Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C7: The Ice Prince

The Ice Prince


••••


Jennifer.

ANG AGA-AGA pero puro sila tsismis.

Nilapitan ako ni Assej na may dala-dalang notebook. Kamukha ito ng notebook ko.

"Insan, pinabibigay ni Kyn. Naiwan mo ba 'yan?"

Inabot ko rin agad at itinago sa ilalim ng desk.

"Hindi. Akala niya siguro naiwan ko kahit iniwan ko naman talaga ito sa bahay."

"Ano ba 'yan?"

"Wala naman."

"E, ano nga yan?" pamimilit nya.

Ang kulit niya talaga. Tsk. I took the headset from my bag at nilagay iyon sa magkabilang tenga kaya't napilitan siyang bumalik sa kanyang upuan. Alam nya na hindi ko siya sasagutin ng matino. Nagkamot pa nga sya ng ulo. Nasa kaharap na upuan ko sya nakaupo at ako lang ang mag-isa rito sa pinakalikuran.

"Good morning, class," pagbati ni sir sa amin.

"Good morning, sir!"

Nakatingin ulit ako sa bintana. I just like to stare outside. May naaalala ako roon sa playground. May playground sa tapat ng school namin. Actually, it's a kindergarten school. Kaya ako madalas napapatitig do'n kasi dun ko nakilala ang aking first crush. At kung magkita man kami ulit, malamang hindi na niya ako makikilala.

"Class dismissed," ang bilis naman ata.

Napatagal ata ang pagrereminisce ko, pero hindi naman iyon umabot ng isang oras.

"Jen, tara canteen tayo," aning Assej.

Tumayo ako at sinundan sya palabas ng classroom. Wala naman talaga akong bibilhin. Sumasama lang ako sa kanyang papunta roon. Nang papasok kami sa loob ng canteen, nagsibigay daan ang mga estudyante. Mga sira, bakit nila kami tinatrato ng ganito? We are still students.

"Para tayong kumakain ng tao. Nandidiri ba sila sa atin?" tanong nya.

Tumahimik lang ako. Hindi ko alam ang dapat na isagot at ayokong makasakit ng tao. Hindi ko kasi mapreno ang bibig ko sa tuwing nagsisimula na akong magsalita.

"Hahanap ako ng table," paalam ko sa kanya.

Same order pa rin ang kanyang bibilhin, maccaroni at saka ice tea tapos bibilhan nya rin ako ng makakain kahit hindi ko sinasabi. Naghanap ako ng bakanteng mesa at upuan kaso mukhang puno na. Ang daming tao sa canteen ngayon, it's so crowded. Huminto muna ako sa harap ng malaking mesa. Ang dami nga nila dun, halos isang barkadahan at mga babae na may makakapal na makeup ang nakaupo. Nakatayo lang ako sa kanilang harapan habang patuloy pa ring nililibot ng mga mata ko ang kabuuan nitong canteen. All tables are occupied. Ni wala na ring bakante kahit sa sulok.

"Si... si... Jen guys," bulong ng isa.

Agad ko silang tinitigan. What's wrong with them? Bakit ko naririnig ang aking pangalan? Hindi masama ang tingin nila sa akin ngunit mas mukha pa silang takot.

"D-Dito ka na po. Maupo ka na rito," nanginginig na sambit nung isa.

"Ayos lang, hindi nama-" hindi ako nakapagsalita ng tapos nang agad silang umalis sa mesa. Niisang basura, wala silang tinira. Ang linis-linis na ng mesa.

I want to say that I don't want the whole table. I just want two seats so that we can sit peacefully.

The table is now empty!

I have no choice. Wala na kasing bakante and so I sat. Binigay nila ang mesa sa akin kaya hindi ko tatanggihan. Pinagtinginan naman ako ng ibang estudyante sa canteen. Bahala nga kayo dyan, titigan nyo lang ako hangga't gusto nyo.

Nakikinig pa rin ako ng music hanggang ngayon. My playlist never fails me.

"They don't know about the things we do,
They don't know about the I love you's,
But I bet you if they only knew,
They would just be jealous of us.

They don't know about the up all night's,
They don't know I've waited all my life,
Just to find a love that feels this right,
Baby they don't know about
They don't know about us..."

Hindi nagtagal, dumating na siya sa mesang kinauupuan ko at may dala siyang malaking tray. Ang dami na namang pagkain!

"Ang laki naman nang napili mong table, pinsan," puna niya habang nilalagay ang tray sa table.

"Oo nga, e," malamig kong sagot.

"Hmm... ako lang ba ito or sadyang nakatitig talaga sila sa side natin?"

Nagkibit-balikat lamang ako. Kung alam mo lang ang nagyari kanina, Assej, hindi ka talaga maniniwala.

"Let them be."

"Sabi mo, e. Oh heto, burger para sayo saka coke," inabot niya sa akin pareho pero burger lang yung kinuha ko. "Ayaw mo ng coke?"

"I don't drink softdrinks," sagot ko at kumagat sa burger.

"Ayaw mo nga pa lang magkasakit."

"Alam mo naman pala, bakit mo binili?"

"Wala nang iba. Ice tea na lang kasi natira. I thought you wouldn't like boring ice tea but here..." binigay niya sa akin ang kanyang ice tea. Ang bait talaga ng pinsan ko.

Kumakain lang kami rito ng tahimik nang biglang may nagsigawan at nagtilian mula sa labas ng canteen. Tili ng mga babae ngunit mas malakas ang tili ng mga bading.

"Ang ingay!" protesta ni Assej.

Wala akong pake. Naka-headset ako kaya pinalakasan ko na lang iyong volume.

"Tsk. Kung ayaw nilang kumain magpakain naman sana sila," inis ni Assej.

Halatang naaasar na siya sa sigawan at tilian ng mga tao na nasa labas. Maririnig kasi mula rito sa loob dahil sa sobrang lakas. Kahit ako, naiirita na rin kahit hindi halata sa pagmumukha ko. Hindi ako curious sa kung sino man ang tinitilian nila. If it's not James Reid, I won't squeal.

Tumigil na yung tilian sa labas. Nag-angat ako ng tingin sa kung sino man ang dumating. But I was disappointed when I found out who. Takte, sila kuya lang pala kasama ang buo niyang team.

Are they the reason why girls were shouting? Ang cheap ng reason.

"Hay naku, sila Kyn lang pala! Sarap upakan ng mga babaeng yun, a. Ang o-oa magreact. Kung makatili parang si James Reid, Daniel Padilla, at Enrique Gil ang andito," reklamo ni Assej.

"Just eat, Assej. They are not worth the hype," I coldly said.

Natingin si kuya sa table namin kasama yung ibang members ng basketball team. Si Kyn, Yoj, at Kurt lang yung kilala ko pero may dalawa pa silang kasama na hindi ko alam kung sino.

"Hello, bunsoy," nakangiti niyang bati habang nakataas ang kamay na parang maghihigh-five.

"What do you want?" malamig kong tanong.

Natigilan sila saglit sa paglalakad. Kyn slowly put down his arms when he realizes that I don't want to do it with him.

"Tsk. Napaka-ice mo talaga kahit kailan. Can we join you?"

"You can't," I replied without hesitation.

"Bunsoy naman! Sige na please, walang maupuan sila kuya, e," nagpuppy eyes pa ang mokong.

Kadiri naman, hindi bagay sa kanya ang gumanyan no! Tss.

"I said it, so do it."

"Sige na please please please! Okay lang ba sayo, Jhanessa?" sabay baling ng atensyon sa kanya.

Aba! kinukuha niya pa ang simpatya ng pinsan namin.

"Okay lang sa akin, Kyn. Pero si Jen kasi, ayaw, kaya ayaw ko na rin."

"Tsk. Jennifer, paupuin mo na kami. Ako ang bahala sa 'yo mamaya," kumindat siya.

Yucks. Ano na naman kayang plano nito?

"Just shut up and sit down," inis kong sambit pero di mahahalata.

Tuwang-tuwa naman si kuya habang umuupo sa tabi ko.

"You're so cute kapatid," sabay pisil sa aking ilong.

Inalis ko kaagad ang mabaho niyang kamay, amoy pawis kasi.

"Salamat. Nakakangalay kasing tumayo," si Yoj.

Umupo rin yung ibang members. Wala talaga silang balak na tabihan ako, ang sweet kasi ni kuya. Napaka-over protective, ayaw niya akong patabihan sa ibang tao maliban sa kanya. May nag-iisang upuan sa table namin at nasa left side ko yun.

"Kurt, asan na ba si Renz, ha? Papuntahin mo nga rito," utos ni kuya sa kanya.

"Wala akong load," nakangiti nyang sagot.

Ang gwapo nya talaga. Sarap upakan, si Assej naman kain lang nang kain. Jusko, kung alam ko lang na nagiging ganyan lang sya kapag may nakakatabing gwapo. Akala ko ba crush nya yan? Bakit parang binababoy nya naman ang sarili niya sa harap ni Kurt.

"Ano ba yan. Oy, Jester, ikaw na lang. Mayaman ka naman, palagi mo namang tinetext ang ex ko, hindi ba? Tawagan mo nga si Renz," masungit nyang utas.

Uh-oh! If I didn't know better, may kakaibang nangyari sa party noong nakaraang araw. At bakit naman sila napunta sa kanilang past life? Mahirap talagang balikan ang masakit na nakaraan.

"Oo na. Hindi mo naman kailangang ipamukha kung gaano ako kayaman," ngumisi si Jester.

Tinawagan niya si Renz. Si Renz, yung alalay ko. I have no idea that he's a basketball player. It's not obvious because he looks like Kurt... lampa.

"Ha? Ah, oo sige... sige sige... oo nga... bilisan mo... hali- ah basta... dalian mo ha... oo nga, e tsk... galit na ata ito... bilis... bye," usapan nila sa kabilang linya.

Mukhang kumakarera iyong tawag kanina.

"O, ano sabi?" atat na tanong ni kuya.

"Parating na... teka nagtext si Jiemie," dagdag nya pa sabay titig na sa kanyang cellphone.

Umiiba bigla ang atmosphere rito, ibang-iba kumpara kanina.

"Tch. Whatever," utas ni kuya. "Hoy, Yver, umorder ka nang makakain," utos na naman ni kuya.

Utos nang utos ang bobo na ito. Magha-hire na talaga ako ng katulong para sa kanya. They are not his maids, they are his team. Alam ko na badtrip siya pero nakakainis kasi ang ingay-ingay niya rin masyado. Akala ko susundin nya si kuya, naglagay ba naman ng headset sa kanyang magkabilang tenga. Parang wala nga syang narinig, e.

"Yver!" sigaw ni kuya at tinanggal ang kanyang suot na headset. "Are you listening? I said buy us foods. Gutom na ako please!"

Binalik niya lang sa ayos ang kanyang headset saka pumila upang bumili. He reminds me of someone I know.

"Ang tigas niya talaga," bulong ni Kurt.

Dumating si Renz na may dala-dalang bola ng basketball. Pawis na pawis pa ang buo niyang katawan. Bumabakat ang malalagkit niyang abs na natatabunan ng white polo dahil sa basang pawis. Did he practice on his own?

Pero hindi ako interesado.

"Oh, you're here, Renz," bungad sa kanya ni kuya.

"Did you make him do something for you?" seryoso kong tanong.

"Yup. I told him to run 50 laps sa court. Nalate kanina sa practice kaya he deserves a punishment," tumingin siya kay Renz. "Join us, Renz. Maupo ka muna at magpahinga."

At may lakas ng loob pa talaga siyang yayain ito matapos ang ginawa nyang pagpapahirap dito? Tinanguan lamang sya ni Renz at naupo sa aking tabi. Kaya pala walang umuupo rito kasi sa kanya pala ang bakanteng upuan na ito. Ang sama talaga ni kuya, but I don't care. Kaya lang, ang unfair kasi dapat ako lang ang pwedeng magbigay parusa kay Renz! Ako lang ang pwedeng mag-utos sa kanya. He is my slave.

"Hi, Jen," bati niya sa akin.

"Aba, magkakilala pala kayo?" tanong ni kuya.

"Yeah? So?" malamig kong tanong.

"Renz, meet my little sister, Jennifer! Ang black ice prin- ugh. Aray!" habang hawak-hawak ang kanyang tagiliran.

Sinikmuraan ko sya agad bago pa makapagsalita ng tapos. Tawagin ba naman ako sa... goodness, I can't even say it. Hindi ko talaga maatim sabihin iyon.

"Shut up."

"M-Magkapatid kayo?" his eyes widen in shock, knowing the truth.

So he doesn't know that we're siblings. Sa bagay, magkaiba kasi kami ng hulmahan. Pangit si kuya at maganda ako.

"Oo, bakit?" pag-aangas ni kuya.

"Wala naman," he whispered.

Konting galaw ko lang ay nararamdaman ko iyong malagkit niyang pawis. Nakakadiri, ew! Wala ba siyang towel? Bakit hindi nya pinupunasan ang pawis nya? Ang lagkit niyang tingnan. Pero bakit ganun, ang bango nya pa rin kahit pawis? He smells like a baby.

Ang landi ko rin mag-isip.

"Wala ka bang towel?" tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya.

Hindi rin naman kami naririnig ni kuya kasi nag-uusap sila ni Kurt.

"Ako ba?" he asked, pointing at himself.

I sighed and looked at him. "Yes, you."

"Wala, e. Nagmadali kasi ako papunta rito kaya naiwan ko sa sports bag."

May hinalungkat ako sa ilalim ng bag. Feeling ko kasi, may towel ako rito na pinapabaon ni manang sa akin kahit hindi ako nagpapawis.

"You can use this," I threw it at his face. "You smell."

Mabuti na lang at hindi siya nagreklamo nang itapon ko ito sa kanyang mukha.

"Thanks, Jen."

Mabilis niyang pinunasan ang kanyang malagkit na pawis. I can see his baby muscles while he's doing that. Nafeflex pala talaga ang braso ng lalaki.

Hoy, Jen umayos ka nga, kababae mong tao! Kyn will definitely eat me alive for this.

"Oh, pagkain niyo," si Yver. May tatlong lalaki rin sa kanyang likuran na may dalang large trays.

The trays are all full with foods and drinks. The guys put the trays on our table and walk away.

"Thanks, guys," pasalamat ni Yver sa kanila.

"No problem, boss."

"Inorder mo ba buong menu sa canteen? Ang dami naman nito!" reklamo ni Kyn.

"Ginusto mo yang hayop ka," si Renz.

"Ang lalaki niyo rin naman kung kumain, ah? Ubusin niyo yan," si Kurt.

"How much are we going to pay you?" I asked.

"You don't need to pay me," malamig niyang sagot.

"Oo na, wag mo nang ipamukha sa amin na ang yaman-yaman mong tao!" inis ni Jester. "But I'm still richer than you though."

"Huwag nga kayong magpayamanan sa harapan naming mga patay gutom. Kumain na tayo," utas ni Assej na mabilis kumuha ng pizza.

Naupo si Yver pabalik sa kanyang upuan at isinuot ang kanyang headset. He reminds me of someone I know.

"Guys, hear me out!" pagkuha ni Kurt sa atensyon namin. "Yver is the photocopy of Jen, isn't he?"

"I agree. Parehong malalamig ang awra," segunda ni Jester.

"Hoy! Kumain na nga lang kayo. Huwag niyong i-loveteam itong kapatid ko sa kahit na sino! Malalagot kayo sa akin," protesta ni kuya at tinuturo pa sila isa-isa. "No offense, Yver."

No offense ka pa diyan, e nasabi mo na. Mabuti na lang at nakaheadset siya. Napalingon kami kay Renz na nabulunan sa sariling katangahan. May tubig ako kaya yun na ang ibinigay ko sa kanya.

"Hm... mm... hmm... hmm," si Renz na nag-a-alien language.

Ano raw?

"Ang sabi nya, pakibukas raw," translate ni Assej.

"You do it yourself. Binigay ko na nga sayo," I coldly said.

"Hmm... hmmm!"

"He says, don't leave. Pakibukas na lang, Kyn," si Assej ulit.

"Sabihin mo sa kanya, hmmm... hmm!" si Kyn.

"Hmm!" si Renz.

How do they understand each other? Mga tanginang ito.

"Assej, let's go back," matigas kong utos.

"Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko, a. Ganyan talaga yan kapag parating na ang period," Kyn opened the cap for him.

He said that in a serious tone, which made Kurt and Jester choke! Nang-aasar ba siya? Besides, katatapos lang ng period ko. Mabulunan sana kayong lahat. Nakatitig lang ako kay kuya. Lagot ito sa akin pag-uwi. Nainis ako sa kanyang sinabi kanina pero alam ko naman na wala pa ring emosyon ang mga mata ko. Yan kasi ang sinasabi ng lahat sa akin kaya hindi nila alam kung ano ang iniisip ko.

"Matakot kayo sa akin," my dead eyes always tell people.

The hell? Simula nung nag-enrol ako rito, iniiwasan na ako ng students, staffs, at teachers Pero ewan ko ba, iba ata ang karisma ko sa mga lalaki. Hindi kasi sila takot sa akin, lalo na si Tanga, kuya, at nang iba pa.

"Kuya, mag-usap tayo mamaya sa bahay," tinitigan ko siya ng matalim sa.

Tinignan ng team si kuya habang nakatitig lang ako sa kanya.

"I'm dead," bulong niya saka bumalik sa pagkain.

"Ayan kasi, hindi nag-iingat," rinig kong bulong ni Renz kay kuya.

Sinamaan ko naman ng tingin si Renz. Oo nga pala muntik ko nang makalimutan.

"Kurt, pumunta ka sa bahay bukas," malamig kong sabi.

Before I leave, I glanced at Yver's face when I realized he was already staring at me kaya nag-eye-to-eye contact kami. I stopped staring for three seconds. Ako ang unang umiwas. Damn, what happened? This never happened to me before. Shit!

"Jen, tara?" pagbabalik ni Assej sa akin sa reyalidad.

Umalis kami sa canteen at tahimik na naglakad papuntang classroom. Hindi ko maiwasang isipin ang kanyang mga mata. Ang ganda kasi kapag tinititigan. Ang hahaba ng maiitim niyang pilikmata. It's darker than you can ever imagine.

"Hey, Assej. Do you know him?"

"Who?"

"Yver. That Yver kanina."

Natigil siya sa paglalakad bago sumagot. "Y-Yeah, I guess."

Hindi sya makatingin ng diretso sa akin. She's averting my eyes.

"So you do? Sino ba siya?"

"Well. Not so important but leader sya ng kalaban kong gang. E-Ewan!"

"I see."

"Teka nga lang, bigla ka na lang naging interesado kay Yver, a? Anong meron?" ngumiti siya ng nakakaloko.

I didn't respond. What the hell does that smile mean?

"Do you like him?" she asked.

Sabi na nga ba, kainis. Inaakusahan nya ako na may gusto sa Yver na yun? For pete's sake.

"Nope. He looks at me differently. It seems like he knows me very well."

"Malamang! Ikaw ba naman makahanap ng katapat mo."

"Excuse me?"

"Yver's an Ice Prince, Ms. Ice Princess," sabay tawa.

Not in a million years. Kung palamigan lang ang usapan, panalo na ako.

--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro