Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C5: The Gangster

The Gangster

••••

Jhanessa.

SOMEONE SAW me this morning fighting guys. Nag-init ulit ang ulo ni Jen dahil sa ginawa ko. It's not my fault. I was just trying to help.



- Flashback -

"Come with me," malamig niyang sambit.

Parang alam ko na ang patutunguhan nito. May babaeng lumapit sa amin kanina at isinauli ang nalaglag kong I.D. Alam ni Jen na hindi ako ganun kalikot upang malaglag ang sariling I.D, except when I am fighting or doing P.E. stunts.

Nakasunod lang ako sa kanya, but I'm damn nervous!

"Jen, I can explain," I said, breaking our silence.

Lumingon siya kaagad sa akin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nito.

"Come here," mahinahon nyang pahayag.

Lumapit ako nang dahan-dahan sa kanya. Nanginginig pa rin ako dahil sa sobrang kaba. Akala ko may gagawin siya sa aking masama. Kahit ano-ano na nga ang pumapasok sa isip ko. Kukurutin nya ako, sisigawan, pagagalitan pero hindi iyon nangyari. Instead, she fixed my uniform and tied my I.D. sling. Hindi siya galit, inayos niya rin ang nalukot kong kwelyo.

"You're not mad?" pagtataka ko.

"No, mas magalit ka sa 'kin when the time comes," sabi niya.

Naglakad ulit sya. Ano bang sinasabi nito?

"Oy! Ano bang kailangan kong ikagalit sayo, ha?" tanong ko habang sinusundan ang kanyang lakad.

Hindi siya umimik.

"Pinsan!"

"Nothing, I'm just saying," malamig niyang sambit.

Ayan na naman siya sa kanyang pabitin-bitin.

-Present-





Nakaupo lang ako sa labas nitong faculty room habang hinihintay si Jen matapos sa loob. Buti na lang at may upuan silang nilagay dito. I want to go in but they won't allow me, gusto kong makiusyuso saglit. Is it more important than grades? Matalino naman si Jen, matigas nga lang talaga ang ulo at puso.

"Ang tagal," angal ko.

Nakarinig ako ng ingay kaya agad akong napalingon sa gilid. Nakita ko ang isang lalaking lalampa-lampa na binabangga ang mga estudyanteng nadadaanan niya. Andami n'yang dalang papeles kaya tanging excuse na lang ang kanyang sinasambit.

"Naku, sorry," dispensa nya.

"Aray!"

"Pasensya na."

"Ouch!"

"Sorry ulit."

"Hey! Inapakan mo ko!"

"I'm sorry!"

Mukhang dito ata sa faculty room ang kanyang punta. Nag-aabang pa rin ako sa may pinto pero papalapit na siya sa pwesto ko. Nakarating sya rito ng maayos at buo ang katawan. Hinabol niya muna ang kanyang paghinga bago nakapagsalita. He looks familiar, sya ang student council secretary ng school.

"Excuse me po. Pakibuksan naman iyong pinto," utos nya sa 'kin.

Tumango ako at binuksan ang pinto para sa kanya. Hindi naman ako kagaya ni Jen na suplada talaga to the nth level. Oo, aminin natin na may pagkasuplada talaga ako pero hindi pa iyon nangangalahati sa kasupladahan niya. Nakita ko si pinsan sa loob ng faculty na nakikipag-usap kay sir. Hanggang kailan ba sila matatapos sa pagchichikahan? Saka, ano ba kasi ang pinag-uusapan ng dalawang 'yan?

Nakita ko ang dahan-dahang pagtayo ni Jen mula sa kanyang upuan. Hindi man lang siya nagpaalam kay sir, pero nagiging normal ang ganyang scenario kapag araw-araw mo siyang makasama. Sa araw-araw kasi na ginawa ng Diyos, masasanay ka na sa pagiging 'bastos' nya.

"Oh, ano na? Ano sabi?" atat kong tanong paglabas ni pinsan.

"Akala mo naman doctor ako."

Oo nga no? Para akong nasa hospital na tinatanong kung ano ang kalagayan ng pasyente... curious ako.

"Ano nga, Jen?"

"Someone needs me," matabang nyang sambit.

"Ha?" pagkaklaro ko.

I don't get it.

"I need to tutor someone as per sir Lexper," ang lamig niya talagang magsalita.

"Aah, yun naman pala. Sino raw?"

Sinusundan ko lang sya sa paglalakad habang pinapantayan ang kanyang bilis. Hindi ko alam kung saan siya pupunta basta nakasunod lang ako sa kanya. Hindi niya pa rin sinasagot ang tanong ko hanggang ngayon. Hindi nagtagal, nakarating kami sa...

"Basketball court?" taka kong tanong.

Ano ang ginagawa namin dito? Magbabasketball ba si Jen? Ay hindi, hindi naman sya showy. Ang dami kayang tao rito ngayon. Tinignan ko si Jen na puno ng pagtataka ang itsura nang bigla niyang nilapitan ang isa sa mga basketball player.

"Kurt Fernandez, did you recieve a note from Sir Lexper?" malamig niyang tanong dun sa maputing lalaki.

Ang gwapo niya. Malakas ang sex appeal, makinis at klarong-klaro iyong kaputian, may pagkabrown ang kanyang buhok at yung bangs niya ay umaabot hanggang mata. Nakapolo nga siya kaso open naman ang butones mula una hanggang huli kaya kita ko yung malinamnam nyang abs. Omosh!

Grabe itong si Jen, kahit ang gwapo-gwapo na ng lalaki na nasa kanyang harapan, ang lamig niya pa rin. Hindi talaga natitinag ang isang Jennifer Ramirez.

"I did. Don't tell me ikaw ang magtutor sa akin?" tanong ng gwapo.

Sa halip na isang sagot, may ibinigay si Jen sa kanyang calling card.

"Here."

Wait what? Hindi naman siya nagbibigay ng numero sa kahit kanino. Actually, ang mga nasa contacts niya lang ay sila tita, tito, ako, saka si Kyn.

"Alright, Saturday it is," si Kurt.

"Hi, bunsoy!" bati ni Kyn nang nakataas ang kamay na parang maghihigh five. He slowly puts his hand down nang hindi siya gantihan ni Jen. "What are you doing here... in my territory, I mean."

"None of your business."

Umalis kami kaagad sa court. Pati kuya niya ay nalalamigan din sa kanyang ugali. Palagi niya kasi itong sinusungitan tapos nakakatawa pa ang nagiging reaksyon ni Kyn. Naalala ko tuloy si Kurt. In fairness, ang gwapo nya ha. Sumulyap ulit ako sa isa pang pagkakataon upang makita ang gwapo niyang itsura. Nahagilap ko ang isang hindi kaaya-ayang scenario. May lumapit sa kanyang babae at pinunasan nito ang pawis sa mukha ni Kurt.

Girlfriend niya?

"He has a girlfriend," utas ni Jen na para bang nabasa niya ang iniisip ko.

Napatitig ako sa kanya. Alam pala ni Jen na nakatitig ako sa lalaking yun. So, ibig sabihin may girlfriend nga talaga siya. Hindi marunong magsinungaling si Jen sa akin, e. She doesn't have a reason to lie to me.

"I didn't say anything, cous. Nagwagwapuhan lang ako sa kanya," pilit ang ngiti ko.

I feel so disappointed.

Hindi ko siya type pero sayang 'cause it's my first time to get attracted to someone. Hindi siya umimik. Dahil sa pinsan kong ito, nasasanay na akong magsalita mag-isa. Wala naman akong kwentang kausap huhu. I checked my watch, it's already 3:45 PM. Ibig sabihin lang nun, malapit na mag-uwian.

"Insan, punta muna ako sa locker. Hintayin mo ako sa labas ng gate," paalam ko.

"Papasok ka ba sa locker?" tanong niya sa isang seryosong boses.

Akala ko matatawa na ako pero ang seryoso kasi ng kanyang mukha. Hindi ko magawang tumawa.

"H-Hindi."

"Bilisan mo."

Heto namang si Jen, binara pa ako sa kanyang joke. Haha, pero nakakatawa yun, a. At least, may natira pa siyang sense of humor sa katawan. Wala na kasing sweet hormones at happy hormones. Puro angry, sour, bitter, etc.. isipin nyo na lang ang iba't-ibang lasa.

Tumakbo ako papunta sa locker room. Kung hindi ko lang talaga kilala ang pinsan ko, nag-co-countdown na 'yon sa ngayon habang naghihintay sa akin sa kotse.

Perks of being an Ice Princess.

Tinawagan ko na kanina si manong driver para sunduin kami. Ang lapit lang ng bahay namin sa isa't-isa. Magkapatid ang mommy ko saka mommy nila. May driver naman sila Jen kaso kasama nito ang mommy niya ngayon dahil may client sila ngayong araw.

Pagkarating ko sa locker room, hinanap ko yung susi sa bulsa ko. I opened it and something fell out. Isang sobre na pink. Hala, parang love letter to, a! I roamed my eyes around the room. Baka sakaling andito pa yung tao na nagbigay sa akin nito kaso wala akong nakita at ako lang naman mag-isa. I checked the back of the letter.

'From: S.A'

S.A? Sino ba ito? I don't have time for this, mamaya ko na ito bubuksan. Baka hindi ito para sa akin. Kinuha ko ang mga gamit sa loob, pati notebook at ballpen, sinali ko na rin. Marami kaming assignments ngayon, at oo nag-aaral din naman ako. Matapos kong kunin ang mga gamit sa locker agad ko itong isinara.

Bumps!

"Ouch!"

Nauna ang pwet ko sa pagbagsak. Nalaglag pa lahat ng gamit ko sa sahig. Bweset naman, oh. Reyna ng kamalasan ba ang peg ko ngayong araw? Una, may nakakita sa akin na nakikipagbugbugan kanina. Pangalawa, nalaman ko pa na may girlfriend yung gwapo kanina, and now this?

"I'm sorry, miss," dispensa niya.

"Ayos lang," inis akong nakayuko habang pinupulot ang mga librong nalaglag.

Hindi pa rin ako nag-aangat ng tingin sa kanya. Kapag tapos ko nang kunin lahat ng libro ko, lagot talaga sya sa 'kin dahil mali sya ng binangga. Mabuti na lang at tinulungan niya ako sa pagpulot.

"Wag na, kuya," inis ko. "Umalis ka na."

Binangga mo na nga ako. I don't need a peace offering.

"Kuya? We're just in the same age," nakangisi niyang sabi.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang kanyang pagmumukha.

Ay, tae sya lang pala!

"I-Ikaw lang pala yan. Thank you sa pagpulot," agad akong tumayo at tumakbo ng mabilis.

Hala! Kailan pa ako umiwas sa gwapo? Kailan pa ba ako naging allergic sa mga gaya niya? Ang bilis kong nakarating sa labas ng gate. Nakita ko si Jen na nasa labas ng kotse, nakasandal habang naka-ekis ang dalawang kamay. Napansin ko na may kulang sa kanyang awra. Weird.

Headphones

That's right! She's not using her favorite headphones. Regalo ko pa naman yun sa kanya galing Japan at may customized One Piece drawing pa 'yun like how she wanted it.

"You're 30 seconds late," seryoso niyang sabi.

It's only 30 seconds, Jennifer!

"Sorry na. Tara uwi na tayo," pag-iiwas ko sa topic.

Pumasok kami pareho sa backseat. Prohibited daw kasi yung front sabi ni manong kasi isang tao lang ang pwedeng umupo roon. Guess who? Ang mahangin kong pinsan na parang electric fan. Parang hindi nga namin ito kotse dahil sa kanya, pero hinahayaan ko na lang, maluwag na kasi ang kanyang turnilyo.

"Oo nga pala. Where's your headphone, pinsan?"

Mukhang hindi nya rin ata ako sasagutin ng matino kasi nakaconcentrate sya sa pakikinig ng music. She removes her earphones and answered me.

"Nasira."

Wait. What!

"Ano kamo?" pagkukumpirma ko sa aking narinig.

Tiningnan nya lang ako sa aking mga mata. Nanlamig tuloy ako, ang iitim nito at para kang nilalamon sa takot.

"Nasira," pag-uulit niya.

Is this real? Is it really really real?

Pinisil-pisil ko ang aking mga pisngi. At mashakeet. Totoo nga, pero bakit? Bakit naman, Jen?




















She really responded to me! Seryoso? I'm so happy!

Umiling-iling ako mag-isa. Pero nasira raw ang headphones, e.

"N-Nasira? Bakit?"

"Sinira kasi, wag ka nang mag-alala. Pinagbayad ko naman yung nakasira."

Wala akong pakealam kung nasira man iyun. Ang mahalaga ay sinagot niya ng matino ang tanong ko. Minsan lang sa buong buhay ng isang tao ang sagutin ng matino ng isang Jen Ramirez. Yiiieeee!

Bumalik siya sa pakikinig ng music habang nakangiti lamang ako. Masyado akong masaya para maging mabadtrip. Paano naman kaya 'yon nasira? Ang tibay nun saka galing pa ng ibang bansa. Sobrang tanga siguro nang nakasira. Tsk, bahala na. Hindi n ako magtatanong pa at baka masira pa mood ko, e. Hindi tanga si Jen para masira yun ng basta-basta. At yun ang paniniwalaan ko hanggang dulo.

"Andito na po tayo, Ms. Jennifer," sabi ni manong matapos iparada sa gilid ang sasakyan.

Hindi siya nagsalita at agad na bumaba ng kotse. I stick my head out the window to ask her. Hindi talaga kasi ako mapakali, e. Curiosity kills the gangster.

"Pinsan, sino ang nakasira?"

"I don't know who he is, but I now he's ugly as fuck," saka siya pumasok sa gate.

Panget daw?

"Panget nga ba, Jen?" bulong ko.

It looks like she heard me because of those death stares she's giving. Mabilis kong sinenyasan si manong na paandarin kaagad ang sasakyan. Baka magpalipad pa sya ng itak sa mukha ko sa sama ng tingin nya sa akin.

"Bye, cous! See you tomorrow!"

Perks of being an Ice Princess.

——

Don't forget to vote, comment, and share.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro