C44: Plans
Plans
••••
Jennifer's Point of View.
"Hoy, Yelo dito ka lang sa tabi ko. Dyan ka lang talaga, kapatid!" sabi ni kuya habang papunta kami sa classroom ko.
"Oo na. Kainis," bulong ko.
"Ano? Hoy pasalamat ka kasi binabantayan kita."
"Kuya, sana si Jiemie ang binabantayan mo. Wag ako, kaya ko yung sarili ko"
Hinarap naman nya ko sa kanya, "Wag kang ganyan! Kung ayaw mong bantayan kita, magpapalit na lang kami ni Renz para bantayan ka. I want a guard for you and perfectly fit dun si Renz" aangal pa sana ako kaso, "O sige na pasok na. Go"
"Haaayy, jusko kuya bahala ka" habang papasok ako pinagtinginan nila ko. Buti umalis na si kuya kung hindi bugbog sarado kayong lahat sa kanya.
"Good morning class" bungad ni sir.
Ang aga nya ha, himala. Nagsimula na syang magleksyon about Math, ang dali lang talaga promise. Calculus!
Fast forward kasi tapos na ang first period at recess na namin. Lalabas na sana ako ng room para makapag CR. Nauna na kasi sila dun at nagpaiwan ako para iarrange ang gamit ko.
Nakasandal sya sa pintuan at ito pa ang mas grabe kasi pinagtitinginan sya nung mga babae. Ano bang gwapo sa tangang to? "Hey, come on" sabi nya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Sinusundo ka. Tara na" hihilain na nya sana ako kaso bumitaw ako agad. "Naiihi ako, CR lang muna ako"
"Samahan na kita"
"What? Girls CR yun tanga!"
"Di naman ako papasok. Dun lang ako sa labas, tara" sumabay na nga sya sakin. Ayokong makipag-away ng walang valid reason tsaka nakakapagod kaya no.
Pumasok na ako sa first cubicle. Seryoso ba si kuya tungkol dun sa bodyguard? Si Renz pa talaga eh ang tanga nun eh, tsk. Pagkatapos kung magCR naghugas muna ako ng kamay. Napatingin naman ako sa pader, ang bilis naman nilang naerase yun. Grabe! Bigla namang pumasok yung Aya at Cheska.
"Oh, look who's here?" pagtataray nung bruha. "Paano mo kaya nagagawang umihi dito? Ang kapal talaga!"
"Sayo ba tong CR?" malamig kong tanong.
"Hindi, sinabi ko bang akin?" pilosopa nyang sagot.
"Parang yun kasi ang sinasabi mo. Isa pa, kung sayo nga tong CR. Pwede na rin kasi mukha ka namang toilet bowl" umalis nako dun. Ang baho ng atmosphere, halata namang nainis sya kita ko reflection sa salamin eh.
Nakita ko naman sya nakasandal at nakapamulsa pa. "Tapos ka na?"
"Oo"
Sumunod lang ako sa kanya, kakaibang aura binibigay ni tanga sakin ngayon ha. Ang seryoso ng aura. Di ako comfortable.
"Hoy Tanga, ano bang problema mo? Seryoso mo ha?" dahil ba sa nakita mo yung ex crush mo eh ganyan ka na?
"Ha? Ako seryoso?" lumapit sya sakin tsaka hinarap. "Oo. Oo I'm damn serious here, di ko mapapatawad sarili ko kapag may nangyari sayong masama. Pinagkatiwala ka ni Kyn sakin kaya dapat kitang ingatan" seryoso nyang sabi.
"Ok, hahayaan na lang kitang bantayan mo ko" ngumiti naman sya. Aba! "But..di ka pwedeng
mangialam sa mga gagawin ko okay?"
"Oo. I promise" tinaas nya pa kanang kamay nya. Siraulo, parang bata.
Naglakad na kami papuntang canteen, di pa kami nakakarating may mga taong nagkukumpulan na naman. Nakatingin pa sila sa itaas ng building, sa may rooftop.
Tumigil muna kami para tingnan yun, "Ano yan?" tanong ni Renz.
Malay ko ba, may tarpaulin kasi na may nakasulat 'CAMPUS WAR DECLARATION. PRINCESSES VS. QUEEN BEES'
"They just declared a war between us at alam na yun ng lahat ng estudyante" dumating bigla si Jehna. "Ano ng gagawin natin?"
"Ano? Tara, resbakan na natin" kasama nya pala si Assej. "Tara na, ayaw ng magpapigil ng kamao ko eh" nakakamao nyang sabi.
Siraulo talaga, binatukan ko naman. "Wag kang magmadali"
"Eh anong gagawin natin? Magpapakamartyr tayo ganun?"
"Bakit hindi?"
Nagulat naman sila, yun ang dapat. "Wala na ba tayong ibang plano? Palagi na lang tayo ang naaapi ha?" - Jhanny.
Plano? May plano ako simula pa lang. "Meron, pero sa ngayon. Apihin muna nila tayo ang dami na nilang tinira sa atin. Tayo naman ang titira, isang tirahan lang sila tigil na" malamig kong sabi.
Sa halip na pumuntang canteen, sa SC room kami pumunta. Pinagtitinginan pa nga nila kami eh.
Oo na oo na, di kami lumalaban. Di pa kami lumalaban, last day na bukas. Kailangan na namin tong tapusin.
"Jen, kinakabahan na sila. Ang kalmado mo lang ata ha" sabi ni Tanga.
"Sabi ko nga diba wag kang mangialam?"
"Concern lang ako no"
Umupo na kami isa-isa sa upuan. "Anong plano insan?"
"Mumultuhin natin sila"
Nagtinginan naman sila isa-isa. Oo mumultuhin namin, ayaw ba nila ng ganun? "D-Diba. Patay na tayo kung ganun?" Jam wag kang pilosopa.
"Wag ka ngang pilosopa Jam, alam natin na plano ang multuhin sila" - Jhanny.
"Ah, ganun ba? Ahaha"
"Okay here's the thing, kailangan ko ang tulong ng boys. Tanga, sabihin mo to kina kuya ha"
"O sure, basta para sayo" nakangiti nyang sabi kaya sinamaan nila sya ng tingin. "Ah, eh, sabi ko. Basta para sa mga kaibigan ko"
"Nevermind" nagcontinue na ako sa plano. "Una, pag-uwian na pupunta talaga yan sila ng CR para lang magpaganda. Ito gagawin natin, sisirain natin ang switch nung ilaw para magmukhang lights on and out. So gagawin natin yung flick"
"Okay. Nice idea yan, hehe"
Binatukan ko naman, "Tumahimik ka tanga" nagpatuloy na rin ako. "Plan B, sa gym. Tuwing lunch break may practice talaga yan sila ng cheering at hapon din so sana madilim dilim para mas perfect yung plano. Ang gagawin natin, kukunin natin mga gamit nila at pag hahanapin na nila, ilagay natin dun sa pinakaliblib na sulok ng gym. So that magpapakita ang ghost dun at wala na silang takas pa"
"Waaahh, nakakatakot naman. Sino ang white lady?" tanong ni Jiemie.
"Ikaw!" sabay naming sabi.
"Ha? Ba't ako? Ba't hindi na lang si Jehna?"
"Hoy ate wag mo kong maturo-turo ha!"
Si Assej na lang ang sumagot. "Eh kasi naman ang palaging nagpapahuli tuwing practice ay ang queen bee. Si Lyn, kaya oras mo na para kuminang" paliwanag nya.
Kuminang? Sana nag-english na lang sya. Para mas effective, it's time for her to shine.
"Ah, ganun ba. Sige sige" tuwang-tuwa pa sya. Siguro gusto nya talagang makita ang reaksyon ni Lyn ng ganun ka todo.
"Plan C, ito na yung finale. Maglalagay tayo ng handprint sa bawat damit nila, nasa lockers lang yun. Tapos gusto kong magbigay kayo ng death letters sa mga kalaban nyo yung nakakatakot talaga. Gusto kong gawin nyo yan, siguraduhin nyong di kayo papalpak" sabi ko.
"OKAY!" nag-okay naman silang lahat. Ayos, sana walang papalpak.
Umalis na yung iba, nagpaiwang kami rito ni tanga. Parang nagtataka pa rin sya ha? "Bakit multo ang concept mo?"
"Wala masyadong naniniwala sa multo. Lalo na ang judge, isa pa kapag sinabi mong minulto ka iisipin nilang baliw ka" sabi ko habang nagtatype sa laptop.
"Aahh, ang planado naman ng pagkakaplano mo. Parang pinaghandaan ha?"
Napatigil naman ako saglit. "Oo. Kagabi pa" at nagtype ulit.
"Bukas pala gagawin yung plano, excited na ko" tuwa nyang sabi.
"Oo nga pala tanga, pakisabi kina kuya na sirain muna yung switch ng CR. Sabihan mo si Mike na kumuha ng dugo ng baboy, pakisabi kay Yver na maghanda ng limang flashlights at si Jhanny utusan mo na sya ang maglagay ng letters. Si Joseph at Kurt naman sa costumes"
"O-okay, okay. Ang planado talaga!" aalis na sana sya kaso. "Bakit walang parte si Jester?" taka nyang tanong.
Tiningnan ko sya ng diretso. "Wag mong sabihin ang plano ng nandyan sya. Maniwala ka"
"Ha? Di ko gets"
"Tanga ka kasi! Tsupi" nagkamot lang sya ng ulo habang palabas ng SC room.
Nagkamot naman sya ng ulo, "Psh. Sige na nga di nako mangungulit. Pero Yelo, mag-ingat ka ha? Wag kang papalpak" sabi nya sabay alis.
Nagpatuloy naman ako sa pagtatype. Kailan pa ba ko pumalpak, di ako papalpak tanga.
To be continued...
----
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro