Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C32: The Queen Bee

Lynicole.

Flirt.

Malandi.

Walangya.

Hindi loyal.

Lalakero.

Manwhore.

Lahat na ata ng negative words sa mundo ay binintang na nila sakin. Ganyan ang buhay ko simula nang mag-enroll ako sa school na ito. Puro ganyan ang naririnig ko... araw-araw.

Pero nabago ang lahat ng yun nang dahil sa isang lalaki. Sya lang ang nag-iisang lalaki na minahal ko sa buong buhay ko. Kaso hindi nya ko napapansin. I'm just ordinary, plain, and nothing but a nobody to him, and I'm just one of his fans.

Ang layo ng agwat namin, he's famous, a heartthrob, chickboy, hot, gwapo, at captain ng basketball team.

Compared to me?

Ordinary, gusgusin pa. Wala, e, normal lang ako. Oo, sobrang simple that PLAIN is the best description to desceibe me for what I am. But... it all changed.

Naaalala ko pa nung may audition para sa next leader ng cheering squad. Sumali ako. I have no friends but I have this loyal friend of mine, si Vanessa, pero umalis sya papuntang States because of an unreasonable reason. I haven't seen here since then. At kasalanan ni Yoj kung bakit nasa state pa rin siya hanggang ngayon. Nang dahil sa walang kwentang break-up nila, naiwan ako mag-isa dito sa Claverion High.

"What's your name?" tanong ni Joy, ang leader ng cheering squad.

In short, she's the Queen Bee in the campus, ang nakapagtataka lang, NBSB sya. She's pretty and rich, yet hindi sya mahilig sa sports and anything related to P.E except for dancing.

"I'm Lynicole Perez. Lyn na lang po for short," confident kong sagot.

"I like your confidence, Lyn, pakitaan mo kami ng jawdropping dance moves," si Joy.

"Give us what you've got," yung cold na babae.

"Sure thing."

Nagsimula na nilang patugtugin yung music.

Play: I Got A Boy by SNSD

"Ayo, GG!"

Pagkatapos kong sumayaw, nakapasa ako and I was given the chance to become the new leader of the squad. Gagraduate na sila ate Joy nun at lahat nang nasa squad, umiiyak.

"Wag po muna, ate, dito na lang kayo!" sambit ni Vanessa.

"Ano ka ba, Van, graduate na sila oh, hindi mo ba kita?!" matapang na sabi ni Cheska "K-Kaya naman, w-wag na kayong umalis, oh."

Nagtapang-tapangan pa talaga tapos iiyak ka rin naman. Si Aya, kinakausap si ate Kurtressa kahit at naiiyak na rin sya.

I don't want them to graduate, I want them to stay.

Nilapitan ako ni Ate Joy.

"Goodbye, Lyn, alagaan mo ang mga members natin," nakangiti nyang sabi.

She's leaving but why is she smiling? Masaya ba sya dahil wala nang pabigat na cheering squad?

"Bakit ka nakangiti? Hindi ka ba nalulungkot, ate?"

"Nalulungkot. Kaso..." hinagod nya ang aking buhok, "Hindi lahat ng nagpapaalam mamamatay. Aalis lang kami pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na tayo magkikita. We will see each other again pagdating ng panahon. Kaya wag ka nang umiyak," pinunasan nya ang mga luha ko gamit ang kanyang panyo.

"Joy, tara na, pinapapatawag na tayo ni ma'am," tawag ni ate Kurtressa sa kanya.

She's so gentle and kind. Kita ko naman na pinunasan nilang dalawa mga luha nila. Natapos na ang iyakan. Lumipas na rin ang graduation.

Nung araw na yun, may practice kami sa squad so we decided na habang nagpapractice ay dapat kasama rin ang basketball team.

"Ready na girls?" sigaw ko.

"READY!"

They're doing the choreography and stunts, itsa doon, itsa rito, sayaw doon, sayaw dito. After ng practice, nagpaiwan ako upang panoorin ang Blue Hawks.

"Hey, for you," inabot ni Vanessa sakin yung tubig.

"Thanks, sis"

After ng 5 minute break, bumalik kami sa practice at sumali na ako. Ako yung tatalon at iitsa sa pinakataas. I always want the best part, ako ang leader, e.

"Throw!" sigaw ko matapos makita ang nagdadalawang isip nilang mukha.

Tumalon ako kaso nga lang, pumalpak dahil hindi nila natantsa ang tamang distansya. Nagkulang!

Buti at nauna naglanding ang pwet ko kaya kaya hindi masyadong masakit, paano na lang kung mukha ko ang naglanding? Sira na ang squad.

"Oh my God! Lyn, are you okay?" nag-aalalang tanong ng mga members ko.

"Y-Yeah, I'm fine," sinubukan kong tumayo kaso ang sakit ng tagiliran ko. "Sh*t."

"Need a hand?" may kung sinong lalaki ang lumapit sakin. Inangat ko yung ulo ko at nakita ang captain ng team.

"No, I can handle this."

"Come on, alam kong hindi mo kaya. Tayo na?" inabot nya ulit sakin kamay nya.

At that time, I felt something strange, so strange na kahit ako mismo ay hindi yun ma-describe.

"Thanks."

"No problem," bumalik sya sa practice nila.

Nginitian nya pa ako bago umalis.

"Sis, are you okay?" tanong ni Vanessa.

"Ah, yeah. Perfectly fine," nakangiti kong sagot.

Ang layo ba nang nilipad ko at ang tagal nila kong natulungan? Psh, di bale na SYA naman yung tumulong.

Natapos na nun ang practice at uwian na. Dumaan muna ako sa may locker para kunin ang extra blouse ko.

"Ay kalabaw!" nagulat ako dun ha.

"Kalabaw? Sa gwapo kong to?" mayabang nyang sabi.

"Well, whatever," tsaka ko sya inirapan.

"Ganyan ka ba mag-thank you?"

"Well, thank you," sarkastiko kong sambit.

Ewan, parang gusto ko syang tarayan.

"Psh, the leader of the squad is mad at me. Ganyan pala ugali ng mga Queen Bees?"

Isinara ko ang locker ko.

"Pake mo, saka wag ka ngang feeling close, pwede ba? We're not close, I don't know you," kinuha ko ang blouse at akmang aalis.

"I'm Kyn. Kyn Patricio Ramirez. Hindi mo na kailangan ipakilala ang sarili mo because I already know you," nilingon ko sya dahil sa kanyang sinabi.

He knows me?

"Stalker ba kita?"

Ang gwapo ng stalker ko.

"Give me a break, ang gwapo ko para maging ganun. Madalas kang nakukwento sakin ni Joy."

Magsasalita pa sana ako kaso may naramdaman akong malamig na hangin. Minumulto ba ako?

"Kuya, hurry up," the pale white girl said in a cold voice that sent shivers down my spine.

"I'll be there, Jen. Bye, Lyn. See you."

Tinitigan ako nung babae. Shucks! Ang iitim ng mga mata nya. Parang bumabasa ng isip. Binalewala ko na lang ang nangyari at umuwi na ng bahay. Dun na lang ako magbibihis.

-House-

Pag-uwi ko ng bahay, sinalubong ako ni mama.

"O, andyan ka na pala."

"O-Opo," aakyat na sana ako ng kwarto nang magsalita siya ulit.

"Kumain ka na kaya muna? Halika nagluto ako ng adobo."

"Wag na, Ma."

"Anak, sorry na, oh. Galit ka pa rin ba?"

Ayan na naman tayo, e. Paulit-ulit na lang.

"I told you before, ma. I will never forgive you... ever," saka ako pumasok ng kwarto. Padarag kong sinara ang pinto.

"Kainis! Kainis! Kainis!" halos humagulhol na ko habang sinasabi ko yan.

Kung hindi lang nangabit si mama, baka buhay pa si papa! Umiyak ako hanggang sa makatulog.

***

Habang pasan-pasan ko ang mundo noon, andyan palagi si Kyn para sakin kaya hindi nakapagtataka na nagkagusto ako sa kanya. Minahal ko sya hanggang ngayon.

Sya ang nagcocomfort sakin tuwing may problema sa bahay or sa squad. Masaya syang kasama, madaling mahalin, at sikat na captain. Napag-isip isip ko rin na kung hindi ako sumali sa squad, maybe I'm just a patapon and an ordinary person until now.

But one day...

"Lyn, sinagot na ako ni Jiemie!" he exclaimed as if something good happened to him.

"J-Jiemie?" pagtataka ko.

"Oo. Sya yung nililigawan ko for five months. Yes!" masaya nyang sabi sakin.

"C-Congrats, Kyn," nakangiti kong sabi.

Wala syang kinikwento sakin tungkol dun kaya nung nakita ko yung Jiemie dahil pinakilala nya ko sa kanya. It hurts more than you know because I am in love with him and this happened.

"Jiemie, this is Lyn, bestfriend ko. Lyn, this is Jiemie, my girlfriend," pakilala niya sa amin habang magkahawak ang kamay nila.

"Hi," bati ni Jiemie.

Ngiti lang ang naitugon ko sa kanya. I didn't expect that he'd introduce me as his bestfriend while that girl is his girlfriend. Even though I'm the best, she's still Kyn's girl.

"Kyn, uuwi na pala ako," mabilis akong naglakad paalis. Palayo sa kanila.

Ang bigat na ng mga mata ko. I need to get out of here before... my eyes floodied tears. Lumalabo ang paningin ko dahil sa mga luhang umaagos mula rito.

Bakit? Bakit, Kyn? Akala ko, akala ko kasi-

"Akala ko magugustuhan mo rin ako," napaluhod ako sa lupa habang humahagulhol.

Ang sakit, sobrang sakit. Hindi ko deserve na masaktan ng ganito. Umasa ba ako? Umasa ba ako na may something sa amin?

"Akala mo lang," nag-abot siya ng pulang panyo sa akin.

Alam ko na kung sino, si Vanessa at Jester. Niyakap ko kaagad si Vanessa. Napatingin si Jester sa akin, naaawa. Mahal niya ako mula pa noon, mahal na mahal. Kaso si Kyn ang gusto ko at hindi siya kaya nakalimutan ko na rin ang nararamdaman niya para sa akin.

"Jester, I'm sorry," maluha-luha kong sabi.

"It's fine, Lyn, mahal pa rin naman kita. But that guy is a jerk and you don't deserve to be treated like this!"

"Sis, I don't want to see you like this. You need to get your revenge on that bitch!" nainis siya.

"Revenge?"

"Yes. May plano ako, kaso we need Jester," napatingin kami kay Jester. "Jest, pretend na may gusto ka kay Jiemie and that plan will ruin their relationship. Kailangan natin silang paghiwalayin no matter what!"

Alam ko ang ugali ng babaeng ito, hindi sya basta-bastang nagpapatalo. She doesn't want her friends to get bullied or hurt, and ends up in the image na sila pa ang masama.

"Tahan na, Lyn. Come on, let's go home," Van pulled me away from the school.

Away from Kyn.

***

Nabalitaan ko na lang na nag-away sila Kyn and Jiemie and they end up in a status called cool off. Kaso saan ba papunta ang cool off? Sa hiwalayan lang din naman.

Nandun ako palagi sa tabi ni Kyn, halos hindi ko sya kayang iwan. Sa tuwing nakikita ko kung gaano nya kamahal si Jiemie, nasasaktan ako.

Oo, nagparebound ako. I know na isa akong malaking rebound sa buhay nya. Pero kahit ganun, umaasa pa rin ako na magugustuhan nya ako.

Naging mag-on si Vanessa at Yoj for six months, but they broke up and I didn't know why. Maybe because Vanessa will leave Philippines after this school year. They won't be able to handle LDR.

-Airport-

"Mamimiss kita, sis," mangiyak-ngiyak niyang sambit.

"Ako rin naman, eh, bakit mo ba kasi kailangang mag-aral sa States?"

"Because of dad. You know how my dad loves working."

"Bumalik ka kaagad, ha. Dapat kang bumalik, Vanessa!"

"Oo naman, basta mag-ingat ka. Wag kang magpapagamit, ayoko na makita kang umiiyak ulit dahil sa lalaking yun."

"Oo na."

Bago sya nagpaalam, may sinabi muna sya kina Aya at Cheska.

"Kayong dalawa, Aya at Cheska, lagot kayo kapag hindi nyo binantayan tong si Lyn. M-Mamimiss ko kayo!" tumakbo sya paalis habang umiiyak.

Hindi man lang nagpaalam ng maayos ang loka.

Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat ng nangyari sa akin noon. Gusto ko silang pagbayarin. I want them to suffer because it makes me happy. Gusto ko lang maghiganti!

Dahil ako.

Ako lang.

Ako lang ang nag-iisang queen bee!


***

Bumalik ako sa reyalidad nang kausapin ako ni Cheska.

"Lyn. Lyn, are you listening?"

"Y-Yeah," naglakad kami papunta sa likod ng gym.

"Hindi kaya sumobra na yung ginawa natin kay Jiemie?"

"What? What are you saying, Cheska? Ang mamon mo naman. She deserves it, that girl deserves it!" pagtataray ni Aya.

"Oo nga. Kaso umiyak sya, e. Didn't you see her cry?"

"Mas maraming luha ang naiyak ni Lyn kesa sa kanya kaya pwede ba, Cheska!"

Nanahimik si Cheska. Ang plastik talaga ni Aya. Ang bait sa iba pero ang daming bahong tinatago. Papasok na sana kami sa loob ng lumang classroom nang may tumawag sakin.

"Lyn!" nakangiti nyang sambit.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita siya. What is she doing here?

The Queen Bee is here!

--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro