Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C35: Smile

Smile

••••



Jennifer.

Hindi ako palangiti, hindi rin ako nakasimangot palagi, normal ang ekspresyon ko... it's always poker face.

"Oh, ano na naman bang utos mo?" bungad nya sakin.

"Teach me how to smile," malamig kong sagot.

Pinatawag ko sya rito sa garden dahil yun ang gagawin namin. I know it sounds kinda weird for me to ask someone about this, pero wala akong ibang malapitan tungkol dito.

"Are you okay? Lahat ng tao marunong ngumiti," pagtataka niya. "Well, obviously you're a total exception. Pero tuturuan talaga kita?"

"Bakit, ayaw mo?"

"Pwede ka naman kasing magpeke ng ngiti, master."

"Wake up. People only smile for a reason, magandang rason. Halimbawa, kapag in love ka or nanalo ka sa lotto."

"It's totally different," umupo sya sa tabi ko. "It's called being happy. Tuwa ang tawag dun hindi ngiti. You're smart enough to know that," tinignan niya ako at tinapik ang space sa tabi niya. "Come sit with me."

Lumapit ako at naupo. "So are you going to teach me?"

"Of course, if my master asks I'll do it. First, gawin mong curve ang labi mo."

Ginawa ko ang kanyang sinabi. Kaso ayaw talaga gumalaw ng labi ko.

"It's not as easy as you say," he forced my lips to curve.

"A-Aray wag mong pilitin, it hurts, idiot!"

"Ano ba yan, parang may stick glue ang labi mo ha. Tsk," tumayo siya bigla.

"Tumayo ka riyan, pumunta tayong canteen."

Ano naman ang gagawin namin dun? Kakainin? Psh.

"Kikilitiin muna kita."

"What?"

Magsasalita pa sana ako nang kilitiin ako ni Tanga sa leeg, beywang, kilikili, at paa pero ni hindi man lang ako tumawa o nagpakita ng emosyon.

"W-Why are you emotionless. Ang Yelo mo talaga."

"Giving up?"

"On you? Not in a million years, Jen."

Natigilan ko sa kanyang sinabi. That's so gross!

"If you can't make me smile just give up. I can always look for someone who will."

He stared at me. "No." Lumapit siya sa akin. "Sa akin ka dapat unang ngumiti."

Kumunot ang noo ko saka niya ako kiniliti ulit. Nagkilitian kami nang dumating sila kuya kasama sila Michael at nang iba pa.

"Hoy!" sita ni kuya. "Anong ginagawa mo sa kapatid ko, Guevarra?"

"Kinikiliti ko lang, Kyn. Ang HB mo." tumigil siya sa pagkiliti sakin.

"Hindi ako heart broken!"

"High blood!" sabay nilang sigaw.

Nasamo ni kuya ang sariling noo dahil sa hiya at naupo kasama namin. Ikaw ba naman palaging pagtulungan.

"O, oorder nako ha?" gaya nang dati si Assej ang nauna.

Yung iba sa amin sinasabi ay kahit ano na lang.

"Jen, why did Renz tickle you?" bulong nya sakin. Hindi pa rin nakakamove on.

"Kasi kuya wala ka nang pake dun."

"Nakakainis ka talaga," inis niya kaya't hindi na rin siya nagtanong pa.

I glanced at him and realized that I don't have his phone number.

"Tanga, penge number mo," I casually asked and gave my phone to him.

"Huh?!"

Is he deaf?

"I ask for your number."

"Did I hear it right or I'm just deaf?" si kuya.

"I don't want to repeat myself," I looked at Kyn. "And kuya, shut up!"

The group gave me interesting faces na para bang nakakita sila ng multo.

"S-Sure. Akin na cp mo." Tinype niya ang kanyang numero nang nagtataka.

I named it 'Tanga'.

Tanga
0948*******

Ayan save na.

"J-Jen, do you wanna get my number? Pwede ko ring ibigay sayo ng libre," ngiti ni Kurt.

"And also me, wala ka bang balak hingin yung akin?" Jester interrupts.

"Give me your number, Jennifer," Yver said coldly.

"All of you stop it!" Assej snaps as expected.

"It's fine, Assej," kumuha ako ng kapirasong papel at sinulat ang number ko. Nakakapagod mag-isa-isa ng phone kaya sila na bahala magdistribute nito. "Here's my number. And don't you dare text me if it's not important."

"Aye aye captain!" nagsalute pa si Kurt at Jester samantalang tinago ni Yver yung papel.

"Hoy mga pwet! Ako lang ang nag-iisang captain dito," angal ni kuya.

"Nakakasawa ang pagmumukha mo," bulong ni Yver ngunit dinig naman namin.

"Anong sabi mo, Refrigerator?"

"Nothing."

"Yveeer..."

I sighed in disappointment. He's my kuya but he acts like a child in front of everyone. Gusto ko siyang sapakin minsan.

Hindi pa rin nakababalik si Mike, Joseph, at Yoj mula sa pag-order. Pinagmasdan ko lang sila habang nag-aasaran sa pilahan.

"Hindi ka ba natutuwa sa kanila?" mahinang sabi ni Tanga sakin. Napansin niya siguro na nakatingin ako sa tatlo.

"Natutuwa."

"Bakit hindi ka ngumingiti?"

"Is it necessary?"

"For some people. Action speaks louder than words ika nga."

Ayoko nang magsalita dahil baka humaba pa ang usapan namin. Madaldal si Renz at ayaw kong matulad sa kanya.

"Ayan na ang order natin," Mike exclaimed.

Naisipan kong tawagan ang numero ni Tanga saka namin narinig ang phone na nagring. Barbie Girl?

"What's that?"

"Kay Reeenz!" the boys said.

Tinignan ko siya. Two minutes bago siya nagsalita.

"It's mine it's mine. Papalitan ko na ang ringtone ko," he tsked.

"I didn't say anything."

"Psst, 'wag kayong matakaw. Saka inorder ko na lahat nang nasa menu," Jester looks at me. "And, Jen sandwich lang sayo. It's dairy free so enjoy."

"..." kinuha ko ang sandwich.

Kanya-kanya kami ng kain habang nagkukwentuhan. They're all smiling. They're happy. If you're happy, you should smile. Is that a rule?

Look at me, masaya naman ako pero hindi ko lang maipakita dahil madalang akong ngumiti.

I listened to everyone, talking.

"Oo nga, e! Nakakatawa yun," ani Jehna.

"Muntikan na nga akong matamaan ng bola," si Yoj.

"Naalala mo ba noong bata pa tayo, Seph? Naihi si Jam sa pants nya," tawa ni Jhanny.

"Haha! Talo ka na, Mike. Suko na kasi. Suko-suko rin pag may time," asar ni Kurt.

"Hoy, teka ako rin!" si Renz.

Ang iingay nilang lahat. Napapikit ako saka pinalakasan ang volume ng music.

"Oy, Jiemie anong mali ko rito?" tanong ni kuya.

"Alin dyan? Four pics one word ba yan?" Umusog siya ng konti. "Mali ang spelling, double S ang adreSSes."

"You have something on your face, Jhanessa," puna ni Yver.

She glared at Yver. "Ikaw din naman ha. Tatanga-tanga ka rin!"

Sabay nilang pinunasan ang kanilang pagmumukha. Napatingin kami kay Tanga nang bigla siyang sumigaw na parang bakla.

"Tekaaaaaaa!"

"Problema mo?" si Kyn.

"Yung wallet ko! Asan ang wallet ko?" kinapa-kapa nya ang kanyang bulsa. "Wala sa bulsa ko!"

"Just buy a new one, bro," ani Michael.

"Bobo neto! May pera yun. Yung baon kong P2,000," sabi niya saka kami tinitigan ng masama. "Baka tinago nyo ha. Umamin na ang dapat na umamin."

Nawirla ako sa P2,000.

"P2,000 allowance mo for one fucking day?" si Jehna.

"Oo nga, Renz. Isn't that kinda-" Jester cuts Mike's word off.

"Bakit ang liit ng baon mo?" tumaas ang kilay ni Jester.

"What are you saying, Jester? Naliliitan ka sa 2k?" si Jiemie.

"I do agree tho. It's not enough," komento ni Yver.

Nagtinginan yung iba sa amin maliban syempre sa tatlong mayayaman.

"And may I asked how much your allowances are?" si Jam.

"I own a credit card. It doesn't matter," si Yver.

"P10,000," si Mike at Jester.

Nanlumo kaming mga mahihirap nang marinig iyon. Para kaming sinampal ng kahirapan. Yung P2,000 na nawala ni Renz, baon na namin ni kuya for a week. We're rich but mom keeps it lowkey.

"P10,000... makakabili na ako ng bagong cellphone nyan," nanlumo si Kurt.

"Ilang toy cars na rin yan," si Joseph.

"Aagh! Tumigil nga kayo, this is about my wallet. Ilabas niyo na kasi," asik niya.

"Baka nalaglag mo?" si Yver.

"Tsk. Hanapin ko muna. Mauna na kayo," tumakbo si Tanga palabas ng classroom.

Tumayo ako, tinignan nila ako. Maybe I should help him.

"We should help him..." minatahan ko sila. "Bilisan niyo!"

"O-Oo!" Nagsitayuan sila ng mabilis. They look confused.

Naghiwa-hiwalay kami sa paghahanap. I decided to check on the rooftop since doon kami huling pumunta. Nakita ko kaagad ang wallet. Naapakan ko kasi.

Ang tanga nya talaga.

Binuksan ang wallet. The money is still here. I checked it and saw his childhood pic with a girl.

'Ang ganda nyang ngumiti!'

Itetext ko na lang sya na pumunta rito. Buti na lang pala at hiningi ko ang number nya kanina.

To: Tanga
Found it. Rooftop.

Sent!

I decided to wait here instead of going back. Napagod ako paakyat kaya magpapahinga muna ako saglit. I text everyone about the wallet upang hindi na sila magsayang ng oras kahahanap.









Renz.

I don't care about the money. But the pictures. As long as it stays in my wallet, I'm good. I don't know that girl, I just met her once nang bumisita kami kila lola. It's the only memento I have with her.

Tumunog ang phone ko at nakita ang text na galing kay Jen. Pinalitan ko na rin ang ringtone ko ng Good boy by G-Dragon.

From: Jen Guevarra
Found it. Rooftop.

Agad akong unakyat sa rooftop. I saw her sitting pretty while parting her hair because of the wind. Damn, ang ganda-ganda ng crush ko.

"Master, where's my wallet?"

"Catch," saka niya initsa sakin.

"Thank you, nag-effort ka pa talaga?" ngisi ko.

"No, I did not. I accidentally found it."

"Weh?"

"It's true."

"You sure?"

"So sure."

"Walang ka-effort-effort?"

"Shut up!"

I laughed. Damn, she's cute. Ibinulsa ko ang wallet at tumabi sa kanya.

"Who's the girl in the picture?" she asked.

"Bakit? Selos ka?" I grinned.

Kaya ayun, binatukan niya ako at tumingin sa malayo. "I'm just asking. Ang ganda niyang ngumiti."

"I don't know her."

"What?" nagtaka sya sa sagot ko. "What do you mean?"

"I only met her once. I didn't get the chance to know her, but if I see that smile again I'm sure I'll know."

"Ang gulo."

"Long story short, she's my first love."

"Makikilala mo ba ang tao sa kanyang ngiti? I don't think so," she said nonchalantly.

"Oo naman! Mahilig siyang ngumiti kaya malalaman ko. Unlike you, emotionless."

She stared at me with those cold dark eyes. "Asshole."

Gyaah!

"I didn't mean it that way. I'm sorry," I sighed. "Why don't you smile more, Jen?"

"I'm trying. I forgotten how ever since dad died." she doesn't look sad at all.

Ano ba, Renz. Sinira mo yung atmosphere kanina.

"But did you think that your dad will be happy if you smile more?"

"So ano?"

"You don't understand. I promised myself not to cry and not to smile."

"Then promise you'll not cry, but never promise that you won't smile."

She heaved and natingin sa malayo. My heart's palpitating fast when she did that thing.

"For my dad. I love you so much," she smiled.

Dugdug dugdug.

"Did you just... smile?"

"I did?"

So she smiled out of consciousness?!

"Can you do that for me again?"

Ang ganda mo. Ang ganda mo lalo kapag nakangiti ka. She reminds me of that girl.

"Not a chance."

"Sabi ko nga hindi ikaw ang first love ko."

But it doesn't matter. I saw Jen smiled for the first time and it will stuck on my mind forever.

——

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro