Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

CHOOSE

Palabas na sila nang napansin niya sa tv ang mukha ni Kian. Agad siyang tumingala roon at lumapit nang kaunti para madinig ng maayos ang sinasabi roon.

Ayon sa report ay nahuli ng mga reporters si Tricia na nakikipagdate kay Kian. May ilang pictures nga ng mga ito na magkaholding hands at paulit-ulit ding nirereplay ay footage ng dalawa sa labas ng restaurant kung saan nila ito nakita kanina. The story went on how they were keeping their relationship under the public's nose. Na pinapatunayan daw ng pagpunta pa ni Tricia sa opisina ng lalaki para makipagdate.

Naiiling siyang pumihit para umalis nang natapos ang report. Sa likod niya ay nakamasid sa kanya si Quent na tila inaanalisa ang kanyang iniisip. Parang tumutusok ang bawat titig nito sa kanya habang naglalakad sila pabalik sa sasakyan nito.

Pinagbukas muli siya nito ng pinto bago ito umikot sa kabila at sumakay. Bago sila umandar ay inayos pa nito ang aircon para masigurado na tama lang ang lamig na lumabas doon.

"Are you alright?" Anito nang nasa highway na sila. Nasa kalsada ang mga mata nito pero alam niyang nakikiramdam ito sa kanya.

Tumango siya. "Yeah."

Sumulyap ito ng saglit sa kanya. "Are you sure? 'Cause the reports insinuate that they've been in a relationship for a long time already."

Hindi pa ba nito nahalata ang tunay na namamagitan kina Kian at Tricia? "Well totoo naman 'yon. They have to endure the burden of keeping it under wraps dahil bawal sa trabaho ni Tricia. But naitago naman nila ever since our College years."

Akala niya ay nakuha na nito ang tunay na score sa pagitan ng dalawa kanina nang sabay na umalis ang dalawa sa kanyang opisina. Pero tila lalong naguluhan ito.

"But I thought you were seeing that boy? Didn't manang say na—"

He stopped talking when she chuckled a bit. "Did you actually think that Kian and I were a couple?" Hindi makapaniwala niyang usad.

Gusto n'ya sanang matawa pa lalo pero baka ma-offend ito. Hindi rin nakatakas sa kanya ang pagtawag nito sa kaibigan niya ng 'boy'. Naalala niya ang sinabi nito kanina about her being too close to 'that boy'. Her heart skipped a beat with the thought of him being jealous.

Sa halip na sumagot ay nagtagal ang titig nito sa kanya na parang sinisigurado ang sinabi niya. Talaga bang mukha silang magkasintahan ni Kian? That was absurd, considering the fact that she never saw him in that light.

"Don't believe manang. Sa buong bahay siya lang ang hindi makapaniwala na kaibigan ko lang talaga si Kian. He's just like a twin brother I never had. Nothing more than that." Simple niyang saad para maniwala ito.

Wala na itong tinanong tungkol kila Tricia at Kian pagkaraan 'non. Her phone's incessant beeping caught her attention. Huli na nang na-realize niyang tadtad na pala iyon ng missed calls galing kila Kian, Tricia at Mandy. Pero itong tawag lang ni Gretch ang nasagot niya.

"Ma'am pasensya na po pero andito po kasi sila Sir Kian sa opisina n'yo. Andito rin po sila Ma'am Tricia at Mandy. Kagagaling lang po rito 'nung manager ni Ma'am Tricia." Kinakabahang kinwento nito na pinipilit ng manager na sumama si Tricia pero ayaw nito.

Huminga siya nang malalim, kinalma si Gretch at sinabihan itong umuwi na para magpahinga. "I'll be right there. Ako na ang bahala." Aniya bago putulin ang tawag.

"Can you drop me off at that alley?" Turo niya sa isang area na wala masyadong tao. Kung magpapahatid pa siya sa opisina ay sobrang hassle na 'yon para kay Quent. Alam niyang dinig nito ang mga sinumbong ni Gretch dahil wala namang music o radio na tumutunog para takpan ang nagpapanic na boses ng sekretarya niya kanina.

"I'll take you back to the office."

Hindi na siya tumanggi. Feeling niya kung makikipagtalo siya ay hindi rin naman siya mananalo. Besides, pagabi na at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya kung magbabantay pa siya ng masasakyan sa kalsada.

She thanked Quent as she went out of his car. Ngunit namalayan na lang niya na kasunod niya ito nang pumasok ito sa elevator pagkatapos niya.

"I'm taking you home later. I don't care how late we're going." 'Yon lang ang sinabi nito.

Baon na baon na siya sa utang na loob dito ngayong araw. Pero bahala na. Ang iniisip niya ngayon ay sina Kian. Malala nga siguro ang sitwasyon lalo na't tinawag pa ng mga ito si Mandy na kadarating lang mula sa probinsya.

Dumiretso na siya sa pinto ng kanyang opisina pero imbes na mauna siya ay si Quent muna ang nagpumilit na pumasok. He swiftly walked before her and went in before she even had the chance to grab the doorknob. Saka lang siya pinapasok nito nang nai-check na nito ang kabuuan ng kwarto.

"What happened?" Bungad niya sa mga kaibigan. Nakaupo sa magkabilang sofa ang dalawa. Si Tricia ay bakas pa sa mukha ang pag-iyak habang si Kian naman ay nakamata lang dito. Concerned siyang tumabi kay Tricia na humikbi pa nang nakita siya. Nasa kabila nito si Mandy na busy sa pagtipa sa cellphone nito.

"Are you both alright?" Tanong naman ni Quent sa mga kaibigan niya.

Tumango si Kian dito. She was amused. That was their first interaction in years. Nitong mga nagdaang araw ay tinginan lang ang namamagitan sa dalawa.

"We saw the news guys. What happened here?" Aniya.

"Galit na galit ang manager ni Tricia. Ang dami na naming pictures sa social media at marami na ring balitang na-publish sa mga blogs. Kahit sa opisina ko maraming photographers kaya rito kami pinagtago ni Kuya Ethan. Tricia's manager demands that we break up and not to see each other for awhile. Sa tingin ko tama s'ya. That's the fastest way to kill the scandal." Madilim ang anyong saad ni Kian.

Gulat siyang luminga sa kanyang kaibigan. Was he serious about this? Pagkatapos ng lahat ay susuko na ito?

Kolehiyo pa lang sila ay ang mga ito na. Noong una ay ayaw sana ng handler ni Tricia na may kasintahan ito, pero nagkasundo silang itago na lang ang relasyon ng dalawa kaya kalaunan ay pumayag na rin ito. She understands why she had to deny Kian's existence. She has to appear available to her fans. Some fans lose interest when their idols become taken. Lalo na't may kalove team pa ito at si Kian ay normal na tao lang. Fans can be protective of those tandems and lose sight of the reality behind the façade of a loveteam. At siguro parte na rin noon ang pagprotekta sa private life ni Kian, his family and friends.

Bago pa siya nakahuma ay tumayo si Tricia. Sa kabila ng pag-iyak ay kita ang protesta sa namamaga nang mukha nito. "I told you we're not breaking up. Simula pa lang alam na nila na boyfriend kita. I want to tell the whole world about you. Sila lang naman ang nagpupumilit na itanggi ko." There was panic laced in her voice.

Furious na tumayo na rin si Kian. This is the angriest she's seen him in years. Pula na ito at halatang nagpipigil. "That's what they ordered you to do! You'd have to deny us. Paano ang career mo?"

"I don't know okay? But I can't do this anymore." Nauupos na wika ni Tricia. Muli itong umupo at hinarap sila ni Mandy, tila nahingi ng suporta sa kanila. "I want to go on dates with you freely. I want to hold hands in public...Gustong kong sunduin mo ko sa bahay ng walang takot na may makakuha ng picture natin. Hindi 'yung para tayong mga kriminal na nagtatago sa madla."

Para silang nanonood ng live drama. Kahit si Mandy na laging may comment sa mga bagay-bagay ay umid ang dila. Palipat-lipat lang ang mata nito sa dalawa kagaya niya.

Her heart went out to Tricia. Their dates are indeed held secretly. Kapag umaalis ang mga ito ay magkaiba ang flights at sasakyan ang sinasakyan ng mga ito. Naiintindihan niyang parte 'yon ng trabaho nito pero dumadating din naman siguro sa puntong nakakapagod na.

"What are you going to do? Find another manager? You've been with them for almost six years Tricia. May kontrata ka pang kailangang sundin hanggang January." Asik ni Kian. Pula na ang mga mata nito. The veins in his neck were also sticking out.

"If that's what it takes then yes. I'll schedule an interview. Aaminin ko na ang lahat. Bakit kailangan nating itago, e totoo naman na tayo 'di ba? If they can't accept that, then I'll leave. I'll fight for us. Kahit ako lang ipaglalaban ko tayo." Tricia picked up her things. Tumayo na rin siya at umakma na susunod dito.

Bumaling ito sa kanya at kay Quent na nakahalukipkip na nakatayo sa likod niya. "Sorry for the commotion we caused. Alam ko ring makakaapekto ito sa ad ko para sa mga condo n'yo. I understand if you want another endorser."

Niyakap niya ito. That was the least of her concerns right now. Ang gusto lang niya ay mawala na ang lahat ng negativity sa relasyon ng dalawa.

"Regardless of what happens, the project's still yours. " Sambit ni Quent para pakalmahin si Tricia. Sumulyap siya rito para magpasalamat. That was really kind of him.

Pagkatapos muling magpasalamat ay nagpaalam na sa kanila si Tricia. Humahangos na hinabol ito ni Kian na tila ngayon lang narealize ang mga pinagsasabi nito kanina.

Nagmamadali namang sinundan ang mga ito ni Mandy para ihatid si Tricia dahil siguradong mas lalaki ang issue kapag si Kian ang naghatid dito. She was left with Quent again in their office.

Wala silang imikan hanggang sa nakauwi sila. Nalulungkot man siya para kina Kian ay alam niyang malalampasan ng mga ito 'yon. A love as strong as theirs can only lead to the altar.

Sa kabila ng lungkot na nararamdaman ay hindi niya mapigilang humanga sa mga ito lalo na kay Tricia na willing isuko ang lahat para lang kay Kian.

Will she ever have that kind of love?

A love so compelling that it is willing to give up everything? All she can do is hope now. Maybe one day.

Pinanood niya ang papalapit na view ng kanilang tahanan sa labas ng bintana. Dahan-dahan ngunit steady na tumigil ang sasakyan ni Quent sa tapat nito. Bukas ang main gate kaya marahil ay kakauwi lang ng isa sa kanyang mga kapatid.

"Thank you for today Quent. I really owe you a lot." Truthful niyang usad sa binata na nakatuon pala ang pansin sa kanya. His eyes spoke volumes of emotions she could even begin to take in. Like she was a really hard puzzle he wanted to solve. Pero hindi nito alam kung paano.

Iniwas niya ang tingin dito at inalis ang kanyang seatbelt. Nakasalubong niya ang kapatid na hinihintay yata ang kasama niya.

She didn't bother to eat dinner dahil bukod sa busog pa siya sa pasta na kinain nila ni Quent ay talagang magulo ang isip niya sa lahat ng mga nangyayari.

Akala niya ay makakatulog na siya pero hindi siya dalawin ng antok kaya nagpasya siyang magpinta sa terrace ng kwarto niya. Hindi na niya namalayan ang oras kaya malapit nang maghatinggabi noong naisip niyang linisin ang mga gamit niya at magpahinga na.

Sakto namang sinilip niya ang cellphone at nabasa roon ang text ni Kian. Nasa labas daw ito. Nang dumungaw siya sa ibaba ay naroon nga ito kaya hindi na siya nagdalawang isip na puntahan ang kaibigan.

Her friend was wearing the same clothes he left her office with. May naamoy din siyang kaunting alak nang lapitan niya ito. They sat by the road gutter sa harap ng sasakyan nito at ni Quent na mukhang kainuman pa ng Kuya niya sa may swimming pool.

"Are you alright?" Panimula niya. Of course he looked horrible. But she didn't know how she could strike a conversation with Kian at his state. Sa loob ng ilang taon ay ngayon lang niya ito nakitang ganito kawasak.

Mapait na ngumiti ang kaibigan niya. "I wish I could say I'm fine." His eyes were bloodshot as he laid his head on her shoulder.

"Anong gagawin ko Kaye?" Bulong nito sa kanya. "Bibitawan ko ang isa sa pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko at hindi ko alam kung paano ako makakabangon pagkatapos nito."

She wanted to weep for her friend. Alam niyang mahal nito si Tricia. Hindi ito magtitiis sa kakarampot na oras na naiibigay dito ng babae kung hindi ito seryoso.

"I don't want to lose her but I don't want her to lose her dreams just because of me." Dagdag pa ni Kian. "Kasama niya ako sa bawat audition noon, sa bawat callback at photoshoot kaya alam ko na ito ang pangarap niya Kaye. At ayokong mawala ang lahat ng ito dahil bago pa ako dumating sa buhay n'ya, ito na ang pangarap niya."

Tears escaped from her eyes as Kian tried to stiffle a whimper. "Gusto ko siyang ipagdamot, Kaye pero ayokong ilayo siya sa mga pangarap niya. "

"Am I an idiot for letting her go? Dapat ba pumayag ako na ipaglaban siya? Mali ba na bumitaw ako?"Pumiyok ito sa huling sinabi, hindi na napigilan ang pag-iyak.

Nahahabag niya itong inakbayan at hinayaang umiyak. "Of course not. You just did what you thought was right for the both of you. You've done a selfless act and I think you shouldn't blame yourself for doing so."

Malungkot na ngumiti sa kanya si Kian. "Can you check on Tricia? Hinatid siya ni Mandy. I don't know kung nakauwi na ba sila."

She smiled. Despite the situation ay iniisip pa rin nito ang kasintahan. Kinuha niya ang cellphone at nandoon ang malanobelang text ni Mandy na nagsasabing inuwi muna nito sa condo unit nito si Tricia at nagpapahinga na ang babae.

Medyo umaliwalas ang mukha ni Kian nang binalita niya ang sinabi ni Mandy. "At least she's safe now. Please keep an eye on her. Help her get back on her feet. Tell her I am doing well."

She could see that he was trying to hold back his tears. Kaya hinayaan na lang niya itong magkwento. Anito ay nagkasagutan pa ang mga ito sa basement ng kanilang opisina dahil ayaw sumabay ni Tricia kay Mandy pauwi.

In the end ay nakipaghiwalay si Kian kay Tricia at nauna nang umalis papunta sa isang bar sa Makati. Hindi muna ito umuwi dahil alam nito na roon unang pupunta si Tricia kung sakali.

Nakukuha niya ang punto nito. Pero papaano kung ito ang pinipili ni Tricia? What if she's really willing to leave the limelight to be with him?

Sa halip na isatinig ang mga nasa isip ay nakinig na lang ulit siya sa mga kinukwento nito. Pinipilit ni Kaye na huwag mamili ng kakampihan dahil pareho niyang kaibigan ang mga ito and all she really wants is for them to be happy.

The wounds are still fresh and he's too fragile para basagin niya ang natitirang katinuan nito. For tonight, she will be his rock and supporter. Alam naman niyang sa mga susunod na araw ay mapapagdesisyunan nito ang nararapat nitong gawin. More than anything ay kailangan nito ng kausap at makikinig dito.

"You do know that eventually you have to face her right?" Tahimik na saad niya. Hindi nito habang buhay na pwedeng iwasan na lang ang babae, lalo na't nasa iisang grupo sila. Their paths will cross at hindi iyon mapipigilan. Kaya hindi man ngayon ay sa mga darating na araw ay kailangan nitong magdesisyon kung ano ba talaga.

Tumango ang kaibigan niya. "Of course I do... Pero ayokong hindi siya bigyan ng option na ituloy ang mga pangarap niya. I don't wanna be the guy she sacrifices everything for. 'yon sa kanya. Dahil hindi naman ako mawawala sa kanya. I am for her. Sigurado ako roon. I will always be waiting until she achieves everything she wants."

Pagkalipas nang ilang minuto na pagkukwento at paglalabas ng sama ng loob ay tumayo na ito. She also stood up and gave him a hug, hoping that everything will be alright soon.

Mahigpit din siyang niyakap at pinasalamatan nito. He chuckled before he spoke. "I have just one last request for tonight... Can you take me home?"

Gulat man ay natawa rin siya sa tinuran nito. For the first time in a couple of years ay siya naman ang maghahatid dito. The last time she did this was when he got drunk on their graduation party. Marahil ay ngayon pa lang nito nararamdaman ang epekto ng alak. He was blushing. Maybe both from the alcohol and from crying.

"Sige. Give me your keys." Nilahad niya ang kamay dito.

Malapit lang naman ang bahay nito kaya maari siyang maglakad na lang pauwi. Safe namang maglakad kahit gabi na dahil bukod sa tadtad ng CCTV ang kanilang village ay marami namang guard na nagroronda roon. Or she can take his car back home. Bukas na lang nito kukunin iyon.

Sa halip na ibigay sa kanya ang susi ay nilaro nito iyon sa mga daliri nito. "Last question before we go... If you were me, what would you choose?"

Ang pagsagot niya ay naantala dahil sa pagtikhim sa likod nila. Hinarap ni Kaye ang pinanggalingan nito. She saw Quent, his eyes were boring into her also waiting for her to answer.

Parang bumaliktad ang lahat ng kinain niya mula kahapon dahil sa kaba na bumabalot sa kanya. Bakit ngayon pa ito lumitaw? How can he be this good with timing his entrances?

"Would you choose to fight, despite all the odds against your relationship?" Muling usisa ni Kian sa kanya, forcing her to answer truthfully.

Hindi niya alam kung bakit siya ang tinatanong nito. Mukha ba siyang may boyfriend? Or at least ay may karanasan sa mga ganitong bagay?

Pinilig ni Quent ang ulo, tila naghihintay pa rin sa isasagot niya. His eyes were directed at her in a serious stance. Iniwas niya ang mga mata rito at inalala ang tanong ni Kian.

It was a tricky question. It was one of those questions that you only get to decide on once you're in that exact moment. And there usually is no correct answer.

It basically asks to choose between one's own happiness or other people's. Kahit ano man ang piliin ay may kailangang isakripisyo at bitawan.

At the back of her mind, of course she wants to choose her happiness over others. Pero kung mangyari na kaya sa totoong buhay ay kayanin niya?

Muli ay napadako kay Quent ang mga mata niya. Nandoon pa rin ito, wala pa rin balak umalis. Dahil kung mayroon ay lumiko na ito papunta sa bahay nito.

Napatigil siya sa pagkaalala sa Kuya niya, kung sakaling maging sila kaya ni Quent ay papayag ito? Masira kaya ang ilang dekada nang pagkakaibigan ng mga ito? Paano ang kanyang mga magulang? Parang anak na rin ng mga ito ang lalaki. Would they still treat him the same?

She did't want to be selfish. Ayaw niyang piliin ang sariling kaligayahan kapalit ng pagkasira maraming mga relasyon.

But then again, the chance to be with that one great love is something that one simply can't pass on. Hindi lahat ay pinapalad na umibig at ibigin pabalik. In fact, ay hindi siya masyadong swerte sa larangan na iyon.

Kaya paano nga ba?

She drew a deep breathe before she answered. "Well, that is a tough choice... but right now... I'd choose to be selfless." Hindi sigurado niyang saad, diretso ang titig kay Quent. Saglit na nagsisi siya nang napansin ang pagkadismaya sa mga mata nito.

Pero nagpatuloy pa rin siya, ngayon ay kay Kian na nakatingin. While she's at it, nais niyang ipaaalala kung gaano ito kapalad. "But I still haven't experienced that kind of love yet...'Yong tipong bibitiwan ko ang lahat para lang makasama siya. Not everyone who fall inlove gets loved back in return. Who knows, maybe when I get there... when I find him, I'll choose to fight. Dahil hindi lahat nakikita 'yung para sa kanila. When you eventually find that someone, bakit mo pa gugustuhing bumitaw?"

Kian was dazed with her answer. Alam niyang hindi nito inaasahan ang sagot niya.

But what she said was true. Not everyone experiences the bliss that love brings and it is not wrong for others to sacrifice other things just for it.

Nang makahuma ang kanyang kaibigan ay tumagos sa kanya ang titig nito. "How 'bout you Quent? What would you pick?" There was a hint of challenge in his voice as he returned his gaze into her.

Ano ba ang ginagawa nito? This was not the proper time for a Q&A. And they are not exactly close para humingi ito ng love advice sa lalaki.

Aayain na sana niya si Kian paalis pero narinig niya ang tikhim ni Quent bago ito nagsalita. "I wish I could give an answer as unselfish as Kaye's. Pero kahit ano pang kapalit, mas pipiliin kong maging madamot. I'll blindly give up everything to get her. Anything. Just to have her by my side."

Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang pait sa boses nito. Nang sulyapan niya ito ay natuklasan niyang nakamasid na ito sa kanya. His face was frustrated but so much determination could be grasped from his eyes.

He drew another sharp breathe as he spoke. "Hindi madaling pumili. To have that constant fear that she might find someone more worthy because you keep on hesitating. Ang isampal sa iyo ang katotohanang guguluhin mo lang ang buhay niya. Everyday, you would struggle to keep yourself at bay when all that you ever wanted to do is hold her. To keep her for yourself."

Ngayon ay wala na siyang nagawa kundi labanan ang titig ng abuhing mata nito. To see him this broken breaks her heart even more. Napakaswerte ng babaeng tinutukoy nito. That girl better pick him over anyone because if it were her, she would.

Hindi niya alam kung ano ang mas masakit. Ang malaman na may gusto itong iba o ang makita itong nahihirapan at nasasaktan sa harap niya mismo at wala siyang tanging magawa kundi ang makinig.

"Pero hindi ako magpapakain sa takot na 'yon. Dahil mas hindi ko kakayanin na makita siyang masaya sa piling ng iba. That would be suicide. To see her get married to someone else, when she's all that I could imagine waking up next to until my dying days. Or to have her bear another man's child when I've already dreamt of the future I want to have with her... Call me crazy or greedy. But I will hold on and constantly choose her until my last breath."

Tumalikod siya kay Quent dahil baka makita nito ang nagbabadya niyang mga luha. He sounded so in love with that woman.

Why did she have to fall for him anyway?

Loving him over the years has been one of her hardest hurdles. Hindi ito kagaya ng examinations na napapag-aralan at mga designs na napapagplanuhan, maaring palitan at i-layout ng paulit-ulit sa computer.

Falling for him was like driving with a busted tire. Delikado. Bawal. Walang kasiguraduhan. Sa kalagitnaan ng biyahe ay maari itong masira nang tuluyan.

"But I won't go to a war without any kind of ammunition. Hindi pwedeng sugod lang nang sugod. Hangga't maari ay pipilitin kong maging madali ang lahat para sa kanya. In your case, if I could find a way to let her keep both her career and love then, I'd move heaven and earth just to give her that. However, letting her go won't be a choice I would consider."

Sa halip na ma-offend ay ngumisi si Kian. "Then let's go." Aya nito sa lalaki. Sa kabila nang lahat ay pansin niya ang amused na ngisi ng kanyang kaibigan. Lumampas sa kanya ang bato nito ng susi at dumapo iyon sa palad ni Quent.

Ngayon ay wala na siyang choice kundi sulyapan ito. He's coming too?

Tahimik silang tatlo sa sasakyan ni Kian. Sa unahan ang dalawa habang nag-iisa naman siya sa likuran. Ayaw na sana niyang sumama ngunit kinakabahan siya sa mga ito. Malay ba niya kung magkainitan pa ang mga ito ng ulo.

They stopped at a blue Mid-Century Modern house. Bumaba na siya para patunugin ang doorbell. Sumunod sa kanya si Kian, habang naiwan naman si Quent para ipasok sa garahe ang sasakyan ng kanyang kaibigan.

Umiiling na inakbayan siya ni Kian. "I think he's really in love with you. He's even blabbing about marriage and kids." He sounded tipsy.

May sasabihin pa sana ang kanyang kaibigan pero lumapit na sa kanila si Quent. Nakatitig ito sa kanya. His stares were really bugging her out. Parang napapaso na inalis ni Kian ang kamay sa kanyang balikat at isang beses pa siya nitong niyakap para magpasalamat.

Hinarap nito si Quent na nakatayo sa likod niya. Quent looked serious but the irritation she often saw in his face when Kian is around was not there.

"We'll go ahead." Anito.

Nakangiting nagpaalam sa kanila si Kian. "Take care of my bestfriend, Prince Charming." Paalala pa nito sa kasama niya bago pumasok.

Gusto niyang sampalin si Kian sa itinawag nito kay Quent. Nababaliw na ba ito? Mabuti na lang at hindi na nag-usisa ang lalaki.

They were still silent on the way back. Hindi niya inakala na darating ang panahon na mag-uusap sina Kian at Quent.

But life is unpredictable. Hindi nga rin niya inasahan na maghihiwalay sila Tricia at Kian pero eto sila ngayon.

Now that she's at it, hindi pa pala niya ito napapasalamatan sa pagiging mabuti nito sa mga kaibigan niya.

Huminga siya nang malalim bago siya nagsalita. "Thanks for being nice to my friends." Tapat niyang wika rito. Wala naman itong obligasyon na kaibiganin din sila pero nakikita niyang nag-eeffort ito.

Sumulyap ito sa kanya na para bang wala lang iyon. "Can I ask you a favor?" Determinado nitong wika, like his life depended on it.

Her heart stomped at the sight of his unsure expression. Tila kinakabahan ito kahit hindi naman dapat, dahil kahit anong hilingin yata nito ay mapapagbigyan niya sa abot ng kanyang makakaya.

Nasa bulsa nito ang mga kamay, tila doon kumukuha ng lakas ng loob.

"I just have to straighten and clear somethings out with some people, Kaye... But when the timing is perfect, can you promise to hear me out?" Sumamo nito.

Nasa labas na sila ng bahay nila kaya tumigil na sila. Lito man sa ibig sabihin nito ay tumango na lang siya. "Okay."

Pilit niyang binigyan ito ng ngiti. She gently tapped his shoulder and tried to sound as sincere as she can muster. Hindi niya alam kung pagsisisihan ba niya ito sa huli pero bahala na. They were kind of friends so she has to say yes.

Was he also in need of a love advice? It was ironic if he is, because she's been in love with him for as long as she could remember. And it would be brutal if he were to ask for her opinions about the woman he likes.

Nag-iba ang ekspresyon nito. There was a faint but hopeful smile on his face. He looked at her as if she spoke with an interesting language he's never heard of. Like he has seen colors for the first time in his life. "Thank you, Kaye. Goodnight."

Pareho silang napalingon sa mga nagwawalang aso ng kanilang kapitbahay. It was probably because they noticed them there at the wee hours of the night.

Hinatid na siya nito sa harap ng kanilang gate.

Pag-akyat niya sa kanyang kwarto ay imbes na makatulog agad ay nanatili siyang mulat at hindi dinadalaw ng antok. She was really lost. Hindi niya alam kung paano pa haharapin ang nararamdaman niya para kay Quent.

Pakiramdam niya ay nasa gitna siya ng dagat, sinusubukang lumalangoy papunta sa mababaw na dalampasigan pero pilit pa ring inaanod at tinutulak ng walang awang alon sa malalim na tubig para muling malunod.

She once read that, whatever it is you're running from, goes with you. And it stays until you find out how to confront it.

She crazily thought that she was fine already. Na kasamang lumipas ng mga taon ang sakit, takot at pagmamahal niya para sa lalaki. That she was finally free from the grappling tides pushing her in the sea.

But, boy was she wrong. Because here she was again, slowly losing air as she let the waves take her into the deep once more.

She stepped out of the terrace of her room to feel the cold breeze of December against her skin and maybe, just maybe, that would give her the answers to all the lingering questions in her mind and let her overcome all the worries she has.

Pumikit siya at hinayaan ang mabining hangin na dumampi sa kanyang mukha. Bahala na. Sabi nga sa kanta, whatever will be, will be. She's tried resisting the waves and got hurt in the process. Ngayon ay hahayaan na lang niyang dalhin siya nito sa nararapat niyang puntahan.

Somehow, the decision to leave everything to fate gave her peace.

Bago pa niya mabuksan ang ilaw ay napansin na niya ang isang pigura ng lalaki na hindi pa rin umaalis sa kanilang harapan. It is obviously Quent, judging from his clothes and stance. Nandoon pa rin ito sa pinag-iniwan niya rito. Nakaupo na tila ba may malalim na iniisip. He seemed lost and perplexed from afar. Sinilip niya ang relo sa loob ng kanyang kwarto.

It was almost 1 in the morning. Sa rami ng naganap ay nawaglit na isip niya ang mga gagawin niya sa trabaho. Kaya naman humiga na siya at natulog na.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro