C4: The Secret Keeper
The Secret Keeper
••••
Jhanny.
ANONG ORAS na ba? Bakit ang tagal ko atang makarating sa school? Akala ko ba malapit lang ang Claverion High mula sa bahay namin.
I looked at my watch and it's already 7:15AM. Late na pala ako. Palagi akong nalalate dahil sa sobrang bagal kong maglakad. Tss. Napadaan ako sa isang maliit na eskinita, ang ingay kasi at mukhang may nagbubugbugan.
"Tangina kayong mga lalaki. Wala na kayong ibang ginawa kundi ang holdup-in ang mga babae sa lugar na ito!" sinipa niya ang mga ito sa tagiliran.
Nakita ko ang isang babaeng nakahoodie jacket ng kulay pula. I'm looking for her accomplice pero mukhang wala siyang kasama. Siya lang ba mag-isa ang tumapos sa kanila?
"Teka, maawa na po kayo sa amin," pagmamakaawa ng isa.
"Ang sakit na po ng katawan ko!"
"Miss naman, pasang-awa!"
"Tama na!" sabay nilang pagmamakaawa.
Nag-iisang babae lang ito pero nagagawa na niyang mandahas ng mga lalaki. Kakaiba ka rin girl, ha. I stared at her for a moment and realized na kilala ko pala ang babaeng ito.
"Yan lang ba?" napahinto sya sa pagsipa nang maramdaman n'ya ang aking presensya. Inis niya akong tinignan. "What the hell are you looking at?"
"Nakakaawa na kasi. Kaso may ginawa silang kasalanan, hindi ba?" napatingin ako dun sa mga lalaki. Baka bugbugin nila ako pagkatapos nito dahil isa akong witness. "Ipagpatuloy mo lang 'yan."
"I'm tired," tumigil siya. "Magsorry kayo sa ninakawan niyo at wag nyo nang ulitin pa. Bweset!" sinipa nya pa ng malakas yung lalaki bago umalis.
Umalis siya at dinaanan ako. I compared my uniform with hers and found out that we study in the same school. Obviously, she's my schoolmate. Babalik na sana ako nang maapakan ko ang kanyang I.D.
'Jhanessa Assej Martinez'
Jhanessa...
Jhanessa...
Jhanessa...
Ah, naalala ko na.
"Teka. Hoy, panget!" sigaw ng nabugbog na lalaki.
Ako ba ang tinatawag niya?
"Ako ba?" turo ko sa sarili.
"Sino pa ba?"
Yung iba nyang kasama ay walang malay. Ang lakas siguro ng babaeng iyon. Nahihirapan na kasing magsalita 'tong may malay, e. At teka nga lang, did he just call me ugly? Bakit nya ako tinawag na panget? Mas panget siya, panget na nga sya nabugbog pa ang kanyang itsura.
"Mas panget ka! Gusto mong ipabugbog kita ulit sa babaeng 'yon?" banta ko.
Kainis! Hindi nya ako kilala tapos tinawag nya pa akong 'Panget'. Feeling close ka, kuya ha! Aalis na sana ako nang bigla siyang nagsalita. Hindi pa rin pala tapos ang isang ito.
"Teka, kilala mo ba ang babaeng yun?"
"Siguro. Schoolmate ko siya," matabang kong sagot kasi hindi ako sigurado.
"Bakit?"
Hindi siya kaagad nakapagsalita. Siguro gusto nyang paghigantihan si Jhanessa.
"If you're trying to take revenge, I would suggest you stop. Wala kang kalaban-laban sa kanya kahit dahil mo pa ang buong angkan mo. Maawa ka sa sarili mo, kuya," bulong ko sa huli.
"H-Hindi naman yun, eh!"
"E ano? May iba pa bang dahilan bukod doon?"
"O-Oo," nahihiya nyang sabi.
Siraulo! Akala mo naman gwapo!
"Bigyan mo ako ng number nya. Saka, anong pangalan nya? A ganda nya kasi," sabi pa nito.
Naiwang nakaawang ang aking bibig dahil sa kanyang sinabi. Iisipin ko munang mabuti yung sinabi n'ya ha, baka kasi namali ako dinig, e.
"May gusto ka ba sa kanya, kuya? Pasang-awa lang, ang layo ng agwat niyo saka isa pa, mayaman sila, ikaw nga dyan nagnanakaw," prangka kong tugon.
Umalis na ako upang makaiwas sa Q and A portion niya. Ang nonsense niyang kausap. Hindi ako makarelate.
"Hoy, teka! Huwag mo nga akong talikuran, kinakausap pa kita!"
"Magkagusto ka na sa kahit sino huwag lang sa isang gangster," pahabol kong sambit.
Hindi kami close ni Jhanessa dahil isa siya sa mga napakahirap lapitan. Katulad na katulad sila ng kaklase ko na may kakaibang awra. Magpinsan nga talaga yung dalawa kasi pareho ng ugali.
I heard rumors about Martinez. Her sideline is being a gangster. Hindi basta-bastang gangster... a Gangster Leader. Pero hindi ako sigurado sa impormasyon ko kasi narinig ko lang din naman ito mula sa classmates ko. Mabibilang mo lang sa yung mga daliri ang mga tao na nakakaalam sa kanyang sikreto, at isa na ako roon.
Bumps...
"Oh God, I'm sorry!" dispensa ko dun sa nabangga ko.
"..." blanko niyang reaksyon.
Yun na yun?
I looked at her as her brown hair was swaying smoothly through the wind. Her eyes were as black as black pearl, and pale as white skin. She's my classmate. The girl I mentioned before.
"Oy, insan hintay naman dyan!" sigaw ni Jhanessa sa babaeng nabangga ko.
"Ang bagal mo kasi," malamig nitong sambit sa kanyang pinsan.
Oo nga pala yung I.D.
"Jhanessa Martinez," pagtawag ko dahilan upang mapatingin sila pareho sa akin. "I.D. mo, nalaglag kanina."
Tinitigan niya lang yung I.D. She's having second thoughts of snatching it from my hand. It's her I.D, not mine. Kunin mo na! Ayokong tinitignan mo lang ito!
"That's not mine," sabi niya na parang siguradong-sigurado siya na hindi ito sa kanya kahit nakikita namin pareho iyong malaking pangalan.
"Napulot ko sa daan, kunin mo na," pagpupumilit ko.
Kunin mo na kasi, Jhanessa!
"Akin na," imbes na si Jhanessa ang kumuha kinuha ito ni... Jennifer.
Jen looked back and forth between me and Jhanessa.
"Jhanessa Assej Martinez, come with me," malamig niyang tugon dito.
"Hey," ramdam ko ang inis sa kanyang pagbulong. "Next time, give it to me in private nang wala si Jen sa harap natin."
Naglakad si Jen palayo at kaagad na sumunod ang pinsan sa kanya. Wala sa itsura ni Jhanessa na takot siya sa kanyang pinsan. Ako kasi, takot na takot sa awra ni Jen. Nakakatakot yung dalawa pero at least nabigay ko na yung I.D.
Pumasok na ako sa room matapos iyon.
Do you know what we call Jennifer Ramirez in the campus?
*drum roll please*
Ice Princess
Why? Simple. Because she's too cold to be true. Charot. Kasi nga snob s'ya at may matigas na puso.
"Good morning, Jhanny," bati ni Jam sakin, ang bestfriend ko.
Ang aga ata nang babaeng ito ah? Hmm.. weird.
"Ang aga mo!" pang-aasar ko sa kanya.
"Tsk!" Sabay ngiti na parang ewan.
Ah oo nga pala alam ko na.
Nakwento nya kasi sa akin yung nangyari sa kanila ni Joseph. Sya lang yung kinilig, actually kinilig rin ako ng konti. Oo konti lang naman sa kadahilanang muntikan na akong malaglag sa upuan ng mga panahong iyon.
"Oh? Ano kumusta na kayo?" I asked.
"Nang-aasar ka ba? Friends nga lang kami diba?"
"Oo na. Eh di kayo na ang bestfriends!" sabi ko. Hindi ako galit ha.
"Heto naman nagtatampo," sabay lambing sakin.
"Hindi a. Haha!"
Nagtatawanan lang kami nang biglang dumating sila Jhanessa at Jen. Halos lahat nang mga mata ng kaklase ko ay nakatuon lang sa dalawang babae. Saan kaya sila galing? Akala ko nauna na sila dito sa classroom kanina.
"Oh bakit, Jhanny is something wrong?" tanong ni Jam.
"Wala naman," bumalik ako sa pakikinig kay Jam.
May kwento na naman sya sa akin. Di ako nagsasawang makinig dahil ganyan ang magkakaibigan.
Biglang pumasok si sir Lexper, he is a science teacher and he's teaching Biology.
"Good morning, class."
"Good morning, sir," bati namin.
Napatingin si sir kay Jen at gaya nang dati di sya nakikinig. Akalain nyo iyon? She doesn't pay attention but, she's a consistent top student.
"Ms. Jennifer Ramirez, kindly come to the faculty with me after this," sabi ni sir sa kanya.
Tinitigan lang sya ni Jen na parang walang narinig.
"Ms. Ramirez?" ulit nito.
"'kay," yan lang yung sinabi nya tapos bumalik na naman sya sa pagtingin sa labas nang bintana.
Ano kayang iniisip nya? Kasi simula nung naging magclasamates kami. Parang si Jhanessa lang ang kilala nya rito sa room at isa pa wala na syang headphones na suot. Asan na kaya yun?
"Pst."
"Bakit?" pabulong kong tanong.
"Punta tayo sa rooftop mamaya ha," nakangiti nyang sambit.
Sus yun lang pala.
"Sige."
"Oo nga pala. Nasungitan ka ba ni Jen ha?"
Bakit nya naman tinatanong?
"Hindi naman."
"Okay. Buti naman."
Nagbubulungan lang kami ni Jam nang mapansin ko na nakatitig na pala si Jhanessa sa amin, akala ko susungitan n'ya kami pero hindi pala. She's much nicer than Jen.
Hindi nagtagal natapos na ang klase ni sir.
"Class dismissed!" Sabay labas nang classroom.
Kita kong tumayo si Jen mula sa kinauupuan nya tsaka sya nilapitan ni Jhanessa na nag-aalala ang mukha.
"Bakit ka pinapatawag sa faculty?" -- Jhanessa.
"Malay ko," malamig nyang sambit.
Sinamahan sya ng kanyang pinsan palabas. Curious tuloy ako sa dahilan kasi pati pinsan n'ya hindi alam ang rason.
Nung nakaalis na silang dalawa sa room, agad na nagbulungan ang aking mga kaklase.
'Bakit kaya no?'
'Siguro may sinungitan syang teacher?'
'Baka naman may nasaktan na sa sinabi nya'
Yan! Ang chichismosa nyo talaga, ganyan ba talaga si Jen? Di naman ata, di naman kasi sya masyadong nagsasalita.
"Oy, lika na. Rooftop na tayo," yaya ni Jam.
"Okay!"
Habang papunta kami sa rooftop nadaanan namin si Yoj. Ang ang daming babaeng nakasunod sa kanya, ganyan ba talaga kapag gwapo ka?
"Ang hangin rito!!!!!" sigaw ni Jam nang makapasok kami sa rooftop.
Oo nga, kahit ako nga rin hinahangin. Haha! Nililipad ng hangin mga palda namin pero wala kaming pake. Ang sarap matulog ditooooo.
"Jhanny, maupo tayo!"
"Teka, what are we gonna do here?!"
"Ha? Magpapahinga, tingnan mo yung mga tao sa baba oh!" sabay turo dun sa ibaba.
Oo nga ang ganda ng view rito, makikita mo ang buong campus lalo na ang mga tao sa paligid. Dun ko lang naappreciate ang kagandahan ng school namin.
"Waaah, si ex mo Jam. Haha!" tinuro ko agad si Arnel.
Oo Arnel name nya! Nung tiningnan ko si Jam, parang sinakluban ang kanyang pagmumukha.
Ay shete sana hindi ko na lang yun sinabi.
"S-Sorry, Jam," dispensa ko.
"Okay lang, ano ka ba naman, Jhanny. Hehehe!" ngumiti nga sya pero halatang pilit!
Nakuha ng isang lalaki at isang babae ang atensyon ko. Mukha silang maghihiwalay haha. Paano ko nasabe? Nakikita kong papaiyak na yung babae, ang gwapo pa naman nung lalaki.
Nanood lang ako sa kanila habang umaalis yung lalaki palayo sa babae. Umiiyak na yung babae ngayon sa may puno! Gaano ba kasakit magmahal?
"Gaano kaya kasakit magmahal?" I suddenly asked myself.
"It's nice to be in love, Jhanny," she smiled, pero nakatingin pa rin ang kanyang mga mata sa ibaba.
Who are you looking at Jam?
I did the same and look at what Jam's looking. Isa lang yung kilala ko na nandoon. Si Joseph na tumatakbo papuntang SC Room, nagmamadali ata at may dalang folders. Mukhang nakita nya kami mula rito kaya sya kumaway at ngumiti sa amin.
"Hello!" I shouted as I wave back at him.
Tapos tumakbo sya ulit ng mabilis.
Eto namang si Jam, hindi man lang kumaway sa kaibigan namin. Ang weird.
——
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro