Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

COMPLICATED

Kaye blew her nose for the nth time that morning. Buti na lang at marami siyang stock ng tissue sa kanyang opisina. What she forgot to store was her allergy medicine. She has pollen allergy at alam niyang ang nag-trigger 'non ay ang bulaklak na bigay sa kanya ni Vince kanina.

He asked to be her date for tomorrow's party. Pero bago pa siya makasagot ay agad na siyang inatake ng paulit-ulit na pagbahing. Concerned na tinanong siya nito kung ayos lang ba siya pero nahihiya siyang sabihin dito na ang nangyayari sa kanya ay dulot ng dala nitong flowers.

She didn't want to offend him. Nag-effort pa itong bumili ng bulaklak para sa kanya when he could've just asked her plainly. That was why she endured the allergy attacks and said that she thinks that she's coming up with a cold dahil sa pabago-bagong panahon.

"Are you sure you're alright?" Naninigurong usad ni Vince pagkatapos niyang itapon ang isa na namang tissue na ipinangpunas niya sa ilong.

Tumango siya. She probably looked like Rudolf the red nose reindeer at the moment. Sa halip na hangover mula sa pag-inom ng alak kagabi ay ito ang meron siya. "I am." Pilit niyang pinantay ang boses kahit medyo basag na ito dahil sa kanyang sipon.

Naglilikom na ito ng gamit dahil paalis ito. Puno ng panghihinayang ang mukha nito dahil bukod sa hearing na pupuntahan nito ay marami ang nakalinya nitong meeting pagkatapos. Hindi na marahil niya ito makikita hanggang sa umuwi siya mamayang hapon.

That was okay because she was planning to eat her lunch at the office and go home as early as she can to get rest. Tatawag na sana siya kay Gretch pagkaalis ni Vince para magpadala ng pagkain pero lumitaw na ang kanyang sekretarya sa pinto dala ang isang trolley.

Sumulyap siya kay Quent na kanina pang nakamasid lang sa kanya. Kadarating lang nito, baka galing sa site. Nahihiya siyang batiin ito. She's as red as a ripe tomato and she sounds like she's dying of lack of air. Besides, he was really being distant and cold to her kaya hindi na rin siya masyadong nag-effort para pansinin ito.

Confused siyang tumayo nang inalalayan siya nito paalis sa kanyang upuan. Even with the bad case of allergies she's been having, his usual effect on her was still present. She felt tingles on her shoulders as he ushered her to the sofa. Si Gretch ang naghain ng mga pagkain na dala ni Quent sa maliit na table sa gitna ng mga sofa.

Agad na sinalakay ng nakakatakam na aroma ng soup ang kanyang ilong pagkaalis ni Gretch ng lid na tumatakip sa tray. Tila dumiretso 'yon sa sikmura niya kaya kumalam ito bigla.

Kung hindi siya nagkakamali ay chicken soup 'yon. May garlic bread ding hinain sa kanila ang kanyang executive assistant bago ito nagpaalam.

She watched as Quent scooped the soup to the bowls and gave one to her. Binigyan din siya nito ng garlic bread at tubig bago ito nagsimulang kumuha ng para sa sarili nito.

Dinampi pa nito ang palad sa kanyang noo habang sumusubo siya. "Do you feel dizzy?" Marahan nitong saad. His eyes and voice were laced with worry.

Umiling siya at pilit na ngumiti na rito. They ate in silence.

Panay ang sulyap nito sa kanya sa gitna nang mabilis na pagsubo, tila ba hindi kumbinsido na okay lang siya. Wala naman siyang maisip na sasabihin kaya tumahimik na lang siya. Hinintay pa siya nito matapos kaya medyo binilisan niya ang pagkain hanggang sa naubos niya ang laman ng bowl.

"Thank you for the meal, Quent." Nginitian niya ito nang bahagya. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak dito para ilibre siya ngunit nagpapasalamat pa rin siya dahil sa pag-aasikaso nito.

Pabalik na siya sa kanyang upuan nang iabot nito sa kanya ang isang maliit na plastic. Inside it was her usual allergy medicine. Puzzled niya itong nilingon. Nahalata ba siya nito?

The concern in his eyes were evident as he spoke. "Please take it and rest. I know you have allergic rhinitis."

Nanlalaki ang mata siyang sumulyap rito. Hindi niya maalis ang gulat na ekspresyon. Only a few people are aware of her allergy. Hindi niya alam na isa ito sa mga 'yon. "How did you..."

"The roses you gave on Ethan's high school graduation were all artificial. Back then I saw Kass threw away the roses you received on your 15th birthday. Even the floral ornaments on the vases in your house are also fake. I kinda figured you have an allergy of some sort." Pinagbukas pa siya nito ng gamot.

Walang pag-aalinlangan niya iyong tinanggap at nilunok. "Thank you." A bittersweet memory popped into her head when she thought of flowers.

"That's why I also didn't bother to give you a corsage at your prom." Anito na tila binabasa ang nasa isip niya. Sa sobrang dami ng mga nangyari ay hindi na niya napansin 'yon. Sa halip na corsage naman ay bracelet ang binigay sa kanya nito kaya wala siyang planong magreklamo. What he gave her is obviously more expensive and more long lasting that the flowers on the corsage.

Her heart always swells when she recalls everything that occurred on that day. Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. For she got a taste on how fickle life is.

One moment, it lifts you so high that you feel as though everything is perfect, then later on it would take back that perfect moment and mercilessly crush it to shreds before your eyes.

Ang tunay na naalala niya ay ang binigay nito noong 16th birthday niya. Particularly the sapphire rose he gave her. Minsan na niya iyong pinatignan sa alahera ng Mommy niya nang naglinis siya ng kanyang walk in closet at namataan niya itong nakatago sa kahon na pinaglalagyan nito. The lady said it was worth more than an upper middle-class worker's annual pay. Naalala pa kaya nito 'yon?

"And why I haven't been able to send you colorful bouquets ever since I came back." Dagdag pa ni Quent na umagaw sa kanyang malalim na pag-iisip.

Kaye was trapped in a trance once more when his eyes locked in with hers. Quent really has a way with words. Hindi niya alam kung sobrang galing ba nitong magsinungaling o talagang nagsasabi ito ng totoo.

Siya ang unang binalikan ng huwisyo kaya lumayo siya rito. Ang kaba sa kanyang dibdib ay hindi mawala-wala. At hindi niya pa rin makuha kung bakit ito lang ang nakakapagdulot ng ganoong epekto sa kanya.

Bakit hindi kay Vince? Kay Vince na mas okay na kandidato? Ilang araw na niyang pinipilit ang sarili na magkaroon ng feelings sa huli. But everything she's done so far has been futile. Walang spark, kuryente o kahit anong indikasyon na napupukaw nito ang kanyang damdamin.

All she could offer him was the gift of friendship. Alam niyang hindi sapat iyon pero anong gagawin niya? Ayaw naman niyang lokohin ito at ang sarili niya. She didn't want to wake up one day, regretting that she forced herself into loving Vince when in fact she couldn't. Unfair 'yon sa kanya at lalong-lalo na kay Vince na walang pinakikitang masama sa kanya.

Bago pa siya makatayo ay nahuli na nito ang kanyang braso at pinabalik siya sa pag-upo. Ang mga nang-uusig nitong mga mata ang sumalubong sa kanya nang naglapat ang kanilang paningin. "Why didn't you tell him you were allergic to flowers? Hindi n'yo ba 'yon napag-usapan kagabi habang halos magkapalit na kayo ng mukha sa sobrang lapit?"

His voice had an edge to it and she knew he was mad because his jaws were clenching. Alam niyang ito ang nakita niya kagabi pero ayaw niyang ipahalata ang matinding epekto nito sa kanya.

Lumunok siya bago sumagot. "It was loud. Of course if we wanted to hear each other, we had to lean in closer." Hinintay niya ang reaksyon nito. He still seemed bothered but nonetheless accepted her excuse. Hindi niya alam kung bakit ba niya pinagtatanggol ang sarili sa mga akusasyon nito. Maybe a huge part of her still didn't want him to be mad at her.

Humikab siya at hinayaan ang sofa na saluhin ang buong bigat niya. Sinandal niya ang sarili sa back pillow nito. The medicine she took is starting to work off its magic.

Dinig niya ang pagtikhim nito nang pinanood siya nitong mag-iba ng pwesto. Tinukod nito ang siko sa dulo ng sofa para iintimidate siyang magsabi ng totoo, pero sa halip na matakot ay nais niyang matawa sa kabang tinatago nito sa likod nang seryosong mga mata.

"I'll let that pass but you have to answer my other question because I haven't slept a wink last night thinking about this."

"Okay. Shoot." She smiled on how he tried to conceal the tenderness in his voice to make it appear that he's still in a bad mood. What is he curious about now?

"Bakit kayo nawala bigla ni Atty. Sandoval noong reunion?"

Ngayon ay hindi na niya napigilang mapangisi sa inusad nito. Akala pa naman niya ay napakaimportante ng itatanong nito. Now that he's mentioned it, mukha nga itong puyat. That explains his stubbles and the trace of dark circles below his eyes.

Kahit ang pormal na pagtukoy nito kay Vince ay nakakaaliw. But then, hindi naman close ang dalawa kaya marahil ganoon ang tawag nito sa huli.

Narinig nga pala nito ang usapan nila ni Kian kahapon. Kailan pa ito naging interesado sa buhay ng ibang tao? Lalong-lalo na sa kanya?

Dumaan ang inis sa mga mata nito dahil sa reaksyon niya.

"Was it that memorable that you still giggle whenever you remember that night?" Diretso ang tinging tanong nito sa kanya. He was shooting daggers at her. Ngayon alam na niya kung paano naba-bother si Kian sa mga tingin nito dati.

She let out another yawn and combed her hair with her fingers before she spoke. Pinipilit niya ang sarili na huwag magpahila sa antok dahil baka paggising niya ay wala na ito at hindi na naman siya pinapansin.

"Yes, I guess. We had dinner at a floating restaurant." Aniyang hindi man lang naapektuhan nang nakakatakot nitong ekspresyon. He would never hurt her...physically. She was sure of that at least.

"Then?" Anitong naghihintay pa ng kasunod. His face was still enraged with her relaxed state.

Napaisip siya at niyakap ang unan na nasa pagitan nila. She was really getting sleepy. "Then we went home." She replied.

"'Yun lang?" Paninigurado nito, medyo maaliwalas na ang aura. Bakit? Ano pa ba dapat ang na ginawa nila ni Vince?

Tumango siya at muling nagpakawala ng isa pang hikab. "Nakakain ako ng masasarap na seafood, so it wasn't that bad... Also, we had halo-halo as dessert. It was yummy."

Nanumbalik ang sigla sa mga mata nito. It seemed like a heavy weight has been lifted upon Quent when she said that. Para bang iyon na ang sagot sa lahat ng mga problema nito sa buhay. Hindi na siya umalama nang hinapit siya nito at inihilig sa dibdib nito.

"That's a relief." She heard his voice vibrate from his chest as she rested her head there.

Dama niya ang pagtungo nito sa kanya nang tinawag niya ang pangalan nito sa kabila nang papikit-pikit niyang mga mata na nais nang mamahinga. Nakakaantok ang mabilis na tibok ng puso nitong bahagya niyang naririnig.

"Since when did you take an interest on my life?" Saad niya kahit antok na antok na siya. Damn her medicine and its side effect on her. Inayos niya ang pwesto sa dibdib nito at hinayaan na ang sariling sumuko na sa antok.

She felt Quent took in all her weight and lightly caressed her head as he shrugged and said, "I've always been interested. When it's about you, I'm all ears."

She heard gongs in her chest when he said that. Kung gising na gising sana siya ay pumula na ang kanyang pisngi sa tinuran nito. But she was very sleepy. Sa halip ay napahawak na lang siya sa baywang nito at tuluyang nakatulog habang marahan nitong hinahaplos ang kanyang buhok nang paulit-ulit.

Hindi alam ni Kaye ang nangyari at kung ilang oras ba siyang na-knockout ng kanyang allergy medicine. Pero nagising na lang siya dahil sa amoy ng alcohol at sa mga boses na nagdidiskusyon.

"Relax lang po kayo Sir. Ayos lang si Ms. Sy. Natural effect talaga ng antihistamines ang drowsiness." Kalmado ang boses ng isang babae na sa palagay niya ay si Dra. Emery, ang in-house physician sa kanilang infirmary.

She was in their infirmary. Sumulyap siya sa orasan sa may pinto ng mga ward beds kung saan siya nakahiga. It was 2 o'clock in the afternoon. Halos limang oras na siyang tulog. Sino kaya ang nagdala sa kanya rito? Her brother? Gretch? Or was it Quent? Ito ang huli niyang naaalala na kausap niya.

Marahas ang singhap ng kausap ni Doktora. She could feel his frustration even from the way he gasped the air before he finally spoke.

"I know, Doc. You told me that a couple of times already. But it has been hours. She's still sleeping. Should we take her to the hospital?" Dinig niya ang panic sa boses ni Quent sa labas ng kwarto. Her heart skipped a beat when she heard his voice.

Napabangon siya sa pagkakarinig ng salitang ospital. No way was she going there. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na inatake siya ng allergy kaya alam niyang mamaya lang ay magiging maayos na siya. May party pa bukas and she will not miss that for the world.

Tila narinig naman ang bigla niyang pagbangon sa labas kay humangos ang mga tao papunta sa kanya. Quent arrived first. Followed by the doctor.

Agad na sinapo ni Quent ang kanyang noo. She was taken aback when he grabbed her hand tightly as if she was about to hear bad news. His reaction to this is seriously over the top. Ngumiti siya sa lalaki bago siya bumaling sa doktor na ngayon ay nanonood sa kanila.

"Hi Doc." She sheepishly greeted her. Ilang beses na rin niya itong nameet dahil sa minsan ay nalilimutan niyang magbaon ng gamot sa kanyang allergy.

"I won't say it's great to see you again Kaye. Bakit hindi mo naalala na laging magtago ng extra tablets for emergency situations? Ayan tuloy, Mr. Libiran here was worried to death. Hindi siya maniwala na minor side effect lang ito dahil hindi ka raw nagigising despite their efforts to wake you up." Amused na kwento sa kanya ni Dra. Emery. Nagpaalam na ito saglit sa kanila para bigyan siya ng vitamins na iinumin niya sa loob ng isang lingo.

She glanced at Quent who was still staring at her. Sa higpit ng hawak nito ay hindi niya alam kung may dumadaloy pang dugo sa kanyang mga daliri. Kunot ang noo nito at tiim ang mga bagang.

Malakas na naman ang kalabog ng kanyang dibdib. At sigurado siyang hindi health-related ang dahilan noon kundi ang lalaki sa kanyang harap. Nakakataba ng puso ang pag-aalala nito sa kanya.

She slowly touched his forehead and pressed the fine lines there lightly. Tila noon lang ito natauhan dahil maagap na niyakap siya nito nang kasing higpit nang hawak nito sa kamay niya kanina. It was so tight she didn't get to inhale air for a few good seconds.

"I'm fine, Quent. You heard Dra. Emery. This happens a lot." She patted his back.

Talaga yatang kinabahan ito dahil hindi siya agad magising. She literally had a blackout. That is the effect of antihistamines to her that is why as much as possible ay umiiwas siya sa mga bulaklak.

"I thought I was going to lose you. You were barely breathing and I couldn't do anything to wake you up." Nahihimigan pa rin niya ang kaba't takot sa boses nito habang nasa loob pa rin siya ng mga bisig nito.

Bumitaw na siya rito at tinanong kung nakakain na ito ng tanghalian. Umiling ito kaya naman nagdahilan siya na nagugutom na para kumain na rin ito kasabay niya.

Quent refused to leave her alone. Umalis lang ito nang dumating si Gretch para samahan siya. Kumpara sa lalaki ay mas kalmado ang reaksyon ng kanyang sekretarya nang nakita siya.

Umupo ito sa monobloc chair na nakapwesto sa tabi ng kama niya. "Ma'am takot na takot po si Sir kanina noong hindi niya kayo magising. Akala ko nga po may aksidenteng nangyari sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Tapos imbes po na hintayin ang stretcher mula rito ay binuhat na po kayo ni Sir Quent papunta rito."

Her heart leapt with every word Gretch was uttering. It feels good to know that Quent was genuinely concerned for her welfare. Uminom na siya ng gamot na binigay ni Dra. Emery habang magiliw na nagpatuloy ang kanyang executive assistant ng mga nangyari kanina.

Ayon dito ay pilit daw nitong pinapakalma ang lalaki pero sa halip na maging kalmado ay tensyunadong nagpabalik-balik si Quent doon sa infirmary hanggang sa mapagpasyahan nitong mag-intay na lang sa opisina ni Dra. Emery mula pa kaninang alas dose.

"Hindi ko po alam Ma'am kung matatawa ba ako o maaawa kay Sir habang pinapanood niya kayong natutulog. Mahal na mahal ka talaga ni Sir, Ma'am Kaye. Kelan n'yo po ba siya sasagutin?" Tudyo ni Gretch sa kanya.

Pabirong inirapan niya ito. Simula pa noong magsimula siya sa opisinang ito ay kasama na niya ito kaya kahit papaano ay kaibigan na ang turing niya rito at paminsan-minsan ay nabibiro siya nito.

"Quent is just nice, G." Simple niyang turan.

Tila hindi naman makapaniwala si Gretch. "Alam n'yo po ba kung gaano kadalas magtanong si Sir ng mga bagay tungkol sa inyo sa akin? Kahit nga po yata 'yung paborito n'yong brand ng ballpen ay gusto niyang malaman. At kapag wala po siya sa opisina ay palagi po s'yang tumatawag para kumustahin kayo. Kung kumain na ba kayo ng tanghalian o meryenda. O kung lumabas po ba kayo ng opisina. Sa katunayan, kaya nga po nalaman niya na may sakit kayo kanina dahil tumawag po siya at iniwan daw po ni Sir Quent 'yung site sa Marikina para lang puntahan kayo rito sa opisina. Nakakailang tawag po si Engr. Cruz para ma-check kung nakabalik na ba si sir sa site."

Tahimik na binigay niya kay Gretch ang bote ng tubig na wala nang laman. Ang dami na palang nangyayari na hindi niya alam. Why is Quent keen on keeping tabs on her?

She was sure that is not because of brotherly love anymore. Nor being nice was a sufficient reason for that. Mabait at mahal na mahal siya ng Kuya niya pero hindi ito ganoon sa kanya. So why is Quent like that?

Bumalik na ang lalaki na may dalang dalawang order ng tuna aglio olio. Kasunod nitong sumulpot ang kapatid niya. "I came here as soon as I heard. I'm guessing you smelled flowers?" Panatag ang loob na wika nito.

Tumango siya at kinwento na ayaw niyang maoffend si Vince kaya kahit alam niyang bawal ay hinintay na lang niyang umalis ang lalaki bago niya nilayo ang mga bulaklak.

Her brother advised her to go home when he left for his office minutes after she finished eating. Kasabay niyang umakyat sa elevator sila Quent at Gretch. Nanghihinayang man sa mga trabaho na maari niyang matapos hanggang mamayang gabi ay gusto na niyang umuwi.

Wala na ang antok sa kanyang sistema ngunit kailangan pa niyang bumili ng sapatos kaya uuwi na siya nang maaga.

Pagkatapos ihabilin kay Gretch ang mga pagre-reschedule ng mga dapat niyang gawin ngayon sa Lunes ay pumasok na siya sa kanyang opisina. Tinungo niya ang kanyang table at inipon ang kanyang gamit. Pinasok niya sa kanyang bag ang dalawang binders na naglalaman ng mga planong ipapakita niya sa mga kliyente sa Linggo ng gabi pati na rin ang kanyang laptop sleeve.

May appointment sila nina Kass at ng kanyang Mommy bukas sa spa kaya hindi na niya maasikaso ang pagbili ng sapatos kinabukasan. She had to go now or else ay sa closet na lang niya siya kukuha ng susuotin.

Sinakbit niya ang bag at pinusod ang nakalugay na buhok habang palabas siya. Kinapa niya rin ang susi ng kanyang kotse sa loob ng kanyang bag.

Tila umeepekto na ang gamot dahil nawala na ang pagbahing niya. Pagkaalis pa lang ni Vince ay inilabas na iyon ni Gretch sa kanyang opisina. Wala na namang pasok mula bukas kaya hindi na malalaman ng lalaki na hindi niya inuwi iyon.

"I'll get going, Quent. Thanks for everything." Ngumiti siya nang napakatamis sa binatang kanina pang nakamasid lang sa kanya. One of these days ay ililibre niya ito o reregaluhan para sa pag-aalaga nito sa kanya.

Nagpaalam na siya kay Gretch at pinaalala ritong huwag umalis hangga't may ipinapagawa pa si ang lalaki sa loob.

"I'm coming with you." Biglang usad ni Quent na kasunod na pala niya. Lito siyang lumingon dito. Akala niya ay kailangan ito ni Clark sa site nila sa Marikina?

Hinayaan na lang niya itong sumama. Hindi niya alam kung aantukin pa siya sa biyahe pauwi kaya mas maigi nang kasama niya ito.

Sinaluduhan ng gwardya si Quent. Binati naman siya ng matandang lalaki na tinapik pa ng kasama niya sa balikat. Pati guard ay ka-close na nito? Sabagay, magaling nga pala itong makisama. Sa halos isang buwan nitong pagtatrabaho kasama nila ay wala pa siyang nababalitaang masama tungkol dito.

Kapwa sila tahimik habang tinatahak nila ang daan papunta sa kotse nito. Itinawag na niya sa kanila na ipasundo ang kanyang kotse sa driver. Mula noon ay kasing lapad na ng traffic sa EDSA ang ngisi ng kasama niya. Hindi niya alam kung paano ito paalisin at itataboy. Heck, hindi pa nga niya sigurado kung gusto niya talaga itong paalisin at itaboy.

Pasipol-sipol pa ito habang binubuksan ang pinto sa unahan para sa kanya. Nagsuot siya ng seatbelt nang umikot ito papunta sa driver's seat.

His car still smelled new. Nothing much changed inside it. The only addition to his car was the usb cord plugged in which he probably used to charge his phone. The backseat and rear still had plastic covers and pretty much looked like they still have not been used up to this day. Malinis din ang mat sa pwesto niya, taliwas sa mat sa ilalim ng driver's seat na napansin niya kaninang medyo maalikabok na.

"Saan mo planong bumili ng sapatos?" Untag nito sa kanya noong nasa kalsada na sila.

Puzzled na nilingon niya ito. Was he somekind of a mindreader? O talagang nakuha na rin nito ang loyalty ng kanyang sekretarya kaya malaya nitong nalalaman ang whereabouts niya?

"I heard you and Kian talking the other day." Amused na wika nito. "Where to?"

Binanggit niya ang mall na ilang beses na nilang pinuntahan kaya tumigil na ito sa pagtatanong. Well, its actually a good thing na sinama niya ito. Isa nga sa side effect ng kanyang gamot ay ang drowsiness. Baka mamaya ay antukin siya, mabuti na itong may kasama siya para makakaidlip siya kung sakali.

Abot-abot ang pagpipigil niya ngunit hindi talaga niya matiis na hindi sumulyap rito. Quent was really God's gift to women. Mula sa umaarko nitong mga kilay hanggang sa mamula-mula nitong labi ay walang hindi mahahalina. Even the stubbles in his chin were added assets. They defined his face and made him look more masculine.

She bit her lip as her glance traced down his adam's apple down to his sturdy arms holding the steering wheel. Ilang beses na ba niyang hiniling na magising na yakap ng mga brasong 'yon? Countless.

Pero kanina ay doon siya nakatulog at mahigpit siyang niyakap nito pagkagising niya. His arms felt like the safest place in the world. Hindi niya alam kung bakit pero napakasarap at panatag ng loob niya kanina sa loob ng mga bisig nito.

Nang binalik niya ang titig sa mukha nito ay napansin niya ang malapad na ngisi nito. Taliwas sa ekspresyon nito kanina na seryoso.

"What?" Asik niya rito. Nahuli ba siya nitong nakatingin? Nakakahiya!

He gazed at her, his face was now a bit nervous. Kita niya ang paglitaw ng mga ugat sa braso nitong nakakapit sa manibela.

She saw how his expression softened when he saw her confused façade. It was amusing how she could see him reacting to her every word.

"Why are you grinning?" Kuryosong anas niya. Kanina pa niya itong pinagmamasdan. Kulang na lang ay mapunit ang mukha nito sa pagngiti.

"Nothing. I just realized something." Nasa kalsada pa rin ang mga mata nitong saad.

Imbes na mag-usisa kung ano iyon ay naghanap na lang siya ng design ng sapatos na babagay sa kanyang gown. Kaya naman nagulat siya nang nagsalita itong muli.

"They say good things come to those wait, but I don't agree with that. Nothing that good has ever rolled up since I started waiting..." She glanced at Quent as they pull up the mall's parking lot. Bahagya siyang kinabahan sa itsura nito.

Seryoso na at puno ng determinasyon ang mga mata nitong mapupungay na nakatutok sa kanya. "Things only got better since the moment I decided to make a move. So fuck the long and winding road, because I didn't come this far to only come this far..."

Narinig niya ang malalim na paghugot nito ng hininga at ang tensyonadong paggalaw ng adam's apple nito. "I don't care how complicated this gets Kaye, but I want you." Lumabas na ito ng saksakyan.

Naiwan naman siya sa loob, parang estatwa siyang nanood lang sa pagpunta nito sa kanyang direksyon para pagbuksan siya ng pinto. Naghuramentado ang kanyang sistema nang tuluyan nang nag-sink in sa utak niya ang lahat ng sinabi nito.

This is bad. She's really stuck in this quicksand and slowly sinking in it.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro