C9: The Church
The Church
••••
Jennifer.
"Insan, insan! Maligo ka na, we're going to the church! Dali!"ang aga-aga ang ingay na ni Assej.
"10 minutes pa," sabay talukbong ng kumot. Hinablot nya yun at binawi! Ang lamig jusko naman!
"Bilisan mo na nga dyan!" sigaw nya ulit.
Napakamot ulo na lang ako tsaka bumangon. Naupo ako ng maayos sa kama at hinarap sya. Ang ingay-ingay naman oh. Gusto ko pang matulog, si kuya kasi! Binigyan pa ako ng midnight thoughts.
"Ano bang ginagawa mo rito?"
Sa halip na sagot. Isang pambabara ang natanggap ko sa kanya. "Umagang-umaga ang lamig mo na," utas nya.
"I was born like this and I woke up like this, bakit ba?" pagtataray ko kahit hindi halata.
"Maligo ka na, magsisimba pa tayo diba?" nakapameywang nyang tanong habang pinandidilatan ako ng mga mata.
Napatingin ako sa kalendaryo na nasa gilid lang ng pader. Oo nga pala, Sunday ngayon.
"Get out of my room. I'll take a bath," malamig kong utos.
Tatayo na sana ako nang mapansin kong hindi sya gumagalaw mula sa kinauupuan nya.
"Hindi ka ba aalis?" I asked.
Umiling-iling lang sya tsaka nagtititingin sa mga gamit ko. Tumayo na ako tsaka pumasok sa banyo. Di talaga sya aalis, bahala sya dyan.
Inabot nang halos twenty-five minutes din akong naligo. Ang lamig kasi ng tubig tsaka gustung- gusto ko ang ganito kalamig. Lumabas ako pagkatapos at wala na si Assej sa kwarto ko. Buti naman at bumaba na. Nagbihis na ako nang damit na pangsimba, syempre church dress tsaka may konting heels.
Bumaba ako mula sa kwaro papuntang kusina, para mag-agahan. Nadatnan ko dun si Assej na lamon ng lamon. Aba, sya na ata ang bagong anak ngayon!
"Good morning, anak," bati ni mommy nang mapansin ako.
"Good morning, Jenny," bati naman ni yaya.
Wag na kayong magtaka kung bakit iba-iba ang tawag nila sa akin. Marami akong pangalan at mahaba pa, so they are free to call me anything they want.
Naupo ako sa kaharap na upuan ni Assej. Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain nang mapansin kong wala akong kalaban sa ulam ngayon.
"Di pa ba gising si kuya, mommy?"
"Hindi pa. Teka, nagsisimba ba yun?" tanong ni mom.
Ito namang si Assej, halos matapon ang kinakain nyang kanin nang dahil sa pagpipigil ng kanyang tawa.
"I'll wake him up," sabi ni mom.
"Wag na po tita, di naman nagsisimba si Kyn," protesta ni Assej habang kumukuha ng kanin.
Bakit ba ang takaw-takaw nya pero hindi naman sya tumataba? Nagmana siguro 'to sa akin, kaso nga lang hindi ako matakaw.
"Ganun ba. Yaya Linda, kayo na po bahala rito ha? I have to go to work." Paalala nya kay yaya. Nilapitan nya ako at kiniss sa cheeks. "Bye, anak, bye, Assej. Ingatan mo si Jen," kiniss nya rin si Assej sa pisngi nito.
"Haha, mas ako po ang dapat mag-ingat," natatawa nyang sambit.
Agad ko syang tinitigan at sinamaan sya ng tingin. Ano bang ibig nyang sabihin dun? Ganun na ba talaga ako kasama para may gawin sa sarili kong pinsan? Napansin nya ata na nakatitig pa rin ako sa kanya kaya bumalik sya agad sa pagkain.
"Fifteen minutes aalis na tayo, 8:40AM na kasi," utas ko.
Nine o' clock ang simula nang mass diba? Kaya binilisan na namin ni Assej ang pagkain. After nun, pumasok na kami sa kotse nila. Wala kasi si manong namin kaya sa kanila muna ang free ride ngayon.
Di kalaunan, nakarating na kami sa simbahan. Alam nyo yung feeling na ang daming nakatinging mata sa paligid? Akala ko ba nagsisimba sila upang mapatawad ng Dyos. Sa ginagawa nila, parang mas dinadagdagan nila ang kanilang kasalanan. Titigan ba naman kami mula ulo hanggang paa. Mukha bang paa mukha ko? Tsk.
'They're both pretty'
'Model ba sila?'
'Magkapatid ata yan!"
Ang ingay, chismis na naman. Kahit ba rito sa simbahan di kami tinitigilan nang mga ito?
"Mga miss magaganda. Dito na kayo umupo," pagprepresenta nung lalaki sa amin. Tinapik nya pa yung gilid nya para dun na kami maupo.
"Nagmamagandang loob ka ba?" taas kilay na tanong ni Assej.
Nakita ko sa mukha nya yung pag-aalangan at pagkagulat. Malditahan ka ba naman ng isang Jhanessa?
"Um... o-oo." utal-utal nyang pahayag sabay kindat.
At nagawa nya pang kumindat? Tusukin ko ang kanang mata nya dyan, e!
Anong akala nya sa amin? Madadala nya sa mga paganyan-ganyan nyang moves? Sinamaan namin sya ng tingin ni Assej. Akala nya siguro may balak kaming tumabi sa kanya. Never! Hindi nga sya kagwapuhan dyan, kapal ng mukha.
"Alis," malamig kong imik gamit ang isang nakakatakot na boses.
Dali-dali syang tumayo at umalis din agad sa upuan nya. Kaya naman kami na yung nagmay-ari ng kanyang upuan. Ang daming pumapasok sa simbahan na naghahanap ng upuan, diro na lang yung bakante pero walang tumatabi sa amin. Oo kami lang talagang dalawa rito at wala nang iba!
Nagsimula na ang misa ni father. Tapos nung nasa communion na to recieve the body and blood of Christ. Tumayo kami para mabigyan, kaya lang WALANG PUMIPILA SA AMING LIKURAN! Lahat ng tao nasa kabilang pila at kami lang ata ni Assej ang pumila kay father.
"Hala, nandidiri ba sila sa atin?"
Nanahimik lang ako at hindi umimik. Para saan pa? Tss. Kung nandidiri sila sa amin, wag naman sanang ipublicized!
"Amen," sabi ko.
Bumalik ako sa aking upuan kanina at nagulantang nalang ako nang makita ko sya rito.
Marunong pala syang magsimba?
At dun pa talaga sya pumila sa line namin ni Assej. Sya lang ba mag-isa? Nung nakabalik na si Assej sa upuan namin, bigla nya kaming nilapitan. Ang lakas talaga ng loob nya kahit kailan.
"Is someone sitting here?" he asked.
"Fill that space please. Kanina pa walang tumatabi sa amin," si Assej.
Kahit labag sa loob ko pinaupo na lang namin sya. Yung mga tao sa paligid nakatingin lang sa side namin, dukutin ko mga mata nyo e!!!
"Okay, thanks ha. Nakakangalay kasi," ang dami nya pang satsat dyan pero umupo din naman sya sa tabi ko.
Nung natapos ang misa, syempre nagsiuwian na kami. We part ways.
'Tsk. Para talaga syang ako'
"Ganun na nga, parehong-pareho kayo, Jen," utas ni Assej.
Napalakas na naman ba pagkakasabi ng utak ko? Bakit halos lahat sila nababasa ang sinasabi nang walang malay kong isip?
"Kumain muna tayo," malamig kong sambit.
Pumasok na kami sa kotse namin. Oo, kotse na namin ang gagamitin na namin ngayon. Sawa na kasi ako sa pagmumukha ni manong Ed, ang driver nila Assej.
Nagdrive si manong Pitt papunta sa isang restaurant, FEJ RESTO. It's a luxurious resto na palaging kinakainan nila mommy and dad tuwing anniv nila. Paano ko nalaman? Kasi sinasama nila kami.
"Manong Pitt, sumabay na kayo sa amin," yaya nito sa kanya.
Asus, kung makaaya naman tung si Assej, akala mo sya ang gagastos sa kakainin ni manong.
"Ha? Ah..." napatingin naman si manong sa akin. "Baka po magalit si Jen."
"It's fine," malamig kong sambit habang nauuna nang pumasok sa loob.
Ang daming tao ngayon, masyadong maraming customers. Sunday kasi at kadalasan ay may 'dates'. Pinili ko yung malaking table at doon na naupo. Di ko pa rin akalain na makikita ko si Renz ngayong araw. At sa simbahan pa talaga? Ang malas nga naman oh.
"Order na tayo."
"Waiter!" sigaw ni Assej kaya napatingin yung ibang customers sa kanya.
Lumapit yung waiter sa table namin. He took his memo pad and pen tsaka tinanong pagkatapos.
"Good day po, what's your order?" Nakangiti nyang tugon habang nakatingin kay manong. Nag-iwas naman sya ng tingin sa cute na waiter.
"Anong specialty nyo rito?" Assej asked.
"Marami po, but the most delicious food here is T'ara de Flora. Isang cuisine from Spain na may flower crabs and-"
"We didn't say na idescribe mo yung pagkain. Yan yung orderin namin," malamig kong sambit.
Napatingin sa akin si manong Pitt, ganun rin si Assej pero binalewala din nila. Mukhang nasasanay na ata sila sa pagiging ice ko. Ayoko rin sa mga taong puro satsat pero wala namang gawa. Oorder lang kami, hindi ibblog kung ano ang kanyang sinabi.
"This costs 120,000 pesos po," sambit nya na may halong pagdududa sa aming oorderin.
"What do you think? Hindi kami makakabayad?" I said as I took my black credit card out upang ipakita sa kanya. "Here's my black card, it's unlimited. Kahit two million pa ang kunin nyo, ayos lang."
Natameme naman yung waiter. Buti nga sa kanya, sama umasta e. Akala mo sya yung manager rito!
"Go!"
"O-Opo," sabi nya.
"Wait, yung drinks namin!" sigaw ni Assej.
"Pabalikin mo rito, waiter naman yun," walang emosyon kong utas.
Tinignan ako ni Assej ng masama. Parang may gusto syang sabihin sa akin pero alam nyang hindi ko yun magugustuhan.
"What?" I asked without looking at her.
"Alam mo, Jen. Ang sama mo talaga! Pati waiter pinatulan mo!"
Hindi muna ako umimik kasi inaayos ko pa yung tablecloth sa dress ko upang hindi madumihan kapag kakain na.
"Oo nga," malamig kong sabi.
Nilibot ko ang buo kong paningin sa resto. Sobrang laki talaga, sino kaya ang may-ari nito? Ang yaman na nya, napaka-bigatin kasi nang kanyang mga customers.
"Ang tagal naman po," sabi ni manong.
Gutom na talaga sya no? Mas gutom pa sa amin!
May nakita naman akong lalaki dun sa gilid. Matipuno, makisig, tsaka napakagwapo. Mala-foreigner ang kanyang features. At ngumingiti sya sa mga customers. Ang mga babaeng customers naman, ang lapad ng ngiti sa kanya, akala mo mauubusan ng binat sa mukha.
"Ay ang gwapo nya no? Haha!" Natatawa nyang sambit. "Ang lakas maka James Reid, e. Lakas ng sex appeal," ngiting-ngiti pa sya dyan.
Kinumpara nya ba si James Reid sa kutong lupang yan? Ang kapal mo Assej! Mas gwapo pa rin si James Reid ko.
"Don't compare my hubby to that insect."
"Ay sorry na. Ang gwapo nya kasi!" sabay kindat.
Napailing na lang ako sa kalokohan nang magaling kong pinsan. Hindi kalaunan, dumating na yung waiter dala-dala ang inorder namin. Buti naman may drinks na kasama pero tubig lang yung akin.
Kumain lang kami ng tahimik. Pinagtitinginan nga kami ng ibang tao pero wapakels kasi gutom kami at di nila yun alam. Pagkatapos naming kumain, pumasok na kami pabalik sa kotse.
"Hay! Ang sarap na ngang tignan ang sarap pa nung lasa," sabi ni manong habang hinihimas ang malaki nyang tiyan.
"Oo nga po, buti na lang talaga at dito tayo kumain.." tsaka ako siniko ni Assej. "Galing mo rin kasing pumili ng restaurant, Haha."
"Whatever," irap ko bago pumasok sa kotse.
Hinatid namin si Assej at umuwi na kami ng bahay ni manong pagkatapos. Kanina ko pa ito gustong itanong kay manong. Kaya lang kasi.. baka maoffend ko sya or baka nagkakamali lang ako sa aking akala? Kanina ko pa kasi inuunsulto yung waiter kanina pero wala man lang syang ginagawa.
"Manong, kilala nyo ba yung waiter?" diretso kong tugon sakanya.
Inaayos nya pa rin ang seatbelt hanggang ngayon tsaka sya napatingin sakin.
"Po? Ah..." utal-utal niyang sambit. Mukhang hindi sya makapagsalita ng maayos sa tanong.
Sabi na nga ba!
"Is he your son?" I asked again.
Bumuntong hininga muna sya bago muling nagsalita. Hinarap nya ako nang may halong pag-aalinlangan.
"O-Opo, miss Jen."
"Bakit hindi ka nya binati? Nakalimutan nya bang may ama sya?"
"Kinahihiya nya po ako, e," nakita ko sa kanyang mga mata ang lungkot pero pinipilit nya pa ring ngumiti.
May ganun ba? Kasi ako kahit kailan, hindi ako kinahiya ng ama ko kaya hindi ko rin sya kinahiya kahit kailan. Kaso minsan gusto ko na ring ipamukha sa daddy ko na nakakahiya sya!
"Ganun ba, pakisabi na lang sa anak nyo na ang kapal ng kanyang mukha na maliitin ka!" tsaka ako pumasok sa loob ng bahay.
Napansin ko lang kasi na pareho sila ng hulmahan at isa pa, hindi makatingin ng diretso yung waiter kay manong. Yun pala, anak nya ito.
Pumasok ako sa aking kwarto at nahiga kaagad sa aking napakalambot na kama. Ipipikit ko na sana ang mata ko nang biglang may pumasok sa loob nang hindi man lang kumakatok.
"Ano?" naiirita kong sambit pero malamig pa rin.
"Tsk. Pakisabi kay mommy na hindi ako makakauwi ng maaga mamayang gabi."
"Oo," sabi ko lang at humiga ulit.
Pag si kuya na ang nagsabi, hindi ko na tinatanong yung dahilan. Pake ko sa abs nya no! Ayokong madamay sa kung ano man ang problema na meron si kuya.
"Hoy! Magpapractice lang kami ng basketball. Kaya wag mong sasabihin kay mommy na nagloloko ako," pambabanta nya sa akin.
Wala naman akong sinasabi, e. Guilty naman sya masyado. Nakatayo pa rin sya sa may pinto ko. Tss, kailan pa ba sya aalis dyan?
Bumangon ako agad mula sa pagkakahiga. Tsaka ko sya tinulak palabas ng pintuan.
"Oo na. Alis," sabay lock sa pinto.
Peace at last.
——
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro