Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19



PLATONIC

"We were great out there. Kinda like the Avengers." Tumatawang uminom si Clark sa baso nito ng whiskey. They were at his brother's office, the only office at the top floor.

Inirapan niya ito. "Why in the world are you drinking alcohol? It's too early for that." Pasado ala una pa lang sa kanyang relos. Sa kanilang lima ay ito lang ang napaka-cheery. Akala mo ay nanalo ito sa pustahan.

Mula kay Clark ay nilipat niya ang tingin sa nakahalukipkip sa kabilang banda ng kwarto. Normal lang ang ekspresyon ni Quent. Tila walang nangyari. But he courteously thanked them for defending him awhile ago.

That was nothing anyway. Tulad ng sabi kanina, they were really from the same class. Pero mali na husgahan sila dahil lang doon. Maybe that is why they always have each other's backs, pare-pareho silang may nais patunayan. That they deserve every bit of what the things that are handed into them.

Nakamasid ito sa kanya kaya iniwas niya ang tingin niya rito. He was glancing at the others but his eyes kept on bouncing to her from time to time. Alam niya because she has been observing him from her peripheral vision. Bakit kaya panay ang tingin nito? Kanina pang nagwawala ang dibdib niya dahil dito.

Siya at si Kian ay nasa magkatapat na tub chairs sa harap ng malapad na office table habang si Quent naman ay nakahilig sa glass wall na nasa likod nito.

Clark was lounging on the tuxedo sofa across them. Pinuna din ito ng Kuya niya na nakaupo sa silya nito nang lumagok ito ng isa pang baso. It wasn't a sip, but a huge gulp. Hindi siya magtataka kung malasing ito.

"I'm calming my nerves." Maarteng saad ni Clark. "Kaye..." Tawag nito. "You were amazing by the way. I didn't expect you to be so peotic and you stood up for us." Hinagisan niya ito ng isa sa mga paper clip na nakalapag sa harap nila. Matutuwa na sana siya kung wala ang maloko nitong ngisi.

Pero hindi ito natinag at nagsalita pa ulit. "My favorite part was the diversity. You'd win Miss Universe with those words."

Natawa na rin ang Kuya niya at si Quent. Hindi pa man lasing si Clark ay kung ano-ano nang kalokohan ang lumalabas sa bibig nito.

Pinasok ng sekretarya ng Kuya niya ang pagkain nito mula sa conference room. Kumain na raw sina Kian at Quent, si Clark naman matakaw na inubos ang carbonara nito kanina habang naghihintay sila sa pagbalik ni Ethan bago sila nagkasagutan sa conference room.

"Eat Kuya. Hindi mo pa nagagalaw 'yung sa'yo." Aniya sa kapatid na seryoso ang ekspresyon. Binuksan na niya ang container at binigyan niya ito ng drinks mula sa mini ref. Kumuha rin siya ng para sa kanya, kay Kian at sa nakamasid lang sa kanila na si Quent. Walang imik niyang inabot iyon sa huli. Binigyan niya rin ng tubig si Clark na busy sa pagtagay ng alak sa baso nito.

One thing that she has learned from being surrounded with these boys these past few years is the fact that sometimes, they had to be cared for. Madalas ay nagiging taga-protekta niya ang mga ito sa mga makukulit na manliligaw at mga bastos na lasing sa mga bar and that is her way to give back.

Naalala niya nang minsang lasing na lasing si Clark at napilitan siyang samahan ito palabas ng isang club dahil suka ito ng suka. Nandoon siya para alagaan ang mga ito lalo na kapag nagpupumilit na pumasok sa opisina ang Kuya niya at si Clark kahit na may mga sakit ang mga ito.

Sa loob ng ilang taon mula noong magtrabaho sila ni Kian dito ay naging munting grupo na silang apat. At ngayon ay mukhang may bagong addition sa kanila. Her heart leapt at the thought of caring for Quent when he's sick or drunk.

"What do you think should we do? I hate to admit it, but those people are some of our bests. Hindi ko alam kung makakahanap pa tayo ng mga kapalit." Sabi ng Kuya niya pagkasubo. Ang tinutukoy nito ay ang mga executives na tinanggal nito kanina.

Preskong sumandal si Clark, "We have us...And we are the fucking best. We can pull this off."

Lahat sila ay napatingin dito. Nais niyang mapangiwi sa umaapaw nitong bilib sa kakayahan nilang lahat. Nakakalimutan ba nito na marami silang nakatambak na trabaho? It was almost the end of the year kaya kailangang matapos na lahat bago pa ang Christmas vacation. She has a lot of clients to meet, constructions to supervise and records to check for the annual report of the company.

They were all silent. Sa panahong ito nga ay wala silang maasahan kundi ang isa't-isa.

Mayamaya ay sumang-ayon ang kapatid niya rito. "He's right. Dahil sa nangyari, I'm getting paranoid. Kayong apat lang ang sigurado akong mapapagkatiwalaan ko sa ngayon. This is our project so we must make this happen."

Ito at si Clark ang nag-conceptualize at nag-propose ng ideya ng real estate sa board. Isa naman siya sa sumoporta noong nagbotohan sila. They had majority of the shares kaya walang nagawa ang mga tutol sa kanila. At this rate, sila-sila rin ang mapapahiya kapag pumalpak ito. Bukod sa pride ay malaking pera na rin ang nailaan.

"And besides," Lumapit sa kanila si Clark. "Quent's going to supervise the whole thing. He's freaking OC." Umubo ito nang malakas na dumapo ang kamay ni Quent sa likod nito.

Natatawang inakbayan ni Clark ang huli. "No, I'm serious. When it comes to work, Quent's head on. We got this in the bag already."

Her brother nodded. "He has a point. Kaya nga pinauwi natin si Quent 'di ba? He's good, if not the best we've got."

"I beg to differ Ethan. He's here for a conquest." Sumulyap ang bakulaw na si Clark sa gawi nila ni Kian. Nagtataka siyang sumulyap kay Quent. Anong conquest?

Umubo si Clark nang nakatanggap ulit ng suntok mula kay Quent. "For his PRC license." Dagdag nito. Kaya pala hindi ipinakilala ng Kuya niya bilang arkitekto sa harap ng lahat si Quent ay kailangan pang maging pormal ang lahat, kasama na ang lisensya ng binata para mag-practice ng Architecture sa Pilipinas.

Ayon kay Quent kanina ay inaayos na ang pag-iissue ng kanyang ID license ngayong linggo dahil naipasa naman ng lalaki ang exam para rito.

"When things go bust, pwede n'ya tayong i-reimburse...Pero, kaya natin ito." Bumalik na si Clark sa sofa at nagsalin ng alak sa baso.

Nilagok ng Kuya niya ang tubig na nakahain sa harap nito. "At this moment that is our only option. But all our hands should be on deck. Lahat ng risk dapat kalkulado. Kailangan alam natin ang lahat ng nangyayari sa project."

"Bro, you know I want to but I can't." Ungot ni Clark, ngayon ay seryoso na kahit namumula na sa kakainom. "I'll help with the clients and most of the work. But I can't devote all of my time there. Hindi ko pwedeng i-delegate lang ang iba kong trabaho sa mga tao ko."

Ito ang assigned sa pagpe-present sa mga kliyente nila ng mga plano, pati na rin sa mga biddings na sinasagawa sa mga lupa at sa pagkalap ng financial investors. That enough is tedious kaya malamang ay hindi na ito makakatulog kapag nagkataon.

"Ikaw Kian?" Baling ng Kuya rito.

Umiling ang kanyang kaibigan. "Hindi ko rin alam Kuya e. Pero susubukan kong tumulong." Hindi lang kasi ito executive. In charge din ito commercial construction ng ilan sa kanilang kliyente. Inalok nila ito na kumuha ng position sa board dahil mayroong nais magbenta noon ng shares pero tumanggi ito dahil tumatanggap ito ng projects sa labas.

Ang apat na lalaki ay sa kanya na nakatuon ang pansin ngayon. Bumuntong hininga siya. "I have a lot to do too, you know. Pero may choice ba pa ba ako? Alangan namang si Kuya ang magshoulder ng lahat ng bagay."

Pagkatapos naman ng mga folder sa kanyang mesa sana ay wala na munang darating na designs hanggang sa kalagitnaan ng Disyembre. Kaya mayroon siyang bakanteng mga araw.

Relieved na sumandal ang kapatid niya sa upuan nito. "That's good. At least may kasama si Quent. Kayong dalawa na ang bahala ha?" Palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa.

Agad na umoo si Quent habang siya ay nag-isip muna bago tumango. Isa lang ang iniisip niya. Sa opisina niya ito maglalagi. Dahil ito pala ang arkitekto na darating.

She wanted to throw up from all the nerves trying to kick in her system. How can she pull this off? Nitong mga nakaraang araw lang ay pilit niya itong itinataboy, ngayon naman ay tumanggap pa siya ng trabaho kasama ito?

She took a deep breath. Akala niya ay kailangan lang nila magkita para sa mga consultation at sa simula ng trabaho. Apart from that, they will be working separately. But she was wrong.

"Okay. Now let's look for additional hands. Mahihirapan tayong maabot ang deadline kung tayong lima lang ang magda-draft at gagawa ng lahat." Tumawag ang kapatid niya sa HR at nagpadala ng profile ng mga empleyado nila.

"I can think of a few na pwedeng maging staff. But we have to oversee everything. Para salang-sala ang lahat." Suhestyon niya.

Ang mga executives kasi sana ang gagawa noon para iaapprove at iche-check na lang nila ang lahat bago ito makarating sa Kuya niya. Without them, everything has to be double checked. Sila rin ang mamimili at kakausap sa bawat isa.

"Kaye's right. We can take out a few from each department para mapadali ang gawain." Sensible na komento ni Clark.

"Dalawa hanggang anim na tao per department. Depende sa dami ng gagawin ang bilang na kukuhanin. Para hindi rin maapektuhan 'yung mga matitira sa original na department nila." Ani Kian.

"I'll leave that to you guys. Si Kaye sa designers, si Clark sa mga engineers at ikaw Kian sa mga arkitekto. But be sure about your men. Ayoko nang maulit 'yong nangyari kanina."

Tumango silang tatlo bilang pagsang-ayon kay Ethan.

"Now that everything's set, wala na tayong problema. Nga pala, saan ka ba galing kanina? Without the lunch, marami ka na sanang kagalit ngayon." Ani ni Clark kay Quent na lumilinga na naman sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay. Bakit ba panay ang tingin nito sa kanya?

Mula sa kanya bumaling ito kay Clark na salampak na uling nakaupo. "Nagkaproblema sa casa." Tipid na turan nito bago muling binalik ang tingin sa kanya.

She was seriously getting bugged with those deep eyes. They send shivers down her spine.

"Akala ko kabibili mo lang. Bakit nasa casa agad?" Kuryosong tanong ni Clark. Nakatingala ito sa kisame, nakahawak sa sintido. Hindi kaya lasing na ito? Kanina pang tumutungga ito ng whiskey.

"They are having a hard time with the tint. One week pa raw bago ko pwedeng ibaba ang bintana ng sasakyan ko."

Hindi na niya inalis ang tingin kay Clark na ngayon ay hinihilot na ang sintido. "You should've bought a car before you arrived. Para wala nang mga ganitong hassle." Mukhang tipsy na nga ito. Ngumisi siya nang pumikit ito.

Nginuso niya ito sa Kuya niya. Nakangisi na rin si Quent nang napansin nito ang kaibigan. Mapula na ang mukha ni Clark.

Kaya naman inagaw na ng kapatid niya ang malapit nang maubos na whiskey at nilagay iyon sa cabinet. "Back to work people. I ain't paying you to talk all day."

Clark wobbled and uttered a curse when he stood up and realized that no one was leaving yet.

"Before I forget, Kaye you already agreed na sa opisina mo muna si Quent?" Nilaro ng Kuya niya ang ballpen sa mesa nito.

She took a deep breath and gave him a nod. "I already signed the memo." Kung paano siya makakapagtrabaho ng maayos ksama si Quent ay isa pang misteryo na dapat niyang tuklasin.

Mayamaya ay bumaling si Ethan kay Quent. "Okay lang ba bro?"

Nagkibit balikat si Quent. "If it's okay with Kaye, then it's okay with me." Ngumuso ito na parang nagpipigil ng ngiti. What the heck! Naghuramentado ang kanyang sistema.

Pumalatak si Clark. "Of course it's okay! Your office is twice the size of my office. Pwede pa nga tayong maglagay ng billiard table sa laki ng free space roon."

"Temporary lang naman. Once Mr. Tony announces his retirement sa party sa December, may office na si Quent. Pero ire-redecorate pa 'yun kaya for the meantime please bear with that set up." Ani ng Kuya niya.

Pagkatapos ng kaunti pang pag-uusap ay umalis na silang apat para makabalik na sila ibaba.

Clark was excessively talkative because of the alcohol. Panay ang talak nito sa elevator. Mabuti na lang at walang masyadong tao sa corridor ng kanilang floor. Tanging ang mga executive assistant ng mga may opisina sa palapag na 'yon ang nakakita rito. Naiwan nila sa elevator si Kian na bababa pa sa opisina nito.

Hinatid pa siya ng mga damuho sa kanyang opisina.

"Can you handle him by yourself? Sa dulo pa ang opisina n'ya." Sabi niya kay Quent na nakasuporta kay Clark.

Hindi nila alam kung makakalakad pa ito ng tuwid. Sa itsura nito ay paekis-ekis na ang magiging steps nito kapag walang alalay.

Quent beamed at her. Palihim na napangiti siya nang nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito dahil 'don. "Yeah. I got a lot of practice. We used to go to parties together back in college."

There it was again! That smile that used to make her young teenage heart race. Hindi na niya mabilang kung ilang araw niya ang nakumpleto ng ngiting iyon back in high school.

"So...Una na ko sa loob." Gusto niyang sabunutan ang sarili. She felt like a sixteen-year-old saying goodbye to her crush. Her heart is racing and there are a thousand butterflies fluttering in her tummy.

He maintained his smile and nodded. "I'll be back once I get him settled at his office." Nginuso nito si Clark.

"Okay. You can punch him if he gets too annoying. Hindi niya maaalala 'yon pag nahulasan s'ya. There's a divan in his office. Pwede siyang magpahinga roon." She said before she entered her office. Might as well try to befriend Quent, because she was stuck with him for a while.

Napapagod niyang sinandal ang sarili sa pinto pagkapasok niya. The next days will surely be challenging for her. Nasa loob na siya pero hindi pa rin tumigil ang paghataw sa kanyang dibdib.

But this was a great start. To finally get over Quent. Siguro kapag lagi niya itong kasama ay mawawala ang kakaiba niyang nararamdaman para rito. Eventully, she'll be able to treat him as a friend or maybe like how she treats her brother or Clark. And remain platonic. Hopefully.

She will treat this as a class to finally get a hold of her self. She has to control her feelings, not let it control her. To be free of her unrequited feelings for Quent.

She returned to her desk and started to work at a design for the office pantry, rehashing an idea she didn't like and exchanging the colors of the storage units. Sa huli ay napagdesisyunan niyang sa halip na white pearl ay gagawin niyang dark oak ang mga cabinet nito. Ang tatlo sa mga double hang cabinets ay pinalitan niya ng half para may free space sa itaas nito na maaring lagyan ng mwebles o kahit ilaw.

After almost an hour, her secretary, Gretch, called her through the intercom. Wala man ito sa harap niya ay alam niyang malapad ang ngisi nito. For the past four years ay kasama na niya ito kaya kaibigan na ang turing niya rito.

"Yes G?" She replied. Pinatatawag niya ang designer na nagpasa ng nirerebisa niyang plano at marahil dahil 'yon dito.

"Ma'am Kaye. May tao po rito, hinahanap kayo." Kinikilig nitong usad. Nagpatuloy siya sa pagpapalit ng luxury vinyl tiles sa sahig na ceramic dati sa kanyang monitor. Konting galaw lang ng mouse ay nakuha na niya ang kulay na gusto.

She wasn't expecting any visitor kaya nagtaka siya at itinigil ang ginagawa. "Sino?"

"Gwapo ma'am. " Bulong nito. "Hinihintay n'yo raw po sya." Anito sa normal na boses.

Pagkasabi pa lang 'non ay kilala na niya ang tinutukoy nito. Inutusan niya itong papasukin si Quent at pinasunod na rin niya ito.

Kaye saw how Quent gaped when he saw her office. Hinayaan muna niya itong iikot ang paningin nito sa kabuuan ng opisina niya. It felt nice to have him appreciate her work like how he did when he first saw her parents' house.

When his gaze rested on her, she spoke. "Anything you don't like?" She tried to smile. Platonic nga Kaye 'di ba?

"What's not to like?" Natatawa nitong sagot na nasa kanya pa rin ang mga mata. Tutok na tutok ang abuhin nitong mata sa kanya, still beaming with the smile that could win over anyone.

Pinaupo niya ito sa wing chair na malapit sa kanyang table.

Pinapasok niya si Gretch nang kumatok ito. She saw how her secretary looked at Quent with so much admiration. Can't blame her though, that's quite normal. Kahit sino ay ganoon ang magiging reaction sa lalaki na hindi yata alam kung gaano ito ka-attractive.

"Gretch, this is Architect Quent Libiran. Best friend s'ya ni Kuya... Quent, this is Gretch, my faithful and dependable EA." Pakilala niya sa mga ito. Tumayo pa si Quent para kamayan ang hiyang-hiya na si Gretch.

"G, he'll be working with us starting tomorrow kaya pwede bang tulungan mo rin si Quent sa trabaho niya?" Malambing niyang request sa sekretaryang medyo nakakarecover na sa pagkamangha sa binata. Sa January pa maayos ang papeles galing sa HR tungkol sa sekretarya para kay Quent kaya alam niyang wala itong makakatulong sa trabaho.

Tumango ito. "Syempre naman Ma'am. Kung kaibigan s'ya ni Sir Ethan, then parang Kuya n'yo rin po s'ya ganon?" Kuryoso nitong tanong.

Saglit siyang napaisip.

"Ahm... Parang ganon." Hindi siguradong sagot niya, still trying to stand by her platonic idea. Though it was disturbing that she'll have to consider Quent as her older brother. Come to think of it, never niyang naisip na gawin 'yon. Maybe because she liked him more than that.

"No." Madiin namang sabat ni Quent.

Sabay silang sumagot kaya confused na nagpalipat-lipat ang linga nito sa kanila.

Unang nakahuma si Quent. "Ethan is months older than me... At saka kung Kuya mo ko, how come you never address Clark as Kuya? We're all of the same age." Nakangiwi nitong saad sa kanya.

Kahit siya ay napangiwi rin sa sinabi nito. Hindi niya rin maatim na tawaging Kuya si Clark. Malamang ay ipa-power trip at aalilain pa siya nito kapag nagkataon.

Binalik niya ang atensyon kay Gretch na sa kanya na nakafocus. "Quent is... dear to our family. So I would like it if you will help him in anyway you can." Saad niya, hindi sigurado kung pasado na ba ang sinabi niya. Her family treats him like he's one of them so that seems passable.

Hindi niya alam kung bakit nag-eexplain pa s'ya sa kanyang EA. Pero ayaw niya kasing magkaroon ito ng ibang ideya. Magulo na nga ang isip niya, ayaw na niyang madamay pa ito.

"Be ready tomorrow. We have a lot to do. At magpatawag ka ng dalawang tao para may tumulong sa aming mag-rearrange ng mga furnitures." Umalis na ito pagkatapos 'non.

She gave Quent the tour of her office after Gretch left. Tinuro niya kay rito ang mga switch ng mga ilaw pati na rin ang remote ng TV, aircon at blinds ng glass wall. Inalok n'ya rin ito ng inumin mula sa mini ref and sinabi ritong maglagay doon ng mga inumin na gusto nito.

"You don't have to do this Kaye. I'm invading your privacy so I'll try to stay as invisible as possible. You even shared your secretary with me." He said as she finished showing him around the room.

Hindi pa rin ito nagbabago. He was still as humble as he was back when she was young. One of his many admirable traits.

"Nonsense. I want you to feel at ease, Quent. Consider everything in this office as yours too." Anunsyo niya bago siya nagpasyang magbalik sa pagbubuklat ng mga folder sa kanyang mesa.

She saw his sincerity as she looked at his eyes fixated on her face. Inabot niya rito ang mga plano na padala mula sa opisina ng Kuya niya. He was seated before his table na kalalagay lang ng maintenance department. Katabi lang ito ng sa kanya at pareho silang nakaharap sa direksyon ng Tv.

Humihikab siyang bumaling sa kasama bago simulan ang pagre-revise. Naalala niyang wala pa nga pala itong company card para makapasok sa kanilang building.

Natataranta niyang binaba ang kamay nang nahuli niya itong nakamasid pa rin sa kanya. Hindi pa ito nagsisimulang magbasa ng mga folder sa harap nito. Sa halip ay nakatitig ito sa kanya mula pa yata kanina.

"Do you want to ask something?" Kinakabahan niyang usad. Naiilang siya sa titig nito. Tila hinahanap nito ang yamashita treasure sa mukha niya.

"Nothing. I just like that..." 'Yon lang ang sinabi nito nang napansin nitong nakatingin na rin siya rito.

Kumalabog na naman ang dibdib niya. Anong gusto nito? Ang paghikab niya? "What?"

"Us sharing things." He flashed her his million-dollar smile. "I like that." Ulit pa nito sa bago magsimulang magbabasa ng plano.

Lalong nagwala ang puso niya. Huminga siya ng malalim at pilit na binalik ang atensyon sa mga papel na nasa harap niya. Is this his idea of being platonic?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro