C6: The Ice Princess
The Ice Princess
••••
Renz.
GAYA NANG dati, nag-iisa pa rin sya sa sarili niyang mundo. Kailan ba siya magkakaroon ng kaibigan dito sa school? I want to be friends with her, but may pumipigil sa akin o di kaya'y pinipigilan ko ang aking sarili na makipagkaibigan sa kanya.
Suplada
Snob
Tahimik
Lahat na ata ng negative attitude sa mundo nasa sa kanya na. I don't know her positive attitudes. Hindi naman kasi kami close in the first place at wala siyang balak makipagclose sa akin.
"Renz, tawag na tayo ni coach!" sigaw ni Kurt sa akin.
"May praktis pala tayo sa basketball?" I asked.
Wala naman akong nababalitaan saka hindi naman ako sinabihan ni Kyn.
"Oo, hindi mo alam? Halika na, makakapag-push up tayo nyan!" sabay kamot sa ulo.
Ang inipin talaga ng lalaking ito. Sumama na agad ako sa kanya. Alam ko naman ko na hindi talaga ang pagpapraktis ang kanyang pupuntahan. Mukha nya! Tinakbo namin ang gym ng mabilis. May parusa kasi kapag late ka sa basketball practice. Napakabruho kasi ng coach namin lalong-lalo na iyong captain.
Nakarating na kami sa court at ang dami na namang tao. Madalas mong makikita rito ay mga chickababes, syempre ang nagagandahang cheerleaders ang tinutukoy ko. Ang lalaki pa nang mga ano nila, tsaka ang kikinis ng mga kutis.
Napalingon ako sa gilid. Nakikita ko iyong banner sa taas at hindi pa rin pala ito naaagnas sa hinaba-haba ng panahon. Sa sobrang katagalan, hindi pa rin tinatanggal.
'Go BLUE HAWKS!'
"O, mag-stretching ka na, pare. Mabalian ka pa ng buto dyan," paalala ni Kurt.
Eto namang si Kurt kung makapagsalita parang ang tanda-tanda ko na, ha!
"Ha-ha, nakakatawa," sarkastiko kong pahayag.
Pagkatapos naming mag-stretching, pinatawag agad kami ni coach doon sa court papalapit sa kanya. Ako nga pala ang MVP ng aming basketball team, si Kurt naman ang point guard.
"Kurt, ipasa mo kay Renz," utos ni captain sa kanya.
His name is Kyn, ang hottie raw ng team namin. Hindi namin sila masisisi kasi iyon ang tingin ng ibang babae sa kanya. Malakas daw kasi ang sex appeal kaya maraming babae ang nagkakandarapa. Ang tanging problema lang naman rito ay masyado syang mahangin at hambog, yung aabot sa punto na masasabi mong ang sarap nyang bitayin sa bungee rope ng patiwarik!
Napansin ko naman ang kalandian ng aking maharot na kaibigan.
"Hoy, mag-concentrate ka nga, Kurt!" sita ko nang mapansin na nakikipag-flying kiss ang loko sa kanyang girlfriend. Hindi porket may lovelife ay hindi na niya seseryosohin ang praktis.
"S-Sorry na, Renz. Huwag ka ngang bitter," tumawa pa.
'Hindi ako bitter'
Yan yung gusto kong sabihin kaso wag na at baka gumulo lang kapag nagsalita pa ako nang nagsalita.
Nagpatuloy kami sa pagpapractice hanggang sa matapos at nagbreak time rin.
Nakatingin lang ako kina captain habang nilalapitan sya ng girlfriend nyang si Lyn. May dala-dala pa syang tubig at towel para sa kanya. Kainis, ang swerte naman. Kasali kasi siya sa cheerleading squad tapos siya pa ang leader. Bagay nga sila kasi parehong may posisyon... a captain and a queen bee!
Don't get me wrong, I don't like Lyn. Hindi ko siya type kasi ang ingay-ingay niya. Gusto ko iyong lowkey lang. Sadyang naiinggit lang ako kasi may tagahatid si Kyn ng towel at tubig.
Heto namang katabi ko ang harot-harot sa kanyang girlfriend. Naku, maghihiwalay rin kayo balang araw. Kasi walang forever! Kung makaharot ang dalawa, parang wala nang bukas.
Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng court. Lahat nang nasa team namin may gf at ako lang ata ang wala. Edi ako na ang minamalas.
May lumapit na babae kay Yoj at inabot sa kanya ang isang notebook. "Yoj, heto na pala iyong notebook mo."
"Ok," tipid nitong sagot do'n sa babae.
Hindi mawala-wala sa labi ng babae ang kanyang ngiti nang makausap niya si Yoj. Kahit naman suplado sya, hindi natin maitatanggi na may itsura sya at may abs din.
Sa team namin, isa si Yoj sa mga walang girlfriend. Buti na lang at may karamay ako sa aking pagdadalamhati. Ang lalim no'n.
Lapitan ko na lang si Yoj. Mas mabuti na 'yon kesa sa panoorin ko ang dalawang katabi ko na naghaharutan at nagpipisilan ng pisngi na parang siopao.
"Hoy, Kurt, do'n muna ako kay Yoj," paalam ko kahit hindi niya ako pinapansin.
Busy talaga siya sa paglalandi sa girlfriend niyang cheerleader. Oo, halos lahat ng girlfriend nila ay cheerleaders! Pweh, kadiri. Basta ako, may crush ako at pang habang buhay na siguro 'yon. Sa kasamaang palad, hindi niya ako kilala.
"Hey, Yoj! Patabi."
Umusog sya nang konti sa bench at binigyan ako ng space.
"O, Renz. Bakit?"
"Ah, wala lang. Hindi kasi ako kumportable ro'n. Ang lalandi nila pareho," sabi ko na agad niyang sinundan ng halakhak.
"I know right. I actually hate girls," seryoso niyang sabi.
Kaya ba wala siyang girlfriend?
"NGSB ka ba?" gulat kong tanong.
Hindi ko ito inaasahan. Oo, hindi kami masyadong close ni Yoj kasi sobrang hirap niyang lapitan dahil sa kanyang awra kaya wala ako masyadong alam sa kanya.
"No. After I broke up with my last girlfriend, naging ganito na ako. I hate girls and I don't easily trust any woman," seryoso niyang sambit.
Habang pinapaliwanag nya iyon, nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Sana pala hindi na ako nagtanong. Ang tsismoso ko kasi!
"N-Naku, pre. Pasensya na, hindi ko alam na may pinagdadaanan ka pa lang ganyan kabigat." I sincerely said.
"It's in the past now. It doesn't matter to me."
"Oo nga. Okay lang yan, pre," sabay tapik sa kanyang balikat. Naguilty ako dun.
So you can get hurt by one simple reason and it gets you traumatized for the rest of your life? Love can do that? For real?
"By the way, Renz. Can you tell coach na aalis muna ako? Masakit pa rin kasi hanggang ngayon ang aking balikat, e," paalam niya sabay kuha sa kanyang sports bag.
Kinuha nya rin ang kanyang tubig bago umalis. Ano ba yan! Tinapik ko pa naman ang balikat no'n. Bakit ang dami ka namang kasalanan kay Yoj ngayon?
Ang emo ko yata. Porket single ako, NGSB, walang girlfriend, walang nagkakainteres sa akin, at hindi ako pansinin ni crush, ang saya pa rin ng buhay ko!
Sarcastic.
Pinuntahan ko si coach at ipinaalam sa kanya ang sinabi ni Yoj. He understands naman daw kaya okay lang na mag-excuse. Actually, si Yoj ang isa sa mga heartthrob ng school. Kilala sya dahil sa kanyang posisyon, the center of the team, which makes him more attractive. Sinasabi nila na si Yoj lang iyong single sa team kaya siya lang iyong nagugustuhan ng mga babae. Paano naman ako? Iniisip siguro nila na may girlfriend na ako dahil sa gwapo kong ito o baka wala talagang nakakapansin sa akin.
Yup, I guess it's the latter.
"Hawks, dismissed na tayo. Bukas ulit. Thanks for the hard work, team," sabi ni coach sabay clap ng dalawang beses.
"Coach, what about the plan?" tanong ni Kyn at lumalapit sa kanya.
Plano? Para saan naman? May binulong si coach sa kanya na hindi ko marinig-rinig.
"Okay sige," saka sya umalis.
Hindi ko na lang pinansin. Kung ano man iyon, silang dalawa lang ang nakakaalam no'n. Sila naman itong magkakampi rito.
Umalis na ako sa court at tumakbo papuntang locker room. I decided to change clothes at home even though I'm sweating from the practice. Baka kasi makita pa nila yung six pack abs ko. Tang*na ang hot ko talaga.
Habang tumatakbo, pinagmamasdan ko lang ang buong school. Ang laki na pala nang pinagbago dito pero ngayon ko lang napansin. Nakikita ko rin ang mga estudyante na nagsisiuwian palabas ng gate. May iba naman na naghihintay lang sa mga sundo nila. May naglilipstick at nagpapaganda rin kahit pauwi na.
Uuwi na nga lang, magpapaganda pa?
Eh, sya kaya umuwi na?
*Bumps!*
Ayan tuloy, Renz, dahil sa pagmumuni-muni mo nakabangga ka ng pader.
"Ouch!" sabi ko.
Ang sakit nang pagkabangga ko sa kanya, ha. Gaano ba siya kalaki?
Nauna pwet ko sa pagbagsak pero nakatayo ako kaagad. Kung sino man itong bumangga sa akin, malalagot talaga.
Kinapa ko iyong pwetan ko dahil sa sakit. Nag-angat ako nang tingin at nakakita ng isang prinsesa... babae pala.
"Naku, miss. Are you okay?" nilahad ko ang aking kamay.
Tinitigan nya lang ito at mukhang wala siyang balak na tanggapin iyon. Nagpapaka-gentleman na nga ako rito, oh.
"Don't give me that fvcking hand of yours," matigas niyang sabi sa napakalamig na boses.
Mag-isa siyang tumayo. Ang tatalim pa ng kanyang titig na tumatagos sa mga mata ko. But what did she say? Did she curse at me?
Parang nagkabuhol-buhol ang aking dila dahil sa kanyang sinabi. Naninigas pa rin ako at hindi halos makapagsalita. Parang nawala rin ang aking boses dahil sa nangyayari, at ang lahat ng ito ay nang dahil lang sa isang babae?
Pero hindi siya basta-bastang babae.
"Tsk. It's broken now!" habang hawak-hawak ang headphones na kulay black.
At mukhang nasira pa ata. Dahil dun, tinitigan nya ako ng masama. Sinamaan nya ako ng tingin. Kung nakamamatay lang ang tingin, siguro kanina pa ako namatay rito.
"What?" tanong ko upang makaiwas sa kanyang matatalim na titig.
Hindi sya umimik at mas nakakatakot iyon. Silence is the most powerful scream nga naman. And she's goddamn emotionless.
"Ano?" tanong ko ulit.
"This headphone was a gift from my cousin. Mahal pa ito sa buhay mo," malamig niyang sabi.
Mahal pa sa buhay ko? Bakit, pinsan nya ba si God, ha?
"Oh, t-tapos?" nanginginig kong tanong.
"Bayaran mo ako."
"Magkano ba 'yan?"
Asus, pera lang naman pala kailangan. No problem ako riyan kasi marami kami nyan.
"Not with money but with your life. Pwede na yang buhay mo," she said looking at me from head-to-toe.
Ano bang sinasabi nya? Sira ba ulo nito, ha? Buhay ko ang kapalit? Wow naman!
"Maluwag ba ang turnilyo mo sa ulo, miss? Are you sick?"
"Be my slave hanggang sa magsawa ako sa pagmumukha mo."
"Ha? Okay ka lang ba? Paa-" hindi nya ako binigyan ng pagkakataong magsalita.
"Be my slave. Magdeal ka man o hindi, slave na kita ngayon!"
"Ayoko nga. Oo maganda ka kaso ang sagwa naman ng deal mo. Hindi ka naman kasi magsasawa sa kagwapuhan ko kaya habang buhay na siguro ako magiging slave!" angal ko.
Teka feeling ko tuloy parang may mali sa sinabi ko. Nagugustuhan ko rin ata itong nangyayari.
She smirked. "Then so be it. You're my slave starting now!"
What the, I knew it may mali talaga sa sinabi ko.
"Hoy! Apaka paladesisyon mo naman, miss. Can I ask for a deadline to think?" unti-unti nang nababasag ang aking boses.
Hinarap nya ulit ako at sinamaan ng tingin. Nakakatakot talagaa siya pero bakit pa rin sya maganda?
"What deadline?"
"Deadline until your slave plot ends!"
"Tsk. Ang kulit mo ah. Buti sana kung gwapo ka kaso hindi, e."
Tinawag nya ba akong panget ha?
"Ako *sabay point sa sarili* hindi gwapo? Wag ka ngang pumikit dyan," asar tono kong sambit habang nakangisi.
"Shut up, panget. Okay, dahil panget ka pagbibigyan kita. I'll give you your damn chance. Five months," sabay alis nang hindi man lang nagpapaalam.
"Suplada," bulong ko.
Kakayanin ko ba yung deal nya? Isa pa, gaano ba talaga kamahal yung headphone? Tsk, ano ba yan. Pero di bale. Mabait naman ako sa mga babae lalo na sa kanya!
Kung tutuusin, parang nakilala ko na rin ang aking crush. At least, nakausap ko sya nang harap-harapan. The way she stares at people is cold. Does she also have a cold heart? Ngayon ko lang din sya narinig na may sinabing mahaba sa buong buhay ko kahit ngayon lang naman kami nag-usap.
Nilibot ko ulit ang aking paningin sa campus. Napag-isip-isip ko bigla, paano ba ako napunta sa school na ito? Why did I even enroll here? But... I had a chance to talk to her.
Ito ang kauna-unahang araw na nakausap ko ang ice princess.
--
Vote, share, and comment.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro