Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C36: Cry

Cry

••••


Jehna.

"Ate ate, samahan mo ako sa mall mamaya. May bibilhin akong logbook," pagpipilit ko.

Ayaw nya kasi akong samahan. Kanina pa ako rito. Lumang luma na rin kasi ang mga gamit ko sa student council.

"Ayoko, ikaw na lang. Magpasama ka kay Jester," saka niya binalik ang tingin sa phone.

"Ate naman, para kang si Jester. Tigilan mo muna yang pagtetext. Sino ba yan? Kanina ka pa sa phone mo." Sinilip ko ang recipient pero inilayo niya ito sakin.

"Mind your own business."

"Ate, minsan na nga lang ako may favor hindi mo pa ako sasamahan."

Inirapan niya ako. "Fine! Napaka-annoying mo, Jehna ha. Samahan na kita after class, alis."

Ngumiti ako saka siya niyakap bago lumabas. "Thank you!"

I run to the restroom at nag-cr saglit nang marinig ko ang ingay ng mga estudyanteng papasok.

"You know what girls, may bago raw tayong transferee bukas or sa makalawa."

"What school?"

Acck! Gusto ko na lumabas ng cubicle kaso ayoko namang harapin ang grupo nila.

"She's not from here, she's from America so I don't know where."

"Ay ganun? Maganda ba yan? Sana maging friends natin? Haha!"

"Wag kang umasa."

Narinig naming lahat ang tunog ng bell.

"Let's go girls. Ayoko malate."

Lumabas ako kaagad nang marinig na umalis silang lahat. I can't stop thinking about what those girl said. May transferee galing states. But it makes me uneasy somehow.

Bumalik na rin ako sa classroom.

****

Lunch na at dating gawi kami rito sa canteen, ako pala yung huling dumating pero wala sila Jen at Jhanessa. Susunod na lang daw mamaya.

"Hi guys," bati ko sa kanila.

"Ikaw pala, Jehna, kumusta na?" tanong ni Kurt.

"Ayos lang," tiningnan ko ang order nila. "Oorder na rin ako."

Kasi alam ko kapag may umorder na isa, oorder na rin sila.

"May ipapabili ba kayo?" tanong ko saka ako napatingin kay Yoj na kanina pa tulala. "Hindi ka ba oorder?"

"Ah, no thanks. Wala akong gana e."

"Jehna, may ipapabili ako," dumating na rin si Jhanessa at Jen. "Ikaw, Jen?"

"Wag na lang," malamig nyang sabi.

"Same as usual, Jhanessa?"

"Oo. Thank you, Jehna," naupo siya kasama si Jen, while pumila na ako upang bumili.

I looked at Yoj, this is new to me. Hindi ko maiwasang isipin kung may problema siya o wala. Nagkakagana siya lagi tuwing recess. Pareho pa nga kami ng order e, footlong at shake. Maybe he's just having a bad day.

I wonder if something happened.

Pagkatapos kong umorder, bumalik na ako sa table namin.

"Jhanessa, here's your food," binigay ko sa kanya ang chocolates at fruit shake.

"Thank you."

Nakatitig lang ako kay Yoj, may binili rin kasi ako para sa kanya.

"Yes, Jehna?" he asks nang mapansin na nakatingin ako.

"Ah, w-wala naman," juskopo ang gwapo nya talaga. Tinago ko ang mukha ko sa dahil sa hiya. "M-May problema ba?"

"Wala naman." he laughed.

Kahit tumatawa sya, alam mong may lungkot sa bawat tawa nya.

"Balik muna ako sa classroom. Mauna na ako sa inyo."

Nagbabye yung iba sa amin habang tinignan ko lang syang umalis.

"May problema ba yun?" tanong ni Mike matapos makaalis ni Yoj.

Akala ko ako lang ang nakapansin.

"Ewan ko ba dun, kanina pa sya tahimik," si Kyn.

"Baka may problema lang, pinahirapan mo na naman ata, Kyn!" si Jester.

"Hoy, magaling si Yoj sa basketball. Bakit ko sya pagagalitan? Kung may problema man kami, inaayos namin agad," nag-crossed arms pa sya.

Tama nga naman, pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Dahil kaya ito dun sa nangyari pero ang tagal na nun.

Kinuha ko ang pagkain at inilagay sa cellophane. Mamaya ko na lang ito kakainin.

"Saan ka pupunta, Jehna?" tanong ni Jhanessa nang mapansing tumayo ako.

"Magpapahangin lang," sagot ko bago umalis ng canteen.

I need to talk to Yoj.









Yoj.

She's coming back, my sister told me that! Hearing that news, whether it's true or not, reminds me of how painful love is.

Kaninang umaga ko pa iniisip ang tungkol sa nangyari kahapon.



- Flashback -

Umuwi ako ng bahay galing practice. Si Kyn kasi wala sa mood kaya pinagpraktis nya kami ng todo. Kami pa ang naambunan ng galit.

"Hoy, Kyn! Wag kang mandamay ha. Bad mood tayong lahat dahil sa nangyari!" Jester snapped.

"Tsk. Umuwi na nga tayo, sh*t naman. Mas lalo lang nagagalit si Jiemie sakin, e!"

Dahil sa sinabi ni Kyn, umalis na rin kami dun sa court.

"Yoj, una na kami," paalam nila.

"Sige."

Naiwan ako rito sa court kasama si Mike. Inaayos ko pa kasi ang mga gamit ko.

"Yoj, babalik ba talaga sya?"

Muntik na akong atakehin sa puso dahil sa pagsasalita niya bigla.

"Ewan, sana oo." Nasabi ko na lang.

Umupo si Michael sa tabi ko. "Why is that? Do you still love her?"

Love? Siguro! Shit, hindi ko talaga alam ang isasagot lalo na't yung ex ko ang pinag-uusapan.

"I don't know, Mike." I sighed.

Bigla syang napalingon sakin. "You don't know? May iba ka bang gusto?"

Natameme ako sa kanyang tanong. May iba nga ba talaga? Do I like someone else? Do I like her? Maybe yes or maybe no. Is it like when you want someone to be with you? And she's different from the other girls I know.

"Sabihin na lang natin na gusto ko siyang kasama."

"Ewan ko sayo, Yoj. Ang gulo mong kausap." Tumayo si Mike at lumingon sa akin. "Yoj, if ever she comes back, makipag-usap ka na lang at tapusin nyo na ito ng maayos. It's called closure."

Umuwi ako ng bahay upang makapag-isip ng maayos. Aalamin ko kung may feelings pa ako para sa kanya o wala. Nagkotse ako pauwi. Nang makarating ako sa bahay, narinig ko si ate na may kausap sa telepono. Hindi ko na rin tinanong kung sino dahil wala naman akong pakealam.

Aakyat na sana ako sa kwarto nang may marinig akong pamilyar na pangalan.

"Really, Vanessa? Ok sure, bukas na bukas din. Grabe... I promise secret lang muna. Okay bye, love yah," saka niya binaba ang telepono.

"Who's that?" tanong ko matapos ilagay ni ate ang telepono.

"Ah, you're home, brother," she smirks. "I have a surprise for you."

Mabilis akong umakyat sa kwarto at pumasok ng kwarto. What the hell did she mean by that? And I feel anxious. Don't tell me. Damn! I hope I'm wrong. I must know when we meet.

-present-



"Yoj, hintay!"

Bumalik ang diwa ko nang may tumawag mula sa likuran at nakita si Jehna na papalapit sa akin.

"You followed me? Kumain ka na ba?"

She chased her breath before speaking to me. Tumakbo pa kasi. Hays. Inabot niya sa akin ang isang cellophane na may lamang pagkain.

"Para sayo. Hindi ka kasi kumain kanina kaya binilhan na kita," she said. "Please eat."

"You didn't have to-" natigil ako nang mapansin na nakatitig siya sa akin. "Do I have something on my face?"

"Nothing," she sighed. "May problema ka ba, Yoj? Is there something bothering you?"

Does she know?

"It's not important. Paano mo nasabi?"

"E kasi kanina pa weird ang kinikilos mo," nagkamot sya ng ulo. "Not just me, napansin din ng iba sa mesa kanina. Nag-aalala ako para sayo."

"Jehna, it's-" she cuts me off.

"I won't tell, I promised! Cross my heart, Yoj."

I heaved and stared at her. I really can't win an argument with her. Hindi siya titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto niya. So I decided to tell her. I trust Jehna anyway.

Umupo ako sa bakanteng bench at tinapik ang katabing space. "Sit down, Jehna. What do you want to know?"

"Can you tell me what's wrong? Bad mood ka ba?"

"You remember my sister, right? Bumisita sila rito nung nakaraan." Tumango siya. "Nang makauwi ako sa bahay namin, I heard her talking to someone over the phone with someone. And it was Vanessa."

"Who's Vanessa?"

"Vanessa... Vanessa's my ex."

Speaking her name mixed my guts. Ayoko talaga siyang pag-usapan.

"E-Ex? You mean, she's the reason why naging girl hater ka?"

"She is," I sighed. Hindi ko alam pero tumahimik si Jehna bigla. "Is something wrong?"

"You love her that much kaya ganyan na lang ang galit mo. Diba nga sa kasabihan, the more you hate the more you love."

"I did love her, Jehna. But that was before."

Ang tagal na nun, ni hindi ko nga matandaan ang dahilan ng break up namin. Ang alam ko lang ay may mali sa relasyon namin at hindi namin kakayanin ang LDR. But I think there's more to it than that.

"Ang swerte nya," she whispered.

"Malas ba ako?"

Tinitigan ako ni Jehna, mukha syang nagpipigil ng tawa but she laughed it out anyway.

"Anong nakakatawa dun?" napakamot ako ng ulo.

"Eh kasi... e kasi-" she laughed again. "Napakapilosopo mo pala, Yoj."

"Ayan, may tears of joy ka na. Tumigil ka nga," wala sa isip kong pinunasan ang luha sa kanyang mata nang mapansin na umiiyak nga siya. My eyes widen in shock. "J-Jehna, are you crying... for real?"

"It's not what you think. I'm sorry." dali-dali nyang pinunasan ang pisngi niya gamit ang braso. "I have to go, Yoj. Kumain ka a."

I want to stop her from walking away but she's crying and part of me says that it's my fault. Why do I feel guilty? Ano ba ang ginawa ko? Napatingin ako sa burger.

'Jehna, why are you crying?"

——

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro