C47: The Result
The Result
••••
Jen's Point of View.
Gumising ako na iniinda ang sakit sa aking likuran tsaka ako napatingin sa salamin. My cheeks were still red from yesterday, damn this body parts it's still aching. So I decided to go downstairs to eat.
"Good morning manang, mommy" bati ko sa kanila. "Natutulog pa rin ba si kuya?"
"Yes baby. Puntahan mo kaya muna, baka kasi kanina pa 'yon gising," utos ni mama.
Pupuntahan ko na sana si kuya kaso ayun bumaba na pala, "Good morning everyone" aba good mood ata kuya ko ha.
"O andyan na pala kayo, tara kain na" yaya ni manang.
Umupo na kami at kumain. Pagkatapos nun eh nagbihis na at pumuntang kotse. Si kuya naman ang magdadrive kaya no problem.
Tahimik lang kaming dalawa sa loob, pero binasag nya. "Oy Yelo, ba't ang talino mo?"
"Hm? Nakalimutan mo na ba kuya? Nagmana ako kay mommy"
"Sabi ko nga, tsk. Pero di nga, nagawa mo lahat ng yun sa isang araw lang? Ang galing mo ha"
"Nanalo ba tayo? Di pa naman sinasabi ha?"
"Ahahaha. Tanungin natin si PS mamaya, punta tayo sa office nya" sabi ni kuya.
"Oo"
Nung nakarating na kami sa school di ko ineexpect na may nagkukumpulan na naman. "Ano na namang plot to?" iritang tanong ni kuya. "Ano may pics na naman?"
Lumapit naman kaming dalawa ni kuya sa bulletin. "To all students, the result of the campus war will be paste on THE GYM. Iaannounce na ng principal ang nanalo mamaya" malakas na basa ni Assej. Dumating na kasi sya.
Yan yung nakalagay sa note. Nagtinginan naman sila sa akin. "Sh*t" yan na lang yung nasabi ko. "Tara na Assej"
Sumunod naman sya sakin, di naman ako kinakabahan. Alam ko kasing di ako pwedeng maexpel sa campus nato.
"Insan, ayos ka lang? Kinakabahan ka ba?"
"Hindi naman, excited na ko" malamig kong sabi.
Pagpasok namin sa room, pinagtinginan kami ng ibang estudyante. Nagkwentuhan lang sila Jam, Jhanny at Assej habang ako nakatitig na naman sa playground. 'Asan na kaya yung batang yun?'
RECESS~
Ngayon na daw iaannounce yung tungkol sa campus war. At kailangan naming pumunta lahat sa gym.
"I'm scared, kinakabahan pa ko" sabi ni Jiemie.
"Tsk. Tumigil ka nga ate, kaba ka dyan! Wag ka nga"
"Di ko maiwasan eh"
Isa-isa na kaming umupo sa mga benches. May 10 chairs na nakaline sa bawat front sides and para sa amin yun.
Umakyat na si PS sa stage, di na pala namin kailangang pumunta sa kanya. "Good morning students, how are you? Sa araw na ito iaannounce ko na ang nanalo para sa campus war. Panghuling araw na kahapon, at ngayon na nga ang results" napatingin sya sa side namin. "Meet the Princesses" tapos kina Lyn na side. "Meet the queen bees" lahat sila ang tapang pa rin ng itsura.
Bahala kayo dyan, magtapang-tapangan lang kayo hangga't gusto nyo.
Nagpatuloy lang si PS. "Well anyway, nahulaan nila ang Joker. Si Aya Palma, ang reward ng mananalo ay ang KINGS diba? At ang talo naman, ay ang EXPULSION. Tsk tsk. Sorry sa maeexpel, bakit kasi kayo nambully. Ehem, anyway. Ang Spade or Ace natin for this year is....MS. JENNIFER RAMIREZ!" nagpalakpakan naman sila. "Ang princesses ang nanalo at sila na ang maghahari sa campus. Talo kayo Queen Bees kaya sa inyo ang expulsion" dagdag nya.
"Jen, we win. We did win!" masayang sabi ni Jiemie.
Nung napatingin kami sa side nila, sabay-sabay lang silang nang-irap. Ayan, ayaw pa rin magbago. Mga witch talaga, pero si Aya. Nakangiti sakin, alam na nya kaya ang buong storya?
"Jen? Jen, tara na. Tapos na ang announcement. Aalis na sila ngayon" - Jhanny.
Umalis na kami dun, habang paalis papuntang canteen. Pinagtitinginan pa rin kami, pero kakaiba na kasi nakangiti na silang lahat.
"Talo sila, so meaning expelled sila" - Assej.
"Mamimiss ko kayo guys" pang-aasar ni Jiemie. "Sana magbago na si Lyn"
"Wala nakong Vice-pres. Imomove ko na lang yung mga positions" sabi ni Jehna.
Bigla namang dumating sila kuya. "Yelong kapatid congrats, congrats talaga ang galing galing mo mana ka kay kuya!"
"Kuya wag kang bakla" malamig kong sabi.
"Sabi ko nga" naupo na sya.
Umorder na kami pero iba na ngayon kasi di na si Jester ang kasama ni Mike umorder kundi si Kurt na at Yoj.
"Magtatransfer daw rin pala si Jester. Sasamahan nya si Lyn" sabi ni Jiemie.
"Paano mo yan alam?" inis na taong ni kuya. Oy kuya nagseselos.
"Ha? Sinabi nya sakin, nagpasalamat naman sya sakin kasi naging magkaibigan kami kahit di talaga iyon ang rason nya"
"Ah, okay!" nakacrossed arms na sabi ni kuya.
"Ano ka ba Kyn, sabihin mo na lang kasi na your jealous!" asar ni Assej.
Naalala ko tuloy yung sabi ni Tanga kaya bigla akong napatingin sa kanya kaso..tumingin na pala sya sakin at ngumiti di ko alam bakit pero umiwas ako bigla. "Ano ba yun?" mahina kong sabi.
"Anong sabi mo?" sabat ni Yver.
"Nothing!" di na naman nya ko kinulit.
Di nagtagal dumating na yung order namin, akala namin order lang pero dumating rin sila Lyn, Aya at ang ibang queen bees. "O ayan! Nakuha nyo na gusto nyo, expel na kami. Happy?" - Vanessa.
"Ginusto nyo yan mga ulol!" - Michael.
"Aba! Aba! Hoy ikaw ang puno't dulo nito Michael, dapat kasama ka sa expulsion!" - Cheska. Akala ko talaga napakabait ni Cheska, buti na lang nakita ko yung sulat nya na manggagamit sya.
"Hoy Cheska, wag mong idamay si Mike dito. Para ka namang nagtutulak ng kasalanan mo sa iba!" sabat ni Jhanny.
"At ikaw naman Jhanny Bravo" turo ni Cheasty sa kanya, "Wag kang mangialam dito"
"Tumigil na nga kayo, maeexpel na nga lang. Mang-aaway pa, maglinis na kayo ng toilet bowl. Tapos ilublob nyo yang mga mukha nyong mukhang tae!" inis na sabi ni Assej.
"JHANESSA KUMAKAIN KAMI!" sabay-sabay nilang sabi.
"SORRY!"
"A-A-Ano? What the hell did you just said!?" inis na sabi ni Lyn.
Sasagot pa sana sila kaso nagsalita na ko. "Sh*t lumayas na nga kayo dito sa campus!"
Wala silang nagawa kundi ang umalis pero nagbanta na naman ulit. "Di pa tayo tapos. Babalikan namin kayo!" sabay nilang sabi.
Umalis na sila sa canteen, lahat ng estudyante halos di humihinga sa mga pinagagagawa nila. "Banta sila ng banta eh di naman natutuloy!" - Jam.
"Aasahan namin yan!" sabay naming sabi lahat.
Kita naman namin ang inis nilang mukha. Ewan, aasahan na nga lang namin siguro.
Nagkwentuhan na naman kami ulit. Biglang may lumapit sa amin na mga second years and kabatch naming third years. "Hm, ano. Ano po kasi, salamat dahil sa inyo naexpel yung mga bruha na yun" sabi nung isa.
"Madalas po kasi kaming pagtripan noon eh. Tsaka, pinapahiya sa maraming tao" dagdag nung isa pa.
Sabay naman silang nagbow. "Thank you po" naiiyak nilang sabi.
Bakit? Ganun ba talaga kasama ugali nila?
"no problem ladies" sabi ni Yver habang nakatingin sa ipad nya.
"Sige po, alis na kami" nakangiti nilang sabi sabay alis.
Kumain naman ako ng kumain, ewan ko nga eh. Gusto ko lang kumain, madami naman akong kinain kanina pero sadyang gutom na gutom talaga ako ngayon. Special naman to kasi walang dairy. "Jen, ilang taon ka bang hindi kumain?" tanong ni Yoj.
"Wag kang mang-insulto" sabat ni Yver.
"Hindi taon, three hours lang naman" sagot ko.
"Ahahahaha, pasalamat ka Yoj at tumulong ka sa pagpapaexpel nung queen bees. Di ka sana sasagutin ng maayos nyang si Jen" tawa ni Joseph.
Nagkwentuhan na naman sila at pumunta sa sarili nilang mga mundo. Ako kumain lang ng kumain dito, wala akong ibang magawa eh.
"Ah teka, may inutos kasi si PS sa akin eh" tumayo si Assej.
Ewan pero bigla ring tumayo si Kurt. "Samahan na kita"
"Ha? Ah sige, baka pagbuhatin na naman ako nun. Hehe" sabay naman silang umalis.
May something sa dalawang yun eh, hmmm. Abangan nyo na lang sa book 2. Ako rin siguro aalis na, tutal tapos naman akong kumain eh. Tumayo na ako at nagpaalam. "Kuya, una na muna ako sa inyong lahat" pupunta muna akong rooftop.
Naglakad lang ako papunta dun. Nadaanan ko naman yung locker, kung saan kami unang nagkita ni Tanga. Naalala ko pa kung paano nya nasira yung headphone ko. Nagpatuloy naman ako hanggang sa rooftop.
Pagbukas ko, "Ang hangin!" hinahangin na nga palda ko eh.
Umupo naman ako sa sahig. Gusto ko lang magpahangin, ang daming nangyari eh. Kinuha ko naman yung bracelet ko, palagi lang kasi tong nandito tapos di ko gustong suotin. Gustong-gusto ko kasi ang bracelet nato kasi ang cute ng design, may naka-engrave pa na 'Je Taime'. Ito lang yung remembrance ko sa batang yun eh.
Bigla na mang may nagbukas ng pintuan. Si Tanga lang pala. "Aaahh, ang hangin naman dito. Andyan ka lang pala yelo" bigla syang napatingin sakin.
"Nagpaalam naman ako diba?"
Nagkamot naman sya ng ulo. "Sabi ko nga. Bakit ka ba kasi andito?" Tinabihan nya naman ako.
"Nagpapahangin"
"Aaahh. Ako rin!" humiga sya sa sahig. "Dito rin muna ako" ginawa nyang unan kamay nya.
"Kaw bahala"
Tahimik lang kami nun pero nagsalita naman sya agad. "Oy Yelo, alam mo ba ang meaning ng salitang Je Taime?"
Natigilan naman ako, "Saan mo nakuha yan?"
"Hm? Bakit? Alam mo ba? Kung ganun alam mo?" umupo na sya ang lapit pa naman ng mukha nya. "Ano?"
"Oo. Pero di ako sigurado, french word yan ng--" di ko natuloy yung sasabihin ko.
Bigla na lang may nag-announce sa speakers. "ANNOUNCEMENT TO ALL STUDENTS KINDLY LISTEN!" boses yun ni PS. Rinig pa talaga sa buong school pati kasi sa rooftop may speakers.
"Ano na naman kaya yan?" iritadong sabi ni Renz. "Tapos na yung campus war na ginawa nya!"
"Ssshhhh" sabi ko.
"Okay! WELL HERE'S THE THING! I will officially and formally introduce to you the CAMPUS PRINCESSES!"
Dali-dali naman kaming napatingin sa ibaba, sa ground. Nakita namin yung iba na lumabas ng classroom, nakita ko nga si Assej at Kurt na may dalang kahon.
"Jiemie Jhean Mendez, Jehna Amethyst Mendez, Jam Marie Trinidad, Jhanny Nishey Alvarez, Jhanessa Assej Martinez at ang ACE ng princesses. Si Jennifer Alegna Ramirez!"
"Bakit special sayo?"
"Ewan!"
Nagpatuloy lang sya. "MEETS THEIR PRINCES!"
Nagtinginan naman kami ni Renz, "May prince? Sino?"
"Ewan" malamig kong sagot.
"Michael Jan Estrella, Yoj Luise Abadeo, Joseph Lyndon Gonzales, Kyn Patricio Ramirez, Kurt Rustle Fernandez, Yver Vanter Javier and...Renz Jesrel Guevarra!"
"WHAT!!???" sabay naming sabi.
"Included ka?"
"Bakit? Ayaw mo? Malay ko bang kasali ako no!"
Pinakinggan namin ang huli nyang announcement. "O sige simulan na natin ang bagong laro na ginawa ko lang kanina. Hehehehe. ABANGAN NATIN ANG LOVESTORY NILA...
SA BOOK TWO NA! Thank you students"
Bigla namang nagsidatingan yung iba sa rooftop. "Narinig nyo yun? Princess tayo?" - Jhanny.
"Oo. Tapos prince kami!" - Mike.
"Kung ganun, magbabay na muna tayo sa kanila" - Jam.
"Di bale, may book two naman tayo" - Joseph.
"Sana basahin pa nila no?" - Jiemie.
"Babasahin nila yan, ang hot ko eh" - Kyn.
"Ako ang babalanse sayo, Yelo ako" - Yver.
"Tsk, lovestory na natin nakasalalay dito. Gangster pa rin ako" - Jhanessa.
"Di bale ako ang protector mo!" - Kurt.
"Paano ba yan, let's say goodbye na" sabay na sabi ni Yoj at Jehna.
Kami na lang pala ang walang speech dito. "Hmm. Paano ba yan, Yelo. May sasabihin ka pa ba?" tanong ni tanga.
"Abangan nyo sa book two kung paano kami makakabuo ng lovestory. Sweet na kami dun, sila lang pala. Wala akong kaloveteam, ayoko ng distraction"
"Ang lamig, ang sakit nun ha. Tsk, sige na. Bye bye na readers. Please read our book two okay? Entitled 'The Claverion Ratio High; Campus Princesses and Princes' BYE!"
----
A/N:
Thank you :* Last Chapter only for the epilogue. Book two po entitled, Claverion High 2: Campus Princesses and Campus Princes.
Sa book 2 na magsisimula ang lovestory nila or makakabuo nga ba sila ng kanya-kanyang lovestories. Gaya nga ng sabi ni PS, abangan nyo ang book two. Enjoy lang kayo palagi, Godbless.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro