Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C41: The Message

The Message

••••

Jennifer's Point of View.

Nanonood ako ng practice ngayon nila kuya. He needs my support. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalakad ng maayos si Kurt dahil sa nangyari kahapon. Hindi ko na rin inalam ang rason ng pagkahulog nya. But I know that he's not that stupid to fall on his own.

"Insan," binigyan nya ako ng tubig. "Kanina ka pa nanonood, e."

"Nalaman mo na ba ang nangyari kay Kurt?" tanong ko.

Binuksan nya muna ang tubig bago sumagot. "He went to see Aya at the rooftop in order to settle things between them. Pero pagdating niya roon ay walang tao kaya bumaba ulit siya then someone pushed him."

"Did he see who did it?"

"Hindi e. Madilim kasi sa fifth floor, tsk. Kapag nalaman ko lang kung sino yun, sasakalin ko talaga!"

"Wag kang Over Protective."

"Kaibigan nya ko, e. Dapat lang"

Nagpatuloy kami sa panonood. I saw Kurt watching his team from afar while holding his crutches.

Napansin ko ang grupo nila Lyn. Parang nakatingin sila sa side namin ni Assej saka nagbulungan. Ayan, titignan ka tapos pagbubulungan. Nakita ko nga na may nilip synch si Vanessa sa'kin. Syempre sakin lang dahil hindi naman nakatingin si Assej sa kanya.

"Whatever," she mouthed.

Syempre hindi ako nagpatalo.

"Fuck you,"  I mouthed.

Halata namang nainis sya sa lip talk ko kaya't inirapan nya ako agad. Ang plastic talaga ni Vanessa kahit kailan. Akalain mo yun nakasali na agad sya sa squad. Ang lakas makalinta, ang sipsip.

"Assej, sa classroom na muna ako," paalam ko sa kanya. "Kung gusto mo puntahan mo muna si Kurt, pakibantay."

Nagtaka ang mukha nya pero nag-okay din. Umalis ako ng court, masyadong polluted ang hangin sa loob ng court dahil sa magbabarkadang yun. Nang maglakad ako pabalik ng classroom, naramdaman ko na may nakasunod sa akin. And who is it this time?

Nagpatuloy ako sa paglalakad saka ako lumiko sa CR ng girls at nagkunwaring naiihi. Tumakbo ako pero nagtago agad sa likod ng pader. Nakita ko yung lalaki, namumukhaan ko sya, may kamukha sya. Nilagpasan nya yung pwesto ko, it's my chance so I grabbed him on the neck.

"Who are you? Why the hell are you following me?"

"T-Teka lang. Teka, wag po!"

"Sino ka nga!?"

"A-Ako si Kian, kapatid ako ni Renz Guevarra. Kilala mo?"

Ano? Kapatid? "HINDI KO SYA KILALA. WALA AKONG KILALANG PANGET!" wala lang gusto ko lang syang utuin.

"Ha? Anong panget?" biglang may nagsalita sa likuran ko. Si Tanga pala! "Kian, anong ginagawa mo rito?" nagulat rin sya.

Binitawan ko naman sya. "KUYAAA!!! EH KASI TONG SI GANDA INABDUCT AKO!" sabi nya habang papalapit kay Tanga.

"Kapatid mo?" malamig kong tanong.

"He is, step brother actually," tinignan nya ako tapos ay sa kapatid nya. "What the hell are you doing here?"

"Kuya, dinala ko baon mo. Nakalimutan mo kasi kaninang umaga kaya pinadala ni mommy. O ayan," inabot nya yung lunch box.

"Ah, thank you. Akala ko talaga nakalimutan mo na. Sige sige makakaalis ka na, Ki," tinulak nya naman ito palayo.

"K-Kuya teka. Gusto kong makilala si ate Ganda. Kuya, kuya... kuyaaa!" rinig ko pang sigaw nya habang tinutulak sya ni Renz.

Magkapatid nga sila. Aalis na sana ako kaso napag-isip-isip ko. Bakit nya ako susundan kung si Renz ang gusto nyang makausap? Lumingon naman ako sa likod, may nagtatago pa rin pala dun. Haaay! Takbuhan ko kaya o sakalin sa leeg upang matapos na? Kaso baka magkarecord ako, e.

Ako lang ang tao sa hallway ngayon matapos akong iwan nung magkapatid. "Get out of there, damn it!" malamig kong sigaw.

"I'd never expected this, alam na alam mo rin, Jen kung nang-i-stalk ako sayo o hindi," ngumiti siya ng nakakaloko. "Long time no see, Jennifer."

I sighed in disbelief. "Anong kailangan mo?"

"Wala lang. Ipaghihiganti ko lang sana kapatid ko."

"Ganun ba, aksidente ang nangyari. Ang tanga rin kasi ng kapatid mo saka si Assej ang dapat mong kausapin," aalis na sana ako nang may sinabi pa siya sakin.

"We will meet again, Ms. BD."

Hindi ko sya niilingon pero rinig ko pa rin ang pag-alis niya.

"Yeah, let's meet again anytime," tsaka ako pumunta sa classroom. Pagdating ko dun, nagkumpulan lahat ng estudyante sa upuan ko. Tsaka yung iba nakatingin lang sa blackboard.

"What happened?" kalmado kong tanong.

"Oy guys si Jen! Alis na kayo dyan," utos nung isa naming kaklase.

Lumapit ako sa upuan ko, may nakasulat dun.

'FVCK IT B*TCH'

Dumating naman si Assej, may nakasulat din sa upuan nya. Pareho nung sa akin! "Assej" mahina kong sabi tapos lumapit ako sa may blackboard. May mga nakadikit na pictures.

Lumapit din si Assej, "Haay, naku naman. Malalandi na pala talaga tayo ngayon no?"

May picture dun na si Assej, akay-akay si Kurt habang magkalapit mukha nila at may isa pa di ko kilala pero sinusuntok nya yung lalaki. Si Jam naman kasama si Joseph sa may rooftop ata to, nag-uusap sila at may isa pa kay Jam si Michael na parang close na close sila. Si Jhanny kasama si kuya sa court, sila lang dalawa tsaka may isa pa si Jhanny na inaakay ni Mike.

At ako, nakatingin sa malayo, yung isa kasama ko si Renz, yung isa naman kasama ko si Michael.

"Guys, pakitanggal ng mga pictures. Bilis!" utos ni Jam, siya kasi ang president ng seksyon namin. "Sino ba gagawa ng ganito sa atin? Grabe na to ha!"

"Wag kang mag-alala. Isumbong na lang natin to kay Jehna o hindi kaya kay Joseph," sabi ni Jhanny.

"Damay dinm si Joseph kasi andun sya sa pictures, Jhanny. What are we going to do? Hindi ako sanay sa mga ganito," naiiyak na si Jam.

"Sino naman kaya ang gagawa ng ganito sa atin? Kilala nya ba tayo at saan nya naman kaya nakuha ang mga pictures nato?"


Dahil sa sinabi ni Jhanny, may naalala ako bigla. Alam kong imposible kasi hindi na sya nag-aaral dito but I guess it's them.

Nilapitan ko si Jam at tinapik. "Marami tayo, hindi ka nag-iisa. Wag kang mag-alala, kami na bahala rito," sabi ko. "Assej, puntahan natin si kuya."

"Oo sige!" dinala nya yung pictures. "Dapat pagdating namin, balik na sa ayos lahat. Pakierase din yung nakasulat dyan sa upuan namin!" utos ni Assej sa lahat.


Lalabas pa lang sana kami ng classroom kasi biglang sumulpot si kuya, hingal na hingal. "Problema, kuya?"

"S-Sa classroom namin, may vandal sa upuan ni Jehna kaya pupuntahan ko muna si Jiemie dahil baka may ganun din," aalis na sana sya nang hawakan ko agad ang kamay nya.

"Vandal na naman, kuya?"

"Oo. Puntahan nyo sya!" tsaka sya tumakbo.

Ang bilis naming nakalakad papunta dun sa Class 3-B. Bumungad naman sa amin si Jester na todo erase sa board at si Joseph na binubrush yung upuan ni Jehna.

"Asan si Jehna?" tanong ni Assej.

"Nasa SC room sya, nagpapalamig." sagot ni Jester.

"Puntahan ko muna sya, insan" paalam niya sa akin.

Lumapit ako sa upuan at nakita ang nakasulat sa desk: 'NAPAKASIPSIP MO! MANDARAYA!'

Napatingin ako sa blackboard dahil sa  dami ng nakasulat, may nakadikit pa na pictures dito. Mga litrato na nagbibigay si Jehna ng pera, tapos kasali sya sa comelec at kasama nya si Yoj na hawak kamay.

"Sana tama lahat ng hinala ko." I whispered to myself.

Aalis na sana ako ng classroom nang mapansin ko si Jester na nakatitig sa isang picture. Si Jehna na may perang hawak.

Binalewala ko na lang yun at pumunta na kay Jiemie, baka nagkaganito rin sa room nila. Pagdating ko dun, naabutan ko si kuya na sumisigaw. Sinisigawan nya lahat ng tao na nasa room na yun.


"What the fvck! Kapag nalaman ko lang talaga kong sinong gumagawa nito! Ipapasunog ko sa impyerno!" sabi nya habang tinatanggal lahat ng pictures sa blackboard. Hindi lang lahat ng nasa blackboard, kundi pati na rin sa lahat ng upuan nilagyan.

"Ah, si Jen pala!" bungad ni Niel.

Pumasok naman ako, "Anong nangyari dito?" tanong ko.

"Kita mo naman, tsk. Tulong nga" angal ni Alejandro.

Napatingin naman ako sa whole classroom. Kakaiba kasi pagkakalagay ng mga pictures, naglakad ako papunta sa pinakadulo.

"Excuse me, sinong nakaupo dito?" tanong ko dun sa babae.

"Hm. S-Si Cheasty po"

Umupo naman ako sa upuan nya. Tama ngang hinala ko! "HOY YELO! ANG CHILL MO LANG DYAN HA, TUMULONG KA NGA DITO!" sabi ni kuya habang nagtatanggal ng mga pictures. "YELO!"

"Pagod ako, wag kang pakialamero kuya" biro lang. Tinititigan ko pa rin yung mga pictures.

'P-U-S'

Pus? Anong pus? Hmm..

"Asan si Jiemie?"

"Nasa SC room, dun nagpapalamig!" sagot ni Al.

"Kuya, akin na yung mga pictures. Ipapasunog ko na" binigay naman ni kuya sa akin lahat. "Sige"

"Teka, saan ka pupunta?"

"Class 3-B, may nakalimutan lang ako" pupunta ako sa room nila Jehna ngayon.

Pinwesto ko ulit yung mga pictures, pinagtitinginan nga ako ng iba rito eh. Bahala sila, may aalamin lang ako. Pagkatapos kung mailagay lahat, pumunta ako sa dulo at naupo.

'Tama nga'

C-A-M

Ang huli naman, sa room namin. Last syllable na lang. Pinwesto ko ulit yung mga pics.

"Jen, anong ginagawa mo?" takang tanong ni Jhanny. Kasama nya pala si Jam.

"Punta muna kayo sa SC room, andun silang lahat saka pakisabi na may gagawin muna ako."

Tumango naman sila.

"Will do, pero sabihin mo sa amin kung ano ang nangyayari," ani Jam.

Pagkatapos kong pagdikitin lahat ng pictures. Hindi ko na kailangang pumunta sa dulo upang makita ng buo ang nakasulat. I know this all along.

W-A-R.

C-A-M-P-U-S W-A-R

"Campus War."

Yan ang gusto nilang mangyari... ibalik ang campus war sa taong ito. Bored na bored ka talaga siguro Eros. Hindi na ako nagtataka, bakit kaya ngayon lang? Sa batch pa talaga namin. Ang galing ng nagplano nito. Bilib na ako sa kanya.

——

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro