C42: Campus War
Campus War
••••
Jen's POV.
Nangyari na to dati. Di pa kami nakaenroll dito, may ganun ng tradisyon. Wala akong malay dun at wala akong paki kaso di ko alam na magiging parte pala ako. Lahat ng sasali at sinasali sa campus war, napapatalsik sa school.
Pero nung nag-enroll na kami dito. Natigil yun, ewan. Malas lang talaga siguro batch namin kaya ganun.
"ANO? CAMPUS WHAT?!" sigaw ni Assej.
"Ssshh. Tumahimik ka nga!" nagsign pa si Jhanny sa kanya.
"S-Sorry, ano ba yung campus war?" tanong nya habang kamot ang ulo.
"Parang narinig ko na yan dati eh, yan yung sinasabi ng mga seniors natin noon. Campus war o di kaya'y, princesses vs. queens!" paliwanag ni Jehna.
"Ha? Princesses? Queens? May kings ba?" tanong ni Jiemie.
Ako na yung nagsalita, "Meron" kaya napatingin silang lahat sakin. "Ipapaliwanag ko lahat mamaya sa canteen, much better if we're complete" lumabas na ako sa SC room.
Kailangan ko ng sabihin sa kanila lahat-lahat. Baka isa sa amin, kidnappin nya.
* * *
CANTEEN kasi LUNCH TIME.
Kumpleto na lahat, buti naman at tinawagan nila yung iba. Wala kasi akong number nila.
"Ba't mo kami pinatawag Jen?" malamig na sabi ni Yver.
"Manlilibre ka ba?" sabi ni tanga.
Tanga talaga! "Wag kang tanga" huminga muna ako ng malalim. "About the campus war. Alam nyo ba tungkol dun?"
Nakatitig lang sila sa akin, walang umiimik. Walang sumasagot sakin! Alam kaya nila.
"N-Nakakatakot yan. Ano ba Jen, that's a very forbidden word" sita ni Jester.
"Anong dahilan mo, binanggit mo pa talaga?" - Yver.
"Alam kong may dahilan si Jen para dyan. So ano na Jen? Sasabihin mo ba?" - Jiemie.
Iniripan ko lang si Jester at Yver at nagsalita na. "Campus War, a battle between groups. Yung mga pictures kahapon di ko alam kung napansin nyo ba pero kakaiba ang pagkakalagay. Nung naging tama na ang hinala ko, pumwesto ako dun sa likuran and then it formed a syllable" paliwanag ko.
"Syllable?" - Renz.
"Oo. Syllable sya, three classrooms for six different persons. Class 3-D kina Jiemie, PUS, Class 3-B, kina Jehna CAM tapos ang huli yung amin. WAR!"
"Paano mo naman nahalata bigla? Imposible yun diba kasi ang daming nakadikit na pictures tapos halo-halo pa. May nakalagay pa na kung ano man sa upuan nyo" - Joseph.
"Walang imposible kay Jen. Magaling sya eh" - Michael.
"Tsk. Tama na, here's the thing. Actually campus war is another term for--" di ko natapos sasabihin ko kasi biglang dumating sila Lyn at alagad nya.
"QUEEN BEES VS. PRINCESSES!" naka evil smile nyang sabi.
May mali sa sinabi nya, "WITCH VS. PRINCESSES" pagcocorrect ni Jiemie habang nakatingin sa pagkain.
"Well, di naman kasi kami mukhang witch no. Kaya Queen Bees na lang okay?" so ibig sabihin. "Oo. Kami ang gumawa nun, and guess what. Mag-aaway tayo hanggang dulo. Ang pikon talo, expulsion sa school ang kapalit" naka-evil smile pa rin sya.
"Dahil balik na tayo sa dati. At complete na rin kami kasi andito na si Vanessa, hahaha. Hmm. Para mas masaya, ako na lang mag-aasign ng magkakalaban!" sabi nya pa.
Tiningnan nya naman kami isa-isa. Anong binabalak nya, "HOY! UMALIS KA NGA DITO LYN. NAKAKAWALANG GANA YANG MUKHA MO EH!" sabi ni kuya. Ang harsh nya talaga.
"Shut up Kyn!" laban ni Aya. "Sige sis, magpatuloy ka lang"
"Hoy Vanessa, alam mo rin to?" tanong ni Assej sa kanya.
"Oo naman besty, and guess what. Ako ang signal nila para magsimula, ang saya no? Hahaha. I dreamed of this kind of plot and ngayon magkakatotoo na sya" masayang sabi ni Vanessa. Baliw na ata sya.
"Sira ulo ka" mahinang sabi ni Assej pero may halong galit at inis.
Ako naman tahimik lang dito nagsimula na nga syang mag-assign eh. "Jhanessa and Aya! Hehe, Vanessa and hmm...Jehna, Jam and Cheasty, tapos Jen and..CHESKA!" ang saya pa talaga ng pagkakasabi nyang yun eh. "And syempre, ako at si Jiemie" nag-evil grin pa sya.
"Yun lang ba? Panalo na mga prinsesa namin" malamig na sabi ni Yver.
"T-Teka, bakit wala akong kalaban?" takang tanong ni Jhanny. Sya lang kasi ang hindi sinali.
"Ahaha. Oo nga pala may nakalimutan ako, ang isa sa inyo. Bonus, kapag di na kaya nung isa. Ikaw tutulong sa kanya ha?" - Lyn.
Ang dami nya talagang baho, "Ay, oo nga pala. Jhanessa, magsisimula na ako bukas" pagtataray ni Aya.
Bakit kaya ganun sya mamili? Ang panget ng kalaban ko, walang kwenta. Kung expulsion lang ang pag-uusapan, talo na sila. Sana nga!
"Bakit hindi ako yung kinalaban mo ha Lyn?" malamig kong tanong.
"Ahahaha, takot kasi sya Jen" pang-iinis ni Michael.
"SHUT UP! HINDI AKO TAKOT!" napatingin sya sakin. "I AM THE QUEEN BEE. NO ONE CAN CONTROL ME, NOT EVEN YOU CAN STOP ME!"
"Kung ganun takot ka nga?"
"So ganun? Gusto mo kong kalabanin ha Jen? Fine, ako at ikaw. Jiemie and Cheska! Great! Simulan natin bukas, yung mga lalaki sa table nyo. Sila ang KINGS!" umalis na rin sila sa canteen.
Grabe talaga ang warfreak nya kahit kailan. Ano bang gusto nya? Gumapang kami sa hirap? Pwes, di ako papatalo, hahayaan ko na lang syang gawin ang gusto nya. Wala naman talaga akong pakialam.
"Jen, b-bakit mo yun ginawa? Ayos lang naman sa 'kin na si Lyn kalaban ko" - Jiemie.
"Ha? Hm, mas maganda yun maniwala ka" nasabi ko na lang.
"Tsk! Hoy Yoj, kanina ka pa tahimik. Di ka ba nag-aalala kay Jehna? Baka mapaano sya si Vanessa pa naman yun" - Joseph.
"Nagsalita ang hindi nag-aalala. Eh paano naman si Jam? Hello, Cheasty yun!" - Jehna.
"Mabait kaya si Cheasty" - Joseph.
"Lahat ng queen bees may tinatagong baho" malamig kong sabi.
"Eh di protektahan natin ang isa't-isa. Ako, bantay sarado ko si Jam" - Joseph.
"Kung ganun, ako kay Jehna" tumingin naman si Jehna sa kanya, "Wag kang mag-alala. I'm here for you, di ka maeexpel" nakangiti nyang sabi.
"Sigurado ka Yoj? Baka, kampihan mo si Vanessa kesa kay Jehna" prangkang sabi ni Jam.
Napatingin naman kami kay Yoj, posible yun pero.."Vanessa's my past, Jehna's my present. Mas importante na sya ngayon"
"S-Salamat Yoj" nakangiting sabi ni Jehna.
Jusko naman, ang sweet!
"Kung ganun, hmm..Jhanessa tayo na lang" sabi ni Kurt. Teka, double meaning yun ha?
"Ano?" - Assej. "Di ko gets Kurt"
"I mean, tayo na lang yung magkakampi. Babantayan kita okay?"
Di naman talaga kailangan ng bantay ni Assej, sa sitwasyon nila. Parang si Kurt pa yung makikidnap eh, "Okay" tipid na sagot ni Assej.
Ako, ayos lang sakin na hindi ako bantayan. Tutal naman, alam ko na ang larong to "BANTAY SARADO KA SAKIN KAPATID!" sabi ni kuya.
"Wag na" malamig kong sagot. Parang nanigas ata si kuya.
"J-Jen naman eh! Ano ba, I'm gonna help you okay?"
"No kuya, bantayan mo na lang si Jiemie. Kayong dalawa ni Renz" sabi ko. Sumimangot naman sya bigla.
"Eeehhh, sige na. O sige kapag di ako ang magbabantay sayo. Eh di sino? Eh ako lang naman ang may kaya kay Lyn eh" mayabang nyang sabi.
Sya lang ba talaga? "Bakit ko sya napilit sa gusto ko? Ayoko ng bantay. Gusto kong mag-isa" tumayo na ako. Walang patutunguhan usapan namin. "Jester at Renz, bantayan nyo na lang si Jiemie, Mike suporta ka kay Jhanny, Yver at kuya. Bantayan nyo bawat kilos nila" utos ko.
Natameme naman silang lahat oo as in lahat talaga. "A-Ang bilis mong nakastrategy ha?" - Jester.
"Tsk! Una na ko" dinala ko na yung bag ko tsaka umalis.
I played this many times before, or should I say. Alam ko lahat ng rules sa larong to! Gyera gusto nila, ibibigay ko.
YVER'S POV (Waaaahhh. NagkaPOV na talaga sya)
Akala ko ba ayaw na nya ng gulo? Papatol ba sya sa kanila? Pero hindi ganyan si Jen, ang alam ko. She will not stoop down to their levels.
"Okay lang ba si Jen? Nag-aalala nako eh" - Jiemie.
Umalis na kasi sya, babalik ata ng classroom. "Siguro pinaghandaan na nya to" sabi ko habang nakatingin sa iPOD.
"Ha? Pinaghandaan? As in PREPARE?" - Jehna. "Bakit? Alam nya ba na mangyayari to?"
"Siguro"
Nagtaka naman sila. Yung iba alam to pero yung iba hindi. Nadamay kasi si Jen sa campus war dati kaya siguro maghihiganti sya pero hindi nya talaga kayang maghiganti.
"Haaayyy ewan! Ang dami palang sikreto ni insan.." inis na sabi ni Jhanessa. "Alis na nga ko. Rooftop lang ako ha!" paalam nya.
Yung iba sa amin naging tahimik bigla. Bakit nga ba kami napunta dito sa grupo nila? Nakalimutan ko na, ang bilis ko pa namang makalimot.
Campus War, binalik na ng mga queen bees. Ang masama pa dun, damay kami kasi kami ang KINGS! Di nila alam na ang KINGS ang premyo ng mananalo at EXPULSION ang premyo ng matatalo. Paano na lang kung manalo sila? Eh di pipiliin nila kami isa-isa? Eewww kadiri! Ayokong mapunta sa kanila ng ganun ganun lang no. Sana nga manalo ang mga prinsesa, makakahinga ako ng maluwag.
Ang judge ay ang PRINCIPAL!
Tumayo na ako, aalis muna ako para bantayan yung sabi ni Jen. Kahit kailan talaga ang babaeng yun, ang galing mag-utos. Ewan ko ba pero sa bawat utos nya, napapasunod kami. Ano yun? Charmspeak ni Piper?
Pero kahit na...Kailangan pa rin nilang mag-ingat sa mga yun. Sa mga witches! Lalo ka na Jennifer, please be careful.
To be continued....
---
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro