C3: The Playgirl
The Playgirl
••••
Jiemie.
"ATE, BAKIT hindi ka pa umaalis?" tanong ng matalino kong kapatid sa akin.
"Mamaya pa yung party. Ano ka ba, excited ka masyadong mawala ako."
"Ganun na nga," matabang nyang sabi.
Jusko! Ang sama talaga ng kapatid ko. Kaya walang nanliligaw at nagkakagusto sa kanya.
"Umalis ka na nga bago pa magbago ang isip ko," sabi nya nang hindi nakatingin sa akin.
Kung makapagsalita naman ito. Bakit sasama ba sya sa akin? Hindi naman, e. Narealize na nya siguro na sawa na sya sa pagiging hopeless romantic.
"Bakit, sasama ka?" nakangisi kong tanong.
"Oo."
Sabi ko na nga ba.
"Edi sumama ka. Bilis magbihis ka na!" atat kong sabi. First time nyang sumama sa akin sa party. Masaya ito!
"Ayoko. Huwag na lang pala, nagbago ulit isip ko."
Tsk, ano ba yan. Nakakaasar na ha!
"Ano ka ba, kapatid. Sumama ka na dali, pag-isipan mo ulit," pamimilit ko.
Gusto ko syang sumama upang makapagrelax sya ng konti. Simula nang naging campus president ang babaeng yan, wala nang ibang alam gawin kundi ang magkulong sa Student Council Room for the past two years. Ni hindi nga gumigimik or nagshoshopping kasama ko, gaya nang ginagawa namin dati.
"Puro ka na lang trabaho sa student council," puna ko at nagsuot ng earrings.
"Ayaw ko. Ikaw na lang kasi," matigas niyang sambit.
Ayaw nya talaga, ha! Sobrang tigas talaga ng kanyang ulo. Kay papa siguro siya nagmana.
Ano pa ba ang pwede kong sabihin? Sige na, Jiemie matalino ka naman sa mga ganito hindi ba? Mag-isip ka, gumamit ka rin ng utak pag may time.
Aah, alam ko na!
Magsasalita na sana ako nang bigla naming marinig ang busina mula sa labas ng gate.
"Jiemie, anak andyan na si Jester!" sigaw ni mama mula sa kusina.
"Opo," sabay kuha sa aking sling bag.
Lumingon ako kay Jehna bago pihitin ang doorknob. May sasabihin lang ako na maaaring makapagpabago sa kanyang isip.
"Sis, pupunta rin sila Yoj at ang buong team. Malaking event iyon dahil magce-celebrate sila sa kanilang pagkapanalo kanina. Babay!" nakangisi kong sabi.
Tinalikuran ko sya agad nang may ngiting wagi sa mga labi. Kahit hindi ko nakikita, alam kong natigilan siya dun. The only thing that could change her decision is not even a thing, it's a person! And that is Yoj Aballero!
3...
2...
1...
"T-Teka, ate!" sigaw nya mula sa pinto.
"Bakit?" in a serious face with a serious tone of voice.
"I'll come with you," diretso niyang sabi.
Sabi na nga ba.
"Did you change your mind, little sis?" nakangisi kong tanong. Sorry, hindi ko na kasi matiis ang ngiti na 'to gawa ng aking katalinuhan.
"Oo, bakit ba? Hintayin niyo ako sa labas!" dali-dali syang bumalik sa kanyang kwarto upang magbihis.
Ayos ito, makakapagrelax and enjoy din sya kahit papaano. At least, she's finally enjoying.
Napatingin ako sa kotse ni Jester. Nauna na rin akong pumasok sa loob at naupo sa likuran. I'm not his girlfriend so wala akong karapatang maupo sa passenger's seat.
"Tara na?" tanong niya.
"Sasama si Jehna sa atin. Let's wait for her," sabi ko nang mapansing nakatingin siya sa salamin.
Nakita ko mula sa rear view mirror ang kanyang mga nakakapasong titig hanang nakangiti ng nakakaloko.
Tinaasan ko sya ng kilay. "What?"
"You look gorgeous today," he said in a very appealing voice.
Sinamaan ko sya ng tingin pero ngumiti rin ako kaagad. Plasticity makes it beautiful.
"And so your car is!" sarkastiko ko.
Maybe he thought na pupurihin ko rin siya dahil pinuri niya ako. Hindi no! What a bad playgirl you are, Jiemie.
"Jiemie, kailan mo ba ako sasagutin?" tanong niya.
Ayan na naman tayo!
"I told you, I don't want to. Ikaw lang naman itong habol nang habol sa akin, Jester."
"Jiemie, magmove-on ka na nga sa ex mo. May gf na iyon!" inis niya.
Aba, aba, namemersonal? Bakit ba pinamukha niya pa? Pinapamukha na nga ng mundo sa akin na iyon ang katotohanan, dadagdag pa ito!
"Ang sarap sabunutan ng mala-sea urchin mong hair, Jester. Matry nga!"
"Tsk, huwag ito. Ang tagal kong inayos ito," napahawak siya sa kanyang buhok. "So... kailan nga?"
"Bobo ka ba? I made it clear to you that you can wait forever."
Hanggang sa mamatay ka kasi wala akong balak na sagutin ka in the first place. Nasisiyahan lang ako sa atensyon na natatanggap ko mula sa aking manliligaw.
"Utak playgirl ka pa rin pala, Jiemie. Okay, maghihintay ako hanggang sa sumeryoso ka."
Hold up!
For the record, I was serious when I was in a relationship before. He's the only one who made me feel that love can be so good and destructive at the same time. He made me feel those and I did the same. He loved me, but fate played us dirty.
"Pwede ba, Jester huwag na natin iyang pag-usapan!" matigas kong sabi.
Hindi ako makakamove-on kung paulit-ulit na pinaparamdam sa akin ang kaluluwa ng nakaraan.
Hindi na siya nagsalita. Mabuti naman at natahimik na. Natagalan yata sa pagpapaganda si Jehna. Ang awkward na namin dito, e.
Speaking of the devil.
Naglakad siya palapit sa kotse namin. "Sorry natagalan. Naghanap pa ako ng masusuot, e."
"Napasobra pagpapaganda mo, sis," ngisi ko dahilan nang kanyang pamumula.
"Shut up, ate!" pumasok siya sa loob ng kotse at tumabi sa front seat.
"Tara na?" tanong ulit ni Jester.
"Okay, party na tayo!" sigaw ko, kasabay nun ang pagpaandar ni Jester sa kanyang kotse.
Bakit ba hindi ako makamove-on sa lalaking iyon? Feeling ko tuloy ginayuma nya ako pero anong gayuma ba? Gayuma sa pahirapan magmove-on ang ex ganun? Sira na ata ulo ko, pati gayuma sinisisi ko sa sarili kong katangahan. Kapag nagseryoso ba ang isang playgirl, ganito na kahirap magmove-on?
Nagseryoso naman ako, but look at what happened. I've been played by that selfish jerk! Ako pa iyong napaglaruan kahit ako dapat ang naglalaro.
"Andito na tayo,'' ani Jester.
Tumigil ako sa pag-iisip at bumalik sa reyalidad.
"Wow, ang laki! Kina Michael ba talaga ito?" namamanghang sabi ni Jehna.
Halatang first time ni sis makapunta dito. Okay lang yan, that's a proof na nagdadalaga na sya. Sistah, please get out of your comfort zone okay?
"Oo, kina Michael yan. Pasok na nga tayo," sabi ko.
Hinila ko si Jehna papasok. Iniwan na namin si Jester, marami pa syang business sa kapwa nya asungot dito. Alam nyo naman, guys these days, nagrereunion sa mga parties na mapapasukan nila... like this one.
"Teka, paano si Jester?"
"Hayaan mo na yun. Mas marami syang kaibigan rito sa party. Tara!"
Kumuha ako ng isang baso ng tequilla. Hindi ko pwedeng painumin ng alak ang kapatid ko, masyado pa syang bata para dito. But look at me, I'm built different!
"Juice ba yan? Pahingi, ate," sabi niya.
"Ang inosente mo no? Bawal ka nito, nakakalasing!" sabi ko sabay lagok.
"Tsk. Magjujuice na lang ako!" padabog siyang umalis upang kumuha ng juice.
Ako rin naman kasi nagpilit na magpunta siya rito kaya dapat lang na alagaan ko siya. Yucks! Hindi talaga bagay sa akin maging mabait na kapatid. Susundan ko sana si Jehna nang may nakita akong bruha na papalapit sa direksyon ko.
"Hey, Jiemie, nandito ka rin pala? Having fun?" sarkastiko nyang.
Napakaplastik talaga ng babaeng ito. Alam na alam ko yun kasi mukha siyang plastic wrapper.
"Of course, girl. Kailan ba ako nawala sa party?" ngumisi ako. "But you? Why are you here? Sinisira mo lang ang napakagandang gabi ko."
Halatang naasar sya sa sinabi ko kasi kitang-kita sa itsura niya yung inis. Based on how the way she looks at me, gustung-gusto niya akong sunggaban at sampalin. Mabuti na lang at dumating ang jowa niyang asungot! Kasi ako mismo ang sasampal sa kanya.
"Babe, nandito ka lang pala," malandi niyang sabi sa lalaki.
Nagkatinginan kami.
"Let's go, Lyn," ma-awtoridad niyang utos saka hinila yung babae. Umasta siya na parang hindi niya ako nakita.
Hindi pa rin pala tapos si Lyn sa pang-aasar kasi hinila niya palapit si Kyn sa kanya at hinalikan sa harapan ko pa mismo! Walang hiya siya! Ang kakapal ng mga mukha niyong dalawa. Pinapatunayan niyo lang na cheaters kayo pareho!
Nagtiim-bagang ako. Kahit si Kyn ay nagulat sa ginawa ng bruha sa kanya. Nakangisi pa rin siya. Bruha ka talaga, Lyn! Makikita mo ang hinahanap mo ngayong gabi!
"I miss you. Saan ka ba kasi galing? Let's get away from here!" dagdag pa ni bruha at napalingon sa akin.
Shit, kainis yun, ha. Tangina mo, Lyn! Sinasabi ko talaga sa 'yo!
Tsk. Kumuha ako ng tatlong tequilla sa mesa dahil sa sobrang inis. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa tuwing nakikita kong magkasama si Lyn at Kyn. Kahit sa school sila, malalandi pa rin talaga. Gusto ko tuloy maglasing and damn, I lost sight of Jehna dahil sa dalawang yun. Kainis! Kainis talaga swear. Nilibot ko ang buong paningin sa loob ng bahay. Mabuti at nakita ko siya kaagad. Hindi siya mahirap hanapin kasi hindi siya mahilig makihalubilo.
"Huwag kang kumawala sa 'kin, Jehna. Tsk, samahan na kita," pumunta kami sa malaking bowl ng punch.
Maraming inumin ang nakadisplay kaya marami kang pagpipilian. As expected from Michael Estrella, the wealthiest high schooler of all times.
"Here's your juice, little sis!"
"Ate, lasing ka ba? Ang pula na ng mga pisngi mo," tinuro nya pa iyon.
Ako, malalasing? No way!
"Hindi ako kailan man nalasing, Jehna. Puntahan natin yung DJ, sabihan natin na palitan ang music," saka ko siya inakbayan at sinama sa pwesto ni DJ Ford.
Hindi ako makarelate sa pinapatugtog niya. Wala kasing kwenta. Walang lyrics. Hindi sweet. Puro beat. Ewan. Nakakahilo. Nahihilo na ako.
"Ate, umuwi na lang kaya tayo?" si Jehna.
I shove her face when a guy in his casual black long-sleeve polo, holding a glass of red wine, approached us.
"Uuwi na kayo kaagad? The party's just getting started..." he looked at me and my sister. "Glad to have you both here. It's unusual to see you together, lalo ka na, Jehna Mendez."
Napatingin ako sa wine tapos kay Mike.
"Hi there, Jiemie and Jehna," bati niya at ibinaling ang tingin sa kapatid ko.
"She's not into you, Mike. Get yourself some other girls!"
Maloko rin naman itong si Michael. Napaka chick magnet, dimples lang ang panlaban nyan pero ang dami ng natatari at natatali. Isa na ako ro'n... noon!
"Pinilit ko syang sumama, Mike kaya iyan andito. Can we change the music? Ang panget, e!" utas ko.
"Jiemie, are you drunk?" tanong niya habang pinag-aaralan ang mukha ko.
Pati ba naman ikaw, Michael?
"No I'm not. I'm perfectly fine! Jehna, please tell that damn DJ to change the music!"
"A-Ate, umuwi na nga muna tayo," hinawakan niya ako sa balikat. "Ate 'wag nang matigas ang ulo, please!"
"Jehna, ano ba? Tsk, bitawan mo nga ako!" winakli ko ang kanyang kamay na nakapatong sa balikat ko at pinuntahan yung DJ.
"Kuya, ang panget-panget mo!" I shouted.
"Huh?"
"I mean, ang panget-panget ng music mo! Palitan mo nga, please!" sigaw ko sa kanya kahit medyo nakakaramdam na ako ng konting hilo.
"I can't, Miss. Magagalit si sir Mike sa akin."
"Ako ang bahala sa 'yo, kuya!"
Umakyat ako sa pod at itinulak si DJ Ford mula sa kanyang upuan. Napaaray siya at mabilis na tumayo. Nagpipindot-pindot lang ako dito sa station. Ano ba ito, bakit ang daming pindutan? Pinipindot ko lang yung mga colorful buttons at napakaraming volumes.
"Agh. Bahala na nga, kahit ano na lang!"
Aksidente kong napindot ang isang button at naglabas yun ng pang-slowdance na kanta.
[Thousand Years by Cristina Perri]
Damn it! Bakit theme song pa namin ni Kyn yung napili? Random na random na pagpindot ko, e!
Napansin nila ang pagbabago ng tugtog. Tinitigan nila ako mula dito sa station na nakatayo at naninigas. Nakita ko na magkasama si Kyn at Lyn habang masayang nagtatawanan sa isa't-isa.
Ouch naman!
I came to party and enjoy, not to suffer the pain of being single. Habang pinapanood ko sila, mas lalo lang akong nasasaktan kaya ibinaling ko ang aking atensyon sa mga taong nakatitig sa 'kin.
Wag nga kayong tumingin-tingin diyan, gusto nyo rin naman itong kanta!
"Ate, get down from there. Umuwi na tayo," sigaw ni Jehna.
"Jehna, halika at samahan mo ako rito!"
"Ate, tinitignan ka na ng ibang tao, oh! Bumaba ka na riyan! Nakakahiya ka!"
She's been saying hurtful words to me, nasanay na ako roon pero bakit ganiti ang epekto ng mga salita niya ngayon? Is it because of the pain that is already here in my heart?
Kahiya-hiya ba talaga ako? Dapat sila ang mahiya kasi ang kakapal ng pagmumukha nilang pagtulungan at saktan ako. Hindi ba?! Ganun yun, e. Ganun yun!
Nilapitan ako ni Michael at hinawakan sa pulso. "Let's get you home, Jiemie. You're freaking drunk. Where the hell is Jester anyway?"
Kasama nga pala namin si Jester. Baka lumalandi na naman yun sa sulok. Inalalayan ako ni Michael sa pagbaba. I couldn't take my eyes off Kyn's silhouette. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang sakit at masasayang alaala noong kami pa.
Shit... Jiemie, you're so pathetic.
"Mike, bitiwan mo na ako," mahinahon kong sambit ko na kaagad niya namang sinunod.
"I hope you're calm now, Jiemie. Tatawagan ko muna si Jester nang mahatid niya kayo," dagdag nya.
"Do whatever you want, Mike."
Pagkasabing-pagkasabi ko nun ay agad akong tumakbo palabas. Bahala na si Batman sa mga taong nakakakita sa kahihiyan ko ngayon. Wala na akong pake sa kanila. Unti-unting tumulo ang luha ko dahil sa galit, inis, at tampo. Pati na rin siguro selos, nakakainis rin pala minsan ang halo-halong emosyon na nararamdaman mo.
"Ate! Ate!" rinig kong sigaw ni Jehna pero hindi ko lang pinansin.
I'm sorry, Jehna. This is supposed to be your happy day. I'm so sorry 'cause I ruined it for you. I just want to cry and cry until my eyes dry out. Nakalabas ako dun sa party hall. Pumunta muna ako sa garden. Malaki ang bahay nila Michael kaya may garden at swimming pool sa labas. Mas maganda naman dito kumpara sa loob. Why didn't he host the party here?
Huminga ako ng malalim bago sumigaw. "Tangina nyooo! Bwiset kayo! I hate you so much. I hate you so much!"
Sana walang makarinig, baka isipin nila na nababaliw ako. Oo, baliw nga... baliw sa pag-ibig.
'I hate you, Kyn. I hate you and your witch looking girlfriend. Traydor kayong dalawa'
"Go to hell! Magsama-sama kayong lahat!" hagulhol ko.
Ang sakit. Sobrang sakit. Gusto kong magpakalunod sa alak upang kalimutan ang nangyari noon. Upang kalimutan ang nangyari kanina at para makalimutan ang lahat.
"Ugh, ang ingay," someone groaned near me. "Will you please shut up?"
May natutulog pala sa gilid ko. Hindi ko man lang siya napansin dahil sa itim niyang suot. Madilim din kasi rito sa garden, kokonti lang ang ilaw na nakatirik.
"I-I'm so sorry, miss. I didn't know someone is here."
"How pathetic. I bet you're crying because of a guy. Mas mabuti pang itulog mo na lang yan," malamig niyang sambit.
Hindi siya mukhang galit, hindi rin sya mukhang naiinis, ang lamig pa ng kanyang boses saka napakablanko ng mga tingin niya sa akin.
"What's your name?" I asked.
Parang nakita ko na sya dati sa school.
"Invited ka ba sa party ni Michael?" tanong ko ulit at baka sakaling sagutin niya ako.
"Yeah, Michael's my friend. Ayoko lang doon sa loob. Ang ingay saka amoy alak," bumangon siya at naglakad palayo.
"Teka, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, miss. Ano ang pangalan mo?"
She gave me the courtesy of looking back without making a good impression. The small ray of moonlight hit her face dahilan upang makita ko ng malinaw ang kanyang mukha.
It's her... I saw her before but I can't remember when.
"It's a secret," malamig nyang sagot.
"Hoy, Yelo! Asan ka na ba? Hello?" pagtawag ng lalaki sa kanya. I think he is looking for that girl.
Binalikan ko ng tingin yung babae kaso bigla siyang nawala sa paningin ko. Saan na napunta yun? Kanina lang andyan sya sa mabulaklak na parte, nakatayo. Nakakatakot naman. Nilapitan ako ng lalaking nakapolo. Hindi ko talaga maaninag ang pagmumukha niya pero alam ko na pogi siya.
"Excuse me, miss. Have you seen a pale white girl in a black dress?"
Based on his description, it looks like he's trying to find a white lady.
"She was here a while ago. Kaso bigla siyang nawala. Parang tumakbo sya sa direksyon na yun," turo ko roon sa may swimming pool.
"My goodness! That ice princess will definitely get what she wants," he glanced at me and said thank you before leaving.
Is that Renz? Ang gwapo niya pala talaga sa malapitan, no? Kaya pala maraming nagkakagusto sa kanya. Ngayon ko lang kasi naaninag ang kanyang mukha nang matamaan ito ng konting liwanag.
"Ang tanga niya talaga," bulong ng isang malamig na boses sa aking likuran.
"Putang-" muntikan nang lumabas ang kaluluwa ko dahil sa gulat. Andito lang pala siya sa likuran nagtatago. "Oy, hinahanap ka ni Renz."
"You know him?"
"Lahat ng babae kilala siya. Sa gwapo niyang yan?"
"You girls have low standards. Hindi ako magpapahanap."
It seems like she's treating this one as a game of hide and seek. Hindi nakikipaglaro si Renz kasi nag-aalala na yun ngayon. Pawis na pawis na yun kahahanap.
"Oy, ano nga ang pangalan mo?"
"You don't need to know. Ang tanga talaga," naglakad siya sa pwesto kung nasaan si Renz.
Akala ko itutulak niya ito sa swimming pool pero binatukan lang siya nito ng pagkalakas-lakas. Ito namang si Renz, nagkamot lang ng ulo! They look so cute together.
'Hi, baby blue'
Naaalala ko ulit. Yung kiss sa harapan ko. Shit talaga ang sakit, e! Iiyak na naman ba ako nito?
"Heto," may nagbigay ng panyo sa 'kin.
Nag-angat ako ng tingin at nakita si Jester.
"Kanina pa kita hinahanap," kalmado niyang sambit at naupo sa tabi ko.
"How did you know I'm here?"
"I just... know."
"Uuwi na ba tayo, Jester?" tanong ko at tinanggap ang panyo mula sa kanyang kamay. "Nasaan nga pala si Jehna?"
"Nasa kotse na. She's worried about you and she said she's sorry about what she said to you," he leaned his shoulders against the bench.
"I'm sorry, Jester. Hindi ko sinasadya ang nangyari kanina. My emotions are unbearable!" my hand was creasing the handkerchief.
"It's okay, Jiemie. We all go through tough times like this," he sighed and stared at me. "Uuwi tayo kapag kalmado ka na. I was so worried about you."
"And, I'm sorry for cleaning up my mess every single time. I realized that you're always taking care of me," I cried... again.
"It's what friends do, Jiemie," he dried my tears using the handkerchief. "Let's dry your tears before we go home. I don't want tita to think na pinabayaan kita sa party."
Every single damn time, Jiemie. Jester is always there! Humagulhol ulit ako. Bakit mo ba kasi iyon sinabi, Jester?
Ayoko nang umiyak pa. Nakakasawa na! Gusto ko ring umiyak si Kyn nang dahil sa akin at gagawin ko ang lahat para mangyari yun.
--
Vote, share, and comment.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro