C8: The Tutorial
The Tutorial
••••
Jennifer.
"Anak, kailan darating ang bisita mo?" tanong ni mommy mula sa harapan ng pinto ko.
She was asking the same question five times now. Ito namang si mommy, akala mo boyfriend ko yung darating. Bobo naman yun kasi kailangan pa ng tutor at isang matalinong nilalang na gaya ko.
"He's not my visitor, tratuhin nyo lang sya na parang invisible, mommy," utas ko habang nililipat ang channel sa Cartoon Network.
"Anak, don't be so harsh. Don't you consider him as your friend?"
"Mom, sya ang may kailangan ng tulong ko. Ang bobo kasi, he's just my tutee and I'm just his tutor. Period!"
Kahit si mommy nalalamigan na sa akin pero hindi nya yun pinapahalata.
"Okay, okay. Be ready, anak baka dumating na iyon maya-maya," natatawa n'yang sambit sabay alis papuntang kusina.
Kung makautas si mommy akala mo teenager. Inayos ko yung gamit ko at hiniwalay ang pang-tutor at pansariling libro at notes.
"Hoy!" sigaw ni kuya sa akin.
Bigla ba namang pumasok sa kwarto ko. Tinitigan ko lang sya sa kanyang kinatatayuan kasi hindi naman siya kumatok. Ang kinaiinisan kong gawain sa lahat, ay yung taong hindi marunong nang salitang 'privacy'.
"Bakit?" malamig kong tono.
"Hindi ka pala talaga marunong magulat no?" sabay sandal sa pader.
"Bakit hindi ka kumatok?" tanong ko pero bigla na lang s'yang lumapit sa pwesto ko at humiga sa aking kama. "Kuya, sagot!" I demanded.
"Tsk. Bukas kasi yung pinto."
"Hindi naman yun, bakit ka andito? What do you want?"
Umupo sya ng maayos sa kama ko. I waited for him to speak. Nanatili lang nakapako ang tingin n'ya sa akin.
"Psh, wala... kainis ka talaga, Alegna," iritado n'yang tugon bago lumabas ng kwarto.
Ano naman kayang problema nun?
*Dingdong*
Si Kurt na siguro yung nagdodoorbell. Bumaba ako upang buksan ang pintuan. Responsibilidad ko naman sya kahit walang magsabi.
"Hello," nakangiti n'yang bati.
Akala mo naman ang gwapo nya.
"Pasok," tipid kong pahayag.
Pumasok sya sa loob kaya't pinaupo ko muna sya sa sofa. Kukunin ko lang muna yung mga notebooks na gagamitin para sa tutorial session namin.
"Asan na ba yung isa?" I said, trying to find the missing notebook in my drawer.
Hinanap ko na kung saan-saan pero wala talaga sya. Napatigil ako sa paghahanap nang bigla kong maalala ang isang scenario sa classroom noong nakaraan.
'Pinabibigay ni Kyn..'
'Naiwan mo?'
Ay tanga! Nasa desk ko yung notebook. Naiwan ko sa classroom namin. Sh*t! Pakshet, ang tanga ko. Nakakahawa ba ang katangahan ni Tanga? What if I call Renz? But I don't have his number.
Napatingin ako sa pinto. Andyan si Kurt, they're friends, that means they have each others contact. Bumaba ako mula sa kwarto at nadatnan si Kurt na nanonood ng Oggy and the Cockroaches.
"Hey."
Napalingon sya sa akin. "Bakit?"
"Makikitawag ako," tipid kong sambit.
"Ha?"
Kailangan ko pa bang ulitin?
"I said, makikitawag ako," ayan tuloy ang haba na nang sinabi ko.
He took his phone from his side pocket and gave it to me. Hinanap ko sa contacts ang Renz kaso wala. Ano ba ang contact name nya rito?
"Anong contact name ni Renz dito?" matigas kong tanong kasi naiinis na ako kahahanap.
"RJ Gwapo," he replied.
Kahit hindi ako makapaniwala sa sinabi nya ay hinanap ko pa rin iyong pangalan. Habang nag-i-iscroll pababa, nababasa ko rin ang ibang contacts. Ang layo ng pangalan nila sa tunay nilang katauhan. Nadaanan ko pa ang number ni kuya.
Jester Yaman
Kyn Sexy
Matalinong Joseph
Maappeal na Yoj
Habang kinukulikot ko yung phone sa contacts, pasikreto akong nandidiri. Ew, bakit naman ganito pangalan nila? Bakla ba itong si Kurt?
"Are you... gay?" I asked without any hesitation.
"Hindi, a. Sa gwapo kong ito? Bakit mo naman nasabi, Jen?"
"Your contact names are so lame."
"Hindi ako ang may gawa niyan. Sila mismo ang nagrename sa contacts ko. Mga loko-loko kasi."
Ahh... ang defensive masyado. I called his number when I finally found it. Ring lang ito nang ring. What's taking him so long to answer the call? Is he busy?
Sumagot ka tanga, alalay kita diba?
After forty seconds, someone finally picked up.
"Hello? What do you want, Kurt?"
Hindi ako nakasagot kaagad at ewan ko kung bakit. Nagandahan siguro ako sa kanyang boses. Ang ganda kasing pakinggan sa phone. Ang sexy at ang raspy. I didn't expect this, he seems funny when he's talking to me. Sana pala sa phone na lang kami nagkakausap. Magugustuhan ko pa siguro.
"This is not Kurt, it's Jen," I sighed.
"Wait, what? Ah, t-teka-aray!"
What happened? He seems busy!
"S-Sorry, akala ko kasi si Kurt ka. Anong kailangan mo, master!"
Ayan gusto ko iyan. Sabi ko kasi sa kanya master ang kanyang itawag sa akin habang sya ang slave ko.
"Kunin mo ang notebook ko sa ilalim ng desk. Bye."
Ibinaba ko kaagad ang tawag bago isauli kay Kurt ang phone.
'Bakit kaya sya umaray?'
"Nagluluto siguro yun," si Kurt na parang nabasa ang nasa isip ko kanina.
"I don't care. Come on, let's start," sabay pwesto sa kaharap na sofa.
I turned the TV off upang hindi kami maistorbo sa tutorial session namin. Tinuruan ko lang sya ng basic about science kahit Biology talaga ang dapat kong ituro sa lampang ito.
"Bio means life. There are two kinds of factors, abiotic at biotic factors. Biotic iyong nabubuhay, abiotic iyong namamatay na organisms," paliwanag ko.
"Parang love?" he said.
Sinamaan ko sya ng tingin. Ano bang connect ng Biology sa walang kwentang topic na yan? Science is factual, love is stupid and an illusion. At bakit ba napakaharot ng lalaking ito? Sa lahat nang pwede niyang iconnect, yun pa? And besides, bakit hindi na lang yung girlfriend nya ang magtutor sa kanya?
Ay wait. Utak mo, Jenny, asan? Maghaharutan lang yan tsaka hindi naman mukhang matalino ang girlfriend nitong si Kurt. Mukha iyong walang alam.
"Talk love and you're dead," I said coldly.
Tinawanan niya ako sa aking sinabi. Anong nakakatawa ro'n? I'm dead serious.
"Fan ka ba ng Jadine, ha? Umamin ka nga," pagpipigil nya ng tawa.
I rolled my eyes at him. Ewan ko sa kanya, tumawa sya hangga't gusto nya. Natapos din kami sa aming tutorial session makalipas ang ilang oras.
"Gets mo na?"
"I get it now. Bakit kapag ikaw ang nagtuturo, naiintindihan ko kaagad. Bakit kapag si Sir, hindi? Si sir siguro ang may problema," sabay hawak sa kanyang baba.
"Bobo ka lang talaga," sabi ko na lang.
Well, I make things easier for myself as well. Kaya sa tuwing may tinuturuan ako, iyong pinakamadaling daan ang binibigay ko.
"Anak, magmeryenda muna kayo!" sigaw ni mama mula kusina.
Nagluto pala si mommy ng pancakes. Ang sarap! Nilagay nya yung plate of pancakes sa harap namin pati na rin juice.
"Mom, asan si manang?" I asked, trying to get a pancake from the plate.
"She's at the market, I gave her an errand. Sige kain muna kayo and.." kakain na sana kami kaso pinigilan kami ni mommy. "...ten pieces lang yan ha," paalala nya.
"Oo nga po. Tig five-five kami ni Kurt," I said.
Diba tama naman yung math ko?
"Alegna wag matakaw, Assej called me kanina. Pupunta sya rito kasama si Renz," paliwanag nya.
Nag-okay na lang ako kay mommy kahit di ko alam kung bakit sasama pa si Assej at magkasama pa sila Renz.
Tsk. Di ko pala eto makakain lahat. Kainis!
"Kukuha na ako ha. Tigtatatlo na lang tayong dalawa tapos tigdalawa na lang si Renz at Assej," pagmamath n'ya tsaka s'ya kumain.
As in nilamon nya ng buo yung pancake tsaka sya uminom ng juice.
"Takaw mo rin, e no?" Kaya di rin ako nagpatalo.
Kumakain lang kami rito habang hinihintay yung dalawa.
"Oo nga pala, Jen, nasaan si Kyn?" tanong nito sa akin.
"Nasa kwarto," malamig kong sagot.
*DiNGDONG*
Binuksan ko yung pinto at bumungad silang dalawa sa akin na magkasama.
"Heto notebook mo," sabay bigay.
"No need, our tutorial session is over," sabi ko.
Pumasok agad si Assej ng walang pasabi. Ganyan talaga yan sa bahay namin.
"Ano? Teka, tinakbo ko tong bahay nyo para lang ibigay yan tapos sasabihin mong 'no need, our tutorial session is over' ganun?" ginaya nya pa ang accent ko kanina.
Pero di nya magaya yung expression kong malamig.
"Just come in!" I demanded.
Inirapan nya ako bago pumasok sa loob.
"Oy pancakes!" sigaw ni Assej sabay lamon.
She paused for a while when she realizes na kaharap n'ya pala si Kurt na ngayon ay gulat na gulat sa kasibaan ng pinsan ko.
"Ah- ahaha. Hm, wag na lang pala," bigla s'yang nagbago at naging mahinhin pagkatapos.
Tingnan mo to oh, ang plastic talaga kapag nakakaharap nang gwapo. Tumitiklop na parang tipaklong.
Kinain namin lahat ng pancakes, pero meron pang isang natira sa plato. Mukhang wala naman silang plano na kunin yun kaya ako na lang ang kukuha.
Tutusukin ko na sana gamit ang tinidor nang biglang may isang tinidor ang naglanding sa parehong spot.
"Tsk. This is mine!" sabi ko.
"I forked it first!"
"I said it's mine."
"Hindi. Akin to! Kanina pa kayo kain nang kain!"
Nag-aagawan lang kami sa pancake nang biglang dumating si kuya. Bagong ligo pa ata kasi amoy baby ang loko. Bumaba sya ng hagdanan at sumigaw.
"Mom, asan na po ang pancakes ko?!"
"Nasa mesa na," sagot ni mommy mula sa kusina.
Tiningnan ni kuya iyong plato. Only one pancake left because we are all craving for pancakes. Wala akong kasalanan dito kaya tinuro ko kaagad si Renz. Inunahan ko na bago pa ako mapagbintangan.
"Di na lang pala ako kakain," mahinahon nyang sabi tsaka bumalik sa kanyang kwarto.
"Hala! Ginalit nyo si Kyn," sabay nilang sabi habang nag-gegesture ng 'lagot-ka'.
"TSE!" si Renz.
Nanatili akong tahimik at hindi na rin umimik pa. Ayoko kasi na lumalaki ang maliit na gulo.
"Di pa ba kayo uuwi? Malapit na mag 5pm," paalala ko dun sa dalawa.
"Oo nga no. Tsk, sige thanks for the tutorial Jen. Bye rin, Jhanessa," paalam nya sa amin.
"B-Bye rin," muntikan na syang mabilaukan sa iniinom nyang juice.
"Babay sa inyo," paalam ni Renz.
Si Assej na yung nagpaalam sa kanilang dalawa. Habang ako nanatiling nakaupo sa sofa. Tinititignan ko lang sila habang papalabas ng gate. Anong akala nila? Ihahatid ko sila sa labas? May kotse naman si Kurt!!
Sinamaan ko naman ng tingin si Assej. Nagtataka pa rin ako at nagdududa kung bakit sila magkasama.
'Bakit kaya sila magkasama kanina?'
"Ha? Ah, nadatnan ko kasi sya sa school tumatakbo. Sabi nya sa akin sa inyo sya pupunta pero di nya alam kung saan kaya pinasabay ko na," sagot nya habang nakatutok sa TV.
Wala naman akong sinasabi ha? Napakalakas na naman ata ang pagkakasabi ng utak ko.
"Ganun ba?" sabi ko. "Di ka pa ba uuwi?"
"Insan, ang lapit lang ng bahay namin. Mamaya na."
Dahil ayaw naman nyang umuwi. Pumasok na ako sa kwarto ko at napatingin dun sa notebook na binigay nya. Sana sinabi nya na lang na hindi nya alam ang address namin, baka maintindihan ko pa.
(Insert song: Love Story by Taylor Swift)
Naalala ko bigla yung mukha ni Tanga! Kainis, naiinis ako sa kanya ng walang dahilan. Lahat na lang ng bagay na gawin nya kinaiinisan ko. Tsk!
Bumangon ako mula sa pagkakahiga when I realized that my heart was beating fast. What is wrong with me?
"Oy bunsoy!"
Napalingon ako sa nagsalita. He went inside my room without knocking... again.
"Di ka na naman kumatok."
"Di ka na naman nagulat."
"What do you want?" malamig kong tanong.
Oo nga pala. May sasabihin sya kanina kaso baliw kaya hindi tinuloy.
"Hmm... e kasi... sasabihan na kita bago pa mangyari," seryoso ng mukha nya.
"Ang alin ba?"
"Just don't fall in love with those guys, okay?" seryoso nyang sambit.
Kaya lang di ko sya magets.
"Sino bang tinutukoy mo, Kuya?"
"Yung mga kateammates ko! Wag ha, wag talaga!"
"Why would I? Ang papanget ng members mo."
"Buti naman, sinasabi ko lang," tsaka sya umalis.
What's his problem and why the hell would I fall in love with one of them?
--
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro