C45: The Revealed Plans
The Revealed Plans
••••
Jam's Point of View.
Umagang-umaga. Oo, umaga na nga, ngayong araw na namin gaganapin yun plano. Sana di kami papalpak.
"Good morning Jam" bati ni Jhanny.
Ang aga ata ni Jhanny ngayon ha? "Good morning rin. Ready ka na ba mamaya?"
"Oo. Kinakabahan nga lang ako" sabi nya.
"Jhanny, wag kang kabahan. Papalpak tayo pag nagkataon, kailangan nating lumaban sa kanila. Last day nato ng campus war" tinapik ko naman balikat nya.
"S-Sure"
Tama, dapat di kami kabahan. Kailangan lang naming sundin si Jen at ang plano nya. Sana manalo kami, sana.
"Malapit ng magbell wala pa rin si Jen at Jhanessa" alalang sabi ni Jhanny.
"Tama ka, sana makaabot pa sila" baka naghahanda pa. Yun na lamg siguro muna ang iisipin ko ngayon, sana umabot sila dito. Bakit ba kasi ang tagal nila?
Nagbell na nga at pumasok na si sir, wala din si Vanessa. Baka gaya namin may paghahanda silang ginagawa. Mabilis lumipas ang oras at recess na. Recess na daw namin gagawin yung pagpaplano patungkol sa CR.
Nakita namin na pumasok na ng CR sila Aya at Cheska. Naku, sana nga multuhin kayong dalwa ang sasama nyo eh.
"O ano? Sundan natin?" tanong ni Jhanny.
"Ha? Paano kung pumalpak?"
"Tsk. Oo nga no, lika. Tago tayo dito sa likod" nagtago kami sa likod ng pader. Di nila kami makikita rito.
Naghintay lang kami, maya-maya. "AAAAHHHHHHH!!!!!!!!" ang lakas talaga ng sigaw nila abot hanggang principal's office. "MAY MUMUUUUU!!!" rinig kong sigaw ni Aya.
"WAAAAHHH!!!! MAY WHITE LADY SA CR!!!" nagtatakbong lumabas si Cheska.
"HOY CHESKA! WAG MO KONG IWAN!" tsaka sumunod si Aya. Nilagpasan na nga nila kami dahil sa takot, di rin nila kami nakita o napansin man lang.
Lumabas na kami ni Jhanny mula sa pader at nagpipigil ng tawa. Oo kanina pa! "WAHAHAHAAHAHA!!!! AYUS!" nag-apir pa talaga kami.
"Sana vinedeohan ko yung paglabas nila, nakakatawa itsura ni Aya. Si Cheska mukhang batang sipunin, wahahaha" sabi ni Jhanny habang nagpipigil ng tawa.
"Ahahahaha. D-Di ko..di ko..waahhahaha!!" Di ko mapigilan tawa ko, buti nga sa kanila.
Nakita ko namang lumabas si Jhanessa at Jiemie galing CR. "Wahahaa, navideohan ko pa talaga!" tawa lang ng tawa si Jiemie.
"Ayus! Apir!" tsaka sila nag-apir. "Tara, puntahan natin si Jen" sabi ni Jhanessa.
Nakita naman nila kami, "Oy, nice one kayo dun ha?" sabi ni Jhanny.
"Ahaha, di pa tayo tapos. Tara, sa gym na tayo" yaya ni Jiemie.
Nagpunta naman kami sa gym. Naghanda muna kami, pansin ko lang wala pa rin si Jen. Asan ba sya? "Jhanessa, nakita mo ba si Jen?"
"Ha? Ah, hindi ko alam. Sabi nya, may pupuntahan raw muna sya para sa gagawing finale" paliwanag nya.
Aaahh, kaya naman pala. Sya lang kaya mag-isa? Tumulong naman kami ni Jhanny sa pag-aarrange hanggang sa mag 3pm na tsaka kami aalis at tatakutin sila.
3PM.
Nasa classroom na kami, kumusta na kaya si Jehna at tsaka si Jen. Sana naman magpakita na si Jen, ano ba kasing ginagawa nya ngayon?
"Tara, nagtext na sakin si Jehna. Tayo na raw sa gym, malapit ng magsimula practice nila" yaya ni Jiemie.
Gaya ng sabi nya pumunta na kami dun. Nadaanan ko pa nga si Michael at Yver na may dala papunta sila sa girls locker room. Parang alam ko na yan.
"Jam lika na!" tawag ni Jhanny sakin.
Tumakbo naman ako papunta dun, di kami mahahalata rito kasi marami ang nanonood. Umupo kami sa pinakadulo, hinintay namin sila na matapos. Until it's already....
5PM.
Natapos sila ng practice, isa-isa ng umalis ang mga members. Bale ang natira na lang ay sila Vanessa, Lyn, Aya, Cheska at Cheasty, bale hinintay nya lang na matapos yung kambal nya.
"Itago muna Jam" sabi ni Jhanessa. Binigay nya sakin yung bag ni Cheasty na may laptop. "Dali!"
"O-Okay" masaya to ha. Hehe. Pumunta naman ako sa likod ng gym, sana hanapin nya to.
Nung pagpunta ko dun, muntik na akong atakihin sa puso dahil sa nakita ko. "JIEMIE NAMAN EH! WAG KANG MANGGULAT!" sigaw ko.
"Ahehehe, sorry. Ano, ayos ba?" tanong nya.
"Oo" di na ko nagtataka kung bakit grabe yung sigaw nila Aya nung nakita sya. "Sige dito na lang to ha"
"Oo sige, lagay mo na lang dyan" nilagay ko naman yung bag.
Pumwesto na si Jiemie sa gilid may dala syang flashlight tapos pinaharapan yung buhok. Nakaputi pa lahat tapos basta nakakatakot talaga.
"Sige Jiemie, una na ako" paalam ko.
Umalis na ako dun, nakita ko naman na papunta ng locker si Lyn at Vanessa. Narinig ko nga yung pag-uusap nila Cheska at Cheasty eh.
"Nakita mo ba bag ko sis?" - Cheasty.
"Ha? Hanapin mo ate"
"Sige ha, sandali lang. Wait for me" tsaka sya naghanap.
Ano kayang magiging reaksyon nya kapag nalaman nyang multo ang kumuha ng bag nya. Wahahaha! Nagtext naman ako kay Jen na papunta na sila Lyn at Vanessa dyan sa may locker room, baka kasi sya pa ang magulat kesa sa sila ang gulatin.
"WAAAAAAAHHHHHHH!!!! AAAAHHHHH, CHESKAAAAAAAAAAA!!! KINUHA NG MULTO YUNG BAG KO, MY BAGGGG!!!" sigaw ni Cheasty habang patakbo kay Cheska.
Gusto kong tumawa ng tumawa kaya naman umalis nako dun. Jusko Jen, ang galing ng plano mo.
Jen's Point of View.
Nasa rooftop lang ako, nakabantay sa mga gagawin nila. Di ko namalayan gabi na pala.
"Yelo, tapos ko ng ilagay yung mga letters!" sabi ni kuya.
"Hmm, well done kuya"
Tumabi naman sya sakin. "Haay, nakakapagod tong ginagawa mo ha. Di kaya ikaw ang maexpel dahil dito?"
"Di yan mangyayari"
"Sabi ko nga"
Bigla namang sumulpot si Yver at Renz. "Nalagay ko na ang handprints, gusto mo ng pumasok sa locker room diba?" tanong ni Yver.
Nakatanggap naman ako ng text galing kay Jam. Tumayo na ako, "Oo. Thanks alot guys" tsaka ako umalis.
Pupunta na ako sa may locker room, I'll end this damn stupid game. Ayoko na ng ganitong pangbubully. Binuksan ko na yung locker room at nagtago sa likod nun.
Maya-maya may narinig akong boses, kay Lyn at Vanessa na ata ito. "Sis, may extra shirt ka pa ba dyan?" tanong ni Lyn.
"Oo sis, heto o--S-Sis. M-May mantsa yung shirt ko" nanginginig na sabi ni Vanessa.
"D-Dugo? Is it blood?" takang tanong ni Lyn.
Oo dugo yan, dugo ng baboy at handprint ni Yver yan. Kaya matakot na kayo, dahil minumulto na kayo ng mga konsensya nyo.
"Sis ano ka ba, mantsa lang naman ata to. S-Sana" bigla namang nagflick yung ilaw. Nice one kuya, "Aaaghhh!"
Sabay naman silang sumigaw. "V-Vanessa, tara uwi na tayo!" yaya ni Lyn.
Teka, may nakalimutan pa kong gawin. Kinuha ko naman yung cellphone ko at pinlay yung voice record na nirecord ko noong nasa canteen kami. Yung about sa campus war at ang lahat ng masasama nyang sinabi tungkol sa mga kaibigan ko.
"S-Sis, minumulto na tayo ng konsensya natin. Ayoko na! Ayoko na!" naiiyak na sabi ni Lyn.
"K-Kung sino ka man. Magpakita ka na oh natatakot na kami rito eh! Sige na please magbabago na kami, magiging mabait na kami!!!" magkayakap pa silang dalawa ngayon.
Bigla naoff yung ilaw sinuot ko naman yung costume na binigay ni Yver sakin. Ginamit ko rin yung flashlight, "Lyyynnn, Vanesssaaaa, ang sama ng ugali nyo. Change and you will not get expelled" sabi ko pero nilakihan ko yung boses ko.
"AAAAHHHHH!!!!" sigaw nila atsaka in-on ni kuya yung ilaw.
"Ayan, takot naman pala eh. Ang tapang tapang nyo tapos matatakutin pala kayo. Nakakahiya!" asar ni kuya.
"K-Kyn?" gulat na sabi ni Lyn. "Bakit ka andito?"
"Para suportahan kapatid ko" tsaka nya oo tinuro.
"Nakuhanan mo ba kuya?" tanong ko.
"Oo naman kapatid, nandito na" sabay pakita sakin nung iphone nya. "Tara na. Uwi na tayo"
Aalis na sana kami kaso nagsalita bigla si Vanessa. "TEKA! Bakit mo kami tinakot? Bakit nyo yun ginawa?"
"I-Ito pala yung sabi ni Aya at Cheska. Sana naniwala tayo sis!" - Lyn.
Tinitigan ko sya sa mata, "I'll return that question to you. Bakit mo kami binubully? Bakit nyo yun ginawa?"
Di sya nakasagot. Tumahimik sya at tumayo, "Dahil gusto naming mawala kayo. Dahil pinaghihiganti namin si ate Joy, ikaw ang crush ni Mike at di nya yun tanggap. Kaya nadamay ka noon sa expulsion thingy at di ka naexpel dahil kay Mike. Malakas si Mike kay ate Joy, at masakit yun para sa amin na nakikita syang umiiyak araw-araw ng dahil sayo. Ang insensitive mo kasi Jen! Napaka-insensitive mo! Wala kang puso!"
Galit na sabi ni Vanessa.
Bigla namang nagsidatingan si Cheska, Cheasty at Aya tsaka si Jiemie, Jehna, Jhanny at Jam. Renz, Kurt, Yoj, Yver at Mike at Assej.
"Dahil sayo, kaya nangyari lahat ng to. Dahil sayo Jen, di mo ba gets? Pinaghihiganti lang namin si ate Joy" - Lyn.
Nilamigan ko sila ng tingin, pumunta naman sila Aya at Cheska sa side nila. "Kung ganun, ako lang paghogantian nyo. Wag nyong idamay kaibigan ko!"
"Aba! Wag kang maging knight in shining armor Jennifer, di bagay sayo!" - Aya.
"Sumusobra na kayo--" magsasalita pa sana si kuya kaso pinigilan ko.
"Kuya, ako na.." nag-aalala pa rin tingin nya. Hinarap ko naman silang apat. "Sampalin mo ko!"
Nagulat naman sila sa sinabi ko pati si Assej at ang iba pa. "JEN ANO KA BA. YOU DON'T DESERVE IT!" sigaw ni Jehna.
"Slap me so hard so that you will be satisfied!"
"A-Ano bang sinasabi mo? Hindi ako ganun kababaw!" sabi ni Vanessa.
"Mababaw ka na matagal na!"
"Ano!? Pinipilit mo talaga ako!" sasampal na sana sya kaso.. "Anong--Ano ba?"
Walang dumadampi sa pisngi ko. Matigas na ba pisngi ko at di ko na maramdam yung sampal nya? "Wag na wag mo syang sasaktan!" pinigilan pala ni Renz yung kamay ni Vanessa.
"Ano ba Renz, get off me!" pagpupumiglas nya.
"Sabing wag eh!"
"Ako na nga!"
Isang malutong na sampal ang dumampi sa pisngi ko. Galing kay Cheska! "O ayan, eh di tapos!"
Nagulat naman silang lahat. Ayus na rin di naman masakit eh. Wala kong maramdaman.
"HOY! SIRAULO KA RIN EH NO?" reresbak na sana si Michael kaso pingilan sya ni Assej.
Alam ni Assej ang buong plano ko kaya alam nya kung ano ang dapat gawin.
Nagsalita naman ako, "Sabihin nyo nga sakin. Dahil lang ba talaga kay Mike? O mas may malalim pa kayong dahilan?"
"Yun lang. Dahil lang kay Mike" - Aya.
"Talaga? Teka lang ha, may ibubuking muna kaming mga sikreto tungkol sa inyo!" sabat ni Assej.
To be continued....
----
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro