Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE:

This chapter is dedicated to Shanime_Datsuke. She made the cover for me :) Thank you!

Advertise ko lang stories ko saglit.

Living with Royalties

The camp site that turns royalties into ordinaries. How can you find true love in a place where it never existed?

----

Jen.

"Ano? Uwi na tayo guys?" yaya ni Mike.

"Agad? Teka, sugurin muna natin si PS. Nakakahiya yung ginawa nya," sabi ni Assej.

"Oh sige tara!" energetic na sabi ni Jhanny.

Dali-dali naman silang lumabas at nahuhuli kami ni ni Tanga sa pagtakbo. Pero huminto naman ako agad.

"Di ka sasama?" tanong nya.

"Para saan pa?"

"Masaya naman," nilahad nya ang kanyang kamay, "Tara na Jen."

I just stared at it, confused if I'm going to accept it or not. Hindi pa ako nakasasagot no'ng bigla nyang hinila ang kamay ko.

What the eff, that is very unexpected.

Tumakbo kami palabas nang rooftop. Nasusundan na namin sila kuya papuntang principal's office.

"Oo nga pala, ang ibig sabihin nang salitang Je Taime ay--" naputol ako sa aking salita no'ng meron syang binulong dahilan para matigil ako sa pagtakbo. "What?"

"Ha? Anong sabi mo?" he asked, curiously.

Tama bang sagutin ng tanong ang isa pang tanong? Inulit nya nga lang sinabi ko e.

"Wala," matabang kong sagot.

Nakakapagod kasing mag-explain lalo na't bobo ang kausap ko.

He kept staring directly into my eyes like he's examining every detail of my expression. Bahala sya sa buhay nya. Sasabihin ko na sana kaso palagi nyang pinuputol, kanina pa yang paputol-putol effect na yan.

"Ah, okay," sabay ngiti.

Binalik nya ang kanyang tingin sa daanan atsaka kami tumakbo ulit. Di ko alam bakit pero nakatitig lang ako sa mga kamay naming magkahawak kanina pa at..

Ngumingiti ba ako? Buti na lang at hindi nila ako nakikita.













-- Summer Time --

Ang boring dito, may aircon, tv at kung ano-ano pa kaso ang boring talaga. Wala si mommy kasi kasama si yaya sa boutique at hinatid sila ni manong. Si daddy ayun nasa company or di kaya sa bar kasama na naman ang kanyang mga babae n'yang mukhang clown sa kids party.

Napalingon ako sa taong kakababa lang ng hagdanan no'ng bumungad sa 'kin si kuya na bihis na bihis.

  "Where are you going?"

"Ha? Ah, hm. Basta," sagot nya habang inaayos ang kanyang polo.

"Saan nga?"

"Basta nga."

"KUYA!"

"Oo na, sasamahan ko si ano.. si Jiemie, magshoshopping," namumula pa sya habang nagkakamot ng ulo.

"Sasamahan lang talaga? Baka date kamo!"

Tinignan nya ako and guess what? He's red as red velvet.

"O sige alis nako ha," pag-iiwas nya sa topic.

May sinabing kakaiba si kuya bago nya pihitin ang doorknob. "Mag-expect ka nang bisita mamaya. Bye," tsaka sya tuluyang lumabas.

Bisita? Walang magtatangka na bisitahin ako sa mga oras na ito kasi lahat sila busy sa kani-kanilang buhay. At kung meron man, si Assej lang iyon na kakaalis lang patungong America para magsummer vacation. Sa kalagitnaan ng summer, busy ang mga magagaling naming kaibigan. Di ko nga lang alam kung saan sila nagbabakasyon ngayon. Maybe, states, Alaska, North Pole or kung saan-saan pa basta't malamig. Natatakot kasi ako bumyahe mag-isa kaya hindi ko magawang umalis ng bansa (-.-).

Nahiga lang ako sa couch no'ng may nagdoorbell bigla sa labas. Maybe it was just the mail man. Bumangon ako at  lumabas ng pinto para buksan yung gate.

"Tsk. Sino ba yan?" inis kong tanong sa sarili.

Hindi pa rin kasi tumitigil sa kakadoorbell yung tao. Ngayon lang nakakita ng doorbell Pagbukas ko ng gate bumungad sa 'kin ang kanyang pagmumukha nya.

"TANGA?!"

"Hi Jen," sabay ngiti.

"What are you doing here?" taka kong tanong.

Hindi nya man lang sinabi sa akin na bibisitahin n'ya ako ngayong araw. Wala man lang warning.

"Wala kasi akong magawa sa bahay kaya ano, hmm.. binisita kita rito. Hehe, ayos lang naman diba?"

"Wala kaming pagkain rito," isasarado ko na sana yung gate kaso sumigaw sya bigla na parang bakla. "Problema mo?"

Hawak-hawak nya ngayon ang kanyang kamay na parang namimilipit sa sakit. Hala, anong ginawa ko?

"INIPIT MO KO!" naiiyak sya na parang bata. "Ang sakit ng kamay ko." Halos mapapikit na sya dahil do'n.

Bakit parang kasalanan ko pa? It's his fault kaya sya naipit. Tatanga-tanga kasi.

"Tsk. Pumasok ka sa loob, gagamutin natin yan," I said, scratching my head.

A smile plastered on his face. Why do I feel like regretting the decision immediately? Kung bakit ba kasi ako nagpapaniwala sa mga pinagsasasabi nya. Agad kong kinuha ang first aid kit at ginamot ang sugatan nyang pinky finger.

"Pagkatapos nito umalis ka na ha," sabi ko habang nilalagyan ng cold compress ang kanyang kamay.

"Ayoko, samahan mo kaya ako sa mall," pareho lang kami na nakatitig sa namumula nyang daliri.

"I don't have plans on going outside," malamig kong sagot.

"Alam mo, ayos lang naman kung walang aircon dito. Magsalita ka lang Jen nagssnow na yung buong bahay nyo.. aray, aray!" sigaw nya habang iniinda ang sakit.

Pinisil ko kasi yung sugat nya. Sige magsalita ka pa ng nakakainsulto dyan, Renz Jesrel Guevarra. Di lang iyan ang aabutin mo sa 'kin.

"Fine. I'll go out with you."

"Ayos! Magbihis ka na," utos nya.

"Kailangan pa ba yun?"

"Oo naman no, ang panget mo sa ganyan e. Ayoko nang pangit na kadate!" sumbat nya.

Sinamaan ko sya ng tingin at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "At kelan pa ako nakipagdate sa isang Tanga na kagaya mo?"

Nagkibit-balikat sya at. "Ngayon," ngumisi sya ng sobrang lapad.

Umalis ako dala-dala yung kit at binalik iyon sa cabinet. Pagkatapos no'n ay nagbihis na ako ng damit gaya ng pantalon, tsaka rubber shoes at blouse. T-shirt ang suot ko kanina kaya nagbihis ako ng blouse.

"Nakakapanget ba na magT-Shirt ang babae?" tanong ko na parang baliw sa harap ng salamin.

Dumating s'ya bigla tsaka sumandal sa gilid ng pintuan. "Hindi ah. Ang ganda mo kaya."

"A-Ano kamo?" Pagkaklaro ko sa kanyang sinabi.

Tama ba narinig ko? Sinabihan nya ba ako na maganda?

"Ang tagal mo, bilisan mo nga," pahabol nya.

Ahh.. yun pala yun, akala ko naman pinuri nya ang aking pagkababae. Well, that's not really a big deal to me but I feel so disappointed.

Matapos kong magbihis ng damit, agad kaming lumabas at pumasok sa kotse nya para magpunta ng mall. Ang boring sa bahay, mas mabuti kung may gawin ako besides... going out with him is probably not as bad as I think.

-- End --

-----

Story Started: 03/01/2016
Story Ended: 03/15/2016

A/N:

Book 2: Campus Princes and Campus Princesses

Continue to support, spread and share this story. Thanks po, Godbless you all. Muah! *flying kiss*

To stay updated.
Follow my Wattpad account and..
Facebook page: Walang Lovelife (@kreesaWP)

----♡

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro