Chapter 3
A SPARK
Uuwi na sana si Kaye nang sumapit ang tanghalian ngunit kailangan pa nilang mag-meeting sa hapon. Nagpasya siyang sa cafeteria na lang mananghalian dahil magagahol siya sa oras kung sa bahay pa siya kakain.
Sa labas pa lang ay kita-kitang niya na sobrang dami ng tao. Punong-puno ito ng mga college students na may Saturday classes. Mukhang hindi siya makakasingit sa kumpol ng mga tao sa counter.
Naiwan sa gym sina Mandy dahil kausap pa ang mga ito ng kanilang adviser. Siya lang ang nakatakas palabas kaya mag-isa siya ngayon.
Sa gitna ng ingay ng pinaghalong tawanan at usapan ay narinig niyang may pamilyar na boses na tumatawag.
"Kaye! Over here!" Nalingunan niya ang Kuya niyang nakataas pa ang isang kamay.
Hindi niya maiitanggi ang kasikatan ng kanyang mga kapatid sa kanilang paaralan. Dala ng mga ito ang pangalan ng kanilang school sa bawat pinagtatagumpayan na mga laro ng mga ito. They were loved by everyone. Especially her brother.
He is like a King at their school. Lahat ng tao ay tinitingala ito. Patunay doon ang paghawi ng mga tao sa dinadaanan niya ngayon.
Not that her brother's abusing all the glory he's getting, pero talagang awtomatikong ginagawa ito ng mga kaeskwela nila kahit na hindi naman talaga hinihingi ng Kuya niya.
Nang nakalapit siya rito ay agad itong naglaan ng pwesto para sa kanya. "Ako na ang bibili ng pagkain." Anito. Pagbalik nito ay may dala itong dalawang plato ng carbonara at iced tea.
Tahimik na kumain si Kaye. She feels a bit out of place. Puro teammates ng Kuya niya ang kasama nila sa table at kahit mababait ang mga ito sa kanya ay hindi pa rin niya alam ang pinag-uusapan ng mga ito kaya tango at iling lang ang sinasagot niya kapag may nagtatanong sa kanya.
Indeed being his Kuya's sister has its own perks. People were automatically nice to her and Kass. Sometimes they even give them favors.
Ipinagpasalamat rin niya na naisipan ng nitong kumuha ng Engineering. Dahil kung hindi ay pressured ang isa sa kanila ni Kass na sumunod sa mga yapak ng Daddy nila.
The people in their table were mostly boys. May dalawa lang na kasama ang kanilang mga girlfriend. Kaya naman puro babae at bola ang topic ng mga ito. In fact ay walang kiyemeng kinukwento ng kadarating lang na si Clark ang karanasan nito kasama ang cheerleader na si Glenda.
Hindi na lang niya pinansin ang mga sexual innuendo ng mga ito. Boys will always be boys. Hindi rin naman ito ang unang pagkakataon na nakikiupo siya sa mesa ng mga ito sa cafeteria. Nakakasalamuha rin niya ang mga ito sa mga party at madalas ang mga ito sa kanilang bahay.
Nangangalahati na siya sa kinakain noong may umupo sa tapat niya. Marahan na nilapag nito ang dalang makapal na libro at nag-high five sa mga tao sa kanilang table.
She gawped as Quent Libiran slowly smiled as he gazed at her direction like he was actually pleased to see her.
Maputi at pantay ang kutis, matangos ang ilong, sexy ang mga labi at saksakan ito ng bango. The word handsome does not really do him justice.
He had a rectangular face, a slightly pointed chin and a sturdy and prominent jaw line. His most prominent feature is his deep and gray eyes, accentuated by his defined eyebrows and long eye lashes.
Ginantihan niya ang ngiti nito at pinilit ang sarili na ituon ang atensyon sa pagkain.
Hindi alam ni Kaye kung kelan siya nagsimulang humanga sa lalaki. Noon pa ma'y hindi lang ito si Quent na kaibigan ng Kuya niya.
He was also the guy who made her pulse rate increase and her palms sweat. It was just something that sprung out all of a sudden without her even planning it.
Marahil ay dahil doon kaya hindi rin niya ma-outgrow ang paghanga niya rito. He just had that 'something' that she cannot see on other boys at her age.
She knows it's wrong to feel this way for someone who's way out of her league. Ngunit tila bulag ang nararamdaman niya sa lahat ng bagay na nagpapahiwatig na hindi sila bagay ng lalaki.
"Hi Kaye." Nakangiti nitong bati sa kanya. His eyes were sparkling as they gazed upon her.
"Hi." Cheeky niyang ganti. Nandito pa pala ito.
"Saturday classes?" His voice sounded so interested. Nakatitig ito sa mukha niya na para bang sobrang importante ng pinag-uusapan nila.
She shook her head. "Prom practice." Simple niyang saad. Umiwas siya ng tingin dahil feeling niya ay matutunaw na siya sa harap nito.
"Akala ko gutom ka na?" Nakataas ang kilay ng Kuya niya kay Quent.
Quent awkwardly stood up. "Bili lang ako ng pagkain Kaye." Paalam nito sa kanya. Hinintay pa nito ang tango niya bago ito tumalikod para bumili ng pagkain.
Dahil kaibigan ng Kuya niya si Quent simula noong high school pa ang mga ito ay marami na siyang alam tungkol sa binata.
Halos miyembro na ito ng pamilya nila at madalas na rin siyang nagkaroon ng pagkakataon na makausap ito.
They had small talks but they're not really friends. Palabati si Quent but she knew that was it. He was plainly being nice because she is Ethan's younger sister.
Toned at matipuno ang katawan nito na resulta ng regular na pagpunta sa gym at paglalaro ng basketball. Sa height niyang 5'6 ay magmumukha siyang bata sa tabi nito. Bukod sa pagiging likas na mabait ay varsity player din si Quent, matalino at galing sa mayamang pamilya.
Hindi rin ito kagaya ng karamihan na kaibigan ng Kuya niya na bagaman mababait ay mahahangin. He was genuinely nice.
Inabala ni Kaye ang sarili sa pagkain dahil alam niyang hinihintay na siya nina Mandy. Umiinom siya ng iced tea noong napansin niyang nakatulala ang mga babae sa kabilang mesa. It was as if they were witnessing a miracle unfold before their eyes.
Nang iginawi niya ang mata sa tinitignan nito ay 'di rin niya napigilan ang matulala. Quent was walking magnificently towards their table.
He looked like a model on a runway. How he manages to look like that in his jersey attire is beyond her.
Halos malalaglag ang kanyang mga panga nang ngumiti ito sa kanya. May ginawa ba siyang maganda ngayong araw to deserve this kind of blessing?
Akala niya ay napaihi na siya sa kilig 'nong naramdaman niyang may nag-vibrate sa kanyang bulsa.
Kinapa niya ang cellphone na tadtad ng mensahe galing kay Mandy. Tumatawag ito. Galit na raw ang kanilang adviser, hinahanap siya dahil siya lang ang nawawala sa meeting.
She sighed and prepared for the sermon she was going to receive from their adviser. Ngunit hindi niya napaghandaan ang pares ng matang nakatutok sa kanya.
She felt somersaults in her chest as Quent walked towards her direction. Pilit niyang pinipigilan ang pamumula ng pisngi. What is wrong with her? Nanlalamig din ang kamay niyang may hawak na baso.
This is bad. Ilang beses na niyang pinipigilan ang mga ganitong reaksyon pero hindi talaga niya masupil ang mga 'yon. Tila naman napansin na ng Kuya niya ang kanyang itsura. Hinawakan pa nito ang kanyang pisngi at nag-usisa kung bakit siya namumula.
Inisang lagok niya ang natitirang iced tea at nag-ayos na ng gamit. And she feels stupid for trembling as she did that.
Mabuti na lang at saktong pagdating ni Quent sa kanyang tapat ay natapos niya ang pagliligpit. Nagmamadali siyang tumayo at dinala ang kanyang tray.
"In a hurry? You really seem reddish. Allergy attack? Heat flash?" Usisang muli ni Ethan na katatapos lang kumain.
She waved her hands. "No...No... I...I'm nervous...Galit na si Mrs. Agipa... I'm late for the meeting." Nahigit niya ang paghinga. She inhaled Quent's expensive perfume when he leaned in to seat across her.
Natataranta niyang niligpit ang pinagkainan. Self-service ang rule sa cafeteria nila kaya kailangan niyang dalhin sa table top na malapit sa counter.
Umisod ang Kuya niya para bigyan siya ng espasyo para umalis. "Leave that there. Ako na ang bahala d'yan. Tell her you had lunch. Geez... Susunduin ka ba ni Manong?"
Paulit-ulit siyang tumango. Maaga silang matatapos. Hanggang six pa ang klase nito kaya gagabihin siya kung sasabay pa siya rito.
"See you at home then." Her brother flashed his infamous grin that made knees melt. Inabot pa nito sa kanya ang kanyang bag pagtayo niya.
Ngumiti siya rito. "Thanks for the lunch Kuya. Bye." Nagpaalam siya sa iba nilang kasama sa table bago huling sumulyap kay Quent na may hawak na isang locally made chocolate bar. Nakalahad ito sa ere na papunta sa direksyon niya, tila binibigay sa kanya.
Hindi niya alam ang nararamdaman niya. Was he giving her that chocolate? And why is he giving her that?
Natawa siya sa naisip. Bago pa niya lakas loob na kuhanin ang tsokolate ay walang patid na tumunog na naman ang kanyang cellphone.
She's dead. Mrs. Agipa is probably looking for her replacement at the moment.
Pagkatapos ng isang malalim na buntong hininga ay nagmamadali siyang pumihit para bumalik sa high school building.
Laking pasasalamat niya nang nalaman na umalis na ang kanilang adviser bago ang pagdating niya.
Sinalubong siya ni Kian na halatang relieved pagkakita sa kanya. "Thank God you're here. Hindi ko na alam kung paano sila aawatin." Nginuso nito sina Mandy at Harvey na nasa harap ng isang laptop.
Napangiwi na lang siya bilang sagot.
"They've been at it since we ate. Kumain ka na ba? Nagpa-deliver si Mrs. Agipa ng pagkain, we saved some for you." Inabot ni Kian sa kanya ang isang styro.
Abala ang iba nilang kasama sa kanya-kanyang nakatokang gawain ng mga ito.
Imbes na tumabi kina Mandy ay umupo sila sa plantbox na nasa labas. Dahil naka-jeans at rubber shoes siya ay kampante siyang nag-indian seat. Pinatong naman nito ang isang paa sa isang upuan na dinala nila galing sa loob.
"So where do we start?" Inilabas niya ang papel at nagsimulang maglista ng mga gagawin nilang dalawa.
Naatasan sina Kaye sa pagpaplano ng direksyon ng mga neon lights. Mamaya ay tatawag naman sila sa caterer para magbayad. She and Kian had to step up.
May sakit pa ang kanilang secretary. Dinala na ito sa infirmary at ngayon ay under observation na for dengue. Kaya pala ganoon na lang ang init ng ulo ni Mrs. Agipa, dahil mababawasa pa sila ng isang miyembro.
Naaagaw pa rin ng malakas na boses ni Mandy ang atensyon nila kahit na nasa labas na sila. Mukhang walang matatapos ang mga ito dahil nagtatalo na naman ito at si Harvey.
Binigyan siya ni Kian ng kopya ng mga pinag-usapan kanina habang wala siya. Tapos na ang program. May ilang bagay na lang ang walang nakasulat na plano.
Binilang niya ang mga blangkong espasyo sa floor plan. Napagkasunduan nilang maghanap na lang ng mga statue or fixtures para sa mga pwestong maluwag pa.
Sunod nilang pinag-usapan ang program.
"We still have to provide four intermission numbers. Saan tayo kukuha ng performer?" Kinakabahan niyang usad.
Ayaw niyang dumating sa puntong kailangan niyang sumayaw at kumanta sa harap ng kanilang batchmates.
That would be horrific considering the fact that she had no talent in the line of performing. Kung pwede lang sana siyang magpinta o mag-drawing sa halip na sumayaw ay gagawin niya.
Malalim na nag-isip si Kian. Mayamaya ay nagliwanag ang mukha nito. "I know some people who can help." Tinawagan nila ang presidente ng dance troupe, glee club at drama club. Pumayag naman ang mga ito sa kanilang hiling.
Kulang na lang ngayon ay isang performance at tapos na sila. Sumagi sa isip niya ang kaklase nilang si Maxene na soloist ng choir. Sa umaga ng Lunes ay kakausapin niya ito.
Kung hindi ito pumayag ay marami pa silang naisip na option gaya ng isang powerpoint presentation o video na maari nilang ipagawa sa multimedia club.
"You know what, we make an awesome team. We should do this more often." Prenteng umakbay sa kanya si Kian.
He was right. Dahil pareho sila ng mga hilig ay madalas na nagkakasundo sila sa mga pagdedesisyon. Sa loob ng maghapon na 'yon ay gumaan lalo ang loob niya rito.
"Yeah. I agree. We should." Aniya. Kumpara sa kanilang apat kanina ay mas marami silang na-accomplish ni Kian dahil nagkakasundo sila at wala ang nagbabangayang sina Mandy at Harvey.
Isang tikhim ang gumulat sa kanila. Hindi siya maaring magkamali.
That familiar scent penetrated her nose. How and why is he here? Tiningala niya ang kararating lang na pigura. He was towering over them, at hindi nakalampas sa kanya ang pagtalim ng ekspresyon nito noong napansin nito ang kamay ni Kian sa balikat niya.
"Hi Quent." Bulong niya. She wasn't even sure if he heard her. Nakakatakot ang itsura nito.
6"Why...I mean ... What brings you here?" Usisa niya sa maliit pa rin na boses.
Hindi maaring napadaan lang ito dahil nasa likod pa ng building ng elementary department ang dalawang building na inuukupa ng high school department. Nasa kabilang dulo naman ng school ang College of Business Administration kung saan ito nabibilang. Mas lalong imposibleng naligaw ito ng daan dahil kagaya niya ay dito rin ito nag-high school.
Sa halip na sumagot ay inabot nito sa kanya ang tsokolateng hawak nito kanina. "You forgot this. It's for you."
Nakapolo at jeans na ito. Medyo basa rin ang buhok nito, malamang ay naligo sa locker room. Nakasabit sa balikat nito ang bag at nakaipit sa braso nito ang makapal na librong dala nito kanina.
Saglit na parang natutuod siyang tumitig lang sa mga mata nito. Dahan-dahan niyang tinanggap ang binibigay nito. "Salamat." Alanganin siyang ngumiti rito. Something in his eyes changed as she said that.
His jaw clenched as his gaze went to Kian's side. Mabilis nitong binalik sa kanya ang mga mata nitong malamig at seryoso. "I'll go ahead." 'Yun lang ang sinabi nito bago ito walang lingon na lumisan.
Ilang segundo niyang tinitigan ang hawak na chocolate. It was her favorite! Heck! Pero kahit yata ano pa 'yon ay magiging paborito niya dahil galing ito kay Quent.
"What was that?" Si Kian ang unang nakahuma sa kanilang dalawa.
"Why did Quent Libiran gave you a chocolate bar?" 'Di makapaniwalang usad nito.
Well she can't blame him, Kahit siya ay hindi pa naa-absorb ang mga nangyari. It was brief encounter but the impact was lasting. Pinilig niya ang ulo sa naisip. Nagiging profound na siya sa mga nangyayari.
Kinuha ni Kian ang chocolate at ininspeksyon iyon. He was clearly amused. "He really gave you a chocolate bar."
That wasn't a question anymore. It was a statement. Sa pagkakataong ito ay puno ng aliw ang boses nito.
Nang binalik nito sa kamay niya ang chocolate bar ay saka lang nag-sink in ang lahat sa kanya. Nakangiti niyng binalik ang atensyon sa papel na listahan ng bibilhin pa nila.
"Cat got your tongue?" Untag sa kanya ni Kian. May bahid nang panunukso ang boses nito. "So I'm guessing Quent Libiran likes you?"
Umirap siya kahit na ang totoo ay tumalon ang puso niya. To hear that from another person's mouth is happiness beyond another level.
"That's kooky. Wag ngang kung ano-ano ang iniisip mo. He's my brother's bestfriend. Mabait lang talaga 'yun. " Saway niya rito.
Ngunit sa halip na tumigil ay nagpatuloy pa ito. "That's the point Kaye. Kahit na umulan at bumaha ng tsokolate sa amin, I would never give Harvey's sister chocolates. I don't want his sister and most importantly, Harvey, to harbor any wrong ideas. That's one of the things a bro can't do. Make a pass on another bro's sister. Kasamahan 'yon ng 'di pagdiskarte sa dating girlfriend ng kaibigan."
"Stop putting things in my mind." Itinago niya sa bulsa ang chocolate.
Kinalas nito ang kamay na nakaakbay sa kanya. "I wasn't okay? Did you see the way he was shooting daggers at me? For a second there I thought he was gonna tore my arms away from your shoulders. I would bet my balls he's into you." Sigurado nitong saad.
"And no way he'd make an effort to walk all the way from the Business Administration Building na nandoon pa sa dulo ng school compound just to give you the damn chocolates. Bakit birthday mo ba? And even if it is, I still wouldn't. Bakit hindi na lang niya pinabigay sa Kuya mo?"
Instead of arguing, she diverted the conversation to their assigned tasks for the upcoming prom. Baka sa kakaulit nito ay maniwala siya sa mga pinagsasasabi nito. "Bahala ka. Kelan tayo mag-start na magpinta?"
"Monday or Tuesday next week. Or whenever it's covenient for everyone. Madali lang naman 'yon." Seryoso sagot ni Kian, nawaglit na sa isip nito si Quent.
Sabagay may punto ito. Mabilis naman siguro nilang matatapos ang mga dekorasyon dahil marami naman sila kaya uunahin muna nila ang pamimili at ang program.
Kian was a great company. Walang humpay ang tawanan nila hanggang sa umuwi sila kinahapunan.
"Nakausap mo na ba si Maxene?" Tanong agad niya rito pagpasok niya. It was Monday already and the prom is scheduled two weeks from that day.
"I told you already. She hates my guts. Pwede bang ikaw na lang?" Pinagsalikop pa nito ang mga kamay na parang bata.
She rolled her eyes. So does that mean that they have to find another performer? Pinasa na niya rito ang number ni Maxene. Pinsan kasi ni Harvey ang babae kaya akala niya ay makukumbinsi ito ni Kian. Mamaya ay iisa-isahin niya ang kanyang contacts. Baka may makikita siyang sagot doon.
Sabay silang naglakad papunta sa kanilang klase. Panay ang kwento nito kung paano nagsigawan sina Mandy at Harvey sa SC room pagkaalis nila noong Sabado. Mabuti na rin pala at nauna na silang umuwi dahil hindi na niya gustong matunghayan pa ang dramang iyon pagkatapos ng pagbibigay ni Quent ng chocolate sa kanya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari. Hindi niya maiitanggi na kahit ilang araw na ang nakakalipas ay gumugulo pa rin 'yon sa isip niya.
She can't believe she's going gaga over a bar of chocolates. Should she overthink about something that trivial? She feels like a fool for doing so.
But a heart that loves sees a spark even in the middle of striking daylight. That tiny spark could fuel a thousand thoughts that keep a person awake for nights.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro