na medyo nagulo. Tinulungan niya ito. Their Mother still look sophisticated at her golden years. Her sister was a carbon copy of their Mom. Sigurado siyang pagsapit ni Kass sa edad nito ngayon ay hindi nalalayo ang magiging itsura ng kapatid niya rito.
"Anak, I'm just stating my observation. I'm not pairing them up. Of course, I remember Clark's cousin who dropped by to pick Kaye up and return her phone."
Hindi man naabutan ng kanilang mga magulang ang pagsundo sa kanya ni Vince noong Lunes ng umaga ay naabutan naman ng mga ito ang paghahatid ng binata sa kanya kinagabihan. At syempre nai-report kaagad dito ni Manang Glo ang nangyari kaya updated ang Mommy niya.
"Si Vince po Tita?" Interesadong tanong ni Che na kalalabas din lang ng cubicle nito.
Tumango ang kanyang Mommy. "Yes, dear the lawyer. Although I would've wanted Kian or someone close to the family for my daughters. With someone who's in our circle, hindi na tayo mahihirapang kilalanin pa s'ya. And vice-versa." Nag-apply ito ng lipstick.
Tahimik lang siyang nakinig. Her mother is obviously implying that she likes Quent more than Vince.
Pagkasara nito ng lipstick ay saka pa lang nito napagtanto ang sinabi. Natataranta itong bumaling kay Kass. "Uhm... It's not what it seems mga anak ha? I'm not saying that you should only look within circle. Na hindi namin tatanggapin kapag hindi sila kakilala natin. Anyone you like will be welcomed with open arms at our household... Kahit sino pa siya or saan siya nanggaling, as long as he has a decent personality, okay sa amin ng Daddy ninyo."
Ngayon ay siya naman ang palihim na sumulyap sa kapatid. Tahimik itong nakamata sa kanilang ina. Everyone has a burden to carry. At hindi rin madali ang nakaatang dito.
Ngayon ay kasama sana nila ang boyfriend ni Kass pero nasa Guangzhou ito para sa family business nitong nakafocus sa pagma-manufacture ng mga appliances.
Her sister's special someone isn't from their social circle. He was from a traditional Chinese family. Malaya namang nakakapunta sa kanila si Trent bagaman tahasan ang pag-ayaw ng pamilya nito sa kapatid niya. Nirereto ng mga ito ang binata sa anak ng business partner ng mga ito kaya ganoon na lang ang disgusto ng mga ito sa relasyon ng dalawa. Lalo pang lumala iyon noong lumihis ang bunso niyang kapatid ng landas sa kanila ng Kuya nila at nagpasyang mag-Culinary Arts.
Umakyat na sila pagkabalik nila sa opisina ni Ethan.
The rooftop was adorned with classy columns and lights. May transparent na tent din na sinet up kaya okay lang kung umulan. Sa dulo ay may stage at sa gitna noon ay ang scale model ng kanilang mga condo.
Sinalubong sila ng mga bisitang kanina pa atang naghihintay. Dumiretso sila sa stage at tinanggal na ang nakatakip na tela sa scale model para makita na ito ng mga tao.
Pagkatapos ay may munting program na halos speech at pasasalamat lang mula sa ilang importanteng mga tao kagaya ng Kuya niya at ng Daddy niya pati na ang ilang miyembro ng board.
The lights went a little dimmer when it was over. Paikot-ikot ang mga tao at kaliwa't kanan ang mga taong nais lumapit sa kanilang table. They were flocking there like birds who saw breadcrumbs.
Sa loob ng halos dalawang oras ay marami na siyang nakamayan at nabati. Almost everything they were talking about was work and business. May ilang kaibigan din na binati sila sa mga naging tagumpay nila.
Their real estate project was a success. Hindi pa man nangangalahati ang construction nito ay halos sold out na ang mga units. Nangangalay na siya sa kakangiti sa bawat taong dumarating kaya nagpasya siyang umalis muna at maglakad-lakad.
Inayos niya ang pagkakasabit ng bag habang naglilibot siya. She's quite impressed with the organizers. They managed to maximize the whole space. Bukod sa mga table at stage ay mayroon ding espasyo sa gitna na nagsisilbing dance floor. May mga pareha nang nagsasayaw doon. Sa katunayan ay nandoon sina Kian at Tricia pati na rin si Mandy at ang boyfriend nito.
Tinumbok niya ang gawi ng fire exit sa likod ng stage. Kaye stopped at the edge and rested her hand on the concrete. Everyone was busy mingling so this particular area was quiet. Ang tanging maririnig lang ay ang tila bubuyog na boses ng mga tao at ang saliw ng musika na hatid ng bandang nasa stage.
She couldn't help but look forward to the coming weeks. Sa susunod na linggo na lang ang natitira niyang workdays sa taong ito. After that, ay bakasyon na hanggang sa unang Lunes ng darating na bagong taon.
Ngumiti siya sa naisip. Ito talaga ang paborito niyang panahon sa buong taon. She'll have more time for herself, to paint, read and go out.
Bumilis ang kabog ng puso niya nang nakarinig siya ng papalapit na mga yabag. The person she wants to go out with has found her. He was introduced formally to the people as a board member kaya maraming nais makilala ito. Kahit katabi lang niya ito kanina sa table ay halos hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na maagaw ang pansin nito sa dami ng lumalapit dito kaya hindi niya alam kung naramdaman ba nito na umalis siya.
Was he staying for good? Iyon ang ilang beses na tinatanong dito ng mga tao. Kahit siya ay nais malaman kung ano ang sagot doon. Nakakita na ba ito ng rason para manatili sa Pilipinas? Will what they have right now make him stay?
She sighed. Kakabit ng excitement at kilig na nararamdaman niya ang mga pag-aagam-agam at takot niya kung ano ba talaga sila. At hindi lang 'yon ang gumugulo sa kanyang isip. She had a few intriguing questions for him in her mind but she didn't want to spoil what they have right now. Siguro pag nakakuha siya ng tiyempo ay maiitanong din niya ang mga 'yon.
"Is the party too loud for you?" Untag sa kanya ng lalaking nakaitim na tuxedo. Ngumiti siya para itago ang disappointment dahil hindi ito ang inaaasahan niyang dumating.
Mabilis na lumapit sa kanya si Vince. Binigay nito sa kanya ang isa sa mga hawak nitong flute at ginaya ang pwesto niya. He looked sharp and neat in his tux.
"No. I just wanted a little fresh air." Sagot niya. Naiilang siya sa paninitig nito.
He sipped his champagne before he spoke again. "I'll be submitting the petition and the documents on court on the third of January." Panimula nito.
Tumikhim ito na tila kinakabahan bago ito nagpatuloy. "It's going to be an easy battle. With the evidence we have, I'm sure they'll be begging for settlement the moment they receive the summon."
Ayon sa mga dokumento na mula sa records ng kanilang kumpanya ay ang mga executives na nakasagutan nila ang may pakana ng lahat. Numbers don't lie. The discrepancies constantly started on their level kaya nahalatang doon nanggaling ang problema.
"Salamat ng marami. You managed to do everything fast and as quiet as possible." She drank from her glass.
Sa wakas ay makakatulog na rin ang kapatid niya ng mahimbing. Kagabi lang ay nasabi na nito sa kanilang ama ang lahat. Their Dad was disheartened about his loyal employees' fate pero hindi nito sinalungat ang plano ni Ethan na kasuhan ang mga ito.
Mapait ang ngiti ni Vince habang nakabaling pa rin ito sa kanya. Bumuntong hininga ito. "You're welcome. But you know there's one thing I regret."
Curious siyang bumaling na rin dito. "Talaga? What?"
Awkward na tumawa ito na tila nahihiya. "I wanted to impress you so I worked overtime everyday. I should've slacked off a little..." Inubos nito ang natitirang inumin. "If I did, I would've spent more time with you."
Pabiro niya itong hinampas. Napakagaan talaga ng loob niya rito. "Silly. Of course, we can still hang out. We're friends, right?"
Bigla ay nais niyang bawiin ang huling sinabi. She saw how his eyes clouded. Mali ba ang sinabi niya? He's been upfront about his feelings since day one. Dapat ba ay mas naging sensitibo siya?
But that was the truth? She considers him as a friend, at dahil doon ayaw niyang lokohin pa ito at paasahin. Ayaw niyang aksayin pa nito ang panahon nito sa kanya dahil alam niyang hindi niya ito nakikita sa paraang nais nito.
Tinapik niya ang balikat nito. "Vince, I'm really---"
Sa kabila ng malulumbay nitong mga mata ay pinilit nitong ngumiti. He reached for her hand. Alam niyang hindi ito madali para rito kaya hinayaan na lang niya ito. Being rejected in anyway is never a good feeling. "No Kaye. Don't apologize. I was the one who asked for this remember?"
Naalala niya ang usapan nila noong unang beses silang kumain sa labas. Tama ito, kahit na alam nitong may gusto siyang iba ay sinabi nito na hayaan niya itong sumubok. Pero kahit na, hindi na dapat niya ito hinayaang ligawan siya dahil alam niyang wala rin iyon sa huli.
"I'm really very sorry." Ulit niya. Alam niyang para siyang tanga sa kakaulit noon. Pero hindi talaga siya makaisip ng iba pang salita na masasabi rito sa pagkakataong iyon.
"Stop apologizing. Despite the heartache, I still don't regret everything. If I didn't trick Clark into setting you up with me, then I wouldn't have met the real Kaye Sy." Malungkot itong ngumiti sa kanya. "A woman who has sublime substance to match her stunning aesthetics."
Napangiti siya ng bahagya nang naalala kung kelan nito unang sinabi iyon sa kanya. Ang talas ng memorya nito. "Well, you're not so bad, Atty. Sandoval." Ulit niya sa naging sagot niya noon.
Vince chuckled. "I'm waiving the white flag, Kaye. But I want you to know that it was a great run, kahit na alam ko namang simula pa lang noong una ay wala na akong pag-asang manalo. And I'm grateful that you gave me the opportunity to know you better."
Hindi na niya napigilan ang sarili na yakapin ito. Why is he saying all these things? Dapat ay magalit ito at sumbatan siya. "I don't know what to say Vince... You've been so good to me."
He patted her back. "You were as good to me as I was to you. Don't feel guilty. You've been honest since we met. I actually am fortunate that you let me at least try to woo you. You did try to give me a chance. But I couldn't overcome something that seem unshakable."
Inilayo siya nito at hinawakan sa magkabilang braso. With his gloomy eyes, he stared at her straight. "He's wild about you Kaye. Actually head over heels, much more than I am. Siguro kaya rin maluwag sa loob kong sumuko. I'm sure Quent would go through great lengths just so you would end up with him."
Ang nakadagan sa kanyang dibdib ay bahagyang nabawasan sa pagkaalaala kay Quent. Nasaan kaya ito?
Ang pagtawa muli ni Vince ang nakaagaw ng kanyang pansin. Bumalik na ito sa pagdungaw sa view. Everything looks little from there. Mula sa mga sasakyan na papunta sa iba't-ibang direksyon pati na ang mga taong naglalakad sa kalsada.
"You light up with the mere mention of his name..." Kinuha nito ang wala nang laman na flute sa kanyang kamay. "Go to him, Kaye. I think he's furious." Ipinilig nito ang mga mata sa likod niya.
She turned around and her heart raced as she saw Quent frowning as he gawked at them. Kanina pa ba ito roon? Hindi nakabawas sa kagwapuhan nito ang pagtatagis ng bagang nito.
Sinakbit niya ang clutch. Gusto niyang puntahan si Quent pero ayaw niyang bastusin si Vince. She just rejected the man for God's sake. Ayos lang ba na iwan niya ito? Hindi makatarungan na buhusan pa niya ng asin ang sugat na dinulot niya rito.
Tila napansin naman ng kanyang katabi ang pag-aagam-agam niya kaya ito na mismo ang nagtaboy sa kanya. "Go. Are you gonna wait for him to burst and punch me in the face? That would hurt more."
Ngumuso siya kay Quent na papalapit na sa kanila. Gagawin ba nito 'yon? Parang hindi naman. He was not the aggressive type. He seemed irritated though. Parang galit nga ito. Hindi na siya nag-isip pa nang malapit na ito. Sinalubong na niya ang lalaki na agad na pinagdikit ang mga palad nila at marahan siyang hinila.
Pagtingala niya ay ang inis nitong mukha ang sumalubong sa kanya. It was bizarre but she felt secure and safe. Sa kabila ng ekspresyon nito ay panatag ang kanyang pakiramdam na walang kahit anong maaring mangyari sa kanya dahil kasama na niya ito.
Lumambot ang mga mata nito nang napansin nito ang titig niya. "Yayain na natin si Vince pabalik sa loob." Pinisil niya ang kamay nito at hinila ito papunta kay Vince. He yielded to her surprise!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro