Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

ANYWHERE

"Good morning." Bati niya kay Quent na kadarating lang. Umupo na ito sa likod ng table nito. Mas maaga siyang dumating dito dahil nang bumaba na siya para pumasok ay wala pa ito at ang Kuya niya. Marahil ay nag-breakfast pa ito kaya medyo tinanghali.

Seryoso itong bumati rin sa kanya. What is up with him? Kahapon pang may toyo ito sa utak. She wants to ask but she's still looking for the right timing to approach him. Parang napakaimposible naman kasi ng sinasabi ni Kian na nagalit ito sa kanya dahil sabay silang nananghalian kahapon.

They resumed work with that bothering animosity surrounding them. Dalawang plano na ang natatapos niya nang bumaling siya rito. Kanina pa siyang nakikiramdam kung kakausapin siya nito pero ilang oras na ang nagdaan pero wala pa ring nangyayari.

Malamang ay naramdaman nitong nakatingin siya kaya sumulyap ito sa kanya. Nakagray na suit ito at trousers na itim.

Their gazes locked for awhile. Ano ba kasing bumabagabag dito? She wanted to ask him why he was sad. Kita niya sa mga mata nito na hindi ito galit sa kanya. At kung mayroon man itong sama ng loob ay mukhang hindi naman ganoon katindi. Sadness was still more prominent than anger.

Malungkot siyang bumitaw sa titig nito. Nilunod niya ang sarili sa trabaho. Nakumpirma niya na hindi ito galit nang dalhan siya nito ng meryenda. Kinain niya iyon habang tinatapos niya ang huling batch ng folder ng mga dapat niyang icheck. Pagkatapos niyang magpasalamat ay hindi na ulit niya ito tinignan.

Ang boses ng sekretarya niya ang bumasag sa katahimikan sa pagitan nila.

"Ma'am Kaye. Sir Quent. Pinatatawag po kayong dalawa ni Sir Ethan sa taas." Gretch said through the intercom.

Unang nag-ayos ang kasama niya at umaktong palabas na ng pinto. "Let's go?" Anito sa kanya. He looked at her with that mysteriously frustrated expression again. Na para bang isa siyang puzzle na hindi nito mabuo.

Kinuha lang niya ang cellphone at tumayo na siya para umalis. "Tara." Yaya niya sa lalaki.

They silently threaded across the corridor. He pressed the up arrow button.

Sumulyap siya sa seryoso nitong mukha habang nasa harap na sila ng elevator. Tila malalim ang iniisip nito.

Huminga siya ng malalim at tumikhim para makuha ang pansin nito. "Quent."

His face softened for awhile when he looked at her. Ano kayang iniisip nito? Kung galit ito sa kanya ay hindi siya nito bibigyan ng merienda kanina. Kaya sigurado siyang hindi. At 'yon ang nagpapalakas ng loob niyang kausapin ito.

"Are we okay?" Alanganin niyang tanong. Sumugal na siya kahit medyo natatakot siya sa inis na nakabalatay sa mukha nito.

Madilim ang anyo na sumulyap sa kanya. "I'm sorry but I just can't get it off my mind. But why are you so close with that boy?" Naiiritang usad nito. His jaws were clenching and there was a sharp edge to his voice. Ngayon lang niya ito nakitang ganito ang reaksyon. Saglit siyang nangilabot sa pait ng tono nito.

Ang tangi lang namang kasama niya palagi ay si Kian at Clark bukod sa Kuya niya. Imposibleng ang dalawang kaibigan nito ang tinutukoy nito kaya sigurado siyang ang kaibigan niya ang tinutukoy nito. What is his problem with Kian?

Quent stepped out of the elevator before her kaya hindi nito nakita ang pagbuka ng bibig niya para sagutin sana ito dahil sa pagsulpot ni Ethan.

"Where have you guys been?" Untag sa kanila ng Kuya niya na nakasalubong nilang papasok na sa opisina nito.

Her brother, Tricia, Clark, Quent and three other men were in the room. Masayang nagkukwentuhan sina Tricia, ang maliit na lalaki at si Clark habang tahimik namang nakamasid lang ang dalawang lalaking maskulado.

Inabot niya ang kamay sa maliit na lalaking nakasuot ng pink na sa palagay niya ay manager ni Tricia. At ang dalawang maskulado ay bodyguards.

"Miss Sy." Pagkatapos na tanggapin ang kanyang kamay ay bumeso pa ito sa kanya. Nang nagkalapit sila ay napagtanto niyang nakita na niya ito kung saan. Baka sa isang event ni Tricia. Ganoon din ang pagbati na ginawad nito kay Quent. She saw admniration evident on the manager's eyes when he laid his sight on Quent.

Magiliw siyang binati ni Tricia na nakayellow na long-sleeve dress. "Kaye! I miss you." Yumakap pa ito sa kanya.

Natawa siyang gumanti sa yakap nito. "I miss you too. But I know someone who misses you the most." Binulong lang niya ang huling sinabi.

Nahihiya itong ngumiti sa kanya. Tricia was her friend since college. Bukod kay Kian ay ito lang ang nadagdag sa maliit niyang circle of friends. Saglit lang nila itong nakasama noon dahil noong second year na sila ay may nakadiskubre ritong talent scout at mula roon ay nagtuloy-tuloy na ito sa pagpasok sa magulong mundo ng show business. Pero sa kabila nang paghinto nito sa pag-aaral ay hindi naputol ang pagkakaibigan nila. Kapag may oras ay sumasama ito sa kanilang mga lakad at madalas din nila itong katawagan at katext.

"Tricia, this is Quent Libiran, sila ni Kaye ang magiging lead ng project na ia-advertise mo. Quent, this is Tricia Soriano, our endorser." Pakilala ng Kuya niya sa dalawa. Agad na nagkamayan ang mga ito.

She almost swore to kill Kian when she saw an amused grin on Tricia's face as she sat down beside her manager. Napakachismoso talaga ng kaibigan niyang iyon.

Balewalang umupo si Quent sa tabi niya pagkatapos na ipakilala ito ng Kuya niya sa manager ni Tricia. Tahimik lang na nakikinig ito sa usapan. Kita niya ang paninitig nito sa dulo ng kanyang paningin.

Pagkapirma ni Tricia ng kontrata ay nagpasok ng wine ang secretarya ng Kuya niya. Pagkatapos ng kaunting pang pagpupulong ay nagpaalam na ang mga ito.

"Guys there's no turning back now. We've already paid the downpayment for Tricia's service. Kamusta ang plano? May nasimulan na ba kayo? " Tinago ng Kuya niya ang kopya nito ng kontrata sa vault nang silang apat na lang ang naiwan.

They were lucky Tricia accepted their offer. Kung hindi niya ito kaibigan ay sigurado siyang hindi nila ito bastang makukuha.

Being a sought-after actress, she had the connections and an established fanbase that'll surely benefit them. She's also known for picking her endorsements with caution kaya sigurado siyang plus points din 'yon sa kanilang credibility.

"I'm almost done with the structural plan of the second building. Ipapasa ko na 'yon sa'yo bukas Quent." Si Clark. Kinulbit pa nito ang katabi na halatang distracted.

"Nagsisimula na ako sa unang condo model. Baka sa isang araw ay maipasa ko na iyon kay Kaye." Usad ni Quent na kay Clark na ngayon nakatingin.

Mukhang dapat na siyang magdouble time sa mga papel na nakatambak sa kanyang mesa. Hindi pa rin kasi siya nakakapaghanap ng design team. At the most, ay kailangan na niya ang mga ito sa Biyernes.

They had three condo buildings to construct and fully furnish. Ang structure ay pinaghatiaan nina Clark at Ethan habang si Quent naman at siya sa architectural plan at interior nito. They had to finish everything by the middle of December dahil ipapasa pa 'yon sa board at sisimulan na sa January.

Mayroon pa siyang ilang high-profile clients na kailangang i-meet sa susunod na linggo, construction at renovation sites na dapat bisitahin at pati ang bahay nila Quent ay dapat na niyang simulan sa lalong madaling panahon.

Nagpaiwan si Clark sa opisina ng kanyang kapatid kaya silang dalawa lang ni Quent ang sumakay sa elevator pababa. The silence between them was deafening.

Hindi niya alam kung itutuloy ba nila ang usapan nila bago dumating ang Kuya niya. Marami siyang gustong itanong pero hindi niya alam kung saan at paano siya magsisimula. Natatakot din siyang ungkatin ang buhay nito dahil ayaw niyang may malaman na makakasakit sa kanya.

She patiently waited for the closing of the doors. Parang na namang may nagtatambol sa kanyang dibdib. Napawi ang kaba roon nang makatanggap siya ng tawag. Saglit na nawala sa isip niya ang tension na kanina pang namamayani sa kanya at sa kasama niya sa elevator.

"Kian." Sagot niya sa kaibigan na nasa kabilang linya. Sumulyap siya sa katabi na bahagyang nagsalubong ang kilay at malamig ang titig sa kanya. Ikinagagalit ba talaga nito na sobra silang malapit ni Kian? Bakit?

Hirap man ay pilit na itinuon niya sa sinasabi ng kaibigang nasa kabilang linya ang kanyang atensyon.

"Really? I'll be right there." She exclaimed when he told her where he is and who he's with.

Sabay silang lumabas ni Quent sa floor ng kanyang opisina. Alam niyang nakikiramdam ito sa kanya dahil ramdam niya ang mga mata nito sa kanyang likod. Hindi niya alam kung paano pa ito aatakehin kaya dumiretso na siya sa kanyang opisina.

She's honestly torn between letting her curiosity rule over or letting everything take its route. Both could lead into a heartbreak kaya natatakot siyang sumugal sa kahit ano.

"Hi!" Magiliw na bati niya sa pares na nakaupo sa sofa. Parehong nakakaloko ang mga ngiti ng dalawa nang napansin nito ang kasama niyang pumasok.

"Uhm...Tricia, you remember Quent from upstairs, right?" Pakilala niyang muli sa mga ito. Nginitian ng kaibigan niya si Quent na magalang na ngumiti sa dalawa bago nagpunta sa mesa nito.

"Why are you guys here?" Tanong niya kina Kian pagkaupo niya sa harap ng mga ito. Mag-aalas dose na kaya dapat ay nananghalian na ang mga ito. She has to eat too.

"We wanted to invite you for lunch... Will you come with us, please?" Malambing na ungot sa kanya ni Tricia.

That was tempting. Tama ito, buwan na ang mabibilang mula pa noong huli silang nagkasama.

"I want to but I can't. I'll pass." Tanggi niya. As much as she wants to be with them, alam niya rin naman na kailangan naman ng mga ito ng alone time.

Disheartened na lumapit sa kanya si Tricia. "C'mon Kaye. Please?"

Sinulyapan niya si Kian na nakamasid lang sa kanila. Nginisihan niya ito. Her friend deserves this date with Tricia. Sa facetime lang ata nagkikita ang mga ito nitong mga nakaraang linggo.

"Magpapadeliver na lang nga ako ng lunch because I have to meet someone at 1pm sa itaas. Once my sched loosens up, I'll give you a call. Promise. We'll have dinner or something. Sama natin si Mandy and Lucas." Banggit niya sa boyfriend ni Mandy.

Tinaboy na niya ang dalawa pagkatapos 'non. With Tricia's tapings and guestings, she'll doubt if the lunch date will last up to an hour.

Hinatid pa niya ang dalawa palabas ng opisina niya. "Have fun okay?" Kinindatan pa niya si Kian na ngumiti sa kanya para magpasalamat.

"You owe me." She mouthed to him.

Bago siya bumalik sa loob ay nagpatawag na siya ng pagkain kay Gretch mula sa canteen. Bahala na.

She heard Quent clear his throat as she entered the room. Nagkusa na siyang pumunta sa ref at kumuha ng dalawang bote ng mineral water. Ipinatong niya ang isa sa mesa ni Quent.

"Thank you." His serious eyes were fixated on her as she gulped water, giving off intense feeling she couldn't name.

Sa halip na kausapin ito ay sinulit niya ang libreng oras para tapusin ang naghihintay na trabaho. Pinirmahan niya ang ilang kontrata at mga memo pagkatapos niyang basahin ang bawat isa sa mga ito.

Nang dumating ang pagkain ay tila nagulat pa si Quent na isama niya ito sa order. Pagkabigay rito ng isa pang tray ng pagkain ay bumalik na siya sa ginagawa. Walang imik na kumain silang dalawa habang tinutuloy ang kani-kanilang mga trabaho.

"Ma'am Kaye, andito po si Sir Ethan." Anunsyo ni Gretch sa intercom. Sanay na siya sa pasulpot-sulpot na pagbisita ng Kuya niya sa opisina niya. Marahil ay may problema ito.

"Send him in." Aniya at sinabihan itong tapos na silang kumain kaya maari na nitong ipakuha ang mga iyon sa canteen staff para ibaba ang mga kinainan nila.

Mayamaya ay inuluwa ng pinto ang dalawa. Hinintay muna ng Kuya niyang umalis ang kanyang sekretarya bago ito nagsalita.

"Kaye you need to meet Mr. Antonio later at 2. He has an urgent flight to Sweden tomorrow. Baka hindi tayo makaabot ng deadline kapag hinintay pa natin ang pagbalik niya."

Chineck niya ang calendar sa kanyang desk para tignan kung may appointment siya. Blangko naman ang araw na iyon. Nagdahilan lang siya kanina kina Tricia para mapag-isa ang mga ito. Ngunit may isa siyang problema.

"I didn't bring my car Kuya. I have to go now if I want to make it there by two." She didn't now what struck this bad luck streak upon her but since last week, she's been bombarded with accidents and unfortunate events. Kaninang umaga ay kinailangang ichange oil ang kanyang kotse kaya napilitan siyang sumabay kay Kian.

Medyo malayo kasi ang opisina ni Mr. Antonio. And considering the traffic situation on Manila, she has to leave now.

"Okay. I'm sorry I can't join you, susunduin ko si Che mamayang alas-tres sa airport." Ani ng Kuya niya.

"No problem Kuya. Marami namang taxi." Sinumulan na niyang hagilapin ang mga importanteng papeles at planong kailangang nilang pag-usapan ni Mr. Antonio.

"Pero marami kang dalang blue print at may laptop ka pang dala hindi ba? It's dangerous out there. Maybe Kian can drive you there—"

"I can take her." Untag ni Quent na kanina pang nakamasid lang sa kanila. Seryoso itong nakatitig sa kanya kaya kita na niya ang determinasyon sa mga mata nito na tila hindi papatinag kung tumanggi man siya.

"Sige. Mag-iingat kayo ha. I have to go." Hindi na siya binigyan ng Kuya niyang chance na makatanggi dahil umalis na ito.

"Let's go?" Tumayo na si Quent at inayos ang tupi ng sleeves nitong bahagyang nalukot. Kita niya kung paano bumakat ang biceps nito sa simpleng galaw lang na iyon.

Sinabit niya ang bag sa kanyang balikat, pilit na nilalayo ang pansin sa mga braso nitong kaya yata siyang buhatin at itapon nang walang kahirap-hirap. "You don't need to drive me there. I can manage. Don't you have to work on those folders in your desk?"

Doble ng dami ang papeles na kailangan nitong aralin kaya nagdadalawang isip siya na abalahin ito.

Wala na siyang nagawa 'nong dinala nito ang laptop sleeve niya at dumako na sa pinto. "No. Sasamahan kita." There was a tone of finality in his voice. Wala na siyang nagawa kundi sundan ang lalaking nauna sa kanya palabas.

Pagkatapos niyang magpaalam kay Gretch ay sabay silang lumakad ni Quent papunta sa elevator. She pressed the basement button.

They were silent while the elevator was making its way down to the basement. Tinanguan niya ang guard na sumaludo sa kanila nang sinapit nila 'yon at tinahak ang daan palapit sa hilera ng mga kotseng nakaparada roon.

Pinauna niyang maglakad si Quent dahil hindi naman niya alam kung alin doon ang sasakyan nito.

She heard the car alarm of a black Range Rover click. Hindi na siya namangha dahil latest model iyon. He used to drive a convertible back when he was still studying here kaya alam niyang hindi basta-basta ang binili nitong sasakyan.

Ilan na kayang babae ang naisakay nito roon? Did he bring them home after their dates? Or do they spend the night together? Maybe they made out inside that car. Her heart swelled at the idea of him riding that car with another girl on a date. Tila sampung punyal ang sumaksak sa puso niya dahil doon.

Iyon ang nasa isip niya kaya medyo natagalan siya sa pagsakay nang pinagbukas siya nito ng pinto. She glared at him as she slowly entered his car.

Pagkasakay niya ay saka lang ito umikot papunta sa driver's seat. She held her chest and inhaled deeply as soon as she went in his car.

His car screamed new all over. Walang muebles doon bukod sa maliit na rosary na nakasabit sa rearview mirror. Pinanood niya si Quent na ayusin ang anggulo ng nasabing salamin. Seryoso pa rin ang mukha nito na tila ba may bumabagabag sa utak nito na hindi nito masolusyunan.

Kaye's been keeping her cool but she's still nervous from being this close to him. Regardless of the animosity between them, the jittering in her tummy and the erratic beating of her heart are still constantly present when he's around.

She inhaled his familiar scent and put on her seatbelt. Iyon din ang ginawa nito.

"Your car smells new." Komento niya noong ini-start na nito ang makina. May plastic pa ang ilang kasangkapan sa loob 'non. Mukhang hindi pa rin natatapakan ang mga mat sa backseat.

He nodded. "I bought it last Sunday with your brother. Aside from me, ikaw pa lang ang nakakasakay dito."

Marahas siyang napalingon dito. "Really?" Hindi niya naitago ang gulat at duda sa reaksyon niya.

Anong sinasabi nitong siya pa lang? It has been days since Sunday. Imposibleng hindi pa ito lumalabas simula noon. Ayaw niyang maniwala pero parang sasabog na ang puso niya sa bilis dahil sa sinabi nito.

Nagsisi tuloy siyang kinausap pa niya ito.So much for breaking the ice between them. They have to talk dahil sasabog ang ulo niya kakaisip ng kung ano-ano tungkol dito kapag hindi siya naghanap ng ibang pagkakaabalahan. She's also making an effort to reach out because he's doing her a favor.

"Then how about your dates? Nagtataxi kayo?" Hindi makapaniwala pa rin niyang usad. Hindi na niya napigilan ang paglabas ng pagdududa sa tono ng kanyang boses.

Yes, it was overwhelming to know that. However, she really didn't want to believe him. Ilang araw na itong nasa Pilipinas. Imposibleng wala pa itong nakakadate. Kahapon lang ay nakita niya sa Facebook ang picture ni Clark sa isang exclusive club. May kasayaw itong mga modelo. Her brother also went there so she figured Quent came too.

But on the other hand, the mat she was stepping on was clean as the ones at the back. Nagkaroon lang ng dumi ang unahan nito nang tinapakan niya 'yon. Sa katunayan ay tanging ang bakas lang ng sapatos niya ang naroon. Kung may naidate na nga ito roon gaya ng ipinipilit niya ay malamang na nakaapak na sumakay ang babaeng iyon.

"No dates, Kaye. Just you." Seryoso pa rin ang mukhang pinihit nito ang manibela para lumiko papunta sa intersection. Sumulyap pa ito sa kanya saglit para iparamdam na nagsasabi ito ng totoo.

Kinagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil na umalpas ang ngisi mula roon. It was pretty stupid but she felt special. She was the first woman to ride his car! No one could take that away from her. Now she was the one frustrated with him. He's giving her mixed signals again.

"Aren't those your friends?" Turo nito sa kabilang kalsada kung saan naglalakad si Tricia at Kian habang pinalilibutan ng mga press at mga photographer.

Binagalan nito nang bahagya ang sasakyan para makita nila ang nangyayari. Dinudumog nga ang mga kaibigan niya ng mga paparazzi. Buti na lang at nakapasok din ito sa isang fine dining restaurant mayamaya. Hindi na masusundan ang mga ito sa loob.

"Do you want to go back to check on them?" Anito kapagkuwan. He seemed genuinely concerned. Akala ba niya ay asar ito kay Kian?

"No..." Pigil niya sa aktong pag-u-turn nito. "Itetext ko na lang sila." Kinuha niya ang cellphone para gawin iyon. They couldn't afford to miss this meeting. Hindi lang ang timeframe na sinusunod nila ang magugulo kapag nagkataon. Pati na rin ang finances mula sa investors na sinusubukan nilang i-maximize.

She sent a text message to both Tricia and Kian. Naniniwala siyang ayos lang ang mga ito. Sanay na rin naman ang mga kaibigan niya sa mga press na nakabuntot sa bawat galaw nila, naghahanap ng expose na maaaring mailabas sa publiko.

Thankfully ay narating nila on time ang opisina ni Mr. Antonio. Kilala na siya ng guard kaya pinapasok sila nito sa parking lot. Sa restaurant na nasa ground floor ng naturang building sila magkikita.

Nagpasalamat siya kay Quent nang nagpark ito sa entrance ng building. Naguguluhan niya itong sinulyapan nang kagaya niya ay nagtanggal ito ng seatbelt at umakmang aalis.

"This might take long." Aniya na nahihiyang tahasan itong itaboy pabalik sa kanilang opisina. "I know you have a lot to finish back in the office."

"I'll come with you." Pinal na saad nito at lumabas na dala muli ang kanyang laptop sleeve.

He opened her door and walked behind her as they approached the restaurant.

Tumayo si Mr. Antonio nang nakita siya nito. Iginiya siya nito sa isang table na may apat na upuan. May isang lalaki nang nakaupo roon na tumayo rin nang napansin ang pagdating niya.

"Ms. Sy, I would like you to meet one of my designers. This is Mark Cruz. I figured you had to personally meet para may makausap ka kung sakaling matagalan ako abroad." Pakilala ng matanda sa lalaking palagay niya ay kasing edad lang ng Kuya niya. Moreno ito at may malalalim na dimples na lumitaw nang ngumiti ito sa kanya at inabot ang kamay nito. Nakangiti niyang tinanggap ang kamay nito.

"I don't think I need to introduce Kaye to you Mark. She's one of the best in the field so I'm guessing you've heard of her." Dagdag ni Mr. Antonio na ngayon lang napansin ang kasama niya.

"I believe I've never met you. You look too sharp to be her assistant and too dashing to be her driver. So I'm guessing you're Kaye's boyfriend?" Friendly na nilahad nito ang kamay kay Quent.

"He's actually the architect for the project." Singit niya.

Bago pa niya madugtungan ang sinasabi ay nagsalitang muli si Mr. Antonio. "Wow. An architect and an interior designer. You're quite a pair. I'm Gustav Antonio."

"Quent Libiran." Tinanggap ng huli ang kamay ni Gustav nang hindi man lang itinatama ang sinabi ng huli na boyfriend niya ito.

Pinaghila siya ni Quent ng upuan bago nito inupuan ang pwesto sa tabi niya.

The meeting went well. Pinagpasalamat na rin niya sumama si Quent dahil may mga pagkakataon na hinihingi niya ang opinion nito lalo na kung tungkol sa functionality ang issue. Despite the animosity between them, they make a great team.

Hindi nila namalayan na alas singko na nang natapos ang lahat. Nagpalitan lang sila ng calling card ni Mark at nagpaalam na ang dalawa sa kanila.

"Do you still have to go back to the office?" Untag sa kanya ni Quent. His attention was again fully directed on her.

Saglit siyang nag-isip kung nadala niya ang cellphone. Iyon lang naman ang importanteng hindi niya maiwan sa opisina. Nasa bag niya ang cellphone. "No. Why do you have to?"

Umiling lang ito at umakma na aalis pero pinigil niya ito.

"We should at least eat. I'm hungry." Aniya. Puro kape lang ang inorder nila kanina kaya medyo kumakalam na ang sikmura niya.

Tinaas nito ang kamay para tawagin ang waiter. She ordered spaghetti ala puttanesca while he ordered greek pasta salad.

Sinagot ni Kaye ang ilang email na natanggap habang hinihintay nila ang kanilang order. Tila wala namang magawa si Quent na nakatitig lang sa kanya mula pa noong umalis ang waiter.

Nasa tabi pa rin niya ito kaya alam niyang maaring nababasa nito ang mga emails niya pati na rin ang ilang text na dumating habang nasa meeting sila na ngayon lang niya nabuksan. She didn't mind him reading them. Wala namang confidential doon na kailangan niyang itago. It was his stare that bothers her.

Laking pasalamat niya nang ilapag na sa mesa ang dalawang plato at ang mga drinks na inorder nila. Finally Quent has something to do other than staring at her. Sa totoo lang ay naiilang siya at nako-concious sa itsura niya. May dumi ba siya sa mukha?

Tahimik na tinuon na lang niya ang pansin sa pasta at walang patid na hinalo-halo iyon pagkatapos ay marahan niyang ihiniwalay ang mga olives na nahuhukay niya habang kumakain siya. She was not fond of eating olives even in pizza, sandwiches or other pasta dishes.

Pagkaraan 'non ay sumubo na siya habang nakamata sa tv na nasa upper right corner ng bar. They were watching the local news. Shoving olives at the side of the plate as she ate.

Nakakailang subo na siya nang nakita niyang nakamasid ito sa kanya. He's probably curious about the small pile of olives on the sides of her plate. "I don't eat olives." Paliwanag niya.

Walang pasabi nitong inabot ang plato niya at isa-isang nilipat sa plato nito ang olives.

Binalik nito ang plato niya na ngayon ay wala nang sagabal na olives. "Here."

She thanked him and continued eating, hindi na binigyang malisya ang ginawa nito. Maaring nababagalan ito sa pagkain niya at nais na nitong umuwi na.

Pagkakain ay dinala na ng waiter ang kanilang bill. Pero bago pa niya masilip 'yon ay mabilis ang kamay nitong dinukot ang wallet nito sa bulsa at naglabas ng isang libo. Inipit nito 'yon sa bill at binalik sa waiter.

"I dragged you all the way here. I should have been the one to pay." Usad niya.

"Hindi mo ako pinilit na sumama. Sa katunayan ako nga itong nagpumilit na sumama sa'yo. Heck, you don't need to drag me Kaye. 'Cause I will follow you anywhere if you'd let me." Anito at tumayo na.

Pilit niyang kinalma ang sarili sa narinig. Kahit yata maligo siya ng yelo ay hindi mapipigilan ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro