Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

FIRST TIME

Natutuwang dinungaw ni Kaye si Kian na busy sa pagtatali ng sintas niya. Panay ang reklamo nito kanina pa pero hindi siya tinatablan ng mga sinasabi nito. Alam naman niyang puro salita lang ito. He wouldn't dare to abandon her, especially in this situation.

They were almost done with their usual morning jog. Ngunit napatid siya at natapilok. Kaya heto siya ngayon, inaalalayan ng lalaki pauwi sa kanila.

"Ilang taon na natin 'tong ginagawa pero lampa ka pa rin." Komento ni Kian na binigay sa kanya ang isang bote ng mineral water. Iniwan siya nito saglit sa isang upuan sa labas ng convenience store para bumili ng tubig.

Sinimangutan niya ito. Simula noong lumipat ang pamilya nito sa nabakanteng bahay sa kanilang village pagka-graduate nila noong high school ay nakaugalian na nilang mag-jogging sa umaga nang sabay.

At first, she had difficulties keeping up with Kian, especially dahil wala pa siyang energy sa umaga at hindi talaga siya mahilig sa exercise. But after quite some time, nasanay na rin siya sa ganitong schedule at gawain.

Sinilip niya ang paa na namumula pa rin hanggang ngayon. It hurt like hell but she was used to this. Lahat na yata ng position nang pagkadapa ay na-try na niya over the years.

Accidents like this lessened as she became accustomed to jogging. Hindi rin naman niya matigil ang pagtakbo dahil bukod sa nagsisilbi itong work out ay nag-eenjoy siya rito. Running has become her solace. Kapag kasi magulo ang isip niya ay tumatakbo siya to clear her mind and think.

Hindi lang talaga niya malaman kung bakit natapilok siya kanina sa hump na malapit sa kanilang park e halos araw-araw naman nila iyong dinadaanan.

Mabuti na lang at may malapit na bench kaya agad siyang nalapatan ng first aid ng kaibigan.

Medyo hirap siyang maglakad kaya napilitan itong buhatin siya. Pero halfway through their journey pauwi sa kanilang bahay ay nagpumilit na siyang bumaba.

"Sabi ko naman kasi sa'yo wag ka nang maglakad." Reklamo ni Kian dahil mabagal ang usad ng mga lakad niya. Walang patid 'yon hanggang sa makauwi sila.

"O anong nangyari sa'yo Kaye?" Gulat na bungad sa kanya ng mayordoma nilang si Manang Glo. Nagdidilig ito ng mga halaman sa harap ng kanilang bahay. Nang napansin nito ang paa niya ay inalalayan na siya nitong maglakad hanggang sa kanilang dining area.

Nadatnan nila roon ang kanyang pamilya na nag-aalmusal. She sat beside her Dad who was busy reading the newspaper while sipping coffee.

"What happened to you anak?" Worried na usisa ng Mommy niya nang nabigyan na siya ng kasambahay nila ng plato, kubyertos at baso. Katabi nito ang Daddy niya na halatang nakahinga nang maluwag pagkakita sa kasama niya na umupo sa tabi niya sa mesa.

"Tinulak ako ni Kian, My." Paawa niyang saad bago magsimulang kumain. Tumawa lamang ang kanyang mga magulang.

Balewalang kumain ang kanyang kaibigan na nakaupo sa tabi ni Kass, katapat ito ng Kuya niya na sinilip pa sa ilalim ng mesa ang kanyang paa.

"Don't you have to get it checked?" Ani ng nasa kanan niyang si Kass. Naka-corporate attire ito. Ngayon ang meeting nito para sa hiring ng restaurant na bubuksan nito sa susunod na mga buwan. Iyon ang plano nito simula pa noong nagtapos ito ng Culinary Arts noong Marso.

Nilapitan din siya ng Kuya niyang katatapos lang kumain. Sinipat nito ang paa niya at inikot 'yon. She winced a bit.

"This looks like a first-degree sprain. Mukhang hindi naman nagkaroon ng tearing ang ligaments. Pero magpa-x-ray ka na rin para sure."

Bago pa siya makasagot ay naunahan na siya ni Kian na umiinom ng orange juice. "Dadaan kami sa ospital mamaya Kuya."

Satisfied na tumango ang kapatid niya na nag-aayos ng necktie nito. "Papasok ka pa sa office?" Tanong nito sa kanya.

Its been years since her Father's retirement. Ang Kuya niya ang pumalit dito bilang CEO.

"Of course, I have work waiting for me there. Ayaw kong mag-overtime. Strikto ang boss ko." Biro niya rito. Being the VP, she answers to her brother.

Umiiling na nagpaalam ang Kuya niya pati na rin si Kass. Naiwan siya kasama ang mga magulang na magiliw na pinagkukwentuhan ang party na pupuntahan ng mga ito mamayang tanghali.

The x-ray showed great results. Wala namang grabeng injury at binigyan lang siya ng gamot para sa kirot.

Si Kian ang kasama niya sa ospital at sumabay na rin siya rito papunta sa opisina.

Architecture ang tinapos ng kanyang kaibigan, siya nama'y interior design. They had the same minor so they've been inseperable throughout their college years. Pagka-graduate nila ay agad silang nag-apply sa kumpanya ng Daddy niya. Hindi naman nagkaroon ng problema sa hiring dahil bukod sa koneksyon nila ay doon din sila nag-internship.

Kian was already on the executive level at their company. Katunayan ay isa ito sa pinakamataas ang pwesto sa mga empleyado nilang hindi miyembro ng board.

Nang sinapit nila ang floor ng opisina nito ay pinilit na niya itong bumamaba ng elevator ngunit hindi ito nagpatianod.

Hindi na naman niya kailangan ng alalay sa paglalakad dahil medyo nag-subside na ang pananakit ng paa niya. The doctor just prescribed painkillers and vitamins for her speedy recovery. Marahil ay gumagana ang pain killer dahil halos wala na siyang maramdamang sakit sa kanyang paa. Sumasakit lang ito ng bahagya kapag napupwersa. Sa Lunes daw ay maari na silang bumalik ni Kian sa pagtakbo.

Her office was below the top floor of the building, katabi ng sa iba pang board members and company officials. Being her Father's daughter, she has the biggest space in the entire floor. This was her mother's former office.

Hinatid lang siya ni Kian sa pinto ng kanyang opisina at hinayaan na niya itong umalis dahil alam niyang kagaya niya ay marami ring trabaho ito. Idagdag pa ang pagiging late nilang dalawa.

She started out as the assistant of the vice president of the design team. But after two and a half years at that position ay nagdecide ang kanyang ama na i-promote siya sa Vice President position dahil kasabay nitong nagretiro ang kanyang immediate boss na dating may hawak ng posisyong ito.

Her work mostly lies within the scope of designing the interiors of their projects, bilang 'yon naman ang tinapos niya, hinahaluan lang ito ng konting administrative work dahil sa posisyon niya.

Many people questioned her father's decision to retire early and pass on the company's fate on her and Ethan.

She was 22 at that time, her brother was 25 and they've only had quite a few years of experience. Marami ang umalma pero wala namang nagawa ang mga ito dahil bukod sa halos kalahati ang combined shares ng kanyang ama't -ina ay maayos naman nilang napapatakbo ang kumpanya.

In fact they've not only maintained the company's glory but made it soar into even greater heights. Revenues and data could back that up.

Wala pa siyang tatlumpong minutong lunod sa trabaho ay ipinaalala na ng kanyang sekretarya ang board meeting para sa umagang iyon.

Hindi nagtagal ay kinailangan niyang umakyat sa top floor para sa naturang meeting. Isa-isa niyang binati ang mga miyembro ng board na karamihan ay mga anak or kamag-anak na ng mga orihinal na miyembro. May dalawa na lang na matatanda na hindi pa nagreretiro.

She sat beside her brother and Clark, na parte rin ng board. Sunod sa kanilang ama ay pumapangalawa ang ama nito sa pinakamarami ang investment. Pareho ng Kuya niya, ay dito na rin ito nagtrabaho.

Clark is surprisingly an amazing engineer, taliwas sa ugali nitong happy-go-lucky. He was also a good negotiator. Kaya ito ang itinatalaga ng Kuya niya sa mga kliyenteng mahirap kumbinsihin.

"Why were you limping? Is that the new dance craze nowadays?" Tudyo nito. He was wearing a light blue long sleeve shirt. Mukha itong anghel sa buhok nitong pompadour ang tabas.

Inirapan niya ito. Ginagawa naman niya ang lahat para magmukhang normal ang lakad niya pero hindi pala siya nagtatagumpay.

"She tripped." Sagot ng Kuya niya na binabasa ang mga papeles na nakalatag sa kanilang harap. It was Monday so expected na niya na tambak din ang dapat nitong gawin. Mas pormal ang suot nito kay Clark sa puting point collared nitong long sleeves na pinatungan ng slim fit na suit na itim.

Pagak na tumawa si Clark at nagkwento na ng mga nangyari sa weekend nito.

Nagsimula ang meeting noong nakumpleto na sila. The usual issues were raised. Mostly approved designs, projects, prospective clients were the topics. Iisang bagay lang ang nakakuha ng atensyon nang lahat sa kanila.

"I am pleased to inform you all that we will be joined by another board member and an architect on Monday. He will be focusing on our real estate experiment which hopefully materialize into a successful extension of our business in the future."

Wala nang ibang sinabi ang Kuya niya bukod doon. Kaya naman sa kabuuan ng pagpupulong ay iyon lang ang umani ng mga komento.

Kanya-kanya silang kuro-kuro kung sino ang bagong miyembro na 'yon. Ang iba ay tumingin sa kanya para itanong kung sino 'yon. Pero kahit siya ay kuryoso. Wala siyang alam dito dahil noong mga nagdaang linggo ay busy siya sa site visits at hindi siya nakadalo sa mga meeting.

Dinala niya sa mga mata sa nasa kaliwa niya. Sigurado siyang may alam ito. Pero smug na ngiti lang ang nakuha niya kay Clark na tila may binubuo na namang kalokohan sa isip.

Balewala siyang nakinig muli sa kapatid niya. Hindi naman siya dapat maging interesado kung sino 'yon dahil sigurado siya na kung hindi isang matanda 'yon ay lawyer lang ng isa sa mga original na board members. Bukod sa kanilang Daddy, sa ama ni Clark at sa dalawang matanda na kasama nila noon ay may isa pang silang miyembro na bihira lang dumalo ng meeting.

That member did not really care about the projects. In her opinion, that anonymous member only sticks around for the revenues. Kagaya ni Clark ay 20% ang shares nito kaya sigurado siyang malaki ang natatanggap nito mula sa kanila on a regular basis.

Ang gusto niyang makilala ay ang arkitekto dahil ito ang makakatulong niya sa isang malaking project.

Pagkaraan ng ilan pang mga bagay ay nag-adjourn na rin ang meeting. Habang abala ang iba sa panghuhula sa misteryosong bagong board member ay bumaba na siya. The effect of the pain killers were starting to wear off at sumasakit na ulit ang kanyang paa.

Wala rin naman siyang mapapala kung makikilala niya ito sa ngayon. She'll meet him or her on Monday anyway.

Kinahapunan ay tinawagan niya ang kapatid niya para sumabay pauwi.

Gusto man niyang mag-overtime ay pagod na siya. She was hobbling the whole day. Hindi naman siya papatayin nito kung hindi niya tatapusin ang trabaho niya. He also would not fire her so she can go home early if she wants to.

Nagtext na si Ethan sa kanya na pababa na ito kaya humahangos siyang tumakbo papunta sa elevator. Kasabay niyang naghintay si Clark na mukhang kakalabas rin lang sa opisina nito. His sleeves were rolled to his elbows and he looked as beat as her.

"You should've stayed at home." Pumalatak ito pagkakita sa kanyang paglakad. "You seriously should stop being workaholic. Konti na lang ay malampasan mo ang Kuya mo sa pagiging most dedicated employee."

Pabiro niya itong hinampas pero nakailag ito. Lalo siyang nainis nang tumawa pa ito na tila nang-aasar.

Over the years ay mas naging malapit na rin siya kay Clark. Nasanay na rin siyang maging rose among the thorns. Dahil sa pagkakaroon nila ng 'entitled rich kids' na label sa kanilang opisina ay bibihira ang naging ka-close nila sa kumpanya.

Marami kasi sa mga empleyado ay ang mga matatanda na walang tiwala sa kanilang kakayahan. Ayaw tanggapin ng mga ito na sila na ngayon ang humahawak ng kumpanya. However the younger employees are a bit nicer to them. Tanggap sila ng mga ito. They treat them with utmost respect genuinely, hindi kagaya ng matatanda na halatang napipilitan lang.

"Ako pa talaga ang most dedicated employee? Ask yourself," Sinulyapan niya ang kausap. "Sa ating dalawa, sino ang inuumaga ng madalas dito sa opisina?"

Sa kanilang tatlo ay pinakamarami ang galit kay Clark. Pagdating kasi sa trabaho ay strikto ito. He's frank. Kapag may palpak na gawin ay hindi ito magdadalwang isip na i-call out 'yon. He also wanted everything done perfectly at the earliest time possible.

While her brother is more linient to his staff, si Clark ay hindi pinapauwi ang mga tauhan nito hangga't hindi natatapos ang mga dapat nilang gawin.

Nagkibit balikat ito. " At least I have life outside work. Ikaw Kaye? Let me ask you when was the last time you dated someone?"

Napaisip siya. Tama ito. Matagal na nga noong huli siyang nakipagdate.

"That is why, I have taken the initiative to find you a date." Inakbayan siya ni Clark.

Kung hindi lang masakit ang paa niya ay nasipa na niya ito. Ngayon ay alam na niya kung bakit kanina pa itong nakikisawsaw sa buhay niya. "No way. I don't wanna go to a date set up by you."

"C'mon Kaye. I just have this cousin who's really interested in you." Bigla ay umamo ang mukha nito. Kung hindi lang niya kilala ito ay madadala siya sa pakikiusap nito."Can you please... Please spare him a night please? Or kahit lunch lang or brunch?"

Naawa siya sa mga babaeng nabibiktima nito sa mga ganitong pagpapacute. Kung pwede lang niyang saktan ito ay ginawa na niya. Itulak kaya niya ito mamaya sa elevator?

He was literally a wolf in sheep's clothing. Tinanggal niya ang kamay nitong nakaakbay sa kanya. "I knew it! Ang dami mo pang sinasabi about me being workaholic."

"Does that mean yes?" Usad nito bago nila narinig ang beep ng elevator na nagbukas na pagkatapos. "Sige na Kaye please. Just this one time. Be nice to me. Magpapasko na 'di ba?" Inalalayan pa siya nitong makapasok. Nakangisi ang Kuya niya sa kanila, nakasabit ang coat nito sa balikat.

Napaisip na naman siya. It wouldn't hurt to meet someone new. It's usually boring for single people at this season. Mahaba-haba kasi ang bakasyon. And while everyone is on dates and trips, the single ones cozy up alone.

For a change, she'll try to entertain the idea of getting closer with another individual. "Alright. Just a date okay? Give me his digits. I'll get in touch with him myself."

Pero bago 'yon ay ipapabackground check muna niya ito. Baka may luwag na turnilyo sa utak kagaya ni Clark ang pinsan nito.

"Thank you, Kaye. I owe you!" He exclaimed.

"Buti alam mo." Aniya. Ano kaya ang magandang ipagawa rito bilang kapalit? This part was actually more interesting than meeting his cousin. Magpabili kaya siya ng mamahaling regalo? Or have him run errands?

Clark was unbelievably generous to her until the former reached his car and drove off.

Tinulungan muna siyang makasakay ni Ethan sa passenger seat bago ito umikot para i-start ang sasakyan.

Humalakhak ang Kuya niya nang kinwento niya ang pakiusap ni Clark. Hindi nito napigilan ang pag-iling. "I can't believe napapayag ka n'ya. Maghapon 'yong nagmamakaawa sa akin na ipakiusap sa'yo 'yon."

"You know him, he always makes it a point to get things his way. Kapag hindi ako pumayag, he'd probabaly drug me and bring me to his cousin for a date." Saad niya. Minsan ay nakakatakot ang matinding determinasyon ni Clark dahil hindi niya alam kung hanggang saan ang gagawin nito para lang makuha ang nais.

"Kilala mo ba 'yong pinsan n'ya?" She asked as they maneuvered towards the exit of the parking lot.

"Yeah. He's a lawyer. A year younger than me. He's quite a catch. Who knows, maybe you'll hit it off." Nakangising usad ng Kuya niya. Pinatunog nito ang busina ng sasakyan para magpaalam sa guard na sumaludo pa sa kanila habang palabas sila.

"Its just one date Kuya. Stop assuming." Natatawa niyang sagot at inayos ang upuan para maka-recline siya.

Hindi na niya mabilang kung ilang kaibigan na nito ang nagpakita ng interes na yayain siyang lumabas. Back in college she made herself busy with art and designing. Lahat na yata ng klase at elective tungkol sa mga ito ay kinuha niya para makalimot sa isang masakit na karanasan. That is why her mother was extremely glad when she graduated. Not because she finished with latin honors but because she finally could date and entertain men.

Then came work. For the past years, sa sobrang driven niyang mapatunayan ang sarili ay wala siyang ibang tinignan kundi ang trabaho niya. Lumalabas naman siya pero wala talagang nagtatagal. It's either the guy would lose interest or she'll reject him. Hindi sila nakakatagal nang ilang dates.

And as her workload piled up, dumalang na ang paglabas niya hanggang sa halos wala na siyang oras para lumabas. Mas pinipili na lang niyang magpinta or mamahinga sa bahay kaysa makipagdate.

This would be her first real date in awhile kaya wag sana siyang madismaya sa pinsan ni Clark.

Sinilaw sila ng matitingkad na ilaw ng siyudad paglabas nila ng basement parking. Naguguluhan siya nang sa halip na kumanan ay sa kaliwa sila pumunta.

Nilingon niya ang direksyon pauwi. Akala niya ay liliko na sila papunta roon pero sa kabilang direksyon sila lumiko.

"May susunduin tayo sa airport." Anunsyo ng Kuya n'ya nang napansin nito ang pagtataka niya.

She adjusted the car seat and dozed off. It was one tiring day. They were probably picking up Che, her brother's girlfriend. Nasa conference ito sa Ilocos. Saka na lang siya lilipat sa likod kapag dumating na ito.

Hindi niya alam kung anong nangyari at ilang oras na ang lumipas nang nagising siya sa loob ng sasakyan. The engine was running but her brother was not there.

Nasa parking area na sila ng airport. Isang malaking number three ang nakalagay sa itaas ng arrival area.

Napabangon siya sa kinauupuan niya nang napagtanto kung nasaan na sila.

Che is in Ilocos and if they were to pick her up, sa Terminal 2 na para sa domestic flights dapat sila nagpunta. But they're in Terminal 3, which means that they're picking up someone who flew in internationally.

Was a cousin of theirs coming home? Nabanggit kahapon ng kanyang mommy na balak daw magbakasyon ng Tita Dina niya. Na-excite si Kaye sa pagkaalala sa paborito niyang tiyahin. It has been months since she last saw her!

Pababa na siya nang may nagbukas ng pinto na itutulak niya sana palabas.

As the wind brushed Kaye's face, a familiar scent was caught by her nose. It was a mixture of an aftershave and expensive perfume. With that everything flashedback automatically as if it all just happened yesterday.

Funny how they say that the heart remembers what the mind forgets. Maybe that is true.

Because for the first time in a couple of years, ay naramdaman niyang muli ang pagtambol ng kanyang dibdib na hindi dulot ng takot o gulat. Pagkatapos ng ilang taon na pamamahinga ay tila nabuhay itong muli at nagwawala na para bang isang leon na nakaalpas sa kulungan.

Suddenly all the butterflies in her stomach were resurrected from the dead. Ilang taon ding akala niya na wala na ang mga ito. She went on so many dates but no one could even wake one up from their hibernation.

Shock was an understatement to describe she was feeling right now.

Ngunit mukhang hindi lang naman siya ang nagulat dahil maging ito ay nanatili lang na nakatungo sa kanya. His eyes bore into her face, scanning every single detail, stopping at her eyes.

Hindi niya alam kung ilang gabi siyang umiiyak kapag napapanaginipan niya ang mga abuhing matang iyon. How she looked for those eyes in every man that she meets and how she wished to forget how his eyes seemed to spark that flame that could melt even the coldest of her nights.

Gusto niyang gumalaw pero para siyang naestatwa. Could this day get any worse? First, after running regularly for a long time ay nasuklo ang paa niya. And now she gets to be the welcoming committee of the last person she wanted to see.

"Bro, Kaye's with me." Anunsyo ng Kuya niya nang napansin sila nito habang naglalagay ito ng mga maleta sa likod. He sound really jolly. Tila ito lang sa kanilang tatlo ang masaya sa mga nangyayari.

Tiningala niya ang kausap ng Kuya niya. His face matured but she still recognized him. Her heart still awakened at the mere sight of him. Marahil kahit ilang dekada ang lumipas ay makikilala pa rin niya ito. Like she was wired to be perpetually cursed to recognize him and be aware of his presence.

There were a few stubbles in his chin, like he hasn't slept for days. The fine lines in his forehead added mystery to his deep set eyes. His jaw was more defined now, shoulders as broad as the daylight on a sunny day.

His physique improved. Tumangkad ito at para itong professional basketball player. Mas lumaki rin ang katawan nito, para bang wala itong ginawa nitong mga nakaraang taon kundi ang mag-workout.

His stare rested on her eyes. Though they were still the same eyes she used to get drawn to, they seemed foreign to her. Full of secrets and danger, boring into her soul and reading through her every thought.

Again, shock is the understatement of the century! Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas para umiwas ng tingin at umayos na ng upo sa unahan ng sasakyan.

She couldn't even begin to analyze what she's feeling right now. After all these years, Quent Libiran just appeared before her looking even more magnificient as ever. Napalunok siya nang tila nagising ito sa isang panaginip at sinara na ang pinto bago walang imik na sumakay sa likod niya.

"Kaye. Look who's back! You remember Quent right?" Excited na usad ng Kuya niya pagsakay nito.

Tumango siya. Of course, she does. The real question should be if she ever forgot him.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro