C43: First Step
First Step
••••
Jen's POV.
Pagkapasok ko pa lang sa school, bantay sarado na ako kay kuya. Nagpumilit sya kagabi pero ayoko talaga, ipapain ko na lang kaya sarili ko? That's better actually.
"Oy, pasok agad sa room ha. Wag kang lalabas kapag wala akong sinabi!" banta ni kuya.
"Ano ba kuya, sinabi ko na nga kagabi diba? Ayoko"
"O sige alis nako. Wag kang lalabas ha hangga't di ko sinasabi. Jen, sundin mo ko bantay sarado ka sakin" tsaka sya umalis.
Narinig nya ba sinabi ko o hindi? Parang wala syang narinig eh, ano bingi lang? "Morning insan" bati ni Assej.
Sabay na kaming umupo, pinagtinginan pa nga kami ng mga kaklase namin. Anong problema nila? "What's the matter?" tanong ko sa isa sa kanila pero walang sumagot.
"Hoy? Problema nyo?" - Assej.
Bigla namang dumating sila Jam at Jhanny, hingal na hingal. Tumakbo ba sila? Pero bakit? Napatingin naman kaming lahat sa kanila. "J-J-Jen, J-Jhanessa. S-Sa CR. Tingnan nyo sa CR!" hingal na sabi ni Jam.
"Teka, ano?" takang tanong ni Assej. Alam ko na kung ano to.
"Tara na!" hinila ako ni Jhanny, at si Jam kay Assej.
Tumakbo kami papuntang CR, di naman masama pakiramdam ko dito. Siguro ineexpect ko na na may masamang mangyayari.
'EXPEL NA KAYO TWO DAYS FROM NOW!'
Yan yung nakasulat sa bawat cubicle. Vandalism tong ginagawa nila ha?
"Ang laki oh, lipstick pa talaga ginamit" malamig kong sabi.
"D-Di ba kayo kinakabahan?" natatakot na tanong ni Jam. "Di ako sanay sa mga ganito, tahimik lang akong tao. Hindi ako sanay na nabubully"
Nakakainis, naiinis ako sa mga taong iyakin. "EH DI MASANAY KA! DAMAY KA RIN!" malamig kong sabi pero halatang may inis.
Tumigil naman sya sa pag-iyak. Tumahimik sya at nakinig na lang. Halos mapuno na ang CR ng dahil sa vandal at ang dami pang mga estudyanteng nagsisiksikan para lang makichismis.
Bigla namang dumating si Ms. "What's happening here?" tanong nya. Tiningnan nya naman kami, "Ms. Ramirez, Ms. Martinez, Ms. Trinidad and Ms. Alvarez, come to my office right now!" galit na sabi ni ms. Wala pa nga kaming ginagawa eh.
"Tara na" galit ba si Assej? Assej, wag kang magagalit o pumatol. Matatalo ka, three days lang tumatagal ang war na to na ginawa pa ng mga ninuno sa school. Ewan ko lang pero puro ata sila warshock at nagagawa nila ang ganitong game.
There's only one important rule here: ANG PIKON! MATATALO! EXPULSION ANG PARUSA.
Habang naglalakad kami papuntang guidance office. Parang humihikbi na si Jam, iyakin talaga pareho lang sila ni Jiemie eh! "Oh, just stop it" inabot ko yung panyo ko.
"J-Jen, sorry. Promise, magiging matapang na ako. Tama ka, kailangan ko lang masanay!"
"Hindi mo lang naman kailangan masanay, kailangan mo ring lumaban" hinarap ko sya, "Hindi lang ikaw ang binubully. Marami tayo, di ka nag-iisa. Bantay sarado natin ang isa't-isa. So stop being so dramatic Jam"
Binuksan na ni Ms. yung pinto ng office nya. "Haay, magkakarecord na naman ako nito. Lagot tayo kay Jehna!" pabirong sabi ni Assej.
"Come in" sabi ni Ms sa amin.
Bakit nya kami dinala rito? Dahil lang ba dun? Di naman kami nagvandal nun ah, isa pa. Wala kaming ginagawa. "Anong ginagawa namin rito?" - Assej.
"The principal wants to talk to the six of you" sabi ni Ms. Ven.
Ms. Ven kasi name nya. "Six? Eh four lang kami ha?" - Jhanessa.
Pinapasok naman kami ni Ms. sa isa pang door, connected to sa office ng principal. Nakita naman namin dun si Jehna at Jiemie, nakikipagkwentuhan kay Mr. Principal. "Oh, andyan na pala kayo. Maupo kayo, sit down sit down" sabi ni Principal Spen.
Umupo naman kami, naalala ko tuloy ang ganitong eksena noon. Dito rin sa office ni Principal Spen yun nangyari, kaso si Assej lang kasama ko nun ng bigla silang pumasok. "Anong pag-uusapan natin PS?" malamig kong tanong.
Nginitian nya naman ako, "Di ka pa rin talaga nagbabago Jen, ang lamig mo talagang bata ka" pinat nya naman ako sa ulo. "Well anyway..I've heard na nagsimula na yung laro?"
"Alam nyo po ang tungkol dun?" takang tanong ni Jehna.
"Oo. Ahahaha, well gusto ko lang namang sabihing GOODLUCK at Godbless. Sana manalo kayo" nginitian nya kami. Totoong ngiti talaga, "Sige. Makakaalis na kayo"
Yun lang pala kaya nya kami pinapunta rito? Ang sama nya talaga, nakakapagod kayang maglakad. Bumalik na kami sa classroom, habang naglalakad di nila maiwasang magtanong.
"Paano kaya nalaman ni PS?" - Jiemie.
Nagtinginan na lang kami ni Assej, ayokong malaman pa nila yung totoo. "Sige, pasok na kami" nasa tapat na kami ng room namin.
Isa-isa na kaming nagsibalikan sa classroom. Lumapit naman si kuya, "Diba sabi ko, wag kang lalabas hangga't di ko sinasabi?"
"At diba sabi ko! Ayoko!" pumasok na talaga ako sa classroom tsaka umupo.
Kainis na araw to ha, ano pa bang mangyayari?
* * *
Mabilis lumipas ang oras at recess na namin. Nauna na kami dun sa canteen, di pa kami nakakapasok eh kitang-kita na mula sa labas yung mga estudyanteng crowded at nagcocompress. At ang mas weird eh nasa mesa namin sila!
"Anong nangyayari?" tanong ni Jam.
Dali-dali namang tumakbo papunta dun si Jhanny at Assej. Nagulat na lang sila tumakbo na rin si Jam ako naman nagpahuli. Pagtingin ko sa table nagsialisan na yung ibang estudyante. "Sayang yung mesa" malamig kong sabi.
"Ano yan?" biglang dumating si Jiemie kasama si Michael. Classmates kasi sila "TABLE FOR B*TCHES!" sinabi nya yung nakasulat.
"Ginamit talaga nila spray no?" sarcastic na sabi ni Michael. "Ipapaerase ko yan"
"Don't you dare, Mike. Mahalaga ang bawat ebidensya, tara upo na tayo at umorder" kalmado kong sabi.
Dapat kaming kumalma, isa sa kanila may nagvivideo na. I saw a red light coming from the left side. Buti na lang at sinunod nila ko.
"Anong order nyo, order ko na rin" sabi ko.
Isa-isa na kaming umorder at nagsidatingan na rin yung iba. Akala ko ba gwardyado nila kami? Eh bakit nagagawa nilang humiwalay sa amin? Habang kumakain kami di maiwasan ng iba na maawkward kasi naman pinagtitinginan kami ng lahat ng tao sa canteen.
"Ang awkward" - Kurt.
"Hayaan mo na!" - Renz.
"Tsk, kainis naman to oh. Di ako makakain ng maayos dahil sa red paint spray na to" angal ni Yver. "Nangangamoy pa!"
"Magtiis ka" malamig kong sabi.
Sorry guys, kailangan ko tong gawin. Ang rule na yun lang ang makapagliligtas sa inyo, sa ating lahat!
Jam.
Ewan ko ba pero pansin ko lang kasi. Napakakalmado ni Jen kahit binubully na kami. Alam kong di syaang nagsimula nito at wala syang kinalaman pero damay sya. At oo tama sya, damay rin kaming lahat.
"Ang kalmado ni Jen" mahinang sabi ni Jester.
Pansin rin pala nya? Siguro halos kaming lahat na nandito nakakapansin na sa pagiging sobrang kalmado nya.
"Nag-iisip yan" mahinang sabi ni Yver. "Kaya hayaan nyo na" nakahawak pa rin sya sa ipod nya. Grabe sana pinakasal na lang sya sa ipod nya.
Siguro nga nag-iisip si Jen pero kasi. Parang may iniingatan syang bagay, gusto ko yung malaman. Kung laro to, dapat may rule. At sigurado akong meron!
"Jen! May rule ba ang campus war?" biglang tanong ni Yoj. Nabasa nya ba nasa isip ko? Pareho kasi kami eh.
"Hm..Yver. Sagutin mo" utos nya.
Tinanggal naman ni Yver headset nya. "Oo. The only important rule na kailangan mong panatilihin ay 'WAG MAPIKON. ANG PIKON TALO! EXPULSION ANG PARUSA' remember that"
Natameme naman ako, tsaka si Yoj at yung iba. Seryoso? Expulsion? Ayokong maexpel, ito lang ang kaisa-isang school na nagkaroon ako ng mga kaibigan at isa pa scholar ako dito.
"Expulsion ang premyo ng matatalo? Kings ang premyo ng mananalo, judge ang principal at kayo ang manlalaro" malamig na sabi ni Yver.
Sheteng teka dahan-dahan lang, walang nagsisink in sa utak ko eh.
Waaaahhh!!! Ano ba to? Kaya ba dapat di kami mapikon? Pero hanggang kailan? Okay, yun lang naman eh. Hahayaan namin silang ganituhin kami hangga't sa magsawa sila. Oo tama yun nga!
"This game usually lasts for 3 days, pero kapag extend na. Wag pa rin kayong mapipikon, gayahin lang natin si insan" - Jhanessa.
So this is our first step.
To be continued...
----
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro