Chapter 10
HEARTS
Gaya ng usapan ay maaga silang pumasok kinabukasan. Mag-aalas syete pa lang ay nagsisimula na silang magset-up ng gymnasium.
Sina Harvey at Mandy ay binubusisi ang mga give aways para sa kanilang prom na kakadeliver lang. Sila naman ni Kian ay nagdikit na ng mga styrofoam sa stage. Alas nuebe nang nagpaalam sila ni Mandy para magmeryenda.
Almost everyone was wearing red. Mayroon din namang nakaibang kulay pero karamihan talaga ay nakapula. Sa gitna ng kanilang school ay may sound system na inooperate ng isang dj. Maaring mag-dedicate ng kanta at mensahe 'don. At dahil nga araw ng mga puso ay puro love songs lang ang maaring i-request.
Nasa tabi nito ang isang mini carnival na may mga rides at arcades.
May mga nakakalat na booths sa lahat ng sulok. Sari-sari ang tema ng mga ito. May mga tindahan ng pagkain at inumin, ilan pang mga pakulong laro, jail booth, mga bazaar at ang mga pinakamabenta, ang mga booth na Valentine inspired gaya ng speed dating booth, marriage booth at ang kissing booth na nasa tabi lang ng kanilang building.
"I never imagined na magiging close kami ni Harvey. Napaka-intimidating kaya 'nun dati pa." Her bestfriend was babbling nonstop about her newfound friendship. Sa loob ng ilang linggo ay ngayon lang ulit sila nagkasama. She was stuck with Kian while Mandy had to team up with Harvey.
She grinned. Kahit siya ay hindi inaasahan na maging ganoon ang dalawa. Yes, they paired them so they'd at least learn to tolerate each other but they didn't expect them to be friends.
Hinampas agad siya nito nang napansin nito ang kanyang itsura. "What's with that grin? I know what you're thinking. Pero hindi ito 'yun. We're just friends."
Sa halip na maniwala ay lalong lumaki ang kanyang ngisi. "Wala naman akong sinasabi 'di ba? Ikaw itong kung anu-ano na ang iniisip."
Saglit silang tumigil nang may lumapit sa kanilang tatlong lalaki. Ang dalawa sa mga ito ay ka-batch nila habang junior naman ang isa. Binati sila nito ng 'Happy Valentines' at binigyan sila ng mga pusong sticker.
Mula pa noon ay nakaugalian na 'yon sa kanilang school. Ang mga sticker na 'yon na ipinamimigay sa guard house. Each person has a maximum of 5 stars na maaring ibigay sa mga friends, crushes at girlfriend o boyfriend nila. Ang mga puso ay dinidikit sa damit ng binigyan nito.
Ang dalawang seniors ay nag-abot ng mga puso sa kanya at ang junior naman ay kay Mandy. Nakangiti nila iyong tinaggap at dinikit sa kanilang damit. Simula pa kanina ay may mga nagbibigay na sa kanila ng sticker. Nahihiya silang ang tumanggi kaya halos papuno na ang harap ng tshirt nito at ang itaas ng suot niyang jumpsuit.
Malapit na silang matapos sa gym kaya nagliwaliw muna sila ni Mandy sa mga booth. Nagkakabit naman ng moon sina Kian at Harvey kaya okay lang kung matagalan sila.
They ate siomai, fishball and noodles. Binili rin nila ang mga lalaki para makakain ang mga ito pagbalik nila. Dala niya ang siomai at noodles habang si Mandy naman ang may hawak ng softdrinks. Magpapa-attendance lang sila sa kanilang classroom kaya kailangan nilang pumunta sa kanilang building.
Paalis na sila nang tawagin sila ni Mrs. Perez. Naiinip na nakatayo ito sa hilera ng mga babae. Halo-halo ang mga tao roon. May college, high school, elementary, outsiders at pati rin mga faculty members kaya hindi na niya sinilip pa kung para saan ang linyang 'yon.
"Hold my place. May kukuhanin lang ako sa faculty room." Walang pasabing tumalikod ang masungit nilang adviser pagkasabi 'non.
She and Mandy had no choice but to yield. Siguradong lagot sila rito kapag hindi sila sumunod. Hindi naman sila nainip dahil bukod sa magkasama sila ay mabilis din ang pag-usad ng pila.
"Where does this line end?" Tanong ng kaibigan niya sa mestisang nasa unahan nila. Mukhang exchange student ito.
"Ethan Sy." Malandi nitong saad.
Pagkarinig ng pangalan ng Kuya niya ay nahinuha na nila kung nasaan sila. Agad niyang hinila paalis si Mandy. "Tara na. This is not worth our time."
Imbes na sumama ay nanatili ang kanyang kaibigan sa kanilang pwesto. "Bakit? Why would anybody pass on a chance as good as this?"
"Hinihintay tayo nina Kian sa gym. Naiinip na ang mga 'yun."
"Ano ka ba! Maiintindihan nila na minsan lang sa buhay ako mahalikan ng captain ng basketball team."
"Mandy..." She tugged her friend's shirt.
"Sige na Kaye. And besides, para kay Ma'am naman 'yang place mo. Sasabunutan tayo 'nun kapag hindi siya nakahalik sa Kuya mo."
She giggled. Sino nga namang mag-aakala na lilinya ang masungit nilang adviser sa kissing booth?
Hindi niya namalayan na malapit na sila sa unahan at isang babae na lang at sila na ang susunod.
She recognized the dash of confusion on her brother's face when he saw them. Nakangiwi siyang ngumiti rito. Okay na rin naman dahil nataon na ito ang nakatoka sa kissing booth. And not the person beside him.
Kanina pang nakamasid ito sa kanya at kanina pa ring nagsitindigan ang mga balahibo sa kanyang batok dahil sa titig nito.
Bago pa mahalikan ng Kuya niya si Mandy ay umalingawngaw na ang sunod-sunod na pito ng kanilang coach gamit ang whistle na nakasabit sa leeg nito. "That will be your last Sy. You're up Libiran."
Tila may nag-alarm na mga ambulansya sa kanyang utak. Wala na sa kilig na kilig na si Mandy at sa nakasimangot niyang kapatid ang kanyang atensyon,kundi kay Quent, na hindi pa rin inihihiwalay ang mga mata sa kanya.
Walang humpay ang pagtatambol sa kanyang dibdib. At napako ang kanyang paa sa kanyang kinatatayuan. Dama niya ang pag-init ng pisngi niya. Huminga siya ng malalim para maibsan 'yon.
Tila kinakabahan din naman si Quent dahil ilang beses na gumalaw ang adam's apple nito. There was faint and amused smile on his face. Like he was really looking forward to give her a peck on the cheek. Na masaya ito na nakita siya nito roon.
But she wasn't here for herself. Nasaan na ba si Mrs. Perez? Iniisip niya tuloy kung papaunahin n'ya muna ang iba. Pero magagalit ang matanda kapag nahuli nito na nagpapasingit sila.
She was about to give way to the person behind her. Pero naiinip na tinulak siya nito kaya naman muntik na siyang mabuwal at mauntog sa counter ng booth.
Quent was quick to prevent that from happening. Sinalo nito ang ulo at katawan niyang tatama sana sa kahoy na counter at tinanggap ang malakas na impact ng pagtulak sa kanya. Sa halip na sa booth siya tumama ay sa mga braso ni Quent siya dumapo. Napapikit siya sa pag-aakalang masasaktan siya.
Ang una niyang namulatan ay ang pag-iigting ng mga ugat sa brasong sumagip sa kanya. Tumingala siya at nagpapasalamat na ngumiti sa binata. Alam niyang nasaktan ito dahil dinig niya ang paghampas ng dibdib nito sa counter kanina para mapigilan ang pagkaumpog at pagtumba niya.
"You okay?" His voice was hoarse. Madilim ang ekspresyon nito pero nandoon ang pag-aalala. Ngayon ay nakatayo na ito ng maayos at hindi na nakasampa sa pinagsaluhan nito sa kanya kanina. Pagkatitig niya sa mga mata nitong abuhin ay saglit siyang nawala sa kasalukuyan. His eyes were trying to convey volumes of emotion she couldn't decipher again.
Dumagundong ang counter na hinampas ng Kuya niya kaya hindi na siya nakasagot. Nakatingin ito sa babaeng nakapink na dress sa kanyang likuran. "Please, be very careful." Seryoso nitong saad bago siya tinignan.
Napapahiyang humingi ng tawad ang babae nang nakita nito kung sino siya.
"What are you waiting for bro? Kiss Kaye already. Humahaba ang pila." Utos ng kadarating lang na si Clark. Nakangisi ito sa kanila ni Quent. His smirk was mischevously cryptic. Para bang may alam ito na hindi dapat.
She braced herself as Quent leaned to brush his lips against her cheek. Bumalik ang paghataw sa dibdib niya.
"Ms. Sy." Agad siyang bumaling kay Mrs. Perez na nasa tabi niya, kasama ang anak nito. "Salamat at iningatan mo ang pwesto ko."
Natatawang hinigit siya ni Mandy na kagaya niya ay halos matunaw na sa tamis ng ngiti ni Mrs. Perez. Nagpa-picture ang anak nito sa bawat miyembro ng basketball team. Akala pa naman nila ay nandoon ito para sa halik ng mga players.
Heck, Quent almost kissed her. Pero hindi na mahalaga sa kanya na hindi natuloy 'yon dahil hanggang ngayon ay ramdam n'ya pa rin ang mainit nitong kamay na nagligtas sa kanya kanina. And the erratic beating of her heart was also still there.
Sinulyapan niya ito na magiliw na nakikipag-usap kay Mrs. Perez. Nakaputi itong polo shirt na may green na puso sa may dibdib ngunit hindi na rin naman masyadong halata iyon dahil sa dami ng heart stickers na nakadikit sa damit nito.
She saw him glance at her when Mrs. Perez and her daughter left his post and another girl raised an arm to shake his hand. He courteously accepted the hand. Sumasagot din ito sa mga tanong ng kaharap pero distracted na panakanakang nililipat nito ang tingin sa kanyang direksyon.
Ngingiti sana siya pero naalala niya ang Kuya niya na umiinom ng tubig sa likod ng booth. Nakakahalata na yata ito.
Mabuti na lang natakpan ng kanilang guro ang kanyang line of vision. "Balik na kayo sa gym. Pupunta ako roon mamaya para icheck lahat ng ginawa ninyo." Ngayon ay normal na ulit ang ekspresyon nito, parang galit at handa nang manigaw kapag na-provoke.
Pagkaraan ng ilang pagtango sa mga bilin nito ay bumalik na nga sila sa gym. Malayo pa lang sila kina Harvey ay walang tigil na ang panunukso ng mga ito.
"Ang dami ninyong admirers a!" Bumaba na si Kian sa bakal na hagdan na ginamit ng mga ito sa pagdidikit ng moon.
Makulit namang binilang ni Harvey ang mga heart stickers na nakadikit sa kanyang suot. Lalong tumawa ito nang mapansin ang ilan sa likod niya.
Konti pa lang ang mga sticker ng mga ito dahil simula kaninang umaga ay hindi pa lumalabas ang mga ito ng gym. Pero may mga babaeng malakas ang loob na ang pumunta rito para bigyan ang dalawa ng puso.
Walang kemeng kinain ng dalawang lalaki ang mga dala nilang pagkain. Sunod-sunod ang subo ng mga ito habang kinukwento ni Mandy ang nangyari sa kanila sa labas.
"I never saw Mrs. Perez smiling until awhile ago." Biro pa ng kaibigan niya na nag-demo pa ng ngiti na katulad ng kay Mrs. Perez.
Tanghalian noong unang beses silang lumabas apat. Hinabilin na nila sa utility ang gym at lumabas.
Exaggerated na nag-exhale si Kian nang nakapag-ayos na sila para lumabas. "Merienda na tayo. Saan n'yo gusto? Libre ni Harvey." Nakangisi nitong inakbayan ang kaibigan nitong napakamot na lang sa ulo.
Nagpaiwan siya dahil kailangan pa niyang ayusin ang sintas ng kanyang sapatos.
"Hi Kaye." Nakangiting bati ni Quent na nadatdatan niya sa bukana ng gym. Mag-isa ito at tila may hinihintay doon.
Ngumiti siya rito. Aayain sana niya itong kumain ngunit dinumog ito ng mga babaeng nagbigay ng mga puso. He was really popular. Hindi niya alam kung ikakatuwa o ikakalungkot ba niya iyon. Hinabol na lang niya ang mga kaibigan na hindi pa nakakalayo.
Sa isang Asian themed booth sila napapdpad apat. Iyon lang kasi ang hindi pa puno ng tao. Umorder sila ng stir fried vegetables at orange chicken.
Busog pa siya sa kinakain kanina kaya kaunti lang ang nakain niya. Ang mga kasama naman niya ay nasarapan sa mooncake na dessert at nag-add pa ng tig-iisang order nito.
Iniwan niya ang tatlong busy sa pagkukwentuhan at pagkain. Sumisikip na rin kasi sa loob ng tent dahil magla-lunchtime na.
"Kaye!" Nagulat siya dahil humihingal na sumabay si Quent sa paglalakad niya. Kagaya niya ay mapupuno na ang kabuuan nito ng mga pulang puso. Siguro magandang suggestion sa susunod na Valentines ay gawing mas maliliit ang mga puso para hindi naman ganito ang itsura ng mga maraming natatanggap na gaya nito.
Niyaya siya nitong mananghalian pero dahil nagmamadali na sila nina Mandy pabalik sa gym ay hindi na niya napaunlakan ito.
Pagkaraan ng ilang oras ay tapos na rin nila sa wakas ang lahat. Nagpaalam na siya sa mga kasama dahil gusto na niyang umuwi.
Pagka-text sa driver ay namasyal muna siya sa kalakhan ng field para magpalipas oras. Inisa-isa niya ang mga stall hanggang sa marating nya ang bazaar tent. Sari-sari ang binebenta roon. May mga halaman, bulaklak, prutas, damit, sapatos at kung anu-ano pa. Pero ang antique shop sa gilid ng isang fruit stand ang nakapukaw sa kanyang kuryosidad.
May mga lumang accessories, paintings at gamit doon. Nang tanungin siya ng attendee kung ano ang hanap niya ay sinabi niyang nagtitingin lang siya kaya hinayaan na siya nitong i-eksamin ang mga nakadisplay.
She's always had this fascination over antiques. More than the physical appearance they have, ay mas naaakit siya sa mga maaring pinagdaanan nito bago ito napunta sa sunod na magmamay-ari rito.
It was like fate. Kung ang isang bagay ay para sa'yo talaga, gagawa ang tadhana ng paraan para mapunta ito sa iyo. That amidst the distance and hindrances, things meant to be will find a way.
Pinulot niya ang singsing na may asul na bato sa gitna ng isang bukas na jewelry box. Simple lang ito ngunit elegante. It wouldn't pass for a million-dollar jewelry pero talagang natawag nito ang pansin niya, like it was meant for her.
Bago pa niya maisuot ang singsing ay may mga nagtatakbuhang estudyante ang bumangga sa kanya. May dalang posas ang isa sa mga ito kaya hula niya ay mga taga-jail booth ang mga ito. Pagkatapos maghabulan sa paligid niya ay nagsialisan din ang mga ito.
Noon niya napagtantong wala na ang singsing sa kanyang kamay. Sinubukan nilang hanapin 'yon ng babaeng nagbabatay ng stand pero wala na ito. Binayaran na lang niya ang ito dahil siya naman ang nakabitaw sa nasabing singsing.
Pinasyalan din niya ang iba pang stalls at nakabili siya ng dalwang paperbacks at isang dream catcher.
Nang nagtext na ang driver nila sa kanya ay nagpasya na siyang lumabas ng bazaar tent. May acoustic night pa mamayang gabi ngunit ayaw na niyang umattend 'non. Bukod sa pagod na siya sa pagse-set up ng gym ay ilang gabi na rin siyang sinasabihan ng Mommy niya na huwag magpuyat dahil sa maaring maidulot nito sa kanyang balat. Ayaw din naman niyang magkaroon ng breakouts sa prom night.
"Miss!" Napalingon siya sa pag-aakalang siya ang tinatawag.
"Ayan! Sa kanya mo na ibigay yung singsing... Miss!" Untag sa kanya ng babae sa antique shop na pinanggalingan niya kanina.
Bago pa man siya makalapit ay tinuturo na siya ng babae sa nakakita ng singsing na nawaglit sa kamay niya kanina.
Nanlaki ang mata niya nang mapagtanto kung sino ang nakapulot nito. "Kaye?"
Halos puno na ang damit pati na rin ang pantalon na nakayakap sa binti nito ng mga puso na galling sa mga tagahanga. He looked tired. Parang galing ito sa mahabang biyahe. Napagod marahil sa pag-estima sa mga tao sa kissing booth ng mga ito.
She watched his expression change when he saw her looking at him intently. He looked less tensed and relieved. Hawak nito sa isang kamay ang singsing. Saan nagpunta ang singsing na 'yon?
Natatawa siyang lumapit rito. "So, you found that ring. We tried to look for it pero hindi namin nakita."
Imbes na sumagot ay nilapitan lang siya nito. "I looked everywhere for you." Bulong nito.
"Ha?" Naguguluhan siyang tumingin rito. Clearly his answer wasn't responsive to her question. "Why?"
Muli ay hindi siya sinagot nito. Her breath hitched as he went in close. Maingat na hinawakan ni Quent ang kanyang kamay at sinuot 'don ang singsing. Hindi niya makilala ang sariling dibdib sa sobrang lakas ng pagkabog nito.
She wanted to utter a joke but she couldn't even think straight. And when she gazed at his eyes, nalunod na siya. Lalo na ngayong nakatingin ito sa kanya na tila ba siya ang sagot sa lahat ng problema nito.
"Thanks for returning this. I have to go." Pilit niyang binawi ang kamay sa binata at walang lingong naglakad palayo.
Dinig niya ang pagtawag nito sa kanya pero hindi niya pinansin 'yon. Kung bakit tumatakbo pa siya palayo rito ay hindi niya alam.
Ang alam lang niya ay natataranta na naman siya sa presensya nito. Ang daming pumapasok sa isip niya. Ang Kuya niya. Si Stella. Ang mga tao at ang panghuhusga ng mga ito.
Tumigil lang siya pagdating niya ng CR sa loob ng gym. Nanghihina siyang naghugas ng kamay. Hindi siya makapaniwalang na naiwala niya si Quent. Malayo na siya kanina pero dinig niya ang pagtawag nito sa kanya kaya mas binilisan niya. She was quite proud of herself. She didn't know she had the agility to outrun him.
Habang dumadampi ang tubig sa kanyang mga kamay ay hindi niya mapigilang titigan ang singsing sa kanyang kamay. Tila andoon pa rin ang init mula sa kamay ni Quent kanina.
She was really lost. Hindi niya alam kung ano na ang mga nangyayari at mangyayari pa sa kanya. Pero ang alam lang niya ay dapat na umiwas siya kay Quent. Until she figures everything out.
Pagkatapos niyang i-text ang driver na sa labas ng gym pumunta ay umalis na siya ng cr. Malamang ay nandoon na ang sundo niya pagkalipas ng ilang minuto.
As soon as she stepped out of the door, a warm hand held her shoulders. Gusto niyang magpumiglas ngunit kumpara rito ay mahina siya at wala na rin siyang lakas na iwasan ito. Doing so would be futile. Mahahanap at mahahanap din siya nito katulad ng nangyari ngayon.
"Are you avoiding me?" Bulong nito.
Pilit siyang nagpumiglas pero hindi siya pinayagan nito. Nanatili siyang hawak nito.
Pagak siyang tumawa. "Ha? I am not. What makes you think that?" Saad niya.
"Liar..." Bakas sa boses nito ang pagod mula sa pagtakbo. "You know how many men I've killed inside my head today because of you?"
Umiling siya. What is he saying?
Pinaharap siya nito, mahigpit pa rin ang hawak sa kanya. "A lot, Kaye. Answer me. Why are you avoiding me?" Parang batang reklamo nito.
Confused siyang tumulala lang dito. Paano niya sasabihin ang totoo na natatakot siya dahil gusting-gusto niya ito at mukhang marami na ang nakakahalata?
"You kept on accepting everyone's hearts all day, while I couldn't even receive a minute of your precious time." Malalamlam ang mata nito, punong-puno nang pagtatampo.
She was taken aback. He was talking like he has been on her tail since this morning. Wait... Was he? Kaya ba pasulpot-sulpot ito kung nasaan siya?
May dinukot ito sa bulsa. Nilahad nito sa kanya ang mga pusong papel nito. "Bakit ka tumatanggap ng paisa-isa when you can have all of mine?"
Binilang niya ang binigay nito at nadiskubre na lima pa rin iyon. Gusto niyang maiyak sa halo-halong emosyon. She was touched, bewildered and confused at the same damn time. Why is he giving her these?
The butterflies in her stomach couldn't behave themselves. Panay ang pagwawala ng mga ito. Pinasadahan niya ng tingin ang sarili. Hindi niya alam kung saan niya maaring ilagay ang binibigay nitong mga puso dahil puno na ang suot niya ng puso mula sa mga taong nakasalubong niya maghapon.
Imbes na idikit sa sarili ang mga puso ay hiwakan lang niya ang mga 'yon at kinuha ang natitira niyang mga puso sa bag. "Thank you, Quent. Here."
She saw how his face lit up when she gave him the hearts. Tatakbo na sana siya paalis nang bumitaw ito sa kanya. Pero nagulat siya sa sunod nitong ginawa.
Bigla ay isa-isa nitong tinanggal ang mga nakadikit sa katawan at damit nitong mga papel na puso hanggang sa walang natira sa mga iyon. Dahan-dahang kinuha nito ang kamay niyang may hawak ng papel at dinikit 'yon sa kaliwang dibdib nito.
"I don't need their hearts, Kaye. I just need yours." Masuyo nitong saad. Tears pooled in her eyes as she saw the sincerity in his eyes. What the heck is happening here? Gusto ba nitong magkaroon siya ng seizure dahil sa mga sinasabi nito?
Sa halip na sumagot ay binilang na lang niya ang papel na pusong natira sa kanya. Napangiwi siya nang napagtanto niyang kung ilan na lang ang natira sa kanyang mga hearts. Dinikit niya ang isa sa may puso nito habang nasa kanang balikat naman nito ang isa pa.
Tumawa ito. "At least I get two of yours. Though it would have been better if I received your biggest heart."
Nahihiya niyang kinuwento rito ang isang Kindergarten na nagbigay sa kanya ng heart kaninang umaga. Doon niya binigay ang pinakamalaki niyang puso. Kina Mandy at Kass naman ang dalawa.
Pumalatak ito. "That kid got lucky. While I, who spent most of the day looking for you, had to ambush you in order to have these precious hearts."
Masuyong pinahid nito ang pawis na namuo sa kanyang noo dahil sa pagtakbo at tensyon. "How are you by the way? Nasaktan ka ba kanina?" Anito, tinutukoy ang aksidente sa kissing booth.
Umiling siya. Ngayon ay balik na sila sa mga light na conversation. She was more comfortable with this. "I forgot to thank you. If it wasn't for you, I would've been seriously hurt."
Saglit na nagdilim ang ekspresyon nito nang naalala ang nangyari. But his playful expression returned immediately afterwards. "You know what, if I get a heart everytime you said thanks lately, then I'd probably get all of them."
She giggled. He was taking these hearts seriously. His gray eyes bore into her soul as he tucked the stray hair under her ear.
"But honestly, I don't want a space in your jumpsuit, Kaye. Anyone can have that. A space inside your heart, kahit maliit lang, that's what I would like to have."
Ngumiti siya rito. If he only knew how alone he was in her heart.
Pero pinigil na niya ang sariling magsalita. She didn't want to delve more until she's sure. She's terrified of every possible thing that could spring out of this. Especially with all the rumors surrounding him and Stella, her brother and this overwhelming feelings she has for him.
She hopes that like how the ring on her finger which went missing but found it way back to her later on, every thing will work out in its own time. There is no need to rush.
"May date ka na bukas?" Kaswal na tanong ni Kian kay Kaye noong nagkita sila sa labas ng gym.
"Wala pa." She looked around and saw their car entering the gates. Sa malayo ay naaaninag na rin n'ya si Kass na naglalakad papalapit sa kanya.
Nilingon niya si Quent na kasama ng Kuya niyang naglalakad papunta sa parking. Naputol ang usapan nila nang pareho silang nakatanggap ng tawag. Ang kanya ay mula kay Kass habang dito naman ay sa Kuya niya.
Kakaway sana siya sa dalawang binatang nakatingin sa gawi niya ngunit nagsalita ang katabi niya. "Wala pang nagkakamali?"
Tinapik niya ito sa braso. Sumulyap din si Kian sa mga Kuya niya. "Anong nagkamali? Ang sama mo. Ikaw ba sinong naloko mo na pumayag na ka-date ka?"
Tulad niya ay marami ring papel na puso ito. Her friend has many admirers. Napangisi siya sa naisip. "Wala pa rin e. Ikaw ba? Magpapaloko ka ba sa akin?" Napakamot ito sa ulo.
Natawa siya sa sinabi nito. Her initial plan was to not have a 'date'. She declined a few offers already. But this was Kian. For some reasons, she feels safe around him so why not?
"Bakit hindi? Pero baka may magalit sa akin ha?" Biro niyang malisyosong tinuro ang mga puso sa damit nito.
"Well, my Mom would get mad if you'd reject me. Nakapagpatahi na kasi siya ng suit. Sayang naman kung hindi ako dadalo dahil wala akong date." Magiliw na sinalubong nito ang inang kadarating lang para sunduin ito. Agad niyang binati ang babae na ngumiti nang nakita siya.
Akala niya ay aalis na ang mag-ina pero nang nalaman ng ina ni Kian na nagkayayaan sila para sa prom ay inusisa na siya nito tungkol sa mga detalye tungkol sa kanyang damit at kung anong oras siya susunduin.
Iwinagayway ni Kaye ang kaliwang kamay niya. "No need po Tita. Ihahatid po ako ni Kuya. " Pagdating ni Kass ay nagpaalam na ang mga ito dahil nandoon na rin ang sundo nilang magkapatid.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro