Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C29: Jen is Missing

Jen is Missing

●●●

Renz's Point of View.

Naglalakad ako papuntang classroom ngayon para sana kunin ang mga naiwang gamit. Wala ako sa sarili ko ngayon kaya kung ano-anong lakad ang ginawa ko. Kulang na lang magdala ako ng sako tsaka magsipa ng lata. Aish ano ba yan, hindi ako baliw!

Pagkatapos kong kunin ang mga gamit pumunta ako ng locker room tsaka dun nilagay ang mga libro. Sinarado ko rin agad, naalala ko na naman yung una naming pagkikita.

Ay shete bakit ko ba yun naaalala, ha? Erase, erase.

Deal lang naman yun. wala yun, wala lang yun para sa kanya. Ganun din dapat sa akin, hindi dapat ako seryoso. Nagreklamo pa nga ako kasi ganun yung deal diba? Kaso...

"Kainis, kainis ka talaga, Jen!" Hindi ko namalayan sinusuntok ko na pala yung pader.

"Hoy, kawawa yung pader!" sambit ng isang pamilyar na boses.

Lumingon ako sa gilid at nakita ang ex-fling ko.

"Cheska?"

Why the fuck is she here?

"Ha? No, I'm not her. I'm her twin sister. My name's Cheasty," she glanced at my fist. "Saka, bakit mo sinusuntok yung pader? It didn't do anything to you."

Mas naaawa pa siya sa pader kesa sa akin. Napatingin ako sa kamao ko.

"Babae ba yan?"

"Ha? Hindi ah!" inis kong sagot. I'll deny it 'cause the last time I punched walls was because of a girl.

"Ikaw siguro iyong Casanova na sinasabi ng kapatid ko. Haha. I know you by your name. But now, I've seen your face, gwapo ka pala talaga. No wonder she's crazy in love with you," daldal niya.

"Casanova?" I smirked. "That's in the damn past."

Naglakad ako palayo sa babaeng madadal. I never hated nosy girls before. Maybe because, I got used to Jen's quiteness. Ang pinakapiping karakter sa balat ng Wattpad.

"Bye, Mr. Casanova ingat ka pauwi. Makakamove-on ka rin sa tamang panahon. Gwapo ka naman, e."

Putangina! Nakakabadtrip, nang-aasar ba sya sakin? Dahil kung oo, effective. Pumasok ako sa kotse at pinaandar ito. Hindi ako kagaya nila Kurt at nang iba na naglalasing kapag brokenhearted. Nambababae lang ako ng konti.

Promise! Konti lang talaga.

I parked my car and went inside J BAR. May VIP card ako kaya ayos lang.

"Andyan ba si Jester?" tanong ko sa bouncer.

"Wala po si sir Jester. May client na inaatupag."

At dahil wala si Jester, umalis na ako dun. Wala akong mapagkwekwentuhan sa problema ko. Umuwi na lang ako ng bahay nang may makita akong babae na nakasandal sa kanyang kotse. Tiningnan ko sya ng maayos.

"Jhanessa, what are you doing here?" sabay sara sa kotse.

"Hindi pa nakakauwi si Jen sa bahay nila. Alam mo ba kung asan sya?" nag-aalala niyang tanong.

Iniwan niya ako sa rooftop kanina. Akala ko, nauna na siyang umuwi sakin.

"H-Hindi. Did you try to call her?"

"Oo. Pati yung iba, sila Jiemie, Jam, Jhanny, Jehna, sila Kurt, Yoj, Michael... kaso wala. Hindi raw nila nakita o alam kung asan," mangiyak-ngiyak niyang sabi. "Sabay sana kaming uuwi ngayon, e kaso natagalan ako ng konti. Baka galit yun. I don't know what to do. Madalas lang siyang maghintay sa parking lot. Hindi siya sumipot, e, kaya hinahanap na namin si Jen ngayon."

My body automatically moved and went to the place I think she went. Sana naman andun siya.

"Oy, Renz san ka pupunta? Hindi mo ba kami tutulungan sa paghahanap? Hindi mo ba siya hahanapin?"

"Nahanap ko na sya!" sagot ko at mabilis na pinaandar ang kotse.

Tinawagan ko si Jen pero hindi sya sumasagot o ayaw niya lang na sagutin. Huwag mo naman kaming pag-alalahin ng ganito, Yelo. Pinarada ko ang sasakyan sa gilid at nakita syang nakaupo sa swing. Tama nga ang hinala ko, nandito siya sa playground ng kinder school.

Ganito rin ang naging una naming pagkikita sa isa't-isa.







Jennifer's Point of View.

Kanina pa nagvivibrate itong phone ko. Alam ko naman kung sino iyang mga tumatawag dahil memorize ko ang mga nasa contacts. Ayoko munang sagutin ang tawag at mensahe nila. I just want to be alone for now.

Umupo ako sa swing. I wanna cry but I can't. Ganun katigas ang mga mata ko. Simula nang mamatay si dad, ang biological father ko, hindi na ako ngumingiti, naging cold ako. At nung nagkaroon ako ng stepfather, hindi ko rin maramdaman dahil puro pambabae ang kanyang inaatupag. Oo, hindi nya ako kinahiya, pero gusto ko siyang suntukin sa mukha.

'Bakit ba kasi siya pa ang nagustuhan ni mommy? Tarantado siya, pasalamat siya at hindi alam ni mommy ang pinagagagawa niya!'

Dahil ako, kitang-kita ko kung anong kataksilan at kababuyan ang ginawa ng stepdad ko sa mga babae niya at sa isang bar pa talaga, ha? Nakita nya rin ako dun pero wala siyang pake at patuloy sa paglandi.

Nagsmirk sya sa 'kin ng mga panahong yun at nag 'ssshh' sign lang. Sira pala siya, pero sa tuwing nalalaman ko kung gaano kasaya si mommy habang kasama ang gagong yun, hindi ko kayang sabihin ang mga nakita ko.

I feel pity for her.

"Andito ka nga. I knew it," narinig kong sambi ng pamilyar na boses dahil nakakairita siya.

"Why did you run off? They're all worried about you," naupo siya sa katabi kong swing.

Paano niya ako nagagawang kausapin matapos ko yung gawin sa kanya? Matapos kong hindi sagutin ang mga tawag nila, kaswal pa rin siya. Hindi ako nagsalita. Bigla kasing kumulo ang dugo ko dahil sa mukha niya.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"You're even asking me that? Hinahanap ka na nila. Nag-aalala na rin si Jhanessa kaya iuuwi na kita," aniya na para bang wala lang.

"Galit ka ba?" nakatingin lang ako lupa.

"Hindi," tipid nyang sagot.

SINUNGALING! Halatang galit sya. Boses nya pa lang!

"Sinungaling," bulong ko.

"Hindi nga. Kaya tara na."

"Tsk! Leave me alone please!"

"Jen! Ang tigas ng ulo mo, nag-aalala na sila sa'yo!"

"Leave!"

"No, I won't!"

"I said leave me alone!"

"Spoiled ka rin e no?" bigla nyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at hinarap sa kanya.

Ngayon, nagtititigan na kami sa mata ng isa't-isa. "I'm not mad okay?" mas nakikita ko sa kanyang itsura ang pag-aalala.

"S-Sorry," mahina kong tugon.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman pero nagulat sya sa inasal ko.

"Hindi ako galit kaso hindi rin ako masaya nang sabihin mo iyon. I'm not happy na hindi na kita sinusunod, hindi ako masaya kasi hindi na kita makakasama pa, hindi ako masaya kasi wala ng tatawag sa 'king tanga, di na ko masaya kapag walang timer at utos galing sayo. At higit sa lahat..." tiningnan nya ako ng sobrang seryoso. "I'm not happy without you! I want to be with you, Jen."

Tumayo ako tsaka sya hinarap. I don't know what to say and how to react because he sounds so amazing.

Pero isa lang ang alam ko.

Nilapitan ko sya habang dahan-dahang pinupulupot sa kanyang leegan ang aking kamay.

"Thank you," sabay yakap sa kanya.

Hindi ko alam ang nangyari, automatic na gumalaw ang katawan ko. Gusto ko syang yakapin.

Nagulat sya sa inasal ko pero syempre ganun din ako no! Sino bang hindi? Di ko na alam ang pinaggagawa ko, I have no idea.

"You're welcome," hindi ko nakikita pero alam kong nakangiti sya sa mga oras na 'to.

'Ang saya ko lang kasi may Tanga akong kilala'

Hinatid ako ni Renz pauwi ng bahay. Pinapasok ko sya sa loob at bumungad sa aming dalawa ang sermon ni mommy dahil sa kanyang sobrang pag-aalala.

"Mom, asan si kuya?"

"Hinahanap ka, teka tawagan ko mu- oh. Ayan na pala," napatingin sya sa likuran namin.

Si kuya, nag-aalala. Sinamaan nya ako ng tingin nang makita ako.

"Anak ng- ano ka ba, Yelo pinag-alala mo kami!" tsaka nya ako niyakap ng mahigpit.

Ang sweet talaga ng kuya ko.

"Sa'n ka ba galing ha?" napatingin sya kay Renz, "ikaw! Ikaw, Renz pinagkatiwalaan kita tapos itatanan mo ang kapatid ko? Gag* ka!"

"Hoy ano ka ba! Si Renz itatanan si Jen? Ok ka lang, Kyn? Inutusan ko si Renz na hanapin si insan, pasalamat nga tayo kasi nahanap!" singit ni Assej sa usapan, saka niya kinindatan si Renz.

Siraulo ata itong pinsan ko. Niyakap ako ni Assej bago bumulong sa tenga ko.

"Don't you dare make us feel like this again. Okay?" tsaka sya ngumiti. "Kainis ka!"

"Magpapahinga na po ako." paalam ko sa kanila.

"Good night," ngumiti si Renz.

Halos lumuwa ako ng rainbow dahil sa sinabi nya. Isang finishing blow ata yun para sa araw ko. Umakyat ako ng mabilis papunta sa taas, kasing bilis ng tibok ng puso ko ang pag-akyat ko. Agad akong humiga sa kama at tinitigan ang kisame.

Deadline na ba ito?

——

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro