Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

PAMILYAR

Nilagay ni Kaye ang bag sa unahan ng sasakyan ng Kuya niya. They're carpooling to work. Her foot was fine since yesterday. Coding lang ang sasakyan niya kaya imbes na magtaxi siya ay inagahan na lang niya ang gising para makasabay siya sa kapatid.

"May naiwan ka pa ba?" Anito.

Nang umiling siya ay ini-start na nito ang sasakyan at umusad na sila paalis. It was seven thirty in the morning. Saktong alas otso ay nasa opisina na sila.

"Nga pala Kaye, don't forget our meeting later." Paalala ng Kuya niya bago siya bumaba sa elevator.

Tumango siya at pumunta na sa kanyang opisina. Nakaramdam siya ng security pagdating dito. Here she feels safe at free. Kahit na ba lagi siyang nakaharap sa trabaho rito.

Her office is very spacious. Dati itong opisina ng kanyang ina na binago lang niya ang ayos noong dumating siya. Its interior is set off by a dark lavender wall with a sunflower painting. The adjacent wall are gray and a peach carpet was draped at middle of the natural oak flooring.

Ang bubog na table sa may bintana ang pinamalaking furniture doon. It serves as her office table. Nagsisilbing pahingahan naman niya ang dalawang camelback sofa na magkaharap at may table sa gitna. Mayroon ding isang wing chair at dalawang maliit na table na inilagay niya roon para pang-balanse sa kabuuang style ng kwarto.

Sa isang corner ay may dalawang bookshelf na pinapagitnaan ang TV. Ang kanyang drawing table naman ay nasa may maluwag na corner sa may pinto ng CR. Ang accent table sa may banyo ay nagsisilbing pantry at sa itaas nito nakapatong ang mini ref. Meron ding ilang halaman sa mga iba't-ibang sulok ng opisina niya na siyang bumubuhay ay nagbibigay ng 'tropical feel' sa buong kwarto. Bagay na bagay iyon lalo na't maliwanag palagi dahil ng mga one way na high glass windows.

Inisa-isa niya ang mga folder sa kanyang mesa. Bawat isa sa mga ito ay may nakapatong na usb na ang laman ay ang 3D representation ng mga designs na kailangan niyang i-aapprove at ipasa sa kanyang Kuya.

Inuna niya ang plano ng isang office building sa na planong ilagay sa gitna ng Maynila. She scanned the technical sketches at ang mga gagamitin para interior nito. So far naman ay maayos ang plano. Inattach lang niya ang numero ng isang local na manggagawa ng furniture. Mas makakamura ang kliyente nila roon imbes na mag-import pa ito ng mga kagamitan.

Tatlo pang folder ang natapos niya bago siya tinawagan ng kanyang sekretarya para sa meeting.

Nandoon na raw ang majority ng board. She checked the clock attached to the wall. It was already eleven. Hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras.

Bago siya lumabas ay mayroong utility personnel na dumating para papirmahan sa kanya ang isang memo at ipahatid sa kanya ang request ng kapatid niya na i-accommodate muna sa opisina niya ang darating na head architect dahil under renovation pa ang opisina nito na nasa tapat ng sa kanya. Pumayag siya dahil madalas naman niyang makakausap ang nasabing architect dahil kasama nila ito ni Clark sa bago nilang project.

Tinuro niya sa lalaki kung saan maaring ilagay ang table at cabinet na pansamantalang gagamitin ng naturang board member. Siya rin naman ang makakatrabaho ng huli kaya ayos na rin na magkapalagayang loob sila at para hindi na rin siya pabalik-balik kung nasaan man ito para sa consulation at pagbuo ng konsepto.

Paglabas niya ng kanyang kwarto ay may nakasalubong na nga siyang ilan sa kasamahan niyang papunta sa taas. Usap-usapan na ang bagong member habang nasa loob palang sila ng elevator.

May ilan na nagsasabing babae ito at may ilan namang nagkomento na lalaki ito. May nag-uusisa sa kanya pero talagang wala siyang alam. Nakalimutan niyang tanungin sa kapatid kung sino at kung ano nga ba talaga ito. With all that's been going in her life, that is the least of her concerns.

They entered the double doors of the conference room. At the center of the room was the main table. It was made of fiber glass and narra wood. Nasa harap ito ng puting dingding na ginagamit nila sa mga multi-media presentation. Sa likod naman ay ang mga theater seats na ginagamit nila kapag may malakihang meetings at conference. The whole room was maximized with the use of adjustable lightings and an impressive concrete ceiling finish.

She went to her usual seat beside Clark's. Malapit sa kabisera kung saan ang pwesto ng Kuya niya.

Mukhang matagal pa ang simula dahil wala pa ang ilan sa mga board members. Ang tanging narito ay ang mga miyembro ng board na rito nag-oopisina at ang mga opisyal ng kanilang kumpanya. Inilabas muna niya ang kanyang cellphone para magcheck ng email.

Ang ilan sa nawawala kasi ay ang mga matatandang miyembro na hindi roon nag-oopisina. Malamang ay galing pa ang ito sa kani-kanilang mga bahay at hindi katulad nila na nag-elevator lang paatas 'don. Isa pa, missing in action pa rin ang bagong member na dahilan ng kanilang pagpupulong sa araw na 'yon.

Sinulyapan niya ang kapatid niyang seryosong kausap ang matandang engineer na si Mr. Garcia. Mukhang seryoso ang usapan ng mga ito. Probably becase of the upcoming real estate project they were pushing.

This company was originally a civil construction firm. Pero nais din nilang pumasok ngayon sa real estate development. With the expanding population and the growing demand for housing, magandang ideya na pasukin din ang larangang iyon.

Binalik niya ang atensyon sa nagbeep niyang cellphone. She had tons of emails to reply to. Mayroon ding mga text message roon na mula kina Mandy, Kian at Tricia. Una niyang binuksan ang mga email na tungkol sa kanyang trabaho.

"Have you texted my cousin yet?" Makulit na kinulbit siya ng kadarating lang na si Clark. Akala pa naman niya ay absent ito kaya tahimik na ang mundo niya. Nakalong sleeve itong puti na nakatupi hanggang sa siko nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. He was wearing his usual get-up. Medyo sloppy pa nga ito ngayon kesa sa madalas nitong suot, with his rolled up sleeves. Hindi kagaya ng karamihan sa kanila na sobrang pormal. Ang iba pa nga ay nakathree-piece suit.

She too was on her normal attire. Wala namang sinabi ang Kuya niya na magbihis siya ng mas pormal sa kanyang usual office attire kaya hindi na siya nag-abala. She opted for a gray peplum and heels. She wore a belt and watch to match the whole outfit. Ang tanging alahas na suot niya ay ang pearl earrings at kwintas na regalo sa kanya ng kanyang ina noong birthday niya. Iniwan na niya ang bag sa kanyang opisina.

"Oh come on Kaye. Pumayag ka na 'di ba? My cousin will lose his spirit. I already told him you agreed." Natutuyang pahayag ni Clark nang sinabi niyang hindi pa niya nako-contact ang pinsan nito.

Inirapan niya ito. Bakit ba kasi siya umoo sa makulit na ito? "I forgot his card somewhere. Hindi ko na mahanap." Pagdadahilan niya. Pero ang totoo ay nasa bag pa niya 'yon. Of course she has to check him out first. Baka serial killer ito o kasing kulit ng pinsan nitong bakulaw.

Walang paalam na inagaw ni Clark ang cellphone niya. Hinampas niya ito ng palihim pero hindi ito natinag. May pinindot ito roon bago binalik sa kanya.

"I already saved his number. Now will you text him please."

Mabilis niyang hinablot ang cellphone mula sa kamay nito. "Wow ha. Memorized mo ang number ng pinsan mo?"

Ngumisi si Clark. "I memorized it. Figured I had to in case you start chickening out of our agreement."

Binaba niya ang cellphone para batiin si Tito Jorge na kababata ng daddy niya at iniwan si Clark na may kinukutingting sa sarili nitong telepono.

Naaliw siya sa matanda na panay ang kwento at pangagamusta sa kanyang mga magulang kaya medyo natagalan siya sa pagbalik sa kanyang pwesto.

Kaya ganoon na lang ang gimbal niya nang umilaw ang kanyang cellphone pagbalik niya. Some guy named Vince replied, ayon sa notification sa itaas ng screen. Wala naman siyang kilalang Vince?

Sa gitna ng pag-iisip ay pumihit siya sa katabing pasimpleng nakasilip sa kanya. Pasimple niya itong hinampas at nilahad ang text ng Vince na 'yon. "Is he your cousin?"

Pumikit ito at tahimik na ngumiwi dahil sa ginawa niya. Ang pagtawa nito pagkatapos ang nagsilbing confirmation sa tanong niya.

Asar na binuksan niya ang text. Wala na rin naman siyang magagawa dahil tinext na ni Clark ang pinsan nito ng 'Hi.' Nagpagkilala pa ang bakulaw bilang s'ya at sinabi na binigay na ni Clark ang numero nito sa kanya.

Polite at maayos naman ang reply nito kaya medyo kumalma na siya kalaunan. Nagpalitan na sila ng text pagkatapos noon. Makwento at mukhang mabait naman itong Vince kaya nireplyan niya ang mga message nito.

He was a lawyer, kagaya ng mga kwento ng pinsan nito at ng Kuya niya. Isa na rin sa mga dahilan kung bakit niya ito nireplyan ay sobrang bilis sumagot nito. Halos wala pang limang minuto kung magreply ito kaya talagang nagtaka siya dahil dapat ay busy ito dahil Monday.

"Told you he's nice. I think naging kaklase mo s'ya sa personality development noong College. Graduating na s'ya noon sa pre-law niya tapos first year ka ata. He saw us at the newspaper. Remember last year's Christmas party? Sa lifestyle. He's been bugging me about you ever since." Usad ni Clark na nakatungo sa cellphone nito.

Last Christmas? Ang tagal na. Magpapasko na ulit ng mga panahong iyon. Ilang linggo na lang.

Saglit na dinungaw siya nito. "I declined a few times, pero natalo niya ko sa poker kaya napilitan akong ipusta ka. I really apologize for doing that. Pero akala ko talaga I was going to win."

"I suggest, you date him soon though." Dagdag nito mamaya.

She glared at him. Konti na lang ay sasaktan na talaga niya ito. Masyado itong pushy at demanding. "Why rush things? Wala naman sigurong taning ang buhay nitong si Vince para magmadali kami." Magaan ang loob niya sa pinsan ni Clark pero gusto niyang makasiguro. Marami kasing mga balita ngayon na nakakaparanoid. Malay n'ya ba kung serial killer ito o ano.

"I don't want to get my ass kicked." Umiiling na komento nito. She frowned. Minsan talaga ay hindi niya makuha ang line of thinking nito. Paano kaya nito naging kaibigan ang kapatid niyang normal naman kung tutuusin?

She resumed with texting. Inulit ni Vince ang kwento ng pinsan nito tungkol sa pagiging magkaklase nila at ang pagkakita nito sa kanila sa dyaryo.

His name was familiar but hindi talaga niya maalala ito. Kasama kasi niya sa klaseng tinutukoy nito sina Mandy at Kian kaya wala hindi na siya masyadong nakipagkaibigan. Lalo na't mga upper classmen nga ang mga kaklase nila.

Maya-maya ay nakapalagayang loob na talaga niya si Vince. Sensible kausap ito at halatang well-read. Ramdam niya ang genuity nito. Inanunsyo pa nito na inadd daw siya nito sa Facebook.

True enough, nang silipin niya ang friend requests niya ay merong Vince Sandoval doon. She clicked the display picture and it led her to his profile.

Isang lalaking may kaakbay na surf board ang tumambad sa kanya. Hindi na niya pinakatitigan ang picture nito pero mestizo ang lalaki. Dalampasigan ang cover photo nito. She confirmed Vince's friend request.

Agad naglabasan ang mga information at post nito pagkaraan. She scrolled down and saw a few photos of him surfing and swimming at some beaches. Dahil na rin siguro sa hobby nito kaya malaman ang katawan nito. He looked great when he smiled too.

She pointed the 'about' section and scanned his basic info. Sa school nga nila ito graduate. He iss a member of the Integrated Bar and the Rotary Club. Ayon rin 'don ay partner-associate ito sa isang sikat na law firm sa Makati.

That was why his name sounded so familiar. Kilala ang law firm nito sa mga naipanalong mga human rights abuse cases. May pagkakataong naabutan niya ito na iniinterview sa TV at teleradyo channels.

Bumalik na siya sa profile nito. They have a couple of mutual friends. May nakita rin siyang ilang litrato na kasama nito ang isang babae na mukhang ina nito dahil magkahawig ang dalawa, pati na rin ang litraro ng ilan pang trip nito sa beach.

Nag-vibrate ang cellphone niya nang may isang chat na dumating.

Vince:

Thanks for accepting my friend request. Really hoping to see you soon.

Ang bilis talaga nitong magreply. Hindi ba ito busy? She was waiting for a meeting kaya libre siya pero kung nasa opisina siya ay hindi niya mapapansin ang cellphone.

Siya:

Medyo maraming trabaho ngayon e. We have an upcoming real estate project. I'm actually in ameeting now with Clark.

Nagsend pa siya ng litrato ng katabi niyang nakatulog na sa paghihintay. Nagising lang si Clark nang dumating ang ilang staff nila na may dalang pagkain. May pa-lunch pala ang bago nilang member kaya natatagalan ang pagsisimula nila. Kadarating lang ng mga pagkain at pine-prepare na ang mga equipment at sound system. Mukhang ipinapatawag din ang mga executives.

Nagpadala ng nakatawang emoticon si Vince. Eleven thirty na sa kanyang relo kaya inip na ang ilan sa kanila. Kulang pa sila ng isa, bukod sa bagong board member.

Sana pala ay hindi na muna siya umakyat. Tinapos muna sana niya ang ilan pang nakatambak na trabaho niya sa baba. Tinext niya ang sekretarya na mananghalian na dahil baka matagalan pa siya rito. Kailangan kasi niya ito mamaya dahil may dadating siyang kliyente.

She and Vince exchanged a few more texts as she ate. Ayon dito ay naiintindihan naman nito na marami siyang trabaho. Marami rin daw itong kasong inaaral at mga motion na ihahain sa korte dahil matagal ang bakasyon ng huwes tuwing pasko. Pero sinabi nito na itetext siya nito at ichachat palagi.

More people arrived, after that. Marami sa mga ito ay namukhaan niya na mga executives at emplayado. Si Kian ay umupo sa unahan ng mga theater seats kasama ng mga architects sa department ng mga ito.

Sunod na pumasok ang mga utilities na nagdistribute ng mga pagkain at drinks sa lahat. Nagpasalamat siya nang ipinatong sa harap niya ang container at juice. Gising na gising ang katabi niyang inaamoy na ang pagkain sa harap nito. It was spaghetti carbonara.

"Mukhang masarap." Bulong sa kanya ni Clark. Inip na luminga ito sa wristwatch nito. "What's taking him so long?"

Bago pa niya mausisa ito ay isa-isa nang nagsipasukan ang mga taong naghihintay sa labas. Umupo na rin ang ibang miyembro nilang nagpapalakad-lakad kanina. The last to enter was her Kuya with the old members of the board.

Everyone's eyes were glued into the door. Tahimik ang lahat. Marami ang kumakain, may ilang namamahinga at may ilan namang inip na inip na.

Halos lahat sila ay napadako sa pinto ang atensyon nang nakarinig sila ng paggalaw ng door knob. They braced themselves as it creaked open.

"He's here." Umayos ng upo ang nakangising si Clark, wiping his mouth with a napkin. Naguguluhan siyang tumingin dito. Hindi na siya nagtaka na kilala na nito ang hinihintay nila. Sa kulit ba naman nito ay alam niyang walang magagawa ang Kuya niya kundi ang sabihin at ipakilala rito ang misteryosong miyembro ng board.

Pagpasok pa lang ng pamilyar na oxford shoes ay kinabahan na siya. Pilit na inaalala kung may ibang tao pa ba siyang nakita na may suot na ganoon recently bukod sa taong iyon. No one came to her mind.

Kumalabog ang puso niya nang pumasok si Quent at walang likong umupo sa tapat niya. He was dashing in his mismatched suit. Saglit na tumigil ang kanyang mundo nang sumulyap ito sa kanya.

Gusto niyang buhusan ng malamig na tubig ang sarili para magising na siya sa napakahabang panaginip na ito. Ito pala ang hinihintay nila? 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro