Chapter 12
HAPPY
Nagmamadaling tumakas sina Kaye at Kian sa kanilang graduation practice. It was the day of the exhibit. Kahapon sa wakas ay nakita na niya ang pinagmamalaki nitong sculpture. It was a magnificent clay mold of a famous painting.
Humihingal silang dalawa nang narating nila ang building ng Arts Department. Sa gitna ng main lobby nito ay nakahilera ang mga artworks na anonymously pinadala ng mga gumawa. Saktong awarding na kaya may posibilidad na malalaman na rin nila kung sino ang may ari ng bawat isa.
Fascinated na nilibot nila ang exhibit. Laking gulat niya nang nakita ang ribbon na nakasabit sa sculpture na may nakadikit na entry number 3 sa ilalim.
Tuwang-tuwa niyang niyakap si Kian. She couldn't believe it. Her friend won second place!
"I'm proud of you. I really am." She gushed.
Kian chuckled. "Woah... Woah... Are you crying right now? Is that happy tears or tears of envy because I've won?" Biro nito.
Natatawa niyang tinulak ito. "Will you shut up? People are coming." Turo niya sa mga organizers ng exhibit.
The dean approached them with two men in a suit behind him. May dala itong folder at kinumpirma nito kung kay Kian ang obra sa kanilang harap. Kinamayan sila nito nang nalaman nito na si Kian nga ang gumawa 'non.
Inabutan ang kanyang kaibigan ng cash prize at certificate bilang katibayan ng pagkapanalo nito. May dumating pang dalwang miyembro ng faculty at isang photographer para sa documentation ng event.
Tumabi siya para makuhanan ang mga ito ng litrato ngunit pinigil siya ng Dean. "Hija, join us. I'm sure Kian was inspired because of his girlfriend." Biro nito.
Abot-abot ang pagtanggi nila na tinawanan lang ng mga matatanda.
"Kids nowadays love the hype of keeping relationships secret. Nandoon ang thrill." Komento ng isa sa mga ito.
Pagkatapos ng isang picture ay kinausap pa sila ng Dean at natuwa ito nang nalaman na pareho silang nag-apply sa College of Arts. "Both of you will be an excellent addition to our roster. I'm happy na ngayon maraming nahihikayat na i-pursue ang sining. Back in our time, only a few of my schoolmates were interested. Pero ngayon kahit ibang courses nagpapadala na ng entries. You know Quent Libiran from the Business Ad? He won third place."
Baffled na nilingon niya ang ibang obra sa tabi nila. Meron doon na mga painting, may ilang gawa sa clay at may ilan din naman na kahoy na kagaya ng kay Kian. Alin kaya roon ang ginawa ni Quent? She knew he was smart pero pati ba naman pagiging artist ay kina-career din nito?
Tila nahalata naman ng isa sa mga organizers ang kanyang paghahanap kaya nagsalita ito pagkaalis ng dean at ng photographer. "Unfortunately, the artwork is not here anymore. Na-claim na kaninang umaga. We pleaded na i-display kahit ngayong maghapon lang pero hindi siya pumayag. It was a portrait in a canvass."
Siniko siya ng nagtataka rin na si Kian. "Portrait Ma'am? Can we know who the model is? "
Confused na nag-isip ang babae. "Mr. Libiran's painting was just...melancholic. It was so sad. I don't know how he managed to make it appear like that but the painting was very moving. Although the model kind of looked familiar kaya siguro ayaw niyang ipadisplay. But he wa--"
Naumid ang dila nito nang may naalala. "I forgot na bawal nga pa lang i-disclose ang information about the artist. I'm sorry. We have to go. " Nagpaalam na ang mga ito pagkatapos 'non.
Muli ay mabilis na naming lumipas ang mga araw. Namalayan na lang niya na katapusan na ng Marso. They already marched for graduation two weeks ago. It was ironic how days flew when she's not looking forward to anything.
"Ikaw lang ang kilala kong tumangging magpaparty kahit na sila Tita na ang nag-iinsist." Naiiling na usad ni Kian. Nasa kanilang bahay sila ngayon para iplano kung saan sila magpupunta para sa summer vacation.
Her mother wanted to throw a party for her sixteenth birthday at isasabay na raw doon ang graduation celebration niya. But she declined. Instead, she asked for an intimate dinner. Since kumain din lang naman sila sa labas noong graduation niya.
Sina Kian, Harvey at Mandy pati na ang pamilya ng mga ito lamang ang inimbitahan niya na sumalo sa pamilya niya para sa birthday niya.
Sa halip na sa labas kumain ay nagpa-set up na lang sa caterer ang kanyang mommy ng isang simpleng salo-salo sa kanilang pool area. They ate dinner in a huge dining table and she couldn't ask for more. Masaya na siya sa ganoon.
Pagkatapos kumain ay naiwan silang apat sa sun loungers na malapit sa swimming pool. Gustong magpunta ni Kian sa Palawan para mag-snorkelling pero silang dalawa ni Mandy naman ay mas gusto na sa Europe na lang magbakasyon. Bukod kasi sa lilipad na si Harvey papunta roon sa isang linggo ay may mga gusto silang daluhan dalawa.
"I would trade anything for that summer workshop in Europe. Imagine, my mentors would be renouned artists from around the world. At makakakita ako ng mga pieces in world renowned public museums." Excited niyang saad. Kapalit ng party ay hiningi na lang niya ang trip to Europe bilang regalo.
Sinegundahan naman iyon ni Mandy na kagaya niya ay hindi na rin makapaghintay. "First trip namin ito ni Kaye na kami lang dalawa. Habang nasa workshop siya, kukuha naman ako ng crash course sa Latin and Greek politics. Then mamasyal kami at our free time. We have all the time in the world."
Excited na nag-high five silang dalawa. Noong binanggit niya rito ang plano niyang mag-Europe ay agad itong nagsabi rin sa mga magulang nito. Noong una ay na-cancel ang journalism elective na gusting-gusto nitong salihan kaya nawalan na ito ng interes na pumunta. Ngunit nagbalik iyon nang niyaya n'ya ito.
Nagkibit balikat si Kian. Ilang araw na nila itong pinipilit pero tumatanggi ito. Masaya sana kung lahat sila ay magbabakasyon. Lalo na't nandoon na si Harvey na pagdating nila roon.
"We can go to Palawan on October, when our first semester in college ends." Aniya sa undecided pa rin nilang kaibigan.
"Kaya nga, sumama ka na Kian. Para naman may body guard kami 'dun." Tudyo ni Mandy.
Nginisihan ang ito ni Kian. "Gusto mo lang na sumama ako para may pag-iiwanan ka kay Kaye kapag magde-date kayo ni Harvey e."
"Oo nga!" Singit niya. "Don't tell me, you guys will ditch me to go on dates. I can be your third wheel."
"Akala ko sasama ka? 'Di ba pinayagan ka na ni Tita Belinda?" Ani ng kababalik lang mula sa restroom na si Harvey. May dala itong pagkain para sa kanilang apat.
Asar na binalingan nilang dalawa ni Mandy si Kian. "Papilit ka pa." Kumain siya ng ice cream na dala ni Harvey.
"Wala akong natatandaan na sinabi kong hindi ako sasama." Simpleng usad nito. Nakatanggap ito ng hampas mula sa kanilang dalawa dahil 'don.
"Actually, naghihintay lang si Mommy na magkwento ako about sa bakasyon n'yo. Napagplanuhan na pala nila ng Mommy ni Kaye ang pagsama ko. They booked my room across yours. Or pwede raw na isang suite na lang tayong tatlo para sama-sama tayo." Dagdag pa nito.
"Wow ha? Your Moms are so close. Do I smell marriage along the way?" Biro ni Mandy.
Tumawa si Harvey na pinagbukas ang huli ng tubig. "Oo nga. Mag-date na kayo, Kaye. Para naman sumaya sila. 'Yun na lang ang hinihintay nila e." Komento nito.
"Mga baliw." Aniya sa mga ito. Mula noong magiliw na nagpapicture sa kanya ang ina ni Kian noong graduation ceremony nila ay hindi na sila tinigilan ng dalawang ito.
"Sinong ide-date mo Kaye? Is Ethan aware of this?" Mayabang na tanong ng kadarating lang na si Clark. Nilalaro nito ang susi ng kotse nito sa kamay.
Kasunod nitong lumitaw ang seryosong si Quent. It has been weeks since she last saw him. Pero hindi nagbabago ang epekto nito sa kanya. His jaws were clenching while his lips formed a grim line. Parang isang kulbit lang ay manununtok na ito. What has gotten into this guy lately?
"Secret." She smiled sweetly at Clark who replied with a mischievous grin. Now she was more fond him. Mas natititiis niyang makita ito kaysa sa kasama nito. "Where's my gift?"
"Your gift will arrive on the day of your birthday. Hindi mo pa naman birthday kaya stop demanding." Halakhak nito na niyakap pa siya at binati.
Isang sulyap ang ginawad niya sa kasama nito. Quent was emotionless when she turned to him. His stare was cold as the ice cream she was eating. Hindi tuloy niya alam kung ano ang gagawin. Yayakapin din ba niya ito gaya ng ginawa niya kay Clark?
"Akala ko mamaya pa kayo." Singit ng Kuya niya na kakalabas lang mula sa kanilang bahay. She was relieved that he appeared. Nakaiwas siya sa isa na naman sanang awkward na encounter kay Quent.
Her mother also appeared from inside the house. "Kaye, your grandpa is on the phone. He wants to congratulate you properly. Come here, anak." Tawag nito sa kanya.
She excused herself and entered the house. Last thing she heard was her mother inviting Clark and Quent to eat dinner.
It was finally her birthday the next day. Kaye couldn't believe that she was sixteen already. Kagaya ng ibang normal na araw ay mabilis na lumipas ang araw na iyon. Buong maghapon hanggang noong sumapit ang gabi ay paulit-ulit ang tunog ng cellphone niya dahil sa mga pagbati ng mga kaibiga't kakilala niya.
Dahil nakapagdinner na sila kagabi ay wala nang party ngayon. Pero nagluto pa rin ang Mommy niya ng spaghetti noong lunch at steak noong gabi kahit na nag-insist siya na hindi na nito kailangan pang mag-abala. Mag-aalas siyete na ng gabi noong dumating si Kian. Hindi na ito pumasok dahil hindi naman daw ito magtatagal.
"Happy birthday!" Usad nito paglabas niya sa kanilang gate. Niyakap niya ito at nagpasalamat. Inabot nito sa kanya ang isang sikat na libro tungkol sa mga techniques sa pagpipinta.
Hindi makapaniwala niyang tinanggap ang libro na may nakatali pang ribbon. Wala pa nito sa local bookstores dahil kalalabas lang nito sa London wala pang isang buwan ang nakakaraan. Ang plano sana niya ay doon na bumili kapag pumunta sila ngayong bakasyon.
"How did you get this?" She exclaimed. Sa sobrang saya niya ay tumatalon-talon pa siya habang yakap-yakap ito.
"I called in a favor from my cousin abroad." Balewalang sagot nito pagkaraan.
Hindi pa nakukuntento ay mahigpit niyang niyakap ang kaibigan at hinalikan ito sa pisngi. "Thank you talaga! Sa summer ko pa sana 'to planong bilhin kasi matagal din kung bibili ako online dahil sa shipping. But here it is!"
Nakangiwi at tila nandiri namang pinahiran nito ang pisngi nito. "You should've kissed my Mom then. I bought that with her money."
Sunod na dumaan sina Mandy at Harvey na binigyan siya ng bagong palette at isang set ng librong nagustuhan nila ni Mandy nang minsang mamasyal sila sa mall.
Umalis din ang dalawa pagkabigay sa kanya ng mga regalo dahil papunta ang mga ito kina Harvey. He was leaving the day after tomorrow at hangga't maari ay sinusulit ng dalawa ang oras na magkasama sila.
Nakatanggap din siya ng bagong canvass stand mula kay Clark at iba pang mga gamit kagaya ng bag at damit mula sa iba niyang kaibigan at kamag anak.
Hindi alam ni Kaye kung bakit matagal s'yang umupo sa divan sa kanilang terrace na para bang may hinihintay siya. Darating kaya ito? Heck, alam naman nito na birthday n'ya dahil nanggaling ito sa kanila kahapon pagkatapos nilang kumain ng dinner.
Maybe not. Maybe he is busy with a date. Or maybe a party. Kanina kasi ay umalis ang Kuya niya dahil may despedida raw itong dadaluhan. So yeah, he is probably over the moon right now, while she's waiting for something that would never arrive.
With that in her mind, she went in, closed the terrace door and entered her room.
Isang katok ang nakaabala sa kanyang pamamahinga. Napagbuksan niya ng pinto ang kanilang kasambahay na may dalang lunchbox at isang kahon. Tipid ang ngiti nito sa kanya.
"Ma'am Kaye, may nagpapabigay po nito sa inyo." Anito na inaabot sa kanya ang mga hawak nito.
Nagtaka siya pero tinanggap pa rin niya ang mga inabot nito. "Po? Wala naman po akong inaasahang package ngayon Manang."
Nagkibit balikat lang ito at naghintay na ilapag niya ang mga iyon sa table sa tabi ng kanyang kama. Isasara na sana nito ang pintuan nang nagtanong siyang muli.
"Kanino raw po ito galing? At saka bakit may pagkain Manang? Hindi naman po ako nagugutom." Napansin marahil ng kanilang kasambahay na kaunti lang ang kinain niya noong naghapunan sila kaya pinagdala siya nito ng pagkain.
"Ah...e kasama itong dumating noong package. Wala... namang sinabi iyong nag-deliver kung kanino galing pero sa inyo nakapangalan Kaye." pagkasabi noon ay tumalikod na ito at walang imik na isinara ang pinto.
Nawala sa isip niyang buksan pa ang kahon dahil medyo inaantok na siya. Nakapag-shower at nakapagpalit na siya noong napagtuunan niya iyon ng pansin. Sino kaya ang nagpadala nito? Should she be wary of these? Lalo na ang pagkain na baka may nakahalong lason?
Ilang minuto ang lumipas bago siya nagkaroon ng lakas ng loob na buksan ang lunchbox. Tatlo ang compartment nito na may tig-iisang Tupperware na transparent kaya kita ang laman nito sa loob.
Nasa itaas ang lasagna, sa gitna ay rolyo ng karne na mukhang chicken breast at isang maliit na cake sa ilalim.
Inuna niya ang lasagna. Oddly, it has a familiar taste. Para bang natikman na niya ito noon. The chicken cordon blue in the middle was not that bad also. Saan kayang restaurant ito galing? Huli niyang kinain ang cake na may maliit na puso sa gitna.
Hindi pa niya nauubos ang cake noong naalala niya ang box. It was a medium shaped box.
Makintab na asul ito na may pulang ribbon pang nakatali sa gitna. Dahan-dahan niyang hinila ang dulo ng laso at maingat na tinggal ang takip ng kahon. Nabitiwan niya ang tinidor nang nakita niya ang laman nito.
This couldn't possibly be from Kian's Mom. It couldn't be.
Because inside was a rose with buds made of sapphire and a silver necklace with the same sapphire stones Quent gave her on her prom night.
Nang napasulyap siya sa pinagkainan niya ng lasagna at chicken, ay napagtagni niya ang lahat. It hit her like a train going a thousand mile per hour. How gullible was she to have missed that? Wala pang dalawang buwan ang nakakaraan mula noong kinain niya ang niluto ng lalaki noon sa gym bleachers.
She froze for a while. Ang mga luhang na mahigit isang buwan nang hindi pumapatak ay nagsimulang mag-una-unahang lumandas sa kanyang pisngi.
For awhile she thought she was fine. Of course the hurt was still there. It will always be there. Pero ang lahat ng progress na nagawa niya nitong mga nakaraang linggo ay nawala. Like she was reset. Back to zero. Back to where she started.
Broken. Hurt.
Inilabas niya ang bulaklak. It smelled like him.
Lalo siyang napaiyak. It has been weeks since she smelled that expensive perfume for a long time. Lagi ay umiiwas siya o nagtatago rito. Oh how she misses him. His smile. Those eyes that spoke volumes. His laugh.
Kinalog niya ang box. Sa gitna ng pagluha ay nagtataka siya kung bakit sobrang laki nito, gayong bulaklak at kwintas lang naman ang laman nito.
Sa pag-aalog niya ay may nalaglag na papel. Napahikbi siya lalo. And with trembling hands, she slowly opened the letter. She recognized Quent's handwriting.
Happy 16th birthday Kaye! I wanted to give these to you myself but I didn't have the courage to do so. I'm usually courageous but when it comes to you nababahag ang buntot ko.
How are you? It's been awhile. I'm not exactly certain what happened but I miss talking to you. I miss your sweet voice, your smile and your honest replies. I miss our brief encounters and I miss staring at you whenever I get the chance to. And I also miss your thank you's (by the way you didn't thank me for being your driver at prom). Even when I see you almost everyday I still miss you a lot.
Kaye, I know it's too late but I want to apologize if I did or say anything that hurt or offended you. I know everything has been sudden and maybe I got you confused but I would never intentionally do something to hurt you, remember that.
Can I be honest? I've written this letter for a few times already but I couldn't find the right words to say.
I actually planned to ask you out for an afternoon picnic at the hillside. To feel the breeze, paint the sunset and the clouds and sit on a blanket while talking about anything and everything under the sun with you. I wanted to give you at least a glimpse of the bliss and peacefulness I feel whenever you're around.
That would've been the perfect afternoon. I also knew you were up for those stuff. We could've had the time of our lives. Plus, I wanted to see and appreciate two of the most breathtakingly beautiful things in the world at the same time. The sunset and... you.
I tried to cook your favorites. I hope you like them. I'm sorry I told Manang to not reveal who these were from. Baka kasi itapon mo when you find out that they're from me.
Under the rose's cushion is a set of paint brushes. I know painting makes you happy. Just as you make me happy whenever you are with me. And that's all I want you to be. Happy. With your eyes twinkling with joy. Never forget to smile often. Always take care. - Quent
Nanginginig ang kamay niyang inangat ang pinagpatungan ng rose. Sa ilalim nito ay naroon nga ang anim na brush na kasama sa set na pinabibili niya sa mga magulang niya. Those were limited edition. Parang ulang pumatak ang luha niya na hindi na yata mauubos. Halos hikain na siya sa pag-iyak at paghikbi.
She wanted to come to Quent and explain everything. Na namimimiss din niya ito. Na napapasaya rin siya nito. Na gusto rin niya ang picnic sa may burol na sinasabi nito. Hindi niya alam kung tama 'yon pero gusto niyang subukan. Pagod na pagod na siyang magkunwari na wala lang at okay lang siya. Siguro kung makakausap niya ito ay magkakaroon kahit papaano nang linaw ang lahat ng ito.
Kinabukasan ay maaga siyang nagising. She wore a jogging outfit and running shoes. Tuwing umaga ay nagpupunta sa kanila si Quent para mag-training kasama ang Kuya niya pero hindi na niya mahihintay 'yon. Tinakbo niya ang daan papunta sa pangalawang bahay malapit sa kanila. Habang papalapit ay binagalan niya ang takbo at inaayos ang sarili.
She already rehearsed her lines last night. At kung makalimutan man niya ay sasabihin na lang niya ang totoo. Maybe the truth will set her free, as the saying goes. Siguro 'pag nasiwalat na niya ang lahat kay Quent ay makakalaya na rin siya sa lahat ng sakit.
Isang kasambahay na nagwawalis ang nadatnan niya sa labas ng gate nina Quent.
"Magandang umaga po." Bati niya sa matanda. Ito ang mayordoma ng bahay ng lolo ni Quent na halos nagpalaki na sa binata dahil nasa abroad ang mga lolo nito.
"Magandang umaga rin Kaye. Nag-jojogging ka?" Hindi makapaniwalang sambit nito. The old lady had a right to be startled. She was not a morning person.
"Opo... Magbabakasyon na po e, wala akong gagawin masyado sa bahay." She inhaled deeply before she spoke, "Ahm...Si Quent po?" Pinilit niyang pagaanin ang tono ng boses niya para hindi makahalata ang matanda na tensyonado na siya.
Bigla ay binalot ng lungkot ang mukha ng matanda. "Umalis s'ya e." Laglag ang balikat nitong sagot.
"Ah...ganon po ba? Mga anong oras po kaya ang balik niya? May sasabihin po kasi ako e." Bahagya siyang nakahinga ng maluwag sa nalaman. She had more time to practice and run her lines.
"Babalik? Naku baka matagalan hija... Sa layo ba naman ng Canada." Pinagpatuloy nito ang pagwawalis.
Saglit siyang natigilan. Canada raw? Baka naman nagkamali lang siya ng dinig. "Po?"
"Nakaalis na si Quent, kanina pang madaling araw. Malamang ay nasa eroplano na 'yon ngayon. Hinatid pa nga siya nina Clark at Ethan kanina."
Ngayon ay ang balikat naman niya ang nalaglag. "Canada po? Bakit daw po?" Napatingin na sa kanya ang matanda dahil sa katarantahan at pagpiyok na nahimigan sa boses niya.
Bakit ito nagpunta ng Canada? Bakit biglaan naman? Bakit hindi man lang nabanggit ng Kuya niya?
"Ewan ko ba sa batang 'yon. Bigla na lang kahapon naisipang pumunta 'ron. Tuwang-tuwa naman ang mga lolo niya at sa wakas e nagdesisyon ding sumunod doon si Quent. Aba e ang tagal na nilang niyayaya ang batang 'yun na pumunta pero laging tumatanggi e..."
It took her awhile to process what she just heard. So Quent's gone away. Nahuli siya ng dating.
Biglang bumalik sa kanya ang lahat. Ang ilang linggong pag-iwas niya rito. Hindi ba ito naman ang gusto niya? Ang hindi na ito makita? Pero bakit hindi siya masaya? Sa halip ay dumoble pa ang bigat ng kanyang puso sa nalaman.
Slowly, tears started to pool around her eyes. Tumalikod siya sa matanda at nagpaalam na.
"Kaye...Sandali. Importante ba ng mensahe mo? Hamo't 'pag tumawag siya ay sasabihin kong tawagan ka." Habol sa kanya ng matanda.
Huminga siya ng malalim bago siya sumagot at tinuloy ang pagtakbo. "Hindi na po. Magpapasalamat lang po sana ako sa regalo n'ya. Salamat po manang."
Then she ran fast until she burned out. Kung maari lang sanang gaya ng lakas ay nade-drain din ang nararamdaman sa pagtakbo, hindi na siya titigil hangga't hindi nauubos 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro