Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C46: Secrets Revealed


Secrets Revealed

••••

Jen's Point of View.

"Talaga? Teka lang ha, may ibubuking muna kaming mga sikreto tungkol sa inyo!" sabat ni Assej. Nilabas nya naman cellphone nya.

Cellphone nya yung ginamit ko nung nagvideo ako at nagrecord tungkol sa lahat-lahat ng nangyari noon.

"Una, may gusto si Jester kay Lyn..Jester lumabas ka na dyan" malamig kong sabi. Alam ko kanina pa na may nagtatago rin maliban sakin, sya lang pala.

"Haaayy, sarap pa naman ng tulog ko" sabi nya.

"Ginamit nila Vanessa at Lyn si Jester para ligawan ka Jiemie. Bakit? Syempre para paghiwalayin at pag-awayin kayo ni Kyn" - Jam.

Nagtaka naman si Jiemie at kuya. "Is it true?!" galit na tanong ni kuya. "LYN!"

"OO!" naiiyak nyang sabi. "Ginawa ko yun kasi gusto na talaga kita. Totoong mahal na kita Kyn, di ko yun kasalanan!"

"Second, nagpustahan sila kuya tungkol sa relasyon ni Yoj at Vanessa. Di mo naman talaga mahal si Vanessa diba Yoj? Pero si Vanessa nauto kaya masakit yun para sa kanya, ayun tumakas sa Pilipinas!" sabi ni Assej.

"Ano!? Di mo ko mahal Yoj? Di mo ko minahal?" galit nyang sabi.

"Sorry Vanessa. Di talaga kasi kayang mahalin eh, hindi ko naman talaga kasi kailangang magmove-on kasi di na dapat. I don't like you, I'm sorry" paliwanag ni Yoj.

"I-I loved you" umiyak na si Vanessa.

Wala akong paki sa kanila. "Third, Vanessa. Binreak ka ni Yoj di dahil lang sa di nya kaya ang LDR. Dahil yun may kabet ka, your a two-timer, at ang lalaking yun ay ang kapatid ni Seraphim Dela Vega" - Jhanny.

"A-Ano? I didn't did a thing" napaluhod na sya sa sahig.

Inamin yun ni Yoj sakin kahapon gusto nya raw kasi makatulong. Para kay Jehna, nakatulong kaya ako sa pagconfirm ng true feelings nya. At di na nga nya gusto si Vanessa.

"Fourth, Cheska. M.U naman talaga kayo dati ni Renz, pinapalabas mo lang na sya lang ang may gusto sayo. Para saan? Para sa fame, kaya ka nakapasok sa squad dahil yun ang pinanghahawakan mo!" - Jiemie.

"H-Hindi. Mali mali yan, maganda ako at famous kaya ako natanggap!" deny nya.

"Ha! Kapal rin pala talaga ng mukha mong gamitin ako Cheska. I already regret it!" inis na sabi ni Renz.

"Fifth, Cheasty. Ikaw ang pinakamalandi sa kanilang lima. Bakit? Ang rami mo na kayang lalaking nakahalikan at nakahawak kamay" tinapon naman ni Jehna yung mga pictures sa kanya. Actually di talaga namin yan sinunog. "Ayan, ang landi mo! Buti napansin ni Jen ang pagkakaedit ng bawat pictures. Ikaw lang naman kasi ang magaling sa editing isa pa, di estudyante rito ang mga lalaking yan"

"Wag ka ngang magpasa ng mga ganyang paratang! Alam mo bang maeexpel ka dahil dyan ha MS. PREZ?"

"Isasama kita sa expulsion ko" matigas na sabi ni Jehna.

"Aya, ikaw ang tumulak kay Kurt sa hagdanan diba? Tapos ikaw rin ang nagpabugbog sakin dun sa may likod ng gym, nanghingi ka ng mga lalaki kay Cheasty. Too bad kasi kilala ako nung mga lalaki.." tumingin naman ako kay Assej. "Assej, di ko talaga sinuntok ang pader. Nakipagsuntukan ako, nasa taas ko nasa taas ko na yung kalaban kaso pagsuntok ko. Yung lupa yung nasaktan"

"WHAT? LAGOT TALAGA SILA SAKIN!" nanggigil nyang sabi.

"Okay na naman kamay ko kaya no worries"

"Sixth, ang panghuling tao na alam kong alam ang lahat ng to. Aya!" napatingin naman silang lahat kay Aya, nakayuko lang sya. "Ikaw ba ang nagtulak sa kanila para gawin ang lahat ng to? Ikaw ba ang kapatid nung naexpel na lalaki noon?" malamig kong tanong.

Nakayuko lang sya tsaka inangat nya agad yung ulo nya, "OO. Hahaha, oo. Ako nga, ako ang kapatid ni Eros Palma. Ang inexpel nyong lahat noon! Oo matagal na yun, buti na lang at binalik na tong campus war. Pinaghiganti ko si kuya, dahil sa inyo kaya sya naexpel. Mahal na mahal ko si kuya, kaya ayokong pati ang mga katulad nyo na walang kwenta ang makasira ng mga pangarap nya. Gusto nya lang naman mag-aral ng mabuti kaso nadamay sya sa expulsion na ginawa nyo!" umiyak na sya at humagulhol.

"Sis tahan na" comfort ni Cheasty sa kanya. Kahit si Cheasty may luha na sa mata.

"Alam mo ba talaga ang buong storya?"

"Oo. Oo alam ko, dahil sa queen bees at sa Ice princess. Kaya nung nag-enroll ako rito, nagtanong-tanong ako kung sino ang ice princess dito sa campus. At nalaman kong ikaw yun, Ikaw ang ice princess Jen" she said in between her sobs.

"Tama ka! Pero mali ka rin!" lumapit ako sa kanya. "Nung mga panahong yun, diba sinabi ni Eros sayo kung sino ang Queen bee at Ice princess noon?"

"Walang sinabi si kuya. Ang sabi nya lang, hanapin daw kita at malalaman ko ang sagot sa lahat"

"Kung ganun, I'll tell you the truth then. Hindi ako ang ice princess na sinasabi ni Eros" nagtaka naman silang lahat. "The former queen bee was Joy Abadeo, ate ni Yoj. And the former ice princess nung nag-aaral pa si Eros dito ay si Kurtressa Fernandez, ate ni Kurt"

Nagulat naman silang lahat sa sinabi ko. Diba nila alam? "S-Si Kurtressa?"

"Oo. Sya ang dating ice princess, alam mo ba kung bakit walang campus war sa batch nila? Kasi naging magbestfriend ang dalawang yun. Pero nung nag-enroll ako dito, pansin ko na may galit talaga sakin si Joy. Di ko yun maiiwasan at wala akong pakialam!"

"S-Si ate pala ang dating ice princess?" takang tanong ni Kurt. "Di bagay!"

Binatukan naman sya ni Yver. "Wag kang maingay"

"Kung ganun, si Kurtressa ang dapat mong kausapin" - Assej. "Alam namin ang buong kwento, pero mas mabuti kong di na lang kami mangialam"

"Uuwi na kami" paalam ni Jiemie. Aalis na sana kaming lahat kaso nagsalita bigla si Lyn.

"Ipapa-expel nyo ba kami?"

Hinarap naman namin sila. "Nasa judge yun" tsaka kami umalis.

Ang daming nangyari sa araw na to. Nabulgar na namin lahat ng sikreto nila simula sa umpisa. Mabuti na rin yun, wala talaga silang kaya sakin.

Naglakad naman kaming lahat. "Jen, I'm sorry. May parte pala ako sa away nato" sabi ni Mike.

"Wag kang magsorry. Di maaayos ng sorry mo yung nagawa na"

"Sabi ko nga, pero sorry talaga. Hayaan mo lang akong magsorry"

"Kaw bahala"

Nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad. "Jen, paano mo nalaman ang lahat ng yun?" - Renz.

Paano nga ba? "Hmmm. May tumulong sakin"

"Hala! Ate andyan na si manong oh tara na, guys uwi na kami ha!" paalam ni Jehna.

"Naku nagtext na sakin si daddy, uwi na rin ako" paalam ni Joseph. "Jhanny at Jam tara sabay na kayo!"

"Ah sige, Jen thank you!" Sabay nilang sabi.

Nagsiuwian na yung iba sa amin, ang natira na lang ay si Tanga, Yver, Assej, Kurt, Mike, Kuya at Ako.

"Paano mo nga nalaman Jen?" pagpipilit nya.

"Dahil sa isang reliable source nasabi ko na lang" nakita ko naman sya sa may gilid ng gate. "Sige, kuya sunod na lang pala ako sayo pag-uwi"

"O sige ingat ka ha"

Hinintay ko muna silang lumayo. Tsaka ako lumapit kay Eros. "Salamat sa infos mo"

"No problem, basta ikaw Jen. Ikaw lang kaya ang tumulong sa akin noong naghirap ako tungkol sa war na yan. Ahahaha, naexpel nga lang ako" natatawa nyang sabi.

"Sorry kasi di tayo nanalo"

"Ano ka ba, ayos lang yun Jen no. Isa pa, I'm thankful kasi palagi kitang nasasandalan noon" pinat nya naman ulo ko. "Thank You Ice princess" nakangiti nyang sabi.

Nalaman ko lahat ng impormasyon tungkol sa kanila dahil sa kanya. Alam ko ang laro kasi tinulungan ko syang manalo. "Oo nga pala sorry kasi di kita napanindigan, naexpel ka pa ni tito PS"

"Ahahaha, yung PS na yun talaga walang kwenta. Di bale, ang galing naman ng ginawa mo kasi natalo mo sila. Inaway mo nga lang kapatid ko"

"Di ko yun sadya no"

"Oo na. Oo na, alam ko"

Naaawkward talaga ako kapag kasama si Eros. Ewan ko ba, kinakabahan kasi ako eh.

Bigla namang may dumating. "Oy Yelo, tara uwi na tayo"

"Tanga? Ba't andito ka pa? Akala ko umuwi ka na?"

"Bodyguard mo nga ako diba?" napatingin naman sya kay Eros. "Jen tara na" hinila nya naman ako.

"Good evening pare, I'm Eros Palma" inabot naman ni Eros yung kamay nya.

"Renz. Renz Jesrel Guevarra" nagshake hands sila tapos biglang nilapit ni Eros yung bibig nya kay Renz at may binulong. "S-Sira ka pala pre. Sige uwi na kami, ihahatid ko pa tong Yelo nato"

"Ah, t-teka lang. Bye Eros" nagwave naman ako sa kanya.

"Bye Jenny, see you again" nakangiti nyang sabi.

Hinihila lang ako ni Tanga papunta sa kung saan. Problema nito? Ayaw nya talaga akong bitawan eh. "Hoy Tanga, san mo ko dadalhin? Akala ko ba uuwi na tayo?"

Tumigil naman sya sa paglalakad. "Tsk. Samahan mo muna ko dito"

"Ha?"

"Samahan mo muna ko, umupo ka" pinaupo nya ko sa damuhan dito sa park.

Umupo naman ako, "Gusto ko ng umuwi Tanga. Pagagalitan ako ni kuya"

"Psh. Nagpalusot ka pa nga para lang dun sa Eros na yun eh, sino ba sya ha? First love mo?"

"HINDI! Sya lang ang first crush ko, iba si first love. Barkada ni kuya dati si Eros kaya naman ano, nagwagwapuhan lang naman ako sa kanya eh"

"Kita mo na. Crush mo nga talaga sya, eh di ayus!" parang galit yung pagkakasabi nya ha.

"Hoy tanga galit ka ba?"

"Hindi"

"Parang naiinis ka eh"

"Di nga"

"Tsk. Uuwi na talaga ko" tatayo na sana ako.

Kaso hinawakan nya kamay ko, "I'm jealous" seryoso nyang sabi.

"H-Ha?" tama ba yung narinig ko? Selos?

"Tsk. Bingi!" tumayo na sya. "Tara ihahatid na kita"

Ginamit namin kotse nya. Syempre di kami nag-usap. Tahimik talaga kasi akong tao eh.

"Sige tanga, una nako" paalam ko.

"Oo oo!" tsaka sya umalis.

Anyare dun? Bitter lang, pagpasok ko ng bahay. Akala ko mag-aalala na naman si kuya at mommy kaso hindi. Si kuya kalmadong nanunood ng tv si mommy ayun tulog.

"Andito na ko!" sigaw ko sa buong bahay.

"Oy yelo, ang bilis nyo namang natapos" sabi ni kuya.

"Ano?"

"Nagpaalam kasi si Renz sakin na dadalhin ka raw nya sa isang buffet resto. Ang bilis mo talagang kumain no? Hahaha"

Buffet raw? Hala! "Ewan ko sayo kuya" umakyat na ako sa itaas.

Humiga na rin ako at natulog. Jusko nakakapagod, ang pula pa ng pisngi ko. Di halata kasi gabi na rin, ang lakas kasi ng sampal ni Cheska parang may pinaghuhugutan.

"Sana maging maayos na bukas" bulong ko bago natulog.






To be continued....

----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro